Ever After

itskavii tarafından

5.7K 841 109

"She fell in love with tragic endings that she didn't notice, she's slowly turning into one." Eerah Eriendell... Daha Fazla

🥀
Prologue
I. Victoria
II. Inside a Fairytale
III. The mission
IV. At the school
V. Nickolas
VI. 10 missions
VII. First
VIII. Don't be thyself
IX. Second
X. Ariel's Painting
XI. Eerah
XII. Third
XIII. A Witness
XIV. Fourth
XV. Town of Aspel
XVI. A Sorceress
XVII. A princess to be saved
XVIII. Leave
XIX. Fifth
XX. Right feels wrong
XXI. White roses
XXII. Mortal Fairytales
XXIII. Sixth
XXIV. The Letter
XXV. Connection
XXVI. Sunset
XXVII. Seventh
XXIX. Real battle
XXX. Eight
XXXI. Unexpected Move
XXXII. Escape
XXXIII. Still tragic
XXXIV. An Apology
XXXV. Beginner's luck
XXXVI. Kizea
XXXVII. The Battle
XXXVIII. Ninth
XXXIX. Light Magic
XL. Last Mission
XLI. The Coronation
XLI. Victoria's (1)
XLII.Victoria's (2)
XLIII. Final Battle
Epilogue

XXVIII. Victoria's Secret

77 15 1
itskavii tarafından

A/N: These are the diary entries of Victoria from five years ago until she vanished and Eerah took her place.

Timelines are based in the present.

-----

January 25, 2015
Dear Diary,

Wala namang pinagkaiba ang araw na ito. Isa lang normal na nakakapagod na araw. Mga sigaw ng pangungutya, mga hampas ng pamalo ni tiya sa tuwing hindi ko nasusunod ng maayos ang mga nais nila. Tapos ko nang linisin ang buong bahay ngunit ayaw pa rin nila akong bigyan ng makakain. Nakakainis sila.

Diary, kaninang umaga ay napadaan ako ulit sa eskwelahan ng Serim. May aralin na naman sila kaya palihim akong nakinig mula sa bintana. Ang nakakalungkot lamang ay nakita ako ni Seli na nakasilip kaya itinulak niya ako palayo. Pero ayos lang kasi nakapakinig na naman ako. Diary, kahit papaano, kahit hindi ako pinag-aral ay may kaalaman ako.

-----

February 01, 2015
Dear Diary,

Ang tagal ko palang hindi nakakapagsulat sa'yo. Pasensya ka na dahil kapag pumapasok ako sa kwarto ay sobra na akong pagod at ang nagagawa ko nalang ay pumikit.

Alam mo bang excited akong may ikwento sa'yo?

Kanina ay pinapunta ako ni Tiya sa pamilihan katulad ng palagi. Pero ngayon ay may pinagkaiba. Dahil espesyal ang araw na ito sapagkat bumisita ang mga kamahalan upang tingnan ang kalagayan ng kalakalan dito sa Serim.

Diary, muntik na akong masagasaan kanina. Sobra akong natakot. Pero buti nalang at may nagligtas sa akin. Kilala mo ba ang prinsipeng nagngangalang Ethan? Oo, diary. Siya nga ang nagligtas sa akin. Ang gwapo niya pala sa malapitan. Hihi.

-----

February 14, 2015
Dear Diary,

Diary, hindi ba't araw ngayon ng mga puso? Pero bakit tila wala akong nararanasang kahit anong pagmamahal? Bakit wala silang puso sa akin?

Patawad kung nabasa ang pahina mo, diary. Hindi ko lang mapigilan ang maiyak. Napapagod na ako. Kanina ay binugbog na naman ako ni tiyo sa kadahilanang nakalimutan kong mag-igib ng tubig. Si Seli naman na anak nila ay palagi akong inaaway. Si tiya naman ay palagi akong sinisigawan ng 'wala kang kwenta!'

Diary, wala ba talaga akong kwenta?

-----

February 15, 2015
Dear Diary,

Magaling na ang mga sugat at pasa na natamo ko kay tiyo! Kaninang hapon ay palihim akong pumunta kila Giselle. Ginamot ng nanay niya ang mga sugat ko at pinag-meryenda pa ako ng masarap na turon. Nagpalipad pa kami ng saranggolang paro-paro na ginawa sa kanya ng tatay niya.

