A Voyage Towards the Horizon

seleneaaaa tarafından

4K 1.2K 1.2K

• C O M P L E T E D • Amalia just found herself back in 1969 with a self-proclaimed mission to rewrite her gr... Daha Fazla

AVTTH (Back to 1969)
Prologue
01 Her 2020 Life
02 Lola Milagros
03 Exposure
04 Welcome?
05: An Unexpected and Unwanted Gift
06 Trespassing My Own Property
07 Alejandrino (Filler Chap Only)
08 Milagros
09: Meet the Grandparents?
📷 10: Baboy
📷 11: Thelma and Isidro
📷 12: Getting Aggressive
📷 13: Instant Friendship
📷 14: All in One Table
📷 15: Miss Tutor
📷 16: Decided
📷 17: The Sanchez Family
📷 18: Tango
📷 19: Love Guru
📷 21: Broke
📷 22: Surprise!
📷 23: A Bad Friend
📷 24: Girl Talk
📷 25: I'm Sorry
📷 26: A Date
📷 27: Double Date
📷 28: Stay
📷 29: Gate-crashing
📷 30: The Reason
📷 31: Mom
📷 32: Megahit
📷 33: The Horizon
📷 34: Going Home
📷 35: She Tried Suicide
📷 36: Ambuscade
📷 37: Her Returning
📷 38: Awakened
Epilogue
Epilogue
Author's Note

📷 20: The Confession

73 29 21
seleneaaaa tarafından

AMALIA

Dirediretso lang ako sa pagpasok sa bilyaran at walang pasabing umupo sa billard table kung saan naglalaro sina Riguel.

Nagtama naman ang mga paningin namin ni Marco habang sumasargo siya. Pinagtaasan ko siya ng kilay pero ngumisi lang siya sakin bago tinira ang bolang puti. Kaagad namang nagpalakpakan ang mga taong nanonood nang pumasok ang apat na stripes.

Kumindat siya sakin at preskong pumwesto ulit para tumira. Inirapan ko lang siya. "Riguel we need to talk." baling ko sa lalaking nakasandal sa billard table. Si Riguel ang pakay ko dito feelingero ka.

Kita ko namang natigilan si Marco at sumemplang ang cue stick niya kaya hindi tumama sa bola. Dinilaan ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang ngisi. Umalis na agad ako sa pagkakaupo sa billard table at sinenyasan si Riguel na sumunod. Lumabas na ako doon at papunta sa katabi nitong bakeshop.

Umorder ako ng dalawang serve ng cake at juice. Di nagtagal ay may umupo na rin sa harap ko.

"Di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Mahal mo ba si Mila?" bahagya namang nagulat si Riguel sa diretsang tanong ko. Anong nakakagulat don?

"You surprise me with your frankness at every turn Amalia." bahagya siyang tumawa.

"Thank you for the compliment but you didn't answer my question." hindi niya parin ako sinagot kaya nagsukatan lang kaming dalawa ng tingin. I exhaled. "You do. Am I right?"

Bumuntong hininga rin ang kausap ko. "Well, yes. You are correct."

"I am rarely wrong." I shrugged my shoulder, lowkey pointing out a fact.

Magsasalita pa sana si Riguel ngunit dumating na ang order ko kaya hinintay niya munang umalis ang tindera. "Hindi niya ako gusto." simpleng sabi niya like it's a common knowledge already at tanggap na niya iyon.

"And? Hahayaan mo nalang yon?" sinubo ko ang chocolate cake na nasa harap. "Man up Riguel."

"Si Marco ang gusto niya at wala na akong magagawa don." hindi niya naman kinain ang inorder ko para sa kaniya at pinaglaruan lang iyon gamit ang tinidor.

Napataas ang kilay ko. "Does Marco see her as a woman? No." pagsagot ko sa sariling tanong. "But you do. Fight for her or you'll lose."

Umiling naman siya. "I don't care if I'll lose her if it means her happiness. And her happiness is Marco. I'll give it to her."

"How about your happiness Riguel?"

"Seeing her happy. Okay nayon." tumawa pa siya ng konti. Ahh masokista.

"That's it? You'll give up on her without even doing anything?" ibinaba ko ang tinidor at tumigil sa pagnguya. "Ni hindi nga niya alam ang nararamdaman mo para sa kaniya."

