Diary ng tigang-sa pagmamahal

By Amihan2526

1.8K 76 11

Mature content ito pero puro kalokohan. Ako si Candida. Ang babaeng hindi kasexyhan pero umaapaw sa kagandah... More

Disclaimer
Unang sulat
Tigang 1
Tigang 2
Tigang 3
Tigang 4
Tigang 5
Tigang 6
Tigang 7
Tigang 8
Tigang 9
Tigang 10
Tigang 11
Tigang 12
Tigang 13
Tigang 14
Tigang 15
Tigang 16
Tigang 17
Tigang 19
Ang pansamantalang huling sulat

Tigang 18

47 5 1
By Amihan2526

Dear Diary,

Kanina natuloy na ang pakikipagkita namin ni Sweetania doon sa ka-chat ko na kapangalan ni Romeo. Thirty minutes bago mag-alas kwatro nasa BGC na agad kami ni bespren. Syempre naman para kapag diniscribed nung Romeo ang itsura nya at suot na damit, agad namin syang makikita.

Pumwesto kami ni bespren sa second floor ng mall para kitang-kita namin si Romeo sa first floor kapag dumating na sya.

So iyon na nga, nag-chat na sya ng mga bandang 3:50 PM. Si bespren pa ang mas excited kesa sa akin kung makautos sa akin na itanong ko daw agad kung anong suot ni Romeo.

Syempre ako naman sunod agad kay Sweetania, expert sya sa ganon kaya saan ba tayo makikinig e di sa mga expert di ba?

"Nasaan ka?" Tanong ko agad kay Romeo sa chat.

"Nandito sa ground floor ng mall sa harap ng Jollibee." Mabilis na sagot nya sa akin.

Kami namang dalawa ni bespren dungaw agad sa ground floor at hagod agad ng tingin sa harap ng Jollibee. Kaso madaming nakatambay sa may bench sa harap ng Jollibe kaya hindi namin alam kung sino ba doon ang kausap namin sa chat.

"Anong kulay ng suot mo?" Tanong ko ulit kay Romeo.

"Black skinny jeans, black shirt, white sneakers and blue jeans jacket. I'm wearing sunglasses."

Hinagod ulit namin ni bespren ng tingin ang paligid sa harap ng Jollibee. Para kaming mga sira na sisilip-silip mula sa taas ng mall. Hanggang sa na-spotan na ni Sweetania si Romeo. Natatakpan pala ito ng artificial na puno na nasa gitna ng mga bench kaya hindi namin sya makita kanina.

Di ko alam kung bakit bigla akong kinabahan Diary, e tuktok lang naman ng ulo nya at balikat ang nakita ko. Para tuloy akong hindi makagalaw sa pwesto ko. Kinakabahan ako na magpakita sa kanya. Naisip ko kasi baka madisappoint sya sa kagandahan ko.

Pero pinagtawanan lang naman ako ni bespren. Para daw akong tanga. Ang ganda-ganda ko raw e papakabog ako sa isang kachatmate lang na hindi ko naman karelasyon. Sabagay nga naman, trip lang nga pala namin ni bff ang i-meet yun ngayon.

Kaya ayon napilit din ako ni bespren na bumaba na pero doon kami sa kabilang escalator bumaba para hindi agad kami makita ni Romeo na paparating. Kinakabahan talaga ako Diary habang papalapit kami nang papalapit sa kanya.

Nakikita ko na ng malinaw ang likuran nya. Kahit nakajacket sya at nakatalikod, parang ang tingin ko sa kanya ay ang gwapo gwapo nya. Ang ganda ng tindig nya at katawan. Sa tingin ko magkakatalo sila ni Adonis sa katawan. Pero likod pa lang yun ha, ewan ko lang kapag nakaharap na sya kung ano ang itsura nya.

Nang ilang hakbang na lang kami kay Romeo, chinat ko sya ulit.

"Andito kami ni bespren sa likod mo." Chat ko sa kanya, medyo nanginginig pa ang kamay ko habang nagtatype ako. Asar na asar tuloy si Sweetania sa akin at bubulong-bulong sa akin. Naloloka na daw ako, e sa dami na nga naman nyang naipa-date sa akin na mga palyadong lalake hindi nga naman ako kinabahan ng ganito. Dito lang sa Romeo na ito.

Nakita kong tumungo si Romeo para basahin ang dumating kong chat. Makailang segundo ay pumihit ito ng tingin sa likuran nya. 

Tang-ina parang tumigil ang mundo ko, Diary.

Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Nananaginip ata akes!

Literal na natulala talaga ako Diary ng makita ko ang kabuuan ng itsura nya. This is what I'm waiting for, alam mo yan.

Dahil para akong binuhusan ng tubig sa pagkabigla, kinurot ako sa tagiliran ni Sweetania. Kaya bigla akong natauhan.

"Totoo ba ito!" Tanong ko kay Sweetania pero ang mga mata ko ay walang kakurap-kurap na nakatitig sa lalaking kaharap ko.

"Hindi, panaginip lang ito!" Pambabara sa akin ni Sweetania. "Ano pang hinihintay mo, yakap na!" Utos nya sabay tulak sa akin palapit kay Romeo.

