A Voyage Towards the Horizon

By seleneaaaa

4K 1.2K 1.2K

• C O M P L E T E D • Amalia just found herself back in 1969 with a self-proclaimed mission to rewrite her gr... More

AVTTH (Back to 1969)
Prologue
01 Her 2020 Life
02 Lola Milagros
03 Exposure
04 Welcome?
05: An Unexpected and Unwanted Gift
06 Trespassing My Own Property
07 Alejandrino (Filler Chap Only)
08 Milagros
09: Meet the Grandparents?
📷 10: Baboy
📷 11: Thelma and Isidro
📷 12: Getting Aggressive
📷 13: Instant Friendship
📷 15: Miss Tutor
📷 16: Decided
📷 17: The Sanchez Family
📷 18: Tango
📷 19: Love Guru
📷 20: The Confession
📷 21: Broke
📷 22: Surprise!
📷 23: A Bad Friend
📷 24: Girl Talk
📷 25: I'm Sorry
📷 26: A Date
📷 27: Double Date
📷 28: Stay
📷 29: Gate-crashing
📷 30: The Reason
📷 31: Mom
📷 32: Megahit
📷 33: The Horizon
📷 34: Going Home
📷 35: She Tried Suicide
📷 36: Ambuscade
📷 37: Her Returning
📷 38: Awakened
Epilogue
Epilogue
Author's Note

📷 14: All in One Table

97 32 29
By seleneaaaa

AMALIA

Buong week ay palagi na kaming nagkikita ni Mila. We became more than friends na parang magka-ugnay na ang mga bituka namin dahil hindi na kami mapaghiwalay.

But this time, it's different. Kasi kasama namin ngayon si Thelma sa loob ng isang lomihan dito sa Poblacion.

Nakasalubong lang namin siya kanina. Galing daw siya sa isang parlor shop para sa bago niyang mani and then boom! Nakita niya kaming dalawa ni Mila and then we instantly became bffs na para bang matagal na kaming magkakasama simula pagkabata.

Matagal na din pa lang kilala ng dalawa ang isa't isa dahil sa mga events dito sa La Maria----of course, they are the socialites here after all kaya magkikita-kita talaga sila kahit saang handaan. But despite that fact, hindi pa sila nagkakausap noon dahil hindi nila alam kung paano i-approach ang isa't isa.

Masyadong mahinhin at mahiyain si Mila habang bubbly at daldalera naman ang personality ni Thelma. But I guess kahit wala ako rito the two of them will still be friends dahil sa pagtanda nilang dalawa ay malapit ang loob nila sa isa't isa.

"Kaya pala ilang araw ka nang hindi nagpapakita samin Mila." nagulat kaming tatlo nang may nagsalita sa aming likuran kaya napalingon kami sa mga bagong dating. "May mga bagong kaibigan ka na pala." umikot si Marco sa kabila ng mesa para umupo sa harap namin---eksaktong sa harap ko pala.

"Nagtatampo na kami ha." tumawa si Riguel at tumabi sa kaibigang lalaki.

Inilapag ni Mila ang hawak na kutsara at pinunasan muna ang bibig gamit ang sariling panyo bago magsalita. "Bakit naman kayo magtatampo?" sumilay ang ngiti sa labi nito, nakatingin kay Marco.

Napa-irap naman ako. Haaay. Inlove ang lola ko.

"Mukha kasing ipinagpalit mo na kami." ngumuso si Riguel at pinaglaruan ang bulaklak na nakadisplay sa gitna ng mesa.

Nanlaki naman ang mga mata ni Mila. "Huh? Hindi naman a." tanggi nito.

Tumawa bigla ng malakas si Riguel kaya napatingin ang ibang costumer sa table namin. Mukhang madami nga ang benta ng lomihan ngayon. Punu-an ang lahat ng mga mesa at sa'min lang siguro ang medyo maluwag pa.

"Nagbibiro lang ako Mila." humilig sa mesa si Riguel para kurutin ang pisngi ni Mila. Napa-aray naman ang katabi ko bago nito tinabig ng mahina ang kamay ni Riguel papalayo. Ano ba 'tong lola ko? Ang manhid-manhid. "Amalia." ako naman ang binalingan ni Riguel. "I'm happy to see you again." ngumiti siya sakin. "Hindi ka pumunta dito noong nakaraan. Sabi ni Marco baka may ginawa kang importante kaya hindi ka nakapunta." sumulyap siya saglit sa lalaking katabi na nakasandal lang sa upuan at nakatingin sa amin----sa akin. Problema ng lalaking 'to?

