You're Not My Brother (On-Goi...

By Nickolai214

162K 8.7K 1.5K

Note: This story was inspired from a Chinese Webseries titled Addicted Heroin. That's why some scenes are sim... More

List Of Characters
Character Models
Gabriel Robles (1)
Redentor Serrano (2)
Redentor Serrano (3)
Redentor Serrano (4)
Kazu Serrano (5)
Redentor Serrano (7)
Redentor Serrano (8)
Gabriel Robles (9)
Gabriel Robles (10)
Gabriel Robles (11)
Redentor Serrano (12)
Kazu Serrano (13)
Kazu Serrano (14)
Gabriel Robles (15)
Gabriel Robles (16)
Gabriel Robles (17)
Redentor Serrano (18)
Gabriel Robles (19)
Redentor Serrano (20)
Redentor Serrano (21)
Redentor Serrano (22)
Gabriel Robles (23)
Redentor Serrano (24)
Gabriel Robles (25)
Gabriel Robles (26)
Gabriel Robles (27)
Kazu Serrano (28)
Dale Monte (29)
Redentor Serrano (30)
Gabriel Robles (31)
Redentor Serrano (32)
Gabriel Robles (33)
Redentor Serrano (34)
Redentor Serrano (35)
Update Later
Redentor Serrano (36)
Gabriel Robles (37)
Redentor Serrano (38)
Gabriel Robles (39)
Redentor Serrano (40)
Redentor Serrano (41)
Gabriel Robles (42)
Enchanté

Kazu Serrano (6)

4.1K 211 25
By Nickolai214

You're Not My Brother

Episode 6

Kazu

Matapos ang halos ilang minuto na pagsakay ko sa motorsiklo ng gwapong waiter ay inihinto niya iyon sa tapat ng isang convinient store sa may pasay.

Nagpark siya sa harapan nito. Pinababa niya ako saka siya sumunod na bumaba. Nagtanggal ng helmet bago siya bumaling sa akin.

"Hintayin mo ako dito." sabi niya saka na siya pumasok sa loob.

Pagbalik niya ay may dala na siyang mainit na kape at kung anu ano pa na nasa plastic. Inabot niya sa akin ang kape.

"Sarado na yung masarap na lugawan na alam ko malapit dito." sabi niya saka siya sumakay sa motor niya. Muli niya akong pinasakay doon at nagtungo kami sa seaside.

Naupo kami sa gilid ng baywalk saka ko na sinimulang inumin ang kape ko.  Kinuha niya sa supot ang isang rice meal na binili niya saka niya iyon binuksan.

"Nagugutom ka ba? May binili akong tinapay o kung gusto mo naman ay mag rice meal ka na lang. Dalawa ang binili ko." sabi niya saka niya kinuha mula sa supot ang mga pagkain na inaalok niya ngunit tumanggi na ako.

"Coffee is fine." mahinang bulong ko saka ako humigop doon.

Huminto naman siya sa pagkalkal sa plastic saka na siya nagsimulang kumain. Pinagmasdan ko ang maliwanag na buwan na kumikislap sa tubig ng dagat.

Hindi ko naman maiwasan na sulyapan ang lalaking katabi ko paminsan-minsan. Hanggang sa maramdaman niya na pinagmamasdan ko siya.

Tumingin siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Nakita ko na nginunguya pa niya ang pagkain na nasa bibig niya.

Hindi ko naiwasan na pagmasdan ang bawat paggalaw ng mapupula niyang labi at ang paggalaw ng adams apple niya kapag lumulunok siya.

[I wanna feel your touch
It's burning me like an ember]

Naalarma ako sa ginagawa ko kaya mabilis kong iniiwas ang tingin ko mula sa kanya. Nagkunwari ako na nakatitig sa dagat.

[Pretending is not enough
I wanna feel us together]

Nang matapos siyang kumain ay iniligpit niya ang mga pinagkainan niya saka siya umayos ng upo.

Hindi ko alam kung sinadya ba niya o aksidente lang nadikitan ng mga daliri niya ang kamay ko na nakalapag din sa gilid namin.

Para akong napaso at mabilis ko iyong iniiwas sa kanya. Sabay pa kaming napasulyap sa isa't isa.

[So I'm giving in]

"Kasali ka ba sa frat?" bigla ay tanong niya nang hindi inaalis ang mga mata sa akin.

Nakita ko na seryoso siyang naghihintay ng sagot ko.

"Frat is not my cup of tea." sabi ko saka ako muling tumingin sa madilim na kalangitan.

[So I'm giving in
To the trouble I'm in]

Napatango siya at ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.

"Kung hindi ka kasali sa frat, bakit ka pinagtangkaan na saktan ng mga lalaking iyon kanina?" tanong niya

Napabuga ako ng hangin saka ko siya sinulyapan sandali. "Hindi ako kasali sa frat pero madalas nila akong makita na kasama ang pinsan ko. Si Red ay miyembro ng isang sikat na frat."