Ang gaga, nilakasan talaga ang pagkakatulak sa akin kaya napayakap ako kay Romeo. Si Romeo naman ay maagap akong sinalo.

"Kumusta ka na?" Malambing at paos na tanong ni Romeo sa akin habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Okay lang." Tipid kong sagot, pero mas idinikit ko ang ulo ko sa balikat nya.

Gusto kong umiyak kanina Diary. Di ako makapaniwala na ang Romeo oh Romeo ko pala ang ka-chat ko kagabi. Kung alam ko lang na sya ang ex ko na walang closure e di sana noon pa inentertain ko na sya sa chat. Di na sana ako nag-aksaya pa ng madaming panahon na i-date yung mga palyadong mga lalaki na nirereto ni bespren sa akin araw-araw.

May ilang minuto na kaming magkayakap ni Romeo kanina Diary, parang walang gustong kumalas sa aming dalawa. Kaya lang ang bespren ko talaga kahit kailan panira ng moment, hinila nya ako palayo kay Romeo. Kaya tiningnan ko sya ng masama after. Nginisian lang naman ako ni Sweetania, sabay sinabihan ako na wag daw akong kiri at easy to get sa ex.

Tama nga naman si bespren kaya napahiya din ako ng bahagya. Paano ba naman kasi na-miss ko talaga si Romeo.

"Hi Romeo, kumusta?" Si Sweetania, pangiti-ngiti pa.

"Ayos lang, ikaw? I'm glad na makita ulit kayong magbestfriend."

"Ah oo, nagbakasyon ako sa Lupaypay last month. Isinama ko dito sa Manila si Candid para makahanap na sya ng majojowa." Walang prenong sagot ni Sweetania kaya napaawang ang labi ni Romeo.

"What?" Kunot noong tanong ni Romeo.

"Naku wag kang maniwala dito kay Sweetania, kilala mo naman ito na baliw at kung ano-ano ang lumalabas sa bibig, di ba?" Singit ko dahil magsasalita pa sana si Sweetania. "Dun ka na nga, o kaya umuwi ka na." Bulong at baling ko kay Sweetania. Tinaboy ko talaga sya para masolo ko si Romeo.

Masunurin naman si bespren kaya na-gets nya ang gusto kong mangyari. Nagpaalam na sya kay Romeo na uuwi na muna dahil nakalimutan ang mga anak nya. Susunduin na lang daw nya ako mamaya. Pero nagboluntaryo agad si Romeo na sya na ang maghahatid sa akin. Agad pumalakpak ang tainga ko sa narinig. Ibig sabihin makakasama ko pa hanggang sa bahay ni Sweetania si Romeo mamaya.

Pag-alis ni Sweetania ay muli kaming nagkwentuhan ni Romeo. Niyaya nya akong kumain, akala ko sa Jollibee nya ako dadalhin o kaya sa food court. Kasi sa ganoon nya ako idine-date noon e. Pero ngayon lumabas kami ng mall at dinala nya ako sa isang restaurant.

Iba na talaga ang Romeo ko ngayon, parang bigatin na. May kotse na rin ito at higit sa lahat mas lalong gumandang lalaki. At Diary ang bango-bango nya, promise.

Pagka-order namin ng pagkain ay muli kaming nagkwentuhan. Hindi ka maniniwala Diary pero wala kaming ilangan na dalawa. Kung ano kami noon ganon pa rin kami kung mag-usap ngayon. Walang nagbago sa amin pareho bukod sa mas nag-matured na lang ang mga itsura namin at isip maybe.

"So, bakit hindi ka nagpakilala sa akin ng maayos sa Facebook?" Tanong ko kay Romeo.

"Nahihiya kasi ako sayo. Naisip ko na baka hindi mo ako mapatawad dahil bigla akong nawala ng di man lang nagpapaalam sayo noon."

"Bakit ka nga ba nawala? Sinabi ko naman sayo na pagbalik ko galing US itutuloy natin ang pinutol nina Tyang na relasyon natin di ba?"

"Alam ko, my bad."

"Pero tapos na yun, magkwento ka na lang kung kumusta ka na ba? Dito ka ba sa daddy at stepmom mo tumutuloy?"

"Hindi, sa may Makati ako tumutuloy sa condo ko. Actually 3 weeks pa lang ako sa Pilipinas."

"Really, saan ka ba galing?"

"Sa Sweden. Kaya ako nawala ng walang paalam sayo noon dahil na-grant na yung petition ng lolo at lola ko sa amin ni mama. Nasa America ka na noong umalis kami. Hindi ko alam kung paano ko ipapaalam sayo na aalis na ako. Galit ang mga tito at tita mo sa akin kaya hindi ko maitanong sa kanila kung ano ang contact details mo sa US."

"Hinanap kita pagbalik ko pero walang nakakaalam kung nasaan ka. Kahit daddy mo hindi alam kung nasaan ka."

"Alam mo naman na galit si mama kay daddy di ba, dahil nga nambabae si daddy. Kaya hindi ipinaalam ni mama kay daddy na na-grant na ang petition namin going to Sweden. Pero ngayon okay na sila, they're friends now. May asawa na rin si mama na isang Swedish."