"Pasensya na." yumuko ako ng konti. 'Di ko maiwasang ma-guilty. Baka naghintay sila ng ilang oras dito.

"It's fine." ngumiti si Riguel sa akin. "Ms. Santocildes, I didn't know you're friends with these lovely ladies." tumingin si Riguel kay Thelma.

"Ms. Santocildes." bati rin ni Marco na mukhang ngayon lang napansin ang isa ko pang katabi. Napapagitnaan ako ngayon ng dalawang babae.

"Thelma na lang. Ano ba kayo? Ms. Santocildes-santocildes kayo diyan." tumawa si Thelma and as usual, di na naman mapigilan ang bunganga nito.

Tumawa na lang din ang dalawang lalaki at nag-order na ng pagkain.

"Galing kasi ako doon sa bagong bukas na parlor. Tinry ko kung maganda ba ang services nila and I can say na pwede na silang makipagsabayan sa mga parlors sa city." tumango-tango pa si Thelma, leading the conversation. Hindi talaga magiging boring ang table niyo kapag nandiyan siya. "Tapos nakasalubong ko silang dalawa. Friends na kasi kami nitong si Amalia dahil nagkakilala kami no'ng fiesta kaya sumama na lang ako sa kanila. Okay lang naman right?" lumingon siya sa akin.

Kanina pa kami dito tapos ngayon niya lang natanong kung okay lang na sumama siya sa amin pero anywaaaay, I'm genuinely happy na kasama namin siya ngayon. "Of course!" ngumiti ako sa kaniya.

At nagpatuloy na sa pagdadaldal si Thelma. Paminsan minsan ay sumasali ako sa usapan nila ngunit sinusulyapan ko palagi si Marco para tingnan ang mga galaw niya. Gusto kong malaman kung may feelings din ba ito sa Lola ko o wala.

"Baka matunaw ako niyan." ngumisi si Marco sa"kin bago niya hinigop ang sabaw ng lomi niya. Napangiwi naman ako dahil may low pressure 'ata na nagbabadya dito sa Pilipinas. Feelingero.

"Ha?" humilig sa kaniya si Riguel sa pag-aakalang siya ang kinakausap ng kaibigan.

"Wala." kinagat ni Marco ang labi para pigilan ang tawa at sumulyap pa ng tingin sa akin. Nakaka-inis. Gusto niya bang ibuhos ko 'tong lomi ko sa kaniya?

Inis kong nilapag ang kutsara ko at bumulong kay Mila para magreklamo. "Bakit mo naging kaibigan ang mga 'to?" I jerked my head towards the guys.

"'Di ko alam." she shrugged. "Pagkalabas ko sa tiyan ni Mommy sila na agad ang friends ko." ngumiti sa'kin si Mila.

"May problema ba A?" nag-aalalang tanong sa akin ni Thelma. Napansin niya siguro na tumigil ako sa pagkain.

Sasagot na sana ako ngunit hindi ko na natuloy dahil may naglapag ng pulang bag sa mesa namin kaya medyo na-alog ang mga mangkok na nakapatong rito.

"Thelma. You're here pala." nakipagbeso si Roberta kay Thelma. "Riguel. Marco babe. Mila. And...." she stalled.

"This is Amalia. My friend." nakangiting pagpapakilala ni Thelma. Hindi nito alam ang nangyaring alitan sa amin ni Roberta.

"Amalia. A friend." tumawa ang babaeng nakapula. "Anyway, can we share your table? Wala nang vacant." tinuro nito ang dalawang alipores sa likod tapos ang mga mesang puno na.

Ito rin 'yong mga babaeng kasama niya sa palengke noon. Hindi ko na sila nakilatis dati dahil sa pagmamadali kong makawala sa kanila. Sobrang tangkad ng isa na medyo morena at 'yong isa naman ay maputi ngunit kulot na kulot ang buhok.

"Of course. Have a seat Daniella. Eugenia upo kayo." pag-iimbita ni Thelma kaya umusog pa kaming lahat para magkasya kaming walo sa mesa.

And guess what?----pero di niyo na kailangang manghula actually dahil as always, red na naman ang outfit ng babaeng rambutan.

Hindi na nga ako nagulat nang malaman kong si Roberta ang may-ari ng red bag. Lahat 'ata ng pula sa mundo inangkin na niya.

Tumabi si Roberta kay Marco at ginamit pang advantage ang kasikipan para dumikit siya sa lalaki. Tumabi sa kaniya si Daniella tapos dito naman sa side namin naki-share si Eugenia.

