A Voyage Towards the Horizon

By seleneaaaa

4K 1.2K 1.2K

• C O M P L E T E D • Amalia just found herself back in 1969 with a self-proclaimed mission to rewrite her gr... More

AVTTH (Back to 1969)
Prologue
01 Her 2020 Life
02 Lola Milagros
03 Exposure
04 Welcome?
05: An Unexpected and Unwanted Gift
06 Trespassing My Own Property
07 Alejandrino (Filler Chap Only)
08 Milagros
09: Meet the Grandparents?
📷 10: Baboy
📷 11: Thelma and Isidro
📷 12: Getting Aggressive
📷 13: Instant Friendship
📷 14: All in One Table
📷 15: Miss Tutor
📷 16: Decided
📷 17: The Sanchez Family
📷 18: Tango
📷 19: Love Guru
📷 20: The Confession
📷 21: Broke
📷 22: Surprise!
📷 23: A Bad Friend
📷 24: Girl Talk
📷 25: I'm Sorry
📷 26: A Date
📷 27: Double Date
📷 28: Stay
📷 29: Gate-crashing
📷 30: The Reason
📷 31: Mom
📷 33: The Horizon
📷 34: Going Home
📷 35: She Tried Suicide
📷 36: Ambuscade
📷 37: Her Returning
📷 38: Awakened
Epilogue
Epilogue
Author's Note

📷 32: Megahit

61 17 11
By seleneaaaa

AMALIA

"Ate isa pa nga!" Riguel laughed while eating balot. Nasa harap kasi kami ngayon ng municipal hall at nakita namin si tong si ate na nagbebenta ng mga balot, chicharon at mani.

Well ako? I don't eat balot. Kaya nga tumatawa ngayon si Riguel dahil pinipilit niya kaming mga babae na kumain. Si Mila sumuko na sa kaniya, ako? Never.

Diring-diri nga si Mila habang iniinom ang sabaw nito. Naawa daw kasi siya sa manok kaya ayaw niya noong una. Eto namang si Marco pursigido ring pakainin ako. Bahala siya diyan. Kala niya bibigay ako sa pagpapacute niya? Hah! Mukha niya!

Kasama din namin si Thelma na pangiti-ngiti lang sa amin. But I know something's wrong. Hindi siya masyadong dumadaldal ngayon at magsasalita lang kapag tinanong.

"Amalia sige na. Kainin mo na to." ipinagsiksikan ni Marco ang balot sa bunganga ko pero umiwas ako.

"Ayoko nga!" tumawa ako. "Ate pinipilit ako o!" sumbong ko sa tindera. Alam ko namang papanigan niya ako. Binili ko na halos lahat ng mani niya e.

"Ang sweet naman ni sir Sanchez, Miss." ngumiti siya na parang kinikilig. "Pagbigyan niyo na."

Nalaglag naman ang panga ko. Traidor! Baka iluwa ko pabalik ang mga mani mo makikita mo talaga ate! Nagpacute lang tong mokong nato sayo nagtransfer ka na ng panig! Mga babae nga naman.

"Bigay mo nalang kay Thelma!" tinuro ko ang kaibigan kong naka sandal lang sa tukod nitong maliit na stall.

Ngumiti lang naman siya at tinanggap ang bigay ni Marco. Palibhasa kumakain siya nito e.

Umupo-upo nalang kami sa plaza pagkatapos. Nagyaya kasi kanina si Riguel na gumala dahil bored daw siya. Sumali kami sa mga taong nagvo-volleyball sa field at ako ang pinupuntirya ng kabila dahil lalampa-lampa ako habang naglalaro. Inuuna ko pang takpan yung mukha ko kesa paliparin yung bola pabalik.
Marunong naman akong mag volleyball kasi PE namin yan nung grade 8 pero kasalanan ko ba kung takot ako sa bola?!

That's my flaw. Hindi ako maaasahan sa sports.

Reklamo nga ng reklamo sina Riguel at Marco dahil kasalanan ko daw kung bakit kami natalo. Sino ba nagsabing pasalihin nila ako? Jusko tong dalawang to.

Bumalik nalang kami sa pagkakaupo dahil walang magandang papatunguhan kung maglaro pa kami ulit. Baka mag-away away lang kaming lima dito.

Pinanood nalang namin yung ibang mga tao rito sa plaza. May mga batang naglalaro, mga matatandang nagwa-walking, mga magjowang nagdedate at mayroon din namang mga magkakaibigan gumagala, gaya namin.

Pinagkakatuwaan nga namin yung iba. Gaya nalang nung lalaking hipo ng hipo sa girlfriend niya. Jusko walang pinipili. Yung batang umiyak kasi ayaw niyang maging taya. Napatigil nalang kami sa pagtawa nang tumayo si Riguel at luminga linga sa paligid. Kumunot din ang noo ni Marco at sabay namang napatingin sina Mila at Thelma sa gilid nila. Oookaayyy anong nangyayari?

I also looked around para tingnan kung may mali ba. "Narinig niyo yun?" tumingin samin si Riguel.

"May tumawag sakin."

"Someone called me."

