A Voyage Towards the Horizon

By seleneaaaa

4K 1.2K 1.2K

• C O M P L E T E D • Amalia just found herself back in 1969 with a self-proclaimed mission to rewrite her gr... More

AVTTH (Back to 1969)
Prologue
01 Her 2020 Life
02 Lola Milagros
03 Exposure
04 Welcome?
05: An Unexpected and Unwanted Gift
06 Trespassing My Own Property
07 Alejandrino (Filler Chap Only)
08 Milagros
09: Meet the Grandparents?
📷 10: Baboy
📷 11: Thelma and Isidro
📷 12: Getting Aggressive
📷 13: Instant Friendship
📷 14: All in One Table
📷 15: Miss Tutor
📷 16: Decided
📷 17: The Sanchez Family
📷 18: Tango
📷 19: Love Guru
📷 20: The Confession
📷 21: Broke
📷 22: Surprise!
📷 23: A Bad Friend
📷 24: Girl Talk
📷 25: I'm Sorry
📷 26: A Date
📷 27: Double Date
📷 28: Stay
📷 29: Gate-crashing
📷 30: The Reason
📷 31: Mom
📷 32: Megahit
📷 33: The Horizon
📷 35: She Tried Suicide
📷 36: Ambuscade
📷 37: Her Returning
📷 38: Awakened
Epilogue
Epilogue
Author's Note

📷 34: Going Home

54 13 8
By seleneaaaa

AMALIA

Hindi ako umuwi ng bahay. Baka puntahan lang ako ni Marco don. I can't go to Nanang's too, he'll just look for me there. At kung hindi niya man ako hahanapin, then that's much better.

Dito na muna ako sa Sara magpapalipas ng gabi, it's just the town next to La Maria kaya malapit lang. I rented a room for just a night. Hindi rin naman ako magtatagal dito. Bukas na bukas I'll be home na.

As in on my literal home.

I decided na susunugin ko nalang ngayon ang picture imbes na next week. Kaya nga I already ended things with Marco. I can't stand to be with them much longer. I don't want to bring more memories that would just torture me.

Nanghingi na lang ako ng kandila kanina sa landlady. Nag-alinlangan pa nga siya dahil may kuryente naman daw dito. Inisip niya siguro na mangkukulam ako at may ritwal na gagawin dito sa loob ng bahay niya.

I'm now staring at the picture.

This mere paper turned my whole world upside down. Pero kung mauulit rin naman ito, I will still choose to go here. This journey gave me colors. This voyage gave the things which I thought was obvious at first, a new meaning. It gave me light and it showed me that there is so much more than what I already know.

I breathed hard. Finally, I am ending this voyage. Thank you for everything.

Itinapat ko na ang litrato sa siga ng kandila. I just watched as it slowly ate the piece of paper, tears now streaming down my cheeks.

I waited.

Ngunit nangalahati na ata ay hindi ko parin naramdaman na sinusunog ako---just nothing.

I pulled it away, nagtataka. Inubos na ng apoy ang mga paa namin sa litrato at kalahati nalang ng katawan ang natira. Napahawak ako sa noo ko nang may marealize. It must be Mila's dahil sa kaniya naman ang litrato na nakita ko noon sa drawer. Napailing nalang ako.

I burned the wrong picture.

Maaga akong umalis para pumunta sa bahay nila Mila. Alas sinko palang ata ay kumakatok na ako sa pinto nila. Pinagbuksan naman ako ni Aling Conching.

"Oh Amalia, ari ka na." bungad niya sa akin.

"Po?"

"Hinanap ka nila Marco rito kagabi." nanlaki naman ang mga mata ko. Nandito ba sila ngayon? "Saan ka ba nagsusuot kang bata ka?" pinatuloy niya na ako.

"Ahh may pinuntahan lang po. Di ako nakapagsabi sa kanila." pagdadahilan ko.

"Alalang-alala sila sayo kagabi. Andoon sa kwarto si Mila, umiiyak." nangunot naman ako noo ko.

"Bakit po?"