Alam mo ba, diary, na naiinggit ako kay Giselle? Sana meron din akong nanay na palagi akong lulutuan ng turon tuwing hapon. Sana ay mayroon din akong tatay na gagawan ako ng mga saranggola.

-----

May 13, 2015
Dear Diary,

Ang tagal pala nating hindi nagkausap, diary. Pasensya na kung hindi ako madalas nakakapagsulat sa'yo.

Diary, hindi mo ba ako babatiin? Kaarawan ko kaya ngayon. :< Pero ok lang. Wala naman talagang nakakaalala ng espesyal na araw ko.

Masaya akong gumising kanina. Nagbabakasakaling may surpresa sila sa akin.

"Magandang umaga, tiya!" Masigla kong bati.

"Walang maganda sa umaga kung ikaw ang bubungad! Magsaing ka na nga!" Iyan ang una niyang ibinungad sa akin. Hindi na ako nagsalita pa. Tama ako, hindi nila maaalala.

-----

June 22, 2015
Dear diary,

"Today is the first time I killed someone, diary."

Diary, natatakot ako.

Panibagong araw ang dumaan sa walang kwentang buhay ko. Diary, sawang sawa na ako sa pang-aapi nila. Masama ba na lumaban ako? Masama ba na ipagtanggol ko ang sarili ko? Gusto ko nang makalaya.

"Oh, saan ka naman pupunta?" Bungad sa akin ni Tiyo nang makita ang bag na dala-dala ko.

"Aalis na po," pinilit kong maging magalang. Nagtataka ko silang tiningnan nang humalakhak sila na para bang isang malaking biro ang sinabi ko.

"Sa tingin mo ba ay makakaalis ka dito? Tandaan mo, Victoria. Wala ka nang mapupuntahang iba kung hindi dito. Iniwan ka nga lang ng mga magulang mo," natatawang saad ni tiya.

Hindi ko nalang sila pinansin at akmang lalabas na nang itulak ako ni Seli sa lapag. Papalapit sa akin si tiyo kaya pilit akong umaatras hanggang sa matunggo ko ang likod ng lutuan. Hahampasin niya sana ako ng isang dospordos nang kinuha ko ang kutsilyo sa taas at itinutok sa kanya.

"Subukan mo!" Pagbabanta ko dahilan para mapaatras siya.

"Ibaba mo iyan, Victoria!" Sigaw ni tiya.

"Huwag kayong lalapit sa akin. Sawang sawa na ako sa pananakit niyo." Pagbabanta ko pa ngunit tumawa lang si tiyo.

"Hindi mo 'yan magagwa, Victoria. Mahina ka." Saad niya at unti unting humakbang papalapit sa akin. Hahampasin niya ako kaya inunahan ko siya. Itinurok ko sa dibdib niya ang kutsilyo.

Diary, ang sama ko na ba? Napatay ko si tiyo. Pero di'ba masama rin naman siya kaya dapat lang iyon sa kanya?

"Walang hiya ka, Victoria!" Sigaw ni tiya at lumapit sila ni Seli kay tiyo. Tumakbo naman ako papalapit sa pinto. Hindi ako umalis at pinagmasdan lang sila. Umiiyak sila habang naghihingalo si tiyo.

Diary, blanko ko lang silang pinanuod. Pinagmasdan ko ang mga kamay kong may bahid ng dugo. Diary, masama na ba ako ngayon na masaya akong nakikita silang naghihinagpis?

Tumayo si tiya at pinulot ang kutsilyong isinaksak ko. Lumapit siya sa akin nang may masamang tingin. Hindi ako gumalaw. Hindi ako natatakot mamatay dahil sawa na akong mabuhay sa impyernong bahay na ito.

Pero, Diary, hindi tumama sa akin ang kutsilyo. May kamay na humawi rito. Mariin akong niyakap ng babaeng kasama niya ngunit hindi ako kumibo.

Inilayo nila ako sa lugar na iyon, diary. Sinakay nila ako sa isang magarbong kalesa. Diary, alam mo bang pangarap ko talagang makasakay sa isang sasakyang tulad nito? Pero hindi ako masaya ngayon. Tulala lang akong nakatitig sa kawalan.

Niyakap uli ako ng babae at nakatitig naman sa akin ang kasama niya na may halong pag-aalala. Pero pag-aalala nga ba?

"Salamat at nakita ka na namin." Turan ng babae at humahagulhol habang yakap-yakap ako.

