Gift of Earth (Book 4 of Fate...

By Shane_Rose

21.5K 2K 615

Book 4 of Fate of Darkeness I'm lost in time. Literally. Dahil sa paglaban sa mga kalaban ay napahiwalay ak... More

A. N
Chapter 1: Dimension
Chapter 2: Gift of Earth
Chapter 3: Source
Chapter 4: Consequences
Chapter 6: Possibilities
Chapter 7: Naiad
Chapter 8: Change
Chapter 9: Past, Present and Future
Chapter 10: Journey
Chapter 11: Failure
Chapter 12: Eerie
Chapter 13: Tears
Chapter 14: Aestryd
Chapter 15: Twins
Chapter 16: Caladrius
Chapter 17: Cure
Chapter 18: Head Elites
Chapter 19: Lotus Fire
Chapter 20: Soul Whisperer
Chapter 21: Request
Chapter 22: Invasion
Chapter 23: Key
Special Chapter

Chapter 5: Cursed

553 78 19
By Shane_Rose

*Karen's POV*

Matapos naming makita si Laira ay agad nya kaming sinamahan sa silid na nasa kanang bahagi ng bahay.

May malasedang tela ding nakaharang sa pinto niyon at ng makapasok kami ay nakita namin ang isang silid na may malaki at pabilog na mesa sa gitna. Marami ding upuang nakapalibot doon. May ibat ibang desenyo din sa sandalan at halatang pinaglaan talaga ng husto ng oras at tiyaga ng sinumang naglilok niyon.

Umupo sa magkatabing silya si Iliyah at Laira. Magkahawak pa din ang mga kamay nila at bahagyang naluluha pa din ang huli.

Inanyayahan man nilang kaming umupo nila Lionel sa nalalabing silya ay mas pinili naming tumayo di kalayuan sa kanila.

Alam ko din kasi na hindi ako mapipirmi sa pagkakaupo. Lalo na at malakas ang pagkabog ng dibdib ko. Para kong kinakabahan at... Natatakot sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan.

Ng magsimulang magkwento si Laira ay mataman akong nakinig sa bawat salita niya.

Ayon sa kanya, nagsimula silang salakayin ng mga hindi kilalang tao ilang buwan na ang nakakaraan. Noong una ay maliliit na problema lang ang dinudulot ng mga ito. Gaya ng pagsira sa mga patibong nila sa gubat na syang ginagamit nila sa pangangaso.

Pero di nagtagal ay lumala iyon ng lumala at nagsimula nilang guluhin ang tribo. May pagkakataon din na nagawa nilang magsimula ng apoy sa mga kabahayan. At ang pinakamatindi ay ang pagdukot sa ilang kababaihan at bata.

Halos sumikip ang dibdib ko sa awa kay Laira, habang lumuluhang nagsasalaysay ng mga nangyayari.

"Alam mo ba kung saan nila dinala ang mga taong dinukot nila?" Narinig kong tanong ni Iliyah.

Tumango si Laira. "Nagawa naming mahanap sila pero.... P-pero... " sandaling napatigil ang babaylan at nakita ko ang pagpipigil niyang umiyak. Huminga din muna siya ng malalim bago nagpatuloy. "Pero huli na. Lahat sila nakapitan na ng sumpa."

Halos lahat kami napakunot ang noo sa sinabi niya.

"Ano ang sumpang tinutukoy mo?" Pagsasatinig ni Iliyah sa tanong naming lahat.

Muling huminga ng malalim si Laira at nakita ko ng patatagin niya ang loob niya.

"Mas mabuting ipakita ko nalang sa inyo." Sabi niya at tumayo.

Tumayo din si Iliyah at sumunod kay Laira ng maglakad siya palabas ng silid.

Agad kaming sumunod sa likuran nila. Dinaanan namin ang malaking silid kanina at muling tinahak kung saan kami nanggaling.

Lumabas kami sa tila malawak na balkonahe ng bahay at nakita ko ng tumigil ang dalawang babaylan sa dulo ng sahig.

Napatigil din kami nila Lionel. Pero maya maya lang ay nakita kong naglabas ng mapusyaew na berdeng liwanag si Laira. Flare.

Kasabay nun ang paglakas ng ihip ng hangin sa paligid namin at ang pagdampi ng pamilyar na kapangyarihan sa akin.