"Umuwi na lang siya kanina rito mga alas tres ng madaling araw, humahagulgol na." iniwan na niya ako sa tapat ng kwarto ni Mila.

I knocked three times before opening her door. "Mila?" I called out.

Pagkapasok ko ay nagulat kaagad ako nang bigla siyang lumundag mula sa kama at tumakbo papalapit sakin. She hugged me at muntik na nga kaming ma-out balance.

"Amalia nandito ka!" she wailed.

Niyakap ko siya pabalik at marahang hinaplos-haplos ang likod para patahanin. "May p-pinuntahan lang ako kagabi." I lied again.

"I thought I lost you too." pinunasan niya ang mga luha. Muntik na Lola. "Thelma sent me a letter." yumuko siya.

I creased my forehead. Bakit naman pagpapadala ng sulat ang babaeng yun e isang drive niya lang e nandito na siya sa mansyon ng mga Elegino.

"She left."

W-what?

"May nagbigay ng sulat nato sakin kanina." she handed me a paper na mukhang minurder na dahil lukot lukot at basa ng luha.

Binuklat ko ang papel at nakita roon ang sulat-kamay ni Thelma.

Mila,

I want to tell you that what we have is a real friendship, together with Amalia. I will be forever thankful with that. If you are now reading this letter, I am already gone. I left for some reasons I can't tell you. Always take care of your health. Take care of Amalia, Marco and Riguel. Maybe see you after 10 years?----when I am fully healed. I will always be your friend. Please live long and I genuinely hope for your happiness.

Thelma                    

Napakurap ako ng ilang beses. I didn't expect this one coming.

"May sakit ba si Thelma, Amalia?" nag-aalalang tanong ni Mila. "Akala ko kanina nagbibiro lang siya but I went to their house and she really left. Biglaan nga daw sabi ng mga magulang niya. Ayaw naman nilang sabihin kung saan siya pumunta."

Napasabunot ako sa aking sarili. I don't know what to do anymore. Everything's wrecked. And it is all my fault. "She can't leave Mila." I shaked my head. She can't leave because Ising is here!

Hinawakan naman niya ang mga balikat ko. "Do you know the reason kung bakit siya umalis?"

Umiling ako. It's you and Riguel. "We need to stop her." Yes. I need to stop her. "Anong pinakamalapit na port dito?"

"But she already left! Kanina ko pa to natanggap, that was two hours ago." turo niya sa sulat.

"Then we'll ask kung saan patungo ang barkong umalis two hours ago." I said, determined. I made my grandparents' story right. But on the process, I wrecked somebody else's. I need to fix this before I go. Before I go. "Mila? Saan na nga pala yung kopya mo ng picture natin sa fountain ng mga Alejandrino?"

Kumunot ang noo niya dahil sa biglaang tanong ko. "I gave it to Riguel. Hiningi niya."

I tried to look around at wala na nga doon sa vanity table niya. "May kopya naman siya diba?"

"Nawala niya daw." she shrugged. "Okay lang naman sakin na hingin niya. That only reminded me of my naiveness with Marco."

Magsasalita pa sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto dito sa kwarto niya. "Amalia!" binati kami ng humahangos na mga lalaki. Marco, Riguel and Ising.

Agad akong sinunggaban ng yakap ni Marco. "Where have you been?" nanghihina niyang tanong. I stiffened.

Tinulak ko siya ng bahagya at dahil nga wala siyang lakas ay napakalas siya ng yakap. Agad naman akong nagmadaling lumabas. "I need to go."

"Saan ka pupunta?!" rinig kong humabol sila. Hindi ako sumagot at dumiretso sa sasakyan.

I drove away. Nakita kong sumusunod sila sa akin gamit ang sasakyan ni Marco. I didn't mind them at tinahak na ang daan papunta sa Dumanggas. That was a long drive dahil I passed through six municipalities. Dito kasi sa Dumanggas ang pinakamalapit na Roro port.

I went out at dumiretso na sa information desk. I asked for the destinations of the ships which left two hours ago at agad akong nawalan ng pag-asa nang makita ang sandamakmak na listahan.