Sabay na sabi ni Thelma at Marco at napatango naman sa kanila si Mila. Wala naman akong narinig?

"That's weird. Baka minumulto na tayo?" umupo na ulit si Riguel at ginamit iyong advantage para kumapit sa braso ni Mila.

"Wala naman." Marco relaxed again. "Guni-guni lang ata natin yon."

"Sabay-sabay tayo, guni-guni?" tumaas ang kilay ni Riguel.

I smiled when I remembered something. "Alam niyo, kapag pakiramdam mo daw may tumatawag sayo, someone from the future is reminiscing memories with you." nabasa ko yan sa libro noon.

"Yung miss niya na kayo pero wala siyang magawa kundi ang alalahin nalang ang lahat." ngumiti ako ulit. Maybe that was me calling them earlier.

Ngumuso naman si Riguel at tumango-tango. "Sino kaya yun?"

Napaisip naman ako. Kailan ko kaya sila makakasama ulit ng ganito after I return home? Siguradong mami-miss ko talaga sila. "Sa tingin niyo magkikita-kita pa kaya tayo ulit after this life time?" tiningnan ko sila isa-isa. Trying to memorize their faces.

"Like reincarnation?" Mila tilted her head. Tumango naman ako. I'm going home soon. Sana naman sa susunod naming buhay magkakasama na kami sa iisang panahon lang.

"I think hindi na. After we are being reincarnated, we are all different persons. New set of family, new set of friends...." Mila trailed off.

"Sa tingin ko hindi narin. I don't believe in reincarnation in the first place." sabi ni Thelma habang nagbubunot-bunot ng damo.

Umakbay naman si Riguel kay Mila. "I'm with Mila." walang kwenta to.

"I'm already contented with my life now. So I think wala na akong rason para gustuhin pang mabuhay ulit." Marco shrugged saka tumingin sakin.

I shook my head. "I don't know."

"Bakit ba reincarnation ang pinag-uusapan natin? Hindi pa naman tayo patay." Riguel rolled his eyes at pinatalikod si Mila para i-braid ang buhok nito. Minsan duda na talaga ako sa kasarian ng lolo ko.

"Eh kailan ba to dapat pag-uusapan pag nasa kabaong na? Sige try natin yun para bago." umirap din ako sa kaniya.

Napatingin naman kaming lahat kay Thelma nang tumayo siya. "Cr lang ako." tipid niyang sabi tapos tumalikod na.

I gestured to them na susunod ako kay Thelma tapos ay tumayo narin. "Thelma." tawag ko nang makalayo na kami. "Is there a problem?" kanina ko pa kasi napapansin na she's not on her usual self. Ngumiti lang siya at umiling but I know better. "Nagseselos ka kay Mila?" gulat naman siyang napatingin sakin.

"H-huh?" pagmamaang-maangan niya pa.

"Oh come on Thelma." I exhaled. "Alam ko okay?"

"Na?"

I rolled my eyes. "Na you like Riguel."

Umiwas naman siya ng tingin. "Gusto ko nang umuwi. Ayoko na dun." she said. "I loved him first Amalia pero bakit hindi ako?" namamasa na ang gilid ng mga mata niya. "Pero alam mo yun? Ayokong humadlang pa sa kanilang dalawa dahil alam ko namang mahal nila ang isa't isa."

Natahimik naman ako dahil hindi ko akalain na mas malalim pala ang nararamdaman ni Thelma para kay Riguel.

"Maybe I'll just go away and continue loving him from afar." she wiped her tears. Napamaang naman ako. She can't continue holding on with her love for Riguel. Isidro is waiting for her. Their story awaits.

Hinawakan ko ang kamay niya. "You know why our parents taught us how to open and close our hands?" I formed her hands into fists. "It's because they want us to learn when to hold on." diniinan ko ang pagkakahawak sa kamao niya. "And when to let go." I loosened my grip and let her palms open.

Nakatingin lang siya sa mga kamay namin at parang iniisip ang mga binitawan kong salita.

"Maybe it's not yet your fairytale but somebody else's." I continued. "Maybe your prince is still out there. Maybe lost? And is still looking for you." inangat niya ang tingin kaya ngumiti ako. "And I hope that when he finally finds you, you'll recognize him."

Ilang segundo ang lumipas at hindi siya nagsalita. "Hindi na kita pipilitin pang bumalik don dahil alam kong nasasaktan ka. I'm sorry." I'm sorry Thelma dahil kasalanan ko kung bakit naligaw si Ising. Siguro dapat nagkakamabutihan na kayong dalawa ngayon.

Nagulat naman ako nang yumakap siya sakin. "Thank you Amalia." madalian niyang sabi bago umalis. Tinanaw ko lang ang likod niyang tumatakbo papalayo. Napabuntong hininga nalang ako at aalis narin na sana nang may marinig akong mga boses sa gilid nitong cr.

Dito kasi pumunta si Thelma sa cr malapit sa municipall hall. Lumapit ako roon para sumilip. "----anong hindi na pwede?" nakita ko si Roberta kasama ang isang lalaking may edad na. I think this is her Dad?