At kahit inaasahan ko na ang mangyayari ay hindi ko pa din mapigilang magulat ng umangat ang sarili ko sa sahig gaya din ng mga kasamahan ko.

Nakita kong kumilos si Laira at tumalon pababa. At parang may lubid na nakakapit sa amin ng kumilos din ang hangin na nakapalibot sa amin at sinundan ang Source nito.

Halos mapasigaw ako ng bumulusok kami pababa at sandaling binalot ng kaba at panic ang loob ko. Pero nakita ko ng magiba ng direksyon si Laira. At gaya kanina ay muli kaming sumunod sa kanya.

Medyo mabilis ang kilos namin sa ere. At halos mapapikit ako dahil sa may kalakasang hampas ng hangin sa mukha ko.

Para kaming ibon na malayang lumilipad sa himpapawid at hindi ko mapigilang mangiti ng kumilos kami para iwasan ang mga punong nakaharang sa amin.

Nilampasan namin ang mga kabahayan sa ibaba hanggang sa marating namin ang dulo ng tribo. Matataas din ang kahoy na harang na nandun pero madali namin yung nalampasan gamit ang hangin ni Lairah.

Naramdaman kong bumagal ang paglipad namin hanggang sa huminto kaming lahat sa ere.

Napatingin ako sa ibaba at parang lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ang bangin sa ibaba namin.

Nilingon ko ang pinanggalingan namin at nakita ang harang ng tribo nila. Malapit lang pala sa bangin ang hanggannan nila. At nangangalit na alon na ang nasa ibaba.

Huli na ng makita kong muling kumilos si Laira at hindi ko naihanda ang sarili ko ng muli kaming bumulusok pababa. Mas matindi pa sa roller coaster ang nararamdaman ko at para kong literal na tumalon mula sa eroplano ng walang parachute.

Gusto ko mang sumigaw ay parang nanuyo naman ang lalamunan ko sa lamig ng hanging sumasalubong sa amin.

Kung gaano kami kabilis na lumipad pababa ay ganun din kami kabilis tumigil. Hindi ko alam ang nangyari basta naramdaman ko nalang na sumayad ang mga paa ko sa matigas na sahig.

At ng mawala ng tuluyan ang hanging pumapaikot sa amin ay saka bumigay ang tuhod ko.

Mapapaluhod na sana ko kung hindi lang naging maagap si Lionel at hinila ako sa braso patayo.

Napatingala ako sa kanya at nakita ko ng napangiti siya sa nakikitang reaksyon sa mukha ko.

"Masasanay ka din kapag nagtagal tayo dito." Sabi niya sa akin.

"Baka pwede namang dahan dahanin. Para kong aatakihin." Pabulong nasabi ko.

Nakita ko ng mawala ang ngiti niya ng tumingin sa harap namin. Hindi rin sya agad nagsalita bagkus ay hinila ako papasok sa tila kuwebang kinalalagyan namin.

Hindi ko napansin na nagpatuloy na sila Iliyah sa loob.

"Mukhang mahalaga ang ipapakita ni Laira kaya ganun nalang ang pagmamadali niya. " sabi niya.

Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya. Nakalimutan ko ang problemang iniisip ng babaylan at hindi ko pa maalala kung hindi sa sinabi ni Lionel.

Natahimik kami pareho habang sumusunod sa kanila. Mabato ang sahig ng kuweba. Basa din iyon at madulas kaya kinakailangan pa naming humawak sa malalaking bato at sa dingding para hindi madulas at mahulog.

Dinig ko din ang malalakas na alon sa bunganga ng kuweba. At habang palayo kami ng palayo doon ay unti unti ring nawawala ang liwanag.

Pero di nagtagal ay nakakita kami ng mga nakasinding sulo sa dingding. Lalo akong nacurious ng tila palayo kami ng palayo mula sa labasan.

Ilang sandali rin bago namin narating ang patag na sahig ng kuweba. At ilang paglalakad pa ay saka ako nakarinig ng mga boses. Ganun din ng mga pagkilos.

Medyo kinabahan lang ako ng marinig ang ilang daing at pagiyak ng ilan.

At ng kumanan kami ay saka tumambad sa amin ang isang malaking silid.

Puno ng silo ang gilid ng kweba at malinaw naming nakikita ang napakaraming tao na nakahiga sa sahig.

Mga makakapal na tela lang ang sapin nila at ang pakiramdam ko ay para kong pumasok sa silid na dinapuan ng isang epidemya.

