Ever After

By itskavii

5.7K 841 109

"She fell in love with tragic endings that she didn't notice, she's slowly turning into one." Eerah Eriendell... More

๐Ÿฅ€
Prologue
I. Victoria
II. Inside a Fairytale
III. The mission
IV. At the school
V. Nickolas
VI. 10 missions
VII. First
VIII. Don't be thyself
IX. Second
X. Ariel's Painting
XI. Eerah
XII. Third
XIII. A Witness
XIV. Fourth
XV. Town of Aspel
XVI. A Sorceress
XVII. A princess to be saved
XVIII. Leave
XIX. Fifth
XX. Right feels wrong
XXI. White roses
XXII. Mortal Fairytales
XXIII. Sixth
XXIV. The Letter
XXV. Connection
XXVI. Sunset
XXVII. Seventh
XXVIII. Victoria's Secret
XXIX. Real battle
XXX. Eight
XXXI. Unexpected Move
XXXII. Escape
XXXIII. Still tragic
XXXV. Beginner's luck
XXXVI. Kizea
XXXVII. The Battle
XXXVIII. Ninth
XXXIX. Light Magic
XL. Last Mission
XLI. The Coronation
XLI. Victoria's (1)
XLII.Victoria's (2)
XLIII. Final Battle
Epilogue

XXXIV. An Apology

95 14 2
By itskavii

I woke up because of the sunlight caressing my cheeks. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa isang manipis na kama. Inalis ko rin ang kumot at tumapak sa hindi sementadong sahig.

I searched for something-- anything familiar but there is none. Maliit lang ang bahay na gawa sa kahoy ang mga dingding. Sa gilid ay may isang palayok at lutuan habang sa isa pang gilid ay may maliit na lamesa at upuan.

Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang pamilyar na lalaki. He seems shocked when he saw me standing but he immidietly gave me a warm smile.

Agad akong naghanap ng pwedeng hawakan at naabot ko ang isang sibak na kahoy sa gilid. Nang humakbang siya palapit sa akin ay itinutok ko ito sa kanya.

Nagulat siya sa reaksyon ko but he still gave me another smile, a sad one. Bumaling siya sa maliit na lamesa at inilagay ang mga pagkaing dala niya.

"I won't hurt you, Victoria. And... I'm so glad you're now awake."

"William," sambit ko habang pinagmamasdan ang likuran niya. "Where am I? What am I doing here?"

"Pasensya ka na kung dito kita dinala. They wouldn't suspect this little dirty house," saad niya at sinenyasan akong maupo. I was hesitating that time but he again gave me a smile seems like saying that it's fine, that he would do no harm.

"What exactly happened?" I asked. Hindi ko alam kung anong nangyayari but one thing is for sure. I'm in Everland again.

"Akala ng lahat ay patay ka na," he said as he started eating. "When Vincent pushed you in the cliff, your body is nowhere to be seen. Tatlong araw ang tinagal ng paghahanap nila sa'yo but nothing happened. That's why they concluded that you're already dead. Your corpse have been eaten by some wild marine animals. "

Napatitig ako sa kubyertos na hawak ko. Maybe, they didn't see me because I'm already in my world that time.

"Pero hindi ako sumuko. Hinanap ko pa rin ang bangkay mo kung patay ka na talaga. And luckily, after a week, nakita kitang pa-lutang lutang sa dagat. I know it's so odd and I can't explain how that happen but what matters to me is that you're alive."

He again gave me a warm smile, a sincere one. "Well, inabot nga lang ng isang buwan bago ka tuluyang magising," natatawa niyang dagdag.

Halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya. "One month!?" Agad naman siyang tumango.

Tumayo ako at akmang aalis nang hawakan ni William ang braso ko. "Victoria, where are you going?"

Hindi ako sumagot at inalis ang kamay niya sa braso ko. Napalingon ako sa salamin. My bangs seems longer than before. It's really been a month.

"I can't tell you. You are... one of them," saad ko dahilan para mapayuko siya. I know that he doesn't really want to be involved with the dark organization and Victoria herself is the one who persuaded him.