Nanghihina akong umalis roon at napaupo nalang sa isang bench. I cried hard because I failed. Minsan lang ako magkamali. Minsan lang ako hindi magtagumpay at hindi ako sanay sa ganon.

I felt something on my back kaya napatingala ako. I saw them. "Let's just let Thelma. Malaki na siya, alam na niya kung ano ang makakabuti sa kaniya." Riguel said softly. Ganitong ganito siya magpatahan sa akin noong bata pa ako.

I covered my face with my hands at doon umiyak. This is not just about Thelma leaving. This is for the whole thing that's happening to me. I already did my best but I'm still a failure.

I can't start all over again can I? And I also think I can't go through it again. I feel tired now.

"Tara na?" rinig kong tanong ni Marco kaya sinilip ko siya. I saw him alone. Wala na sina Riguel.

He's standing in front of me and I just stared at him. He is the best example of my failing. I shouldn't have loved him in the first place.

"I failed, Marco." I said weakly. Wala na akong lakas. "Hindi dapat umalis si Thelma, magkakatuluyan pa sila ni Ising. I ruined them." I sobbed.

He held my chin using his fingers to make me look at him. "You must know that there are things you can't control, Amalia." marahan niyang sabi.

"And there are also things that I can't just run from, Marco. The happenings now doesn't fit the puzzle. It opposes what I saw in the future. And me, being the one who saw them, must make them right." I countered.

Akala ko kakalabanin niya pa ang mga salita ko pero tumawa lang siya. "Wow. Bait naman ng ex ko." he teased and I froze.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung sarkastiko ba yon o hindi. "Is that a compliment?" I asked, avoiding his gaze.

He shrugged. "You decide."

"Cold." I commented and he lightly chuckled.

"You must stop fixing other people's relationship Amalia. Minsan kailangan mo ding unahin ang sayo." I lifted my head and I met his eyes. "Maghihintay ako sayo." he smiled. "But for now, we'll stay as exes." tumawa naman ako. Aasahan ko yan Marco. Sabi mo maghihintay ka. "Uwi na tayo?"

Tumango ako at tumayo narin. I followed him at nagulat pa nang dumiretso siya sa sasakyan ko. I thought we are exes? Do exes ride the same car at the same time?

I just shrugged it off at pumasok na sa driver's seat. Umismid pa ako nang makitang relax na relax siya sa kabilang upuan. "Ikaw magdrive. Napuyat ako kakahanap sayo kagabi." tinuro niya ang manibela. This is the first time na matiwasay niya akong pinabayaan sa pagda-drive.

I drove away at sumunod naman ang sasakyan niya na si Riguel ang nagda-drive. I didn't bother explaining kung saan ako galing kagabi. He didn't ask either.

I thought of taking the other route pauwi, yung daan sa Barotac Nuevo, but Marco told me na wala naman daw daan doon. So I just concluded na maybe hindi pa nila natuklasan but merong short cut doon duh!

Pumantay si Riguel sa sasakyan ko sabay bukas ng bintana niya kaya binuksan ko rin yung akin. "Marco!" sigaw niya galing sa kabila. "Girlfriend mo na ulit?!"

Tumawa naman yung katabi ko. "Hindi! Ex ko parin!" sigaw niya rin pabalik. Napa-iling nalang ako natatawa na sa sitwasyon namin. "Pero kahit ex ko to, hindi parin to pwedeng ligawan!" patuloy niya. "Sana marinig ng isang lalaki diyan!"

Sumungaw naman ang ulo ni Ising sa bintana ni Mila, galing pa siya sa likod. "Hindi ko narinig! Sorry!"

=========================
mwa.

Continue Reading

You'll Also Like

40.9K 1.6K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
31.2K 1.3K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
3.4K 215 44
Completed. Past. Secrets. Betrayals. Started: January 26, 2022 Ended: June 20, 2022
430 165 30
Dahil sa hindi sinasadyang aksidente ni Angela, nagising sya sa lugar na hindi nya alam at hindi nya tukoy kung anong taon o panahon. Nang makilala n...