Hindi bababa sa trenta ang nakikita kong nakaratay sa sahig. Karamihan ay kababaihan at bata.

Pare pareho kaming natulos sa kinatatayuan namin habang nakatingin sa kanila.

Ang ilan ay pabaling baling sa kinahihigaan na waring nasasaktan. Habang ang iba ay may tapal sa noo na maliliit at basang tela.

May ilang tao din na nagpapalakad lakad sa silid at sa hula ko ay mga manggagamot sila base na din sa pagaalaga at pagaasikaso nila sa may mga sakit.

Nakita kong lumapit si Laira sa isa sa kanila at nakipagusap. Nang lumapit si Iliyah ay saka ko lang nagawang pakilusin ang katawan ko at sumunod sa kanila.

Binalot ng matinding awa ang puso ko at halos maluha ako ng makita ang paghihirap sa mukha ng may mga sakit. Lalo na ng mga bata.

Parang nanlamig din ang buong katawan ko at parang may kung ano akong nararamdaman sa paligid ko.

Nanayo ang mga balahibo ko at sa kinalito ko ay parang may kung anong nagigising sa loob ko.

"Sila ang mga nagawa naming iligtas. Pero.... " sabi ni Laira at iminuwestra ang mga katribo nyang nakaratay. "...lahat sila dinapuan na ng sumpa. At wala kaming magawa para mapagaling ni isa sa kanila."

Lalong lumakas ang nararamdaman ko at bago ko pa mapag-isipan ang ginagawa ko ay kusang humakbang ang mga paa ko sa batang mas malapit sa akin.

Tumigil ako sa gilid nya at tiningnan ang nakaratay na katawan niya. Mabilis ang paghinga niya at bakas ang sakit sa mukha niya. Bahagya ding nanginginig ang katawan nya kahit pa may makapal ng tela na nakabalot sa kanya.

I crouched beside him. At naramdaman kong lalong lumamig ang katawan ko.

Ganun nalang ang pagkabog ng puso ko ng marealise ko ang nangyayari sa akin.

May nahagip ang mga mata ko sa ilalim ng telang nasa noo ng bata. Ikinilos ko ang kamay ko at hinawakan iyon. At parang may gumapang na yelo mula sa mga daliri ko papunta sa kamay ko.

"Karen?" Narinig kong tawag sa akin ni Lionel. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit niya. Pero bago pa nya ko mahawakan at mailayo sa bata ay saka ko inalis ang telang nasa noo nito.

At ganun nalang ang pagtigil ng paghinga ko ng makita ang malabanging at maiitim na tila ugat sa noo ng bata.

Napauwang ang labi ko at halos mapaupo ako sa gulat.

Maging si Lionel natigilan ng makita ang mga iyon.

Tila may buhay ang mga ugat na yon at bahagyang nagliliwanag.

Tiningnan ko ang ilan sa mga nakaratay at naramdaman ko na halos ilan sa kanila ay elemental. Earth User gaya ko.

Maang na muli akong tumingin sa bata at ang itim na ugat sa noo niya."N-nether." Nanginginig ang boses na sabi ko.

"Anong sinabi mo?" Narinig kong tanong ni Laira.

Nang balingan ko siya ay saka ko nakita na nasa akin na pala ang atensyon nila. Maging ang ilang manggamot ay nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

Napalunok ako at nagmamadaling tumayo. Nakita kong tutulungan sana ako ni Lionel pero iniwasan ko ang kamay niya. Hindi ko rin magawang tumingin ng diretso kela Iliyah.

"Alam mo ba ang tungkol sa sumpang ito Karen?" Tanong ni Iliyah sa akin.

Kinakabahang tumingin ako sa kanila at halos madurog ang puso ko ng makita ko ang pagbuhay ng pag-asa sa mga mata ni Laira.

Hindi pwede. Hindi ako pwedeng makialam.

Sabi ko sa sarili ko at iniwas ang tingin sa kanila. Naikuyom ko din ang mga kamay ko sa nagtatalong emosyon sa puso ko.

Gusto kong tumulong... Pero.... Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa hinaharap dahil sa magiging pasya ko.

Hindi ko namalayang lumapit sa akin si Laira at halos mapaigtad ako ng hawakan nya ang mga kamay ko.

Hindi ko din maiwasang mapatingin sa mga mata niya.

"Pakiusap... Kung may nalalaman ka ay sabihin mo. Tulungan mo komg iligtas ang mga katribo ko." Halos pagmamakaawa niya.