Bumuntong hininga ako at tumalikod. I want to say something to him. An apology, maybe? But I don't have time. Especially now that it's been a freaking month.

Ngunit bago pa ako makalabas ay nagsalita ulit si William.

"I know you're mad at me, Victoria. Hindi kita pipigilan kung gusto mo nang umalis. I'm glad you're now awake. But please, be safe... I want you to be safe, Victoria."

Tumingala ako upang pigilan ang mga nagbabadyang luha ko. May pumasok na matandanf babae sa bahay ngunit hindi ko na ito pinansin. Huminga ako nang malalim at naglakad na palayo.

I didn't bother to look back at him. Besides, what he said is not really meant for me. It's for Victoria.

* * *

Nakataklob ako ng isang kulay asul na balabal habang binabagtas ang kapatagan ng Winzellia. Mahirap nang makaagaw ng pansin ako lalo na't ang alam ng lahat ay patay na ang prinsesa Victoria.

Ngunit bago pa man ako makalapit sa gate ng palasyo ay may humitak na sa akin na isang babae patungo sa likod ng isang puno. Ang gabay ng kasalukuyan.

"Hey, bakit mo ako hinitak?"

She gave me an unbelievable look, "Baliw ka na ba talaga, Eerah? What do you think you're going to do? Show up as if you just have rose from the dead?"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. She's right. What I am going to do is totally absurd. Magugulat ang lahat at magtataka.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"You already escaped. Bakit bumalik ka pa?" Asik niya sa akin. Napayuko naman ako. I couldn't blame her if she's mad at me. I escaped, I ran away from the mission.

"I'm just confused that time. But I promise not to runaway again. I want to help saving this world."

"Hindi mo kailangang tumulong, hindi mo kailangang mangialam. Alam mo ba kung anong naging epekto ng pangingialam mo? They will suffer more in the future than they did back then."

Hindi na ako makatingin nang maayos sa kanya. She's right again. But I looked straight at her eyes and shook my head. "I won't let that happen again. They will be saved this time."

She let an amused laugh. "Do you really think that you can save them?"

I know where they ended up back then. And all I need to do is to stop it from happening. "Yes, because I know how to."

"Fine. We won't stop you from what you want to do. But you need to finish your mission no matter what."

Ngumiti naman ako at tumango. Akmang aalis na ako nang magsalita ulit siya.

"You have to hide your identity for the mean time. Once the dark kingdom kmew you're here again, I don't think you'll suvive this time."

Tumango naman ako at ngumiti. Akmang aalis na talaga ako nang magsalita na naman siya.

"By the way, you seem to be so sure that you want and you can save this world, huh? Let's just see then."

* * *

Pinilit kong maglakad nang maayos kahit na sobrang bigat ng mga bakal na suot ko. I'm wearing an armor just to cover my identity.

Many things have changed in the past month that I'm gone. I think, after what happened to me that night made Victoria's parents aware of the dark kingdom. Hindi man nila ito sabihin ngunit halata ito sa kinikilos ng bawat isa sa palasyo.

Mahigpit ang seguridad sa kaharian. Marami rin silang sinasanay na mga kawal. Marami rin silang pinapanday na mg espada.

At first, I was shocked to see the mayor of Aspel in the Winzellia's palace but later on, I understood everything.

Nakipagtulungan ang Aspel sa kaharian ng Winzellia. There are men in training here in Winzellia that came from the city. I also saw Flinn and Eric here. I wouldn't be surprised if they already knew that the girl they know as Eerah is the princess.

Napangiti ako nang marinig ang sinabi ng isa sa mga nagsasanay na kawal mula sa Aspel.

"Naipabalita ang palihim na pagtulong ng prinsesa ng Winzellia sa mamamayan ng bayan ng Aspel kung kaya't labis na nalungkot ang lahat sa pagkamatay nito. Isang mabuting kaharian ang Winzellia. Hindi nagkamali ang alkalde sa pakikipag-uganayan dito."

Si Nickolas ang namumuno sa pagsasanay ng mga kawal. Gusto kong lumapit sa kanya at magpakilala. I want to hug him and say that I came back-- that I'll still fulfill my promise to help them save this world.

