JR's POV
Days had passed and now it's october already. 2weeks ago since magkita ulit kami ni String Ting. Lagi ko siyang katext,kachat, at katawagan pag vacant time ko. Pero hindi pa din alam nila mommy na nandito na siya ulit sa Pilipinas, hindi ko din naman masabi sa kanila dahil sa yun ang bilin niya. At ayoko din namang mapurnada yung sinasabi niyang surprise.
"JR, kanina pa nagriring yung phone mo." casual na sabi sa akin ni Harry.
Weekend ngayon pero nandito kaming apat nila Hannah,LJ,at Harry sa bahay. Kaming apat kasi ang naka-assign na magdecorate ng bulletin at classroom namin para sa contest na pagandahan ng decor. Every year na itong ginagawa para na rin dagdag activity para sa christmas. At kapalit naman ng effort namin ay ang maexempt sa exam namin this month..
"oh, problema mo?" walang gana kong sagot sa tumatawag. sino pa ba? edi ang String Ting ko.
"good morning din, hah!" sarcastic nitong bati.
"bakit nga? busy ako ngayon String Ting, mamaya ka na tumawag." irita kong sabi..
"okay." sabi nito. at agad akong binabaan ng phone. Loko yun ah, inunahan ako. Humanda ka sa akin mamaya.
Bumalik ako sa ginagawa kong gupit dito,gupit doon, dikit dito,dikit doon. Paulit ulit yung ginagawa ko pero hindi siya madali.
Ding...dong...ding...dong...
Si manang na yung nagbukas ng gate para sa kung sinuman yung nagdodoorbell. Maya-maya ay lumapit ito sa pwesto namin.
"Ma'am JR may bisita po kayo." pagbibigay alam nito sa akin.
"Papasukin mo na lang po manang, hindi ko maiwan itong ginagawa ko e." sabi ko naman.
Muli itong lumabas at hindi rin nagtagal ay lumapit ito ulit sa akin.
"Ma'am, hindi daw po siya papasok, hangga't hindi daw po ikaw ang ngpapapasok sa kanya." sabi ni manang sa akin.
Napatigil naman kaming apat sa ginagawa namin. paniguradong nagtataka din sila kung sino yung pa-VIP ko daw na bisita.
"pakisabi na lang po manang, na kung ayaw niyang pumasok, edi wag." sabi ko naman.
Ring...ring...ring...ring...
"bwisit!" inis kong sabi sabay balibag ng hawak kong gunting at colored paper, agad ko namang dinampot yung phone ko na tunog ng tunog.
Umalis ako sa pwesto at tinungo yung gate.Alam kong nakasunod lahat ng tingin nila sa akin pero hindi ko na lang pinansin.
"ano ba? di ba sabi ko busy ako?" inis kong sabi. ayoko sa lahat ng inaabala ako tapos walang kwenta naman ang sasabihin.
toot..toot..
badtrip pinatayan pa ako. nakakadalawa na ito sa akin ah.
" bakit ba ang demanding mo at---"
"bakit ang init init ng ulo mo, ang aga-aga"putol niya sa sinasabi ko. at ginawa na naman niya ang pig nose sa ilong ko. at sino pa bang gagawa noon sa akin?
"String Ting.."
"ako nga, piggy oink oink."
"bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka?"
"pano ko sasabihin? binubungaran mo ako ng init ng ulo mo?"
"pasensya naman. alam mo naman na ayaw kong nagpapaistorbo pag may ginagawa ako di ba?"
"oo naman, pero wag mo masyadong dibdibin yung ginagawa mo, may likod ka pa." pabiro pa nitong sabi.
"oo na po. tara na sa loob, for sure matutuwa nito si mommy pag nakita ka."
"alam ko. miss ko na din yun si mommy."
Pagpasok namin, sandali ko siyang iniwan para tawagin si mommy, at pagbalik ko kasama si mommy sa pinag-iwanan ko sa kanya, wala na siya.
"ano ba yun? anak?" tanong ni mommy sa surprise ko.
"basta mommy. wait, hanapin ko lang." at ayun natagpuan ko sa pinaggagawaan namin.
"Hey, String Ting come here." sigaw ko sa kanya.
"excuse me. i'm not a dog pigggy oink oink.." sabi naman nito kaya kami na lang ni mommy ang lumapit sa kanila.
"mommy!" excited nitong tawag kay mommy nung makita niya.
Lance's POV
Kanina pa nagriring yung phone ni JR pero hindi niya ito pinapansin, baka walang kwentang tao lang yun kaya hindi nalang niya pinapansin. Pero nung sabihan ni Harry ito, ay inis niyang dinampot yung phone niya at walang ganang kinausap yung tumatawag.
String Ting? pangalan ba yun? pero yun ang tawag ni JR sa kausap e. Wierd!
Bumalik siya sa ginagawa matapos niya itong kausapin.
Maya maya ay may nagdoorbell at pinaalam ni manang na bisita iyon ni JR, inutusan niya itong papasukin na lang dahil sa busy siya sa ginagawa pero ang pa-VIP nitong bisita ay ayaw pumasok hangga't hindi si JR ang sumasalubong dito. Napakademanding!