"Bakit hindi mo layuan ang pinsan mo. Nadadamay ka sa mga trouble nila dahil sa pagdikit-dikit mo sa kanya." sabi niya. Kung sa ibang pagkakataon ay makakadama na ako ng inis sa lalaking ito pero nahimigan ko sa tono niya ang concern habang sinasabi niya iyon.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Hindi ko kailangan layuan si Red. Dahil simula nung maliliit pa kami ay siya lang ang nag-iisang tao na totoong mapagkakatiwalaan ko. Siya ang protector ko. At hindi niya ako minsan man na pinabayaan sa kahit na anong sitwasyon."

Napangiti pa ako at nangilid ang mga luha sa mga mata ko habang sinasabi ko ang mga compliment na iyon para kay Red.

"Kanina lang ay pinabayaan ka na niya. Kaya paano mo nasasabi sa akin ang mga bagay na iyan?" sabi niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko at nakadama na ako ng inis sa lalaking kasama ko ngayon. Tumigas ang anyo ko saka ko siya binalingan.

"Hindi ako pinabayaan ni Red. Nang malaman niya na nasa bar ang mga kaaway nila ay inutusan na niya ako na lumabas pero naging matigas ang ulo ko kaya inabutan ako ng mga lalaking ginulpi mo."

Tumawa siya. Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya dahil hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya.

"Kung ganun matigas pala talaga ang ulo mo? Kung ako sayo iwasan mo na ang mga frats na yan. Lalo na yung pinsan mo. Siya ang magdadala sayo sa totoong kapahamakan." amused na sambit niya. Huli na nang marealize niya na hindi niya dapat sinabi iyon.

Sinimangutan ko siya saka na ako tumayo mula sa kinauupuan ko ngunit mabilis niyang nahagip ang palapulsuhan ko.

Napatingin ako sa kamay ko na hawak niya pagkatapos ay lumipat ang tingin ko sa mukha niya.

"Saan ka pupunta?" kunot noo na tanong niya.

"Uuwi!" masungit na sagot ko saka ko tinangka na bawiin ang kamay ko ngunit mas hinigpitan niya ang hawak doon.

"Hindi mo kailangan magalit sa akin. Concern lang ako sayo kaya kita pinaaalalahanan." seryosong sabi niya.

"Hindi mo rin kami ganoon kakilala para makialam ka sa samahan namin ng pinsan ko. You know? Akala ko kanina mabait ka. Pero kagaya ka lang ng mga sinasabi mong frat members na kailangan kong iwasan."

Muli ay tinangka ko na bawiin ang kamay ko pero hindi niya hinayaan na makawala ako.

Sa halip ay tumayo na rin siya saka niya ako hinatak nang malakas.

Napasinghap pa ako kasabay ng pagdapo ng kamay ko sa dibdib niya. Shit! Napakatigas. Gawa ba sa bato ang katawan ng lalaking ito?

Napatingala ako sa kanya. Nakayuko naman siya sa akin at halos isang ruler na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

Naramdaman ko na pumulupot ang kabilang braso niya sa katawan ko kasabay ng pagtaas ng isang sulok ng labi niya.

Nararamdaman ko na bumilis ang tibok ng puso ko at napapakurap ako habang magkahinang ang mga mata namin.

Nasasamyo ko na rin ang gamit niyang cologne na humahalo sa brusko at natural na amoy ng kanyang katawan.

Napalunok ako at sa pagkakataong ito ay naaalarma na ako sa mga nangyayari. Mga flashes mula sa nakaraan ko ang mabilis na dumaan sa isip ko.

Kagaya kanina habang nakaangkas ako sa motorsiklo niya ay nakadama na naman ako ng deja vu.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paggalaw ng adams apple niya. Napalunok na rin ako lalo na nang mapagmasdan ng mga mata ko ang mga labi niya na tila ba ang sarap halikan.

Mabilis kong binura sa isip ko ang mga agiw na nabubuo.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang sa wakas ay tinalunton na nang mga labi niya ang natitirang gap mula sa mga labi ko.

Napasinghap ako ngunit nakulong iyon sa pagsakop ng mga labi niya sa mga labi ko.

Fuck! Napakatigas ng katawan niya pero ang labi niya napakalambot.

Nagsimula na iyong gumalaw na tila ekspertong eksperto na sa ginagawa nito.

Hindi naman ako makahuma dahil sa pagkabigla. Nagsimula siya sa masusuyong paghalik hanggang sa lumalim pa ang mga iyon.

Wala sa loob na napakapit ang isang braso ko sa matigas niyang biceps kasabay ng pagpikit ng mga mata ko upang namnamin ang tamis ng kanyang masusuyong halik.

Hindi ko na itatanggi pa na nasasarapan ako sa mga halik niya. Nagugustuhan ko na ang bawat pag-angkin na ginagawa niya sa labi ko.

Nagsimula na ring gumalaw ang mga labi ko na sumasabay sa bawat ritmo ng kanyang paghalik.

Ngunit hindi pa man nagtatagal ang aking pagtugon ay muli na namang umatake ang mga flashes ng nakaraan sa isipan ko.

Kasunod ay ang malakas na halakhak ni Kaye at ang magkakasunod na sampal na inabot ko mula kay Daddy.