Mabigat ang loob na binawe ko ang mga kamay ko sa kanya at umiling.

"Karen... " tawag sa akin ni Iliyah.

Hirap na tumingin naman ako sa kanya. "Alam mong hindi pwede." Nahihirapang sabi ko.

Sandali nya kong pinakatitigan bago nakakaunawang tumango. "Nauunawaan ko."

"Ang alin?" Naguguluhang tanong ni Laira. Nagpabalik balik ang tiningin niya sa amin ni Iliyah. "Iliyah.... "

Nahinto siya sa pagsasalita ng marinig namin ang malakas na pagsigaw.

Lahat kami bumaling doon at nakita kong mabilis tumakbo ang mga mangagamot sa pinanggalingan ng ingay.

Maging kami napatakbo pasunod sa kanila.

Sa dulo ng kweba ay may nakahigang isang batang lalaki. Siya ang malakas na sumisigaw at halos mamiliit na siya sa sakit.

Mabilis siyang dinaluhan nila Laira. Habang napatigil naman kami nila Iliyah.

Nakita ko ang pagsisikap nila Laira na tulungan ang bata. Ang ilan sa mangagamot ay Water User base sa asul na liwanag na lumalabas sa katawan nila. Marahil ay sinusubukan nilang bigyan ng lakas ang bata at hawiin ang sakit na nararamdaman nito. Pero alam ko na kahit anong gawin nila ay hindi iyon eepekto.

Hindi sapat ang lakas nila para matalo ang kapangyarihang kinakalaban nila. Kukunin lang ng Nether ang lakas nila.

"A-ang sakit p-po.... " naiiyak na sabi ng bata at halos madurog ang puso ko sa naririnig kong pagdurusa nya. "T-tama... N-na po...."

Hindi ko maatim na tingnan siya at ng ibaling ko sa iba ang tingin ko ay naramdaman kong tumulo ang mga luha ko.

"Shhh.... Magiging maayos din ang lahat." Pag-aalo ni Laira sa bata. Narinig ko din ang panginginig ng boses nya na parang pinipigilan nya lang ang maiyak.

Ilang beses pa nagmakaawa ang bata habang umiiyak hanggang sa tila humina iyon ng humina.

At ng muli ko siyang tingnan ay nakita ko ang pagpikit ng mga mata niya. Kasunod ng pagbagsak ng katawan niyang yakap na ni Laira.

Naitakip ko sa bibig ko ang kamay ko at hindi ko napigil ang pagiyak ko. Maging si Iliyah ay napaluhod na lumuluha habang naghihinagpis na umiiyak si Lairah.

Hindi ko na rin nakitang tumaas baba ang dibdib ng bata, tanda ng pagpanaw nito.

"I-i'm sorry.... " umiiyak na paghingi ko ng tawad at saka tumalikod at tumakbo palayo sa kanila.

Parang sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga sa bigat ng nararamdaman ko.

Nasa kalagitnaan palang ata ako ng kweba ng hindi na kinaya ng katawan ko at napaluhod ako. Pagkatapos ay hinayaan kong bumuhos ang luha ko. Ang awa, ang guilt, ang galit... Lahat ng yun hinayaan kong kumawala. Hindi ko rin napigilang sumigaw. Pero hindi nun naibsan ang bigat ng loob ko.

Bakit? Bakit ako pa! Bakit kailangan kong masaksihan ito! Bakit ko kailangang pagdaan to?

Sigaw ko sa loob ng isip ko. Naitakip ko sa mukha ko ang dalawang kamay ko at mag-isang umiyak at nagluksa sa pagkawala ng buhay ng isang inosenteng bata.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nantili sa posisyon ko. Halos naubos na din ang mga luha ko. Pero nanatili pa rin ang bigat sa dibdib ko.

Ng kumalma na ko ay saka ako tumayo. Pinalis ko din ang mga luha sa pisngi ko at tiningnan ang pinanggalingan ko.

Nakailang beses akong huminga ng malalim bago nagdesisyong bumalik.

Pinatatag ko din ang dibdib ko ng muling makita ang mga nakaratay na tao sa sahig.

Iniwas ko sa kanila ang tingin ko at nagfocus lang sa paglapit kela Iliyah.

Nasa tabi pa din sila ng yumaong bata at waring mahinang naguusap ni Lairah.

