Everything has Changed

By hyacinthdreamer

19.4K 988 1K

What would you do, if the man you love is the same man who will break your heart? They say love will change y... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31

CHAPTER 6

403 29 25
By hyacinthdreamer


"No offense meant lang bessy ha? Pero diba mayaman ka? Bakit pangmanang halos lahat ng mga damit mo na sinusuot dito sa school?" Tanong sakin ni Jen habang kumakain.

Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain ni Jen. Nasanay na nga ako na kasama siya. So far, wala pa naman akong problema sa kanya.

"Huh? Bakit may problema ba?" Nakakunot noo kong tanong.

May problema ba talaga sa mga damit ko?

"Eh kasi naman bes, halos mag-iisang buwan na tayong nagkaklase. At araw-araw ay ganyan lagi ang suot mo, kung hindi matataas na palda na paparesan mo ng long-sleeve. Eh naka pantalon ka naman na sobrang luwag sa paa mo at paparesan mo na naman ng maluwag na shirt."

"Oh tapos? Eh nakasanayan ko na to eh."

Required ba talaga mag pa-sexy porket babae?

"Ang jologs naman kasi ng pormahan mo bes, kung di ko pa alam na sobrang yaman niyo, baka aakalain kong wala kang pambili ng mga desenteng damit." Nakangiwi pa siya.

Napabuntong hininga ako. Hindi ito ang unang beses na nagrereklamo si Jen. Sa totoo lang, pag magkasama kami, ang pananamit ko ang palagi niyang sinisita.

Parang napabayaan na nga daw ako ng panahon.

Alam ko namang naiiba ang 'fashion style' ko. Pero wala naman silang magagawa kung dito ako komportable.

Lumaki ako na puro mga matatandang kasamabahay ang kasama ko sa mansion. At nakatatak sa isipan ko ang mga payo nila.

"Ang isang dalagang pilipina ay hindi nagdadamit na parang kinakapusan ng tela."

"Madali kang mababastos ng mga lalaki pag ganoon ang mga suot mo"

And true to their words, never pa ako nabastos dito sa university.

"Whatever makes you sleep better at night, Jane." Sumusuko kong saad. There's no point in arguing. Hindi nagpapatalo si Jen sa isang bangayan.

She just grinned, probably thinking that she have won the arguement.

"By the way bes, ba't napapansin kong di kayo nag-uusap ni Sliver?

Bigla naman akong natigilan sa tinanong ni Jen.

Totoo din naman kasi, dalawang linggo na kaming magkatabi sa klase pero bihira lang kami mag-usap.

Nasasanay na ako kahit papano na may nakakasalamuha kaya nakaka-usap ko na din ang iba sa mga kaklase ko, but not Montenegro.

"It's Silver for you, Alexandra"

Mali.

Silver pala...

Yun na nga ata ang huling matinong usapan namin ni Silver, tapos wala na. Nahuhuli ko lang siya paminsan-minsan na sumusulyap pero wala namang sinasabi. Minsan napapa-isip tuloy ako kung palagi bang may dumi sa mukha ko dahil sa palagi niyang pagsilip.

"Girlsss! Papalapit na dito si Silveeer!"

Napalingon kami ni Jen sa likod ng mesa namin kung saan may babaeng sumigaw at tumitili. Kilala ko sila tatlo, sabi ni Jen sila daw ang 'Queen B's' dito sa university.

Si Britney, Beatrice, and Bella.

Lahat sila naka mini-skirt at naka tube. Jusko. Nakikita ko mga cleavage nila mula dito.

"Wag na wag kang makikipag-usap sa kanila. Mga masasama ang ugali ng mga yan."

Naalala ko tuloy yung bilin sa akin ni Jen.

Ayaw daw ng mga 'Queen B's' ang lahat ng bagay na "panget"

Nakita kong pumasok si Silver at nag oorder sa may counter. Nahalata ko namang may ibang babae na tingin ng tingin sa kanya. At may iba pang pasimpleng nagpipicture.

Nasabi ko na bang sikat na si Silver dito sa University?

Kasi sabi pa nila, mayaman na, gwapo pa. Idagdag mo pa katalinuhan niya. Package deal na kumbaga.

"Alam mo bes, kung nagdadamit ka lang ng mga pa sexy. Baka parehas kayo ni Silver na sikat ngayon." I frowned at what Jen said.

I thought we're done with this topic already?

I rolled my eyes heavenwards.