"I see, now I know."

"Ikaw kumusta ka na? Bakit ang payat mo? Di ba sabi ko sayo wag mong pababayaan ang sarili mo?"

"Long story kung bakit ako pumayat. Pero aminin mo mas bagay sa akin ang payat, di ba?" Biro ko sa kanya.

"Yeah, you are beautiful."

"Totoo ba yan? Mukha namang labas sa ilong ang pagsasabi mo."

"It's true. Pero alam mo naman na kahit mataba ka pa, para sa akin ay ikaw lang ang pinaka-sexy na babae."

"Ikaw talaga bolero pa rin hanggang ngayon. Pero alam mo kasi si Sweetania talaga at sina Tyang Pipita ang nag-encourage sa akin na magpapayat."

"Talaga ba, sina Tyang at Tyong din?" Di makapaniwalang sabi ni Romeo.

"Oo, hindi ka maniniwala na malaki na ang pinagbago ng mga yun mula ng magkalove life sila."

"Wow, that's nice to hear."

Sandaling nabalot ng katahimikan ang pagitan namin. Hanggang sa muling nagsalita si Romeo.

"Candid, are you taken?" Lakas loob nyang tanong sa akin with matching titig pa yun sa mga mata ko Diary kaya para akong ice cream na natutunaw sa ilalim ng araw, ano ba yan kung ano-ano na namang sinasabi ko sayo Diary.

Sumagot naman agad ako. "Oo, I'm taken." Wala sa wisyo kong sabi kaya parang nalungkot ang mukha ni Romeo. Ano ba naman kasi ang naisagot ko.

"Huh?" Sabi lang nya.

"Yeah, I'm taken, taken for granted!" Bawi ko para hindi mabasag ang moments namin.

"Puro ka naman kalokohan e. Ano nga, are you taken?" Nakangiti na ulit nyang tanong.

"Hindi yun kalokohan ano ka ba? Totoo naman I'm taken for granted. Simula ng naghiwalay tayo, wala ng nagpahalaga sa akin. Binalewala na ako ng mga lalaki, kahit nga si Adonis yung karibal mo noon ayaw nya na sakin dahil mataba daw ako. Kaya mas gusto nya yung hipon nyang girlfriend ngayon."

Nakatitig lang sa akin si Romeo habang nagsasalita ako.

"Totoo ang sinabi ni Sweetania kanina na andito ako sa Manila para maghanap ng lalaking mapapangasawa. Nagpapayat ako para sana magustuhan ako ng mga lalaki. Sina Tyang kasi pinipressure na akong magkajowa simula ng magka-asawa sila." Kwento ko pa sa kanya.

"Kung ganon hindi pa pala ako huli ng dating?"

"Hinding-hindi!" Mabilis kung sagot. Aba syempre naman Diary mahal ko ang lalaking ito kaya magpapakipot pa ba ako di ba?

"Candid, pwede ba kitang ligawan ulit?" Sinsero at seryoso na nyang tanong. Hinawakan nya ang malambot kong kamay. Pero inalis din nya dahil dumating ang istorbong waiter para ilapag sa table ang mga order namin.

Pagkaalis ng waiter ay inulit ulit nya ang tanong sa akin. "Candid pwede ba kitang ligawan ulit?" Ulit nya habang hawak ulit ang kamay ko.

Oo naman, kung gusto mo nga tayo na agad ngayon! Pero syempre sa utak ko lang yun sinabi.

"Oo naman, kilala na kita kaya walang problema sa akin. Basta ba wala kang sabit e." Sagot ko.

"I am 100 percent clear, Candid, and thank you sa another chance. I'll promise na gagawin ko ang lahat para mapasagot ka ulit.

Ngayon na nga kita sasagutin kung gusto mo. Sabi ko sa isip ko habang nakangiti kay Romeo.

Matapos namin kumain, hinatid na ako ni Romeo dito sa bahay ni Sweetania. Nagtagal pa sya ng ilang oras dito, hindi mo ba sya nakita kanina Diary? 

Anyway, dyan ka na nga Diary, alam kong nagseselos ka pero alam ko ring masaya ka para sa akin.

Bukas babalik si Romeo dito. Pag ganitong asawang-asawa na ako wag na wag lang nya akong tatanungin agad kung sasagutin ko na ba sya. Dahil walang halong biro na sasagutin ko talaga agad sya kahit hindi pa natatapos ang tanong nya.

PS. Magde-date ulit kami bukas. Isasama nya ulit ako sa bahay ng daddy nya. Kwentuhan kita sa date namin bukas.

Ba-bye na Diary.

Tigang—sa pagmamahal,

Candida Si.  

Continue Reading

You'll Also Like

39.3K 1.7K 51
Garnett Sardoncillo is known as one of the smartest in the school of Alvarez University. She is also known as Top students off all times. Apart from...
7.8K 1K 57
A collection of my thoughts.
2.1K 77 2
Written by: Rahid Flores
1.2K 1K 25
Zanaira Mendez is the breadwinner of her family. She will do everything to fulfill the needs of her family even if she'll sacrifice her own life and...