Nahagip ng mga mata ko ang telang nakatakip na sa ulo ng bata at parang nagbabadyang tumulo ulit ang mga luha ko.

"Kailangan kong pumunta." Mahina at tila nanghihinang sabi ni Laira.

"Kung ganoon ay sasamahan kita." Sabi naman ni Iliyah. Nahimigan ko ang determinasyon sa boses niya.

Tiningnan siya ni Laira at malungkot na ngumiti.

"Naraming salamat. Malaki ang maitutulong ng lakas mo sa amin." Muling niyuko ni Laira ang bata bago tumayo mula sa tabi nito.

Hindi ako tiningnan ni Laira ng maglakad siya papunta sa bukanan ng lagusan.

Sumunod naman si Iliyah, kaya kahit nagtataka ay naglakad ako pasunod sa kanila.

"Anong nangyayari?" Mahina at nananantiyang tanong ko kay Lionel.

Wala akong mabasa sa mukha nya at hindi rin nya ko binalingan ng sumagot siya.

"Pupuntahan nila Laira ang isa pang lugar kung nasaan nakita ang mga nawawalang katribo niya. Desidido syang bawiin sila sa anumang paraan."

"Pero hindi ba magiging delekado yun?" Nag-aalalang tanong ko. Kung sangkot ang Nether sa mga nangyayari, siguradong matinding panganib ang naghihintay sa kanila.

Nakita kong tumigas ang anyo ni Lionel.

"Nakita mo ang nangyari. Hindi na pwedeng magpatuloy ang ganito."

"Pero----"

"Ito lang ang magagawa natin Karen." Putol ni Lionel sa sasabihin ko. Marahas din siyang tumingin sa akin at nakikita ko ang galit sa mga mata niya bago niya ulit itinutok sa harapan namin ang tingin niya."Ito lang.... Ang iligtas sila at ibalik sa piling ng pamilya at katribo nila." Mahina man ang boses nya ay malinaw ko namang naririnig ang diin sa mga salita niya.

Napalunok ako at napatango nalang sa kanya.

"Of course, I'm sorry." Nausal ko. Pero ng marealised kong nagsalita ako sa ibang lengwahe ay agad kong itinama iyon. "Paumanhin."

Bahagya siyang umiling. "Wala kang kasalanan. Naiintindihan kita. At alam kong ganun din si Iliyah. Hindi namin hihingin sayo ang alam naming ikakapahamak ng.... " sabi niya at agad ding tumingil. Kahit hindi niya dugtungan ang sasabihin nya ay malinaw kong naiintindihan ang pinupunto nya.

Napayuko nalang ako. "Salamat."

Hindi naman na sya nagsalita at nagpatuloy lang sa pagsunod kela Iliyah. Ng makarating kami sa bunganga ng kweba ay muling ginamit ni Laira ang kapangyarihan nya para makabalik kami sa taas kung nasaan ang tirahan nila.

Mas kalmante nga lang ang hangin na pumaikot sa amin hindi gaya kanina.

Pero kahit ganun ay mas tumindi ang pag-aalala ko.

Hindi ba at kalmado din ang hangin sa pinakagitna ng bagyo?

Pakiramdam ko ay ganun din si Laira.

Imbes na bumalik sa tirahan niya sa taas ng malaking puno ay dinala kami ni Laira sa isa pang malaking bahay sa ibaba.

Pagkatapak na pagkatapak ng mga paa namin sa lupa ay agad na tinungo ni Laira ang pinto. Sumunod naman kami sa kanya.

May malaking pabilog na mesa din sa gitna niyon at naroon ang ilang kalalakihang sumalubong sa amin kanina. Lahat sila nakayuko sa malaking papel sa ibabaw ng mesa at naguusap. Pero ng maramdaman nila ang paglapit namin ay agad silang tumigil at dumiretso ng tayo.

"Punong babaylan." Magalang na sabi ng tila pinuno nila. Siya din ang nagdala sa amin sa tirahan ni Laira kanina. Nakita kong sandali niya kaming tiningnan bago muling bumaling sa babaylan nila.

"Kikilos tayo bukas ng umaga. Ihanda nyo ang pinakamagagaling na mandirigma." Matatag na sabi ni Laira.

Nakita kong sandaling bumakas ang pagkagulat at pagkalito sa mukha nila. Bago nila naitago yun at tumango sa kanya.

"Kung yan ang nais mo." Magalang pang sabi ng pinuno nila.