Bigla ay para akong pinanlamigan. Huminto ako sa pagtugon. Bakit ba ako nagpapahalik ng ganito sa isang estranghero?

God! Kazu, Nababaliw ka na.

Malakas na pagtulak sa dibdib niya ang ginawa ko kaya tuluyan nang kumalas ang mga labi niya mula sa labi ko.

Nakita ko sa anyo niya ang pagkabigla habang nakatitig siya sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkabitin sa ginagawa niya na sinundan ng frustration.

Tumigas ang anyo ko. Siguro nga ay nababaliw na ako. Totoo nga siguro ang ibinibintang sa akin ni Kaye. Na malandi ako kaya ako napapahamak.

Hindi ko pa nga alam kung ano ang pangalan niya ay tinugon ko na ang mga halik niya. Masyado siyang mabilis at nakakabahala ang ganitong mga pangyayari.

Sino ba ang lalaking ito? Kagaya din ba siya ni Ron? Ipinain na naman ba siya sa akin ni Kaye para ma-in-love at mapahamak na naman ako.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko habang magkahinang pa rin ang mga mata namin.

Mabilis ko iyong pinahid gamit ang likod ng palad ko. Nakita ko ang pag-aalala sa gwapong mukha ng estranghero na ito.

"S-sorry!" aniya na tila ba naguguluhan din sa ginawa niya.

"Sino ka ba?" malamig na tanong ko sa kanya. Nararamdaman ko na rin ang panginginig ng tinig ko kadabay ng panginginig ng mga laman ko.

Kung totoo man ang mga naiisip ko ay paano nagagawa ni Kaye iyon? Milya milya ang layo niya mula sa akin. Hindi ba talaga niya ako titigilan hangga't hindi niya nakukuha ang lahat?

"Kung ano man ang binabalak mo sa akin ay ngayon pa lang tigilan mo na. Hindi na ako mapapaso pa muli sa parehong apoy na ipinapain sa akin."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Bakas ang pagtataka dahil sa sinabi ko.

"Hey, I think nagkakamali ka ng hinala sa akin. Wala akong masamang intensyon sayo okay? Nagkataon lang talaga na hindi ako immune sa charm mo." sabi niya saka niya sinundan ng sinserong ngiti.

Ngunit hindi ako dapat nagoapadala sa mga ngiti ng lalaking ito. Madalas ay nadadaya ang mga mata.

"Charm!" mahinang sambit ko saka ako muling tumitig sa kanya.

"Tang-inang charm na iyan. Lunukin mo gago!" sigaw ko sa kanya saka ko siya tinulak nang malakas.

Dahil nasa edge na siya ng platform na inuupuan niya kanina ay nawalan siya ng panimbang kaya bumagsak siya.

Nakadama ako ng pag-aalala sa kanya. Nasaktan ba siya? Pero sa huli ay pinili ko na lang ang pabayaan siya.

Baka kung hahayaan ko na pangunahan ako ng konsensya ko ay baka ako ang lamunin ng mga problema na darating sa hinaharap.

Hindi ko na kakayanin pa na muling masaktan dahil sa sakim kong kapatid.

[You are you are, my favorite medicine]

Sinamantala ko naman ang pagkakataon. Mabilis na akong tumakbo patungo sa sidewalk ng Manila Bay.

Sakto naman na may pumara na taxi at bumaba ang sakay nito. Mabilis akong sumakay doon at sinabi ko sa driver ang address namin.

[You are you are, you're where the edge began]

Nagpahid ako ng mga luha at nararamdaman ko pa rin ang mabilis na pagtahip ng dibdib ko at panginginig ng mga laman ko.

Nakita ko pa ang tangkang paghabol sa akin ng lalaki ngunit nagsimula nang umandar ang sasakyan.

[You are you are, just one last time again]

Napahinto na lang siya sa sidewalk at nagtama na naman ang mga tingin namin.

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya na nahahaluan ng pagkalito.

Pinili ko na lamang na mag-iwas ng tingin. Hindi ko na siya dapat na tinititigan pa.

[You are you are, you are the trouble I'm in]

Kung totoong pain na naman siya ni Kaye ay mas lalong kailangan kong mag-ingat sa lalaking iyon.

Dahil wala nang traffic ay mabilis akong naihatid ng taxi sa tapat ng bahay namin sa Forbes.

[You are the trouble I'm in]

Dumiretso kaagad ako sa silid ko. Hindi na ako naghubad ng damit. Basta binuksan ko na lang ang shower saka ko itinapat doon ang sarili ko.

Gusto kong mawala ang lahat ng sakit sa dibdib ko. Fuck! Gusto kong sumigaw. Ano bang kasalanan ko sayo, Kaye?"

Nagpatuloy na ako sa pag-iyak kasabay ng pagbuhos ng malamig na tubig sa katawan ko. Hindi ko na napigilan na mapahagulgol habang marahan akong napapaupo sa sahig.

[You are the trouble I'm in]

*****
Background Music: Trouble I'm In - Twinbed

Continue Reading

You'll Also Like

49.5K 1.3K 31
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
87K 4.3K 50
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
4.2M 167K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
1.2M 29.9K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...