"So Amalia, friends pala kayo nitong si Thelma." pags-start ng conversation ni Roberta habang nakangiti sakin. Don't be fooled. Alam kong peke 'yon kaya hindi ko siya sinagot at umirap lang sa ere.

"Ang rude mo naman." komento ni Daniella, 'yong matangkad bago sinabi ang order nila sa babaeng lumapit. Kita ko namang sumulyap 'yong serbidora sa akin bago ito umalis.

Natahimik ang mesa namin at ramdam ko naman ang pagka-tense ni Thelma sa tabi ko. Di niya siguro ine-expect na ganito ang mangyayari.

"Social climber ka siguro no? Lahat yata ng eletista dito kinakaibigan mo." itinukod ni Roberta ang siko sa mesa. Medyo natigilan naman ako sa pagkain.

"Roberta." pagsita ni Thelma. "Don't be like that. She's a good friend of mine."

"Mag-iingat ka na lang Thel. You don't know kung sino ang mga manggagamit sa paligid." hinawakan ni Eugenia ang kamay ni Thelma na nasa mesa.

"Right sis--" magse-second the motion pa sana si Daniella ngunit hindi na natuloy dahil malakas na nilapag ni Marco ang kutsara niya.

Napatingin kaming lahat sa kaniya. "Tapos na ako. Bilisan niyo na dyan." he jerked his chin towards us.

Dumating na rin ang order nila Roberta habang kami nila Thelma at Mila ay mas binilisan ang pagkain. Naka-upo na rin lang si Riguel dahil mukhang tapos na ito. Ang bibilis nila ha. Nauna pa kami rito sa kanila e.

Natahimik na rin sina Roberta at kumain na lang pero paminsan-minsan ay nagtatama ang mga mata naming dalawa kaya nag-iirapan din kami.

"Sandali lang." tumayo ako kaya medyo na-alog ang mesa namin. Na-iirita ako kay Roberta. May pa share-share pa ng table na nalalaman mangbubwiset lang pala. Sumasakit na ang mata ko kakaikot, ingrata siya.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Marco, nakatingala sakin.

Dahan-dahan akong umalis sa pahabang upuan para hindi ko magalaw ang mga katabi ko. "Sa cr."

"Anong gagawin mo do'n?" bobitang tanong ni Roberta na nakatingin na rin sa akin.

"Magsho-shopping. Sama ka?" barumbadong sagot ko dahil walang sense ang tanong niya.

Hindi ko na pinakinggan pa ang comeback ni Roberta dahil dumiretso na ako sa cr. Hindi naman ako na-iihi o ano gusto ko lang talagang umalis do'n. Nagbilang pa ako hanggang fifty para masabi lang na nagtagal ako sa banyo. Sana naman paglabas ko tapos na sina Mila sa pagkain.

Pagkabukas  ko ng pinto ay nagulat pa ako dahil may bultong nakatayo sa tapat. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, ang kamay ay nanatiling nakahawak sa handle ng cr.

Hindi ako sinagot ni Marco at hinawakan lang ang aking braso para higitin palabas. Nakita ko pa si Roberta noong nasa bukana na kami, nakataas ang isang kilay sa akin.

"Teka 'yong gamit ko." sinubukan kong pigilan si Marco ngunit wala din namang silbi dahil mas malakas siya. Napatingin ako sa balikat niya at nakita ang isang white sling bag na nakasabit rito.

I giggled. Kahit may pambabaeng bag itong dala, lalaking-lalaki pa rin siya tingnan.

Bumitaw kaagad si Marco nang dumating kami sa labas dahil nandoon na pala sina Riguel. Ibinalik na rin niya ang bag ko.

"Wag mo na lang isipin ang mga sinabi nila Amalia. Ganyan talaga si Roberta." hinawakan ni Mila ang kamay ko, trying to make me feel better.

"Yeah. I'm sorry A. Sana di ko na lang sila pina-upo." Thelma smiled sheepishly kaya natawa ako.

"It's okay T. Immune na'ko sa mga bitch. Don't worry." kumindat ako sa kanila.

"It's getting dark soon. Hatid ko na kayo." aya samin ni Riguel.

"May sasakyan ka Marco?" tanong ni Mila sa lalaking nasa tabi ko.

Kita ko naman na umiling siya. "Naki-hitch lang ako kay Riguel e." tumawa siya ng malakas kaya napatingin sa kaniya ang ibang mga babaeng naglalakad.