Bahagya tumango si Laira bago tumalikod at naglakad.

Agad kaming tumabi para paraanin siya at si Iliyah na sumunod sa kanya.

Akmang susunod na din kami sa kanila ni Lionel ng huminto si Iliyah at pigilan kami.

"Manatili nalang kayo dito. Ako ng kakausap kay Laira." Mahinahong sabi niya at bumaling kay Lionel. "Ihanda mo ang mga kasama natin. Lalaban tayo kasama ng tribo nila."

Nakakaintinding tumango si Lionel. "Maasahan mo."

Bahagya siyang nginitian ni Iliyah bago bumaling sa akin.

"Paumanhin. Ngunit maantala ang plano natin. Kailangan nila ng tulong namin." Sabi pa niya sa akin.

Umiling ako sa kanya. "Naiintindihan ko naman. Ako ang dapat humingi ng tawad." Sabi ko.

Tipid na ngiti lang ang isinukli niya sa akin bago muling sinundan si Laira at iniwan kami ni Lionel.

Tinulungan naman kami ng isa sa mga kalalakihan para puntahan ang iba pa naming mga kasama.

Naglaan sila ng ilang kubo para sa amin upang makapagpahinga kami ng maayos.

Inihatid lang ako ni Lionel sa isang maliit na kubong nakalaan sa akin bago inisa isang pinuntahan ang mga katribo niya.

Tahimik na humiga naman ako sa isang papag na naroon at tiningnan ang bubong ng kubo.

Iniisip ko pa din ang bata kanina at ang iba pang biktima ng Nether.

At napakaraming tanong ang umiikot sa ulo ko dahil doon. Pero kahit anong gawin kong isip ay wala akong mahanap na sagot ni isa man lang doon.

Paano sila nahawakan ng Nether? Nageexist na ba sa panahong to ang mga tainted? Nasa kasaysayan ba ang ganitong pangyayari? At kung tutulong ako, may mababago ba sa panahon ko dahil doon?

Parang sumakit bigla ang ulo ko sa dami ng iniisip ko. Kumilos ako patagilid at sandaling ipinikit ang mga mata ko.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Marahil ay dahil sa matinding pagod ng katawan ko sa mahabang paglalakbay namin at dahil na din sa bigat ng kalooban ko.

Hindi ko alam kung anong oras na pero bigla bigla nalang akong nagising sa kalagitnaan ng gabi.

Nakita kong madilim na ang paligid at ang liwanag sa likod ng telang nakatabing sa pintuan ang tanging nagbibigay ng liwanag sa silid.

Pero hindi sapat yun para malinaw kong makita ang paligid ko.

Kumabog ang dibdib ko at tumayo ang balahibo sa katawan ko. Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba akong nararamdaman sa paligid ko.

At parang tumalon ang puso ko sa magkahalong gulat at takot ng may maaninag akong kumilos sa gilid ng silid.

At bago pa man ako makareact ay agad iyong sumugod sa akin at hinawakan ang balikat ko para pigilan akong tumayo. Tinakpan din nito sa bibig ko para pigilan ang pag sigaw ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng link ko ng marinig ko ang mahinang boses nito.

"Shh Karen. Huwag kang maingay."

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang boses at parang biglang natigilan ang katawan ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at inalis iyon. Hindi naman nya ko nilabanan.

Inaninag ko ang mukha nya sa kadiliman ng silid at halos maluha ako ng makilala ko siya.

"Sai?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Narinig ko ang pagismid nya bago siya kumilos at hinayaan akong umupo.

"May inaasahan ka pa ba?" Tila nanunuksong tanong niya.

"Nahanap mo ko.... " parang maiiyak na sabi ko.

Narinig kong umupo siya sa tabi ko. Pagkatapos ay may narinig ako bago pa man siya magsalita.

"Yeah. At hindi yun naging m-madali".

Kumunot ang noo ko ng marinig ang bahagyang panginginig ng boses nya.

"Sai anong problema?"

Tanong ko sa kanya. Pero bago pa sya sumagot ay may naghawi ng tela sa pintuan.

Kasabay ng pagpasok ng bagong dating ay ang pagkalat ng liwanag sa silid.

Naipikit ko sandali ang mga mata ko dahil sa pagkasilaw. At bago pa man ako makahuma ay narinig ko na ang boses ni Lionel.