"Ayoko na Papa." tumutulo na ang mga luha niya.

"Bakit? Diba gusto mo si Marco? Anak, ang pamilya nalang niya ang pag-asa natin!" pagalit na bulong ng papa niya. "Ini-istorbo mo ang trabaho ko. Yan na nga lang ang maitutulong mo sa pamilya natin papalpak-palpak ka pa." umamba nang aalis ang lalaki kaya nagtago ako sa malalaking paso sa gilid.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok ito sa Rural Health Center. Naaalala kong siya ang doktor doon nung dinala ako sa sentro nila Nanang Vima.

Lumabas na ako sa pagkakatago at sumilip ulit kay Roberta. Naka-upo na siya ngayon sa flower box at humahagulgol. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Palagi niya man akong tinatarayan at tinatarayan ko rin naman siya pabalik pero hindi ko alam na ganito pala ang sitwasyon niya.

Lumapit ako at yinakap siya. I know she needs this. Ramdam ko namang nanigas siya at napatingin sa akin. "A-amalia?" taka niyang tanong at sinubukan akong itulak pero hindi ako nagpatinang. I now know that this is just her facade. "Lumayo ka nga."

"Arte arte." I rolled my eyes. "Kalimutan mo na munang kaaway mo ako." I hugged her tighter. I feel sorry for her. Isa ako sa mga rason ng mga problema niya ngayon.

"Sorry dahil tinatarayan kita Amalia." she sobbed on my shoulder. "Pero tatarayan parin naman kita." tumawa naman ako ng mahina. Of course. You're not Roberta without being a bitch.

Ilang minuto pa ang lumipas at hinayaan ko lang siyang iiyak ang nararamdaman. "Thank you." she said softly after, wiping her face. "Alis nako." she schooled her face back to her usual demeanor. Maldita na ulit siya.

I just stayed there watching her back go away. Napangiti ako dahil I witnessed this side of her. Alam kong mabait naman talaga siya. Nagkataon lang siguro na threat ako sa kaniyang paningin kaya natikman ko ang katarayan niya.

We, people, have different sides ika nga. Kahit ako may mga kapintasan din. None of us is purely good or completely bad. Mga tao lang tayo. We are just humans, able of doing both.

Bumalik nalang ako kina Marco, hindi parin maalis ang ngiti sa labi ko. "Oh? Bat antagal niyo? Nasan si Thelma?" bungad sakin ni Riguel.

"Umuwi na siya. May emergency." pagsisinungaling ko sabay upo.

Tumayo naman si Riguel at hinila din patayo si Marco. "Bibili kami ng pagkain. Diyan lang kayo. Anong gusto niyo?"

"Gusto kong maghalo-halo." sabi ko sabay punas ng pawis dahil mainit.

Binalingan naman ako ni Riguel nang nakangisi. His eyes gleamed with mirth. May pinaplano to e. "Bibilhan kita ng balot." humalakhak siya. "Kala mo ha."

"Subukan mo lang." sinamaan ko siya ng tingin.

"Susubukan ko talaga!" he laughed harder. Jusko po. Bakit ganito ang lolo ko?

Hinawakan ko ang kamay ni Mila kaya napatingin siya sakin. "Mila, wag mong pansinin si Riguel. Di natin siya bati." I acted to whisper pero malakas naman ang pagkakasabi para marinig ng dalawa.

"Mila anong gusto mo?" baling ni Riguel sa kaniya pero pangiti-ngiti lang ang babae habang tumingin-tingin sa paligid. Nagngiting tagumpay naman ako at tinaasan ng kilay si Riguel. "Mila." niyugyog niya ang braso nito pero dedma. "Mila, wag kang makikinig sa bruhildang yan." sinamaan niya ako ng tingin.

Mahina naman kaming tumawa ni Marco.
"Mila, sagutin mo naman ako o." ngumawa siya na parang bata.

Mila faced her this time with a sweet smile plastered on her lips. "Oo."

"H-hah?" natigilan naman si Riguel, hindi naintindihan ang sinabi ng babae.

"Sinasagot na kita." nahihiyang sabi ni Mila at agad naman nanlaki ang mga mata ni Riguel. Napabitaw siya sa kaniya at mukhang hindi na alam ang gagawin.

"S-sinasagot mo na ako?" nauutal na ang lolo ko. Tumango naman si Mila kaya napatalon siya sa saya. "Yes!" malakas niyang sigaw kaya napatingin ang ilang tao sa amin. Agad niyang sinunggaban ng yakap si Mila kaya mahinhin itong napatawa.

I looked at them with teary eyes. Well I guess I did it? I succeeded right?

Napatingin ako kay Marco at nakitang nakatingin na pala siya sa akin. May bahid ng kalungkutan ang mga mata niya. I smiled at him. I guess he just mirrored mine. I know mine were sad too.

=========================
mwa.

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
10.5M 480K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #03 â—¢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
14K 1.5K 71
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
206 78 13
#ShortStory Simon noong umulan ikaw ang nag -silbing payong ko ngunit nagkamali ako dahil sa huli ikaw ang nag-silbing bagyo ko na dadaan lang para...