Hindi na nakacontrol ni JR ang inis niya ng muling tumunog ang phone niya.Umalis itong kinakausap yung nasa phone habang tinatahak ang daan papunta sa gate nila.
"may dalaw ba ang ate mo?" bulong ko kay Hannah na katabi ko.
"Sira! hindi naman preso si ate para magkaroon ng dalaw." sagot naman nito.
"ay, slow.. I mean monthly period."
"ah.... ewan ko."
Tahimik kaming gumagawa nang may dumating na lalaki sa pwesto namin.
"Hi guys.." bati niya at abot tenga ang ngiti. feeling close naman ito. Tumigil kami sa ginagawa pero hindi kami bumati pabalik sa kanya, tinitigan lang namin siya. "ahm.. I'm Ian Miguel Tolentino nga pala, Rhain's boyfriend." pakilala niya.
Agad kaming nagtaka sa sinabi niya. Ngayon lang namin siya nakita then magpapakilala siya na boyfriend ni JR? ah.. baka playmate niya. Hindi pa din kami kumikibo kaya nagsalita ulit siya.
"pasensya, naistorbo ko ata kayo."
"Hey!String Ting, come here!" sigaw ni JR kaya humarap kaming lahat sa kanya.
"excuse me, I'm not a dog piggy oink oink." mataray nitong sagot kay JR.
Mukhang hindi ito basta-bastang tao lang, dahil sa kilos nilang dalawa parang matagal na silang magkakilala.
Maya-maya pa ay lumapit na sa pwesto namin si JR kasama ang kakambal este mommy pala niya.
"mommy!" sigaw ni Ian ng makita si Tita. M-mommy? kapatid niya?
"Ian?!" Gulat namang sabi ni Tita sabay yakap sa isa't isa.
"my God Ian! kailan ka pa dumating? bakit hindi ka man lang nagsabi?" sunod-sunod na tanong ni Tita. "Binatang-binata ka na, ang gwapo-gwapo mo pa.."yumakap ulit si Tita kay Ian. "Namiss kita, ang tagal mong nawala."
"ako din po mommy, miss na miss na miss ko na po kayo. Last last month pa po ako nandito sa bansa."sagot nito.
"hah? bakit ngayon ka lang nagpakita? kinalimutan mo na siguro kami 'noh?" nagtatampong sabi ni Tita.
"nah! that's imposible mommy. Kaya wag na po kayong magtampo." sabi naman nito at inilabas yung bulaklak na itinatago niya sa likod niya kanina pa.
"Naku String Ting, nag-abala ka pa." sabi ni JR habang inaabot yung flowers pero iniwas agad iyon ni Ian sa kanya.
"Sino naman nagsabing para sa iyo ito, piggy oink oink?" natatawa nitong tanong.
"e, kanino?"
"Kay mommy.. For you po mommy.." sabay abot nito kay Tita.
"ayie.. ang sweet naman ng Ian ko. Salamat. Sige, balik na ako sa kitchen para makapaghanda na ako ng merienda niyo." paalam ni Tita.
"naku, masisira yata ang diet ko dito.. Mahirap magpigil sa pagkain kapag luto niyo mommy.
" arte pa nito.
"nambola pa oh.. sige na, para maaga din silang matapos sa ginagawa."
Pagkaalis ni Tita, padabog na bumalik sa pwesto niya si JR.
"Piggy oink oink?" tawag nito, pero hindi siya nito pinansin.
"piggy oink oink, uy! pansinin mo naman ako." pangungulit nito sabay tusok sa tagiliran ni JR.
"tigilan mo nga ako, Miguel."
"e, paano kung ayaw ko, Rhain?" tanong nito pero hindi na naman ulit siya pinansin nito.
"wag ka na kasing magtampo.. Wag kasing assuming masyadi, hindi naman talaga para saiyo kasi iyon."
Tinignan siya ng masama ni JR dahil sa sinabi. Sino naman kasing matinong lalaki ang magsasabi nun sa babae? di ba?
"and besides, you're not fond of roses naman di ba?" sabi pa nito.
"isa!" pagbabanta ni JR.
"Eto na, eto na.. ito kasi yung para sayo." sabi ni Ian habang bitbit yung isang paso na may tanim na 3 sun flower.
May bulaklak na kaya alam kong sun flower yun. At dahil doon, nawala ang badtrip ni JR sa kanya.
"naku, ikaw talaga.. hihintayin mo talaga muna ako mainis bago mo ibigay yung akin. Kaya lang bakit nakatanim pa?"
oo nga naman? sira ulo din pala itong lalaking ito e.
"kasi gusto ko alagaan mo yan, parang Baby natin." nakangisi nitong sabi.
Isang kutos naman ang natanggap niya kay JR dahil sa sinabi.
Tahimik lang yung dalawa naming kasama at parang walang pakialam sa dalawa, di katulad ko na todo pakinig sa mga pinag-uusapan nila.
"Baby natin ka jan? Baby ko lang." sabi nito.
"Hindi, ako ang nagbigay kaya Baby natin." pagpipilit nito.
"ah ganun.. ? sige, binabalik ko na."
"'to naman oh.. joke lang." sabi nito sabay ngiting aso.
~*