Hindi siya nakasagot kaya nagpatuloy ako. "On your father's birthday, this Friday, she will confess her feelings for Marco." umiling iling ako. "Save her from the heartbreak Riguel. She's too fragile for that."

"What should I do?" tanong ni Riguel at humilig papalapit sa mesa dahil alam naming dalawa na masasaktan lang si Mila kapag natuloy ang balak nito.

"Tell her how you feel. Confess your love. Kung hindi niya man tanggapin, at least you'll have no regrets at napaalam mo na sa kaniya." simpleng sabi ko na parang isang negosyante na kinoconvince ang isang potential buyer.

Naisip ko na siguro kailangan lang maunahan ni Riguel si Mila sa pag-confess, so maybe, just maybe, it will alter the occurence of the events.

Mapait na tumawa ang kaharap ko. "It's a losing game Amalia. Ako naman ata yung dehado dyan. Alam naman nating hindi niya tatanggapin."

"Mabuti nayong alam niyang may nagmamahal sa kaniya. Trust me, she'll come back running to you."

Umiling-iling si Riguel. "What if this doesn't work?" tiningnan niya ako sa mata ng may halong pag-aalinlangan dahil sariling puso niya naman ang nakataya.

Kinuha ko na ulit tinidor at sumubo ng cake bago ngumiti kay Riguel, a hopeful one. "What if it does?"

*****

Pumunta ulit ako sa bahay nila Nanang Vima pagkatapos kong magtanghalian. Nasa routine ko na ata ang pagbisita sa kanila.

"San sila Nanang?" inilapag ko ang bag at susi sa center table sa sala pagkapasok. I casually sat on their bamboo chair making myself comfortable, minamata si Ising na naglalagay ng mga damit sa isang balde.

"Oh nandito ka pala." he stopped at what he is doing to look at me. "Di siya naka uwi ngayong tanghali, may bisita daw kasi ang mga Santocildes." he smiled.

Ngumuso naman ako bago tumango. "Si Tatang?"

"Ah. Sumama kila Mang Kikay dun sa kabilang bayan, may anihan dun." he shrugged and continued separating the colored clothes with the white ones.

Kumunot naman ang noo ko. "Bat di ka sumama?"

Liningon niya ako para lang bunusangot. "Eto, pinapalaba ako ni Nanang. Kainis nga dami dami." magrereklamo niya at padabog na binuhat ang mga balde.

Tinawanan ko naman siya nang dumaan siya sa harap ko para lumabas ng bahay. Minsan lang kasi mainis si Ising so this is really a great sight. Labahin lang pala ang katapat niya.

"Tulungan na kita." sumunod ako sa kaniya kahit hindi naman ako marunong maglaba.

"Sigurado ka?" tumigil siya sa tapat ng poso. Pinigilan ko naman ang tawa ko para pagseryosohin ang mukha.

"Oo nga."

I sat in front of the metal basin habang siya naman ay binombahan na ang poso. Tumaas ang isang kilay ko pagkatapos ng ilang segundo dahil para siyang tanga sa ginagawa, wala namang tubig na lumalabas. "Sira to?" ginalaw galaw ko ang nguso ng poso.

Hindi niya ako sinagot at kumuha lang ng tubig galing sa isang balde. Ibinuhos niya ito sa maliit na butas. He looked at me and tilted his head to the side, lowkey telling me to take over.

Nag-aalinlangan kong kinuha ang tabo---I don't really know if tabo nga to dahil wala siyang hawakan. Container ata ito dati tapos ginupitan lang.

Sumandok ako ng panibagong tubig at mabagal iyong ibinuhos sa butas para pumasok. Bumalik naman ulit sa ginagawa si Ising. Di nagtagal ay lumabas narin ang tubig kaya napatalon ako sa tuwa.

Kita ko pang nagpipigil ng ngiti si Ising dahil napakababaw ng kaligayahan ko ngayon pero wala akong pake. Nagsimula na kaming maglaba pero bigla akong sinita ni Ising. "Marunong ka ba talagang maglaba?" napatigil siya sa pagpapalo ng mga damit. Magkaharap kami ngayon, nakaupo sa maliit na upuan na gawa sa kahoy.