But everything is complicated. Everyone thought that I'm already dead. I can't just come and show myself again as if I just rose from the dead. (Just like what the guardian of the present said.)

"Harap sa kanan, harap!" Sigaw ni Nickolas. Mabilis na humarap sa kanan ang mga kasamahan ko sa linya. Nabigla naman ako kaya hindi ko na nalaman kung saan ba talaga ang kanan.

Napatingin ang mga kasama ko sa akin nang humarap ako saliwa sa kanila. Napapikit ako at napakagat ng labi. Mabuti nalang at may suot akong armor helmwt dahil kung wala ay nalubog ako sa kahihiyan. Why so stupid, Eerah?

Agad akong humarap sa kanan ngunit napaatras ako nang mauntog ako sa gintong lalasag na suot ni Nickolas. He was in front of us but he's now beside me. How does he moved that fast?

"Halatang hindi ka nakikinig." Wala siyang suot na armor helmet kung kaya't kitang kita ko ang pagkaseryoso ng kanyang mukha.

"P-Pasensya na," sambit ko sa pinakamalalim na boses.

Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Napatayo naman ako ng maayos dahil sa seryoso niyang aura. Pero imbis na matakot o kabahan, hindi ko maiwasang ngumiti.

It's been a week since I started hiding behind this armor. Nirerespeto at kinatatakutan ng mga nagsasanay si Nickolas dito. He is strict and has an intimidating aura.

But I know that he's still that Nickolas who once stayed by my side, that one who believed in me.

"Ikaw na naman? Hindi ba't ikaw din ang kawal na hindi man lang mahawakan nang maayos ang espada noong nakaraang araw?"

Napapikit nalang ako nang maalala na naman 'yon. I was embarrassed to the whole squad then he scolded me in front of them. Pero pinigilan ko lang ang tawa ko noong mga panahong iyon. He's so cute when he is mad.

"Anong magagawa ko kung hindi talaga ako marunong?" Bulong ko at ibinaling ang tingin sa mga halaman sa gilid ko.

"May sinasabi ka ba?"

Marahas akong umiling. "Wala po, sir!"

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago tuluyang lumayo. Narinig ko namang napabuntong hininga ang katabi ko.

"Nakakakaba siya kapag malapit. He's scary."

"He's cute," pagtatama ko. Lumingon siya sa akin at biglang hinawakan ang dalawa kong balikat.

"Tol, hindi kayo talo."

* * *

Lumipas pa ang mga araw ng pananatili ko sa Winzellia bilang isang kawal.

Madalas dumalaw dito sina Ashley at Ethan. Minsan ay lumalapit sila kay Nickolas upang makipag-usap. Gusto kong lumapit sa kanila but I just can't. Everything I planned will be ruined if I do.

Nabalitaan ko ang magaganap na kasalan sa susunod na linggo. Primo is now engaged to Angeline of Zerlin. What Vincent told me last time is now happening. Pinatagal pa talaga nila ng isang buwan para walang makahalata sa pagiging ganib nila sa kapangyarihan.

But that's fine. I'm glad they waited for me. I won't let their waiting end with nothing. I'll make them regret the wait.

Kasalukuyan kami ngayong nagsasanay sa kapatagang sakop ng Winzellia. Hindi pa gan'on kagaling makipaglaban ang mga kasamahan ko but unfortunately, I'm the worst among them.

"Sway to the left. Ayusin niyo!" Sigaw ni Nickolas habang palakad-lakad sa paligid namin.

Matapos ang pagsasanay ay naitusok ko sa lupa ang espada at napasandal doon. Ganoon din ang ginawa ng iba kong mga kasama.

Magdadapit-hapon na. Nais ko sanang panuorin ang paglubog ng araw ngunit kailangan na namig bumalik sa palasyo.

But before we could take a step, a group of men with black masks appeared. Sumugod ito sa amin.

May lumapit sa aking isang lalaki kaya sinubukan kong iwasiwas ang espadang hawak ko. Hindi naman siya natamaan dahil sinangga niya ito gamit ang kanyang espada.

Bigla niya akong sinipa kaya napaatras ako. Itinaas niya ang espada niya at akmang hahampsin ako.