Kita ko namang ngumisi si Thelma kay Riguel. "Driver ka pala namin ngayon. Let's go." at nauna na ito sa paglalakad patungo sa deriksyon ng mga sasakyan.

Bumugad sa amin ang isang puting American Sedan. Pumasok kaming mga babae sa backseat habang sa una naman si Marco. Una muna naming hinatid si Mila sa mansyon ng mga Elegino dahil ito ang pinakamalapit.

"Sa kabilang kanto ka lang Amalia tama?" tanong sakin ni Riguel na siyang driver namin.

"Pwede bang sa bahay na lang nila Nanang Vima? Lagpas lang naman 'yon ng konti sa bahay ni Thelma. Do'n ako matutulog ngayon." kinapalan ko na ang mukha ko. Lolo ko naman 'to e.

Sabado kasi ngayon at may usapan kami ni kuya. Tuturuan ko siya ng tamang english grammar. Kita ko naman ang pagkunot ng noo ni Marco na nasa shotgun seat dahil nakalingon siya ng bahagya sa akin. Laki ng problema nito a?

"Greet Aling Vima a good night for me A." nawala ang atensyon ko kay Marco dahil nagsalita si Thelma sa tabi ko.

"Si Nanang lang?" mapanukso akong ngumiti.

Tumawa naman si Thelma. "Sige, pati narin si Tatang at Isidro."

Ngumiti ako sa kaniya ng malawak. Ito na ang tamang oras para i-endorse ko si kuya. "What do you think of Ising T?" humalukipkip ako at tinaas baba ang kilay.

Nangunot naman ang noo niya then she chuckled. "What about him?"

"Gwapo kaya si Ising! Matalino, masipag!" papuri ko kuya. Dapat sana may bayad 'to kaso wag na lang dahil malakas naman si kuya sa'kin. "Diba diba?" hingi ko sa opinyon ng dalawang lalaki sa harap. Tumango lang sakin si Riguel habang nakangiti at wala naman akong nakuhang sagot mula kay Marco.

"He's fine." tumango-tango sakin si Thelma kaya nagngiting tagumpay na ako. "Bagay kayo."

Bigla akong nasamid sa laway ko. Sinamaan ko ng tingin si Thelma. "Bakit sakin? Sayo T!"

Tinawanan lang naman ako ng katabi ko. "Not me. I'm waiting for someone A." sumulyap pa siya sa lalaking nagda-drive ngayon at nagpigil ng ngiti. Oh my! Don't tell me... "Oh well, I'm here na A. See you tomorrow." bumeso sa'kin si Thelma bago bumaba ng sasakyan.

Shocks. Pano si Kuya? Eh parang may gusto si Thelma kay Riguel. Bakit ba napaka-complicated ng mga love life nila? Gosh. Ka-stress.

"Okay ka lang Amalia?" tanong sakin ni Riguel, napansin niya siguro na natulala ako at natahimik. Tango lang naman ang isinagot ko. "Ikaw Marco? Kanina ka pa tahimik diyan." tumawa ng bahagya si Riguel at sinundot sa tagiliran ang kaibigan bago nito ini-start ulit ang kotse.

Marco just groaned at mas umusog pa sa bintana. Tahimik lang kaming tatlo sa daan, walang salitaan. Tumigil na sa harap ng bahay nila Nanang Vima ang sasakyan ni Riguel. "Thank you Lol- Riguel." ngumiti ako sa kaniya.

"No worries." kumindat siya sakin.

"Ma-uuna na'ko." paalam ko habang nakatingin sa gawi ni Marco, hinihintay na balingan niya ako ngunit seryoso lang itong nakatingin sa labas.

Umirap na lang ako sa sarili nang ma-realize na hindi ko naman kailangan ang sagot niya. Jusko ka Amalia. Lumabas na ako ng sasakyan.

"See you around." ibinaba ni Riguel ang bintana at parang baliw na tumawa.

Kita ko pang sinapak ito ng mahina ni Marco sa braso kaya mas lalo pa siyang humalakhak bago sila tuluyang nawala sa paningin ko dahil tumaas na ang bintana ng sasakyan.

====================
okay so pagpasensyahan na dahil hindi ako romantic na tao but I'll try my best ;>

Tawanan na lang kapag chaka HAHAHAHAH

mwa.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 215 44
Completed. Past. Secrets. Betrayals. Started: January 26, 2022 Ended: June 20, 2022
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
878K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
2.8K 72 63
Moving in a rural place after growing up in the city did not bother Brooke Ishizaki- an asexual teenager aged sixteen. She wants nothing but to start...