Di ko nga alam kung bakit niya yun pinapalo-palo kasi hindi naman ganiyan maglaba sina Manang Diday. "Bat ba pinapalo mo yan? Galit ka ba?"

"Hindi ano ka ba? Ganiyan yan para makuha ang dumi." nagpatuloy na ulit si Ising. Nagsalubong naman ang mga kilay ko.

Tumigil nalang ako sa pagpapalo palo mang huli dahil nangangalay ang mga braso ko. Nilaro laro ko nalang ang tubig sa batya at hinintay siyang matapos.

Tinulungan ko siya sa pagsasampay, that's the only thing I can help him with today. After, nagyaya siyang kumain ng mangga.

Siya din naman ang umakyat doon sa puno dahil ayaw ko. Sinasalo ko nalang ang mga nakukuha niya kaya tumatawa ako kapag nahuhulog ang mga kawawang mangga sa lupa. Di naman ako sporty no. Naiimagine ko nga palang na papalapit na ang bola sakin kumakaripas na ako ng takbo kaya ganyan ang sinapit ng mga prutas.

Nilapag ko na ang basket sa papag, bumaba narin si Ising sa puno, nagprisintang hugasan ang mga mangga habang ako naman ang kumuha ng sawsawan namin dahil hindi pa masyadong hinog ang mga ito.

I prepared two saucers dahil ayaw ko ng may suka. Toyo lang tsaka asin. Adik nga. Ang alat alat pero idc that's what I like. Habang si Ising naman ay parang ipinaglihi sa suka kaya para di na kami magtalo, charan! Dalawang sawsawan.

Pagkabalik ko roon ay nakita ko na si Ising na nagbabalat ng mangga. "Can I try?" nginuso ko ang kutsilyo.

He handed it to me and I happily started peeling off the fruit. Nakatatlong mangga na ako nang madulas ang kamay ko kaya naabot ng kutsilyo ang hintuturo ko. Nabitawan ko kaagad ang hawak at napadaing sa sakit. "Aray!"

Agad naman akong dinaluhan ni Ising at inagaw sa akin ang kamay ko pero pareho kaming nagulat nang walang dugo roon.

Kitang kita ang sugat na malalim pero walang dugo na lumabas kaya nagtaka ako. I can still feel the pain right now. I know na nasugatan ang mga tissues ko sa loob how come na ganito? "Buti di malalim, di dumugo. Ako na dito." dinampot niya ang kutsilyo at pinagpatuloy ang pagababalat.

Taka kong binalingan ulit ang hintuturo at pinisil ito. I silently writhed in pain dahil nandoon parin ang sakit. What the heck is happening?

"Oh kain na." I shook my head at nginitian nalang si Ising. Mamaya ko na poproblemahin iyon. Umupo ako sa mismong mesa at ipinagkrus ang mga paa.

I munched at our food happily. Nakaubos na ata ako ng pito nang inilayo sakin ni Ising ang pagkain. I scowled at him. "Tama na yan. Sasakit ang tiyan mo." parang naging si Nanang siya bigla.

"Tsk." inirapan ko siya at binalingan nalang ang tahimik na daan. I enhaled the sweet scent brought by the fresh air while listening to the birds singing above me. This is so peaceful and serene. Napangiti ako at napapikit.

"You look beautiful." rinig kong sabi ni Ising kaya napamulat ako at ganoon na lamang ang gulat nang makita siyang nasa harap ko. Ang lapit niya.

"I know right." I tried to laugh pero nagtunog awkward lang iyon. Halatang kabado dahil sa panginginig ng boses ko.

Humakbang siya palikod para bigyan ako ng konting space. "Sabi mo dapat sigurado na ako sa babaeng liligawan ko." sabi niya at napatango naman ako. I can recall telling him that last night. "Sigurado na ako sayo." he smiled and my lips parted.

W-what?

"Palangga taka. Mahal kita. I love you." sabi niya gamit ang mababang boses kaya tuluyan nang nalaglag ang panga ko.

W-what did he just say?

====================
oha! HAHAHAHAHA

mwa.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
30.5K 1.3K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
430 165 30
Dahil sa hindi sinasadyang aksidente ni Angela, nagising sya sa lugar na hindi nya alam at hindi nya tukoy kung anong taon o panahon. Nang makilala n...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...