"Hey, hey, stop! Taympers!" Saad ko at ihinagis sa kanya ang espada. Tumama naman ito sa paa niya dahilan upang mapadaing siya.

Agad naman siyang tumayo ulit at sinugod ko. But before hw hit me, someone countered his sword. Sinaksak niya ito dahilan para matumba ang kalaban.

Tinitigan niya ako bago marahas na hinila patayo. I'm expecting a question like 'are you okay?' but there is none.

"Para kang palaka makipaglaban," asik niya at hinila ako patungo sa daan kung saan patungo ang mga kasamahan namin. That's also the same phrase he said to me back then.

Natigilan siya nang mapagtanto ang sinabi. Liningon niya ako ngunit umiling lang siya at nagpatuloy kaagad sa paglalakad.

Ngunit napahinto kami nang may humarang sa amin na isang lalaking nakaputing maskara. Kahit na nakatakip ang mukha, alam ko na kung sino ito. Vincent.

Binitawan ako ni Nickolas at hinarap siya. They are both facing each other with their swords up.

"Long time no see, Nickolas. How's the knight in shining armor who never got a chance to save the princess?"

Biglang sumugod si Nickolas sa kanya ngunit agad niya itong sinangga. Sinipa niya si Vincent sa sikmura dahilan para mapaatras ito ngunit agad rin itong bumawi.

"You seems like training a hundred of men, huh? Bakit? Balak niyo bang kalabanin ang dark organization?"

Iwinasiwas ni Nickolas ang espada sa kanya at agad naman itong sinangga ni Vincent. Natamaan niya si Nickolas sa binti dahilan upang matumba ito. Hindi ko alam ang gagawin. Should I help him? Should I run away.

Napailing ako. I will never run away again.

Palihim akong sumugod sa likuran ni Vincent habang abala siya kay Nickolas. Ngunit laking gulat ko nang hawak niya na ang braso ko.

He looked at me and made an amused laugh. "How can a knight in trainee like you gained a strength to fight with me? Hindi mo ba ako kilala?"

Marahas kong hinablot ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at itinutok sa kanya ang espada.

"Kawal, umalis ka na. Tumakas ka na rito. Iligtas mo ang sarili mo!" I heard Nickolas shouted pero hindi ko siya pinansin.

"Run away, little weak knight. Follow the order of your general," turan niya sa isang mapang-asar na tono.

Lumingon ako kay Nickolas na nahihurapang tumatayo dahil sa sugat sa binti. Bumalik agad ang tingin ko kay Vincent. Ibinaba ko ang pagkakatutok ng espada sa kanya at isinaksak ito sa lupa.

"I think, you're the one who should run away, your highness." Dumukmo ako sa espadang nakatusok sa lupa habang pinagmamasdan siya. If only I can remove my armor helmet for him to see my victorious grin.

Dahan dahan kong tinuro ang direksyon ng kaharian kung saan maaaninag na ang mga anino ng mga padating na kawal.

"You can defeat the trainees but the real knights of Winzellia is a big different topic."

"Paanong--"

Napangiti ako. Hindi ko man makita ang mukha niya, bakas sa boses niya ang gulat. Sinasabi ko na nga ba. Wala silang pag-aalinlangang sumugod dito dahil alam nilang mga baguhan lang kami.

Maririnig mula rito ang yabag at martsa ng daan daang kawal na patungo sa direksyon namin. Pinagmasdan ko ang nagmistulang malalaking anino nila mula sa papalubog na araw.

"Tara na!"

Nagmamadaling tumakbo papalayo ang mga lalaking nakaitim na maskara sa takot na madatnan ng daan-daang mga kawal. I can't help but laugh seeing them panick.

Bago paan makalayo si Vincent ay lumingon muli ito sa akin. "Magkikita pa tayo, lapastangang kawal."

"I'll be looking forward to it, your highness."

Patuloy pa rin ang mga yabag at matsa ng mistulang daan daang mga kawal. Inalalayan ko si Nickolas na maglakad patungo sa direksyon ng mga ito.

Napa-thumbs up ako sa mga kasamahan namin nang makarating kami. Limang milya ang layo ng kinaroroonan namin mula sa palasyo kaya imposible na kaming makatawag ng daan daan pang kawal upang tulungan kami.