"Sino ka?" Kasabay nun ay narinig ko ang paghugot niya ng espada.

"Huwag!" Nagmamadaling sigaw ko at tumayo sa harap ni Sai. "Hindi siya kalaban." Sabi ko at ng tuluyang nakaadjust ang mga mata ko ay nakita ko ang dulo ng sandata ni Lionel sa harap ko. At ganun din ang nahulog na sulo sa lupa. Bakas din ang pagdududa sa mukha niya.

"At paano mo nasabi na hindi siya kalaban?" Tanong pa niya at ibinaba ang espada nya.

"Dahil..... " usal ko at nag-apuhap ng sasabihin. Pero ng wala akong maisip ay sinabi ko na ang totoo. "Kaibigan ko sya. Katulad ko din siya." Tanging naisagot ko.

Sandali kong nakita ang pagkalito sa mga mata niya. Pero maya maya din ay naintindihan na nya.

"Kagaya mo? Kung ganun ay hindi rin siya kabilang ng panahong to?" Pagkumpirma pa niya.

Pero bago pa ko sumagot ay nagsalita si Sai.

"Sinabi mo sa kanya?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Wala akong ibang pagpipilian kung--" pagsisimula kong magpaliwanag. Kumilos ako at nilingon siya pero natigilan ako ng makita siya. "Sai!" Marahas akong bumaling sa kanya at lumuhod sa harap niya.

Nakita kong napangiwi siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa tagiliran niya. May dugo ang kamay at damit nya at malinaw ko ng nakikita ang sakit sa mukha nya.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.

Sa kabila ng sakit ay napaismid siya. "Sabihin na nating hindi lang... a-ako ang naghahanap sayo. Malas lang at ako ang.. Nauna nilang mahanap."

Tainted. Sila lang ang pwedeng tinutukoy nya. At sila lang din ang makakagawa ng ganito.

Kung ganun ay hinahanap din nila kung saan ako napunta.

Narinig kong impit na napadaing siya sa sakit, at ng bumigay ang katawan nya at napahiga sa papag ay agad kong binalingan si Lionel.

"Pakiusap! Tulungan nyo siya!" May pagmamadaling sabi ko.

"Tatawagin ko ang babaylan." Sabi niya at mabilis na lumabas sa pinto.

Agad ko ring binalingan si Sai at maingat na hinawakan ang balikat niya.

Nakita kong bahagyang nanginginig ang kamay ko at halos dumoble ang pagpapanic ko ng makitang lumala ang dugong umaagos sa kamay niya.

"Sai! Sandali lang. Tutulungan ka nila." Sabi ko pa sa kanya.

Nakita kong mabilis na ang paghinga niya pero pilit pa din nya kong binalingan sa kabila ng sakit na nararamdaman niya.

"H-hindi mo dapat... s-sinabi sa kanila." May akusasyong sabi niya.

"Wala akong pagpipilian. Kailangan ko ang tulong nila." Depensa ko sa sarili ko.

Mukhang may sasabihin pa sana siya pero hindi natuloy ng muling pumasok sila Lionel.

Kasama na niya sila Iliyah at isa pang nakaroba na ang hula ko ay manggagamot.

Umalis ako sa tabi ni Sai at hinayaan silang asikasuhin siya. May pinainom sila sa kanya at di nagtagal ay bumagal ang paghinga niya at tila inantok siya.

Saka nila inasikaso ang sugat nya at ng itaas nila ang shirt nya ay nakita namin ang may kalakihang sugat nya.

Hindi ko maiwasang mapasinghap at kinakabahang tumingin sa kanya.

Please... Huwag kang mamatay... Please....

Paulit ulit na dasal ko habang pinapanood sila sa pagpapagaling sa kanya.

_________________________

A. N

Salamat sa Votes amd Comments! ^-^

Shane_Rose

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 64.1K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
22.4K 2K 17
Kristine Ferrer's Story I was born in Darkness. Sa Chasm. Mundo ng mga tunay na elemental, at sa mundo kung saan naghahari ang kadiliman. We were...
13M 355K 50
[Date Started: March 2013 Date Finished: August 2013] Date Published: June 4, 2015 This is a fantasy, Action, Teen and Romance Story XD An academy fu...
24.6K 1.9K 25
My name is Avon Alcantara. Isa sa dalawang Sources of Fire. Pero hindi gaya ng kakambal ko, isa ako sa mga isinilang sa Chasm. Mundo kung saan na...