"Jen, di ka pa ba tapos sa usapan na yan? Nakakasawa na kasing pakinggan." Di ko mapigilang magtaray. Kahit mahiyain at tahimik ako minsan, marunong naman akong magalit kahit papano. Lalo na pag punong-puno na ako.

Natahimik naman si Jane. Natatameme talaga siya pag ganito na ako, alam niyang mahaba ang pasensiya ko kaya pag nagtaray ako, galit na talaga ako.

"Hehe. S-sabi ko nga shut up na ako." At nag senyas pa siya na zinizipper ang bibig.

Lumingon ako ulit kung nasaan si Silver kanina, nasa mesa na siya ngayon, kumakain mag-isa. Ni isang beses ay di ko siya nakitaan na may kasamang kumain, except pag kasama niya ang mga barkada niya. Yung mga taga Architecture na sina Jordan at Alex—credits to Jen para sa mga information.

"Halika na Jen, balik na tayo sa klase." Ngayon ko lang naalala na may gagawin pa pala kami para sa assignment namin sa International Business.

"My god! Kung di ko lang alam na tagapagmana siya, I'm gonna think she's from like a very poor family."

"You're so true Britney, she's so jologs talaga."

Napatigil kami sa paglalakad ng marinig namin na nagbubulungan—mali, kasi sinasadya nilang iparinig sa amin.

Lumingon kami ni Jen dun sa mga 'Queen B's'

Ako ba pinaparinggan nila?

"Excuse me? Yung bestfriend ko ba pinapatamaan niyo?!" Eto namang si Jen, galit agad. Kaya minsan napapahamak kami sa iksi ng pasensya niya eh.

"Baket? Natamaan ba siya? Obviously, wala namang ibang manang dito." Eto ata sa Britney. 

"Oh tapos? Inaano ba kayo ni Alexandra, huh?!" Naku naman, sumisigaw na si Jen.

"Jen, please stop. Wag mo nang patulan." Natatarantang bulong ko kay Jen. Ayoko ng gulo.

"No Bes! Kailangan kitang ipagtanggol. Di mo naman sila inaano! Sila nga sobrang panget di naman tayo nagreklamo ah!" Diyos ko. Muntik pa akong mabingi sa boses ni Jen.

"Excuse me?! Did you just call me panget, you filthy girl?! Mas 'ugly' ang bestfriend mo! Gosh, you're so blind and—"

" And you think you're more beautiful than her?"

Napalingon kami sa taong sumingit sa away namin.

"S-Silver." Mahinang bulong ko sa sarili. Ba't siya nandito?

Natahimik kami lahat ng makitang sobrang seryoso ang mukha ni Silver. Yung tipong may masisigawan siya anytime.

"W-what are you talking about, Silver. O-of course I am." Nagkandautal-utal na si Britney. Ang mga kasama niya ay napatayo at nagtago sa likod ni Birtney. Natakot ata kay Silver.

Nakita kong tumaas ang sulok ng labi ni Silver at napa-iling.

"You're pathetic if you're thinking that you're more beautiful than her. You're not even beautiful after making your face a coloring book."

I heard a lot of gasped and some are even laughing nang marinig ang sinabi ni Silver.

Namula naman ang mukha ni Britney sa kahihiyan.

"Buti nga." Nakangising bulong ni Jen.

"Girl, let's just go." Napapahiyang sabi ng mga kaibigan ni Britney. Wala namang nagawa si Britney at sumang-ayon.

At talagang tinignan pa ako ng masama.

"We're not yet done, manang!." At taas noo pang umalis.

Talk about pride and ego.

"Are you okay?"

Napasinghap ako ng nasa harapan ko na pala si Silver ng hindi ko namamalayan.

"A-ahm... Oo. Salamat." Nahihiya pa akong ngumiti. Eto ang unang naming pag-uusap simula nung first day.

"Good, let's go. We still have class."

At nabigla ako ng hinablot niya ang bag ko mula sa balikat ko at lumakad na

"W-wait!" Di ko mapigilang sumigaw. Napatigil naman siya at lumingon sa akin habang nakataas ang isang kilay.

"Y-yung bag ko." Nauutal kong sabi.

"I'll bring it. Let's go."

Huh?

"P-pero Silver—" Naputol ang sasabihin ko nang hinawakan ni Jen ang balikat ko.

"Pabayaan mo na girl. Magkatabi naman din kayo sa room." At hinigit na niya ako para maglakad.

Pero kaya ko namang dalhin ang bag ko...

Continue Reading

You'll Also Like

40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...