Sinabihan ko si Eric na tinupunin lahat ng kawal sa kanluran. Hinubad nila ang mga kalasag dahilan upang magmistulan silang rumami. At dahil na rin sa papalubog na araw. Kitang kita ang malalaki nilang anino mula sa kinaroroonan namin nila Vincent.

They thought that a hundred of men are coming in their way. They are only forty kaya hindi nila ito kakayanin.

"That was a bold move. I can't believe you defeated them with a silly strategy," wika ni Nickolas habang inaalalayan ko siyang maglakad.

"Hindi lang dahas ang pwedeng gamitin sa pakikipaglaban."

Pagdating namin sa palasyo ay agad na binigyan ng agarang lunas ang mga nasugatan kanina. Tumulong naman ako sa pang-gagamot sa kanila.

Napalingon ako kay Nickolas. He's helping to heal the others while his knees are still injured.

"Ganyan talaga yang si Nickolas," saad ni Flinn na kasalukuyan kong ginagamot ang balikat. "Palagi niyang inuuna ang kapakanan ng iba."

"Na-trauma siguro siya sa nangyari kay Eerah," napalingon naman ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. "I mean, Princess Victoria. That's actually her real name."

Napangiti ako. Alam na pala nila. Nagalit kaya sila sa akin noong nalaman nila?

"A-Ano bang nangyari?" I know it's stupid to ask something you already know but I still wanna hear.

"Those men in masks ruined the wedding of the princess. Itinulak ng pinuno nila ang prinsesa sa bangin. That time, Nickolas is her personal knight but he can't do anything. He blames himself because of what happened."

Napayuko ako. You shouldn't blame yourself, Nick. I'm alive.

* * *

Nang dumating ang gabi ay nagsiuwian na ang mga nagsasanay na kawal. Nakita kong nakaupo si Nickolas sa gilid ng fountain kaya agad ko siyang pinuntahan.

Naupo ako sa tabi niya. Tama, magpapakilala na ako sa kanya.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

Umiling naman ako sa tanong niya. Pinagmasdan ko siya. Paano ko ba sasabihin sa kanya? Aalisin ko ang helmet ko?

"Umh, Nickolas?"

"Bakit?"

"Kilala mo ba si Victoria? I mean, Princess Victoria."

Tinitigan niya muna ako bago magsalita. "At bakit mo naman tinatanong?" Masungit niyang saad.

"Wala lang. Nabalitaan ko lang ang ginawa niya sa bayan natin. And they saud that she died in the cliff even though they didn't find her body, " sambit ko.

"... do you believe that she's really dead?"

Tumingin siya sa akin at bumaling ulit sa langit. "She didn't really die. She escaped."

"W-What do you mean?"

Ang akala ko ay walang nakakaalam sa pag-alis ko bukod kay Vincent. Napapikit nalang ako. Siguro ay sinadya iyon ni Vincent. Narinig ni Nickolas ang lahat.

"Bumalik na siya sa mundo niya. She ran away from everything. She's weak. She's so selfish," saad niya at lumingon sa akin. "And I hate her."

I didn't notice my tears flowing down my cheeks. Luckily, no one can see it. But behind the armor helmet, I'm silently crying.

Lumingon siya sa akin at pilit na tumawa. "Huwag mo nalang pansinin ang mga sinabi ko. Patay na siya."

Tumayo siya at naglakad na palayo. As he walk away, I can't help but just cry.

I'm sorry, Nickolas. I'm sorry for being selfish and weak. I'm so sorry.

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 1.1K 41
After his planned death. Ace journeyed alone finding a new Master to teach him more about his power. Meanwhile, after his disappearance, the war begu...
26.8K 593 26
MIDNIGHT HORROR STORIES Mga kuwentong nakakatakot na likha ng ating malilikot na imahinasyon. Huwag tatangkain magbasa kung hindi mo kakayan...
1.7K 304 70
A tale of a Princess who soon overthrow the monarchy of Zendalia. The kingdom of fairies, And now, she'll be hunt down for her crime. But as soon Ale...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...