"Sa loob ng sampung taon ay hinanap ka namin. Lubos kaming nangungulila sa'yo, Victoria." Turan ng lalaking kasama niya.

Sampung taon ang nakaraan, nagising nalang ako sa kalye malapit sa bahay nila Seli. Tatlong taong gulang palang ako noon. Walang muwang na bata. Ang dala-dala ko lamang ay ang ngalan kong Victoria at wala nang iba.

Nang magong sampu ako, doon lang ako nagkamalay sa mundong ginagalawan ko. Sinabi ko kina tiya na ako si Victoria, ang prinsesa ng Winzellia. Pero hindi nila ako pinaniwalaan. Alam mo kung bakit, diary? Dahil nang mawala ako sampung taon ang nakakaraan, pinalabas na ng mga magulang ko na patay na ako.

Alam mo ba ang pakiramdam n'on? Pinatay na nila ako. Ang mga magulang ko, sila ang pumatay sa akin. Hinayaan nilang makalimutan ako. At ngayon ay sinasabi nilang kay tagal na nila akong hinahanap? Isang kahibangan.

"Patawad, anak. Pangako, babawi kami sa'yo." Babawi? Mababawi ba nila ang lahat ng paghihirap ko sa loob ng sampung taon? Ang pangungulila, mga sakit, pangungutya, pang-aalipin?

Napakarami kong gustong sabihin. Nais kong isumbat sa kanila ang lahat ng nangyari sa akin dahil sa pagpapabaya nila. Nais ko silang sisihin sa lahat ng kamalasan ko.

Pero hindi ko masabi, diary. Pagod na pagod na ako. Isang pangungusap lamang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Bakit ngayon lang kayo?"

-----

June 29, 2015
Dear Diary,

Nakikita mo ba ang kwarto ko? Diary, ang gagarbo ng mga kagamitan at mga alahas na ibinigay nila sa akin. Masasarap na pagkain din ang ihinahain sa akin.

Pero Diary, hindi ako masaya. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko na alam ang nangyari pa kila tiya. Marahil ay binayaran na siya ng mga magulang ko upang huwag nang manggulo at palabasing aksidente ang pagkamatay ng asawa niya.

Nang iuwi nila ako sa palasyo, hindi ako lumalabas ng kwarto ng halos isang linggo na. Nakaupo lang ako at nagsusulat ng mga tula, kwento, at kung anu-ano pa.

"Nagustuhan mo ba ang iyong kwarto? Pinakulayan namin ito ng rosas. Hindi ba't iyon ang paborito mong kulay?" Huminto ako sa pagsusulat at liningon ang reyna.

"Dilaw ang paborito kong kulay,"

"Pasensya na. Noon kasi ay hilig mo ang kulay ro--"

"Noon po iyon. Sampung taon na ang nakalipas."

Wala siyang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga nalang. Ang akala ko ay aalis na siya ngunit lumapit pa siya lalo sa akin.

"Hindi ko alam na magaling ka palang sumulat, anak."

Mapait akong napangiti n'on. Paano naman nila malalaman gayong sampung taon nila akong kinalimutan, diary.

"Naiuwi ka na namin sa palasyo. Pero bakit tila wala ka pa rin sa amin, anak?"

Napahinto ako sa pagsusulat dahil sa sinabi ng reyna. Nang hindi ako kumibo ay lumabas na siya ng kwarto.

Ngunit bago pa siya tuluyang labas ay magsalita ulit siya.

"Naghihintay pa rin kami sa tuluyan mong pag-babalik, prinsesa Victoria."

-----

July 18, 2015
Dear Diary,

Espesyal ang araw na ito, diary. Abala ang mga tagapagsilbi sa paghahanda sa pagdiriwang mamayang gabi. Diary, opisyal na akong ipakikilala bilang unang prinsesa ng Winzellia, ang magmamana sa trono.

"Salamat dahil pinatawad mo na kami, anak." Pilit akong ngumiti sa reyna-- kay ina.

Diary, ang ganda ng paligid. May mga dyamante at kumikinang na ginto sa bawat sulok. Magagarbong bagay na dati ay sa panaginip ko lang nakikita pero ngayon ay masa harapan ko na.

Sa mga oras na iyon, diary, ipinangako ko sa sarili ko na magiging akin ang lahat ng ito. Ako ang magiging reyna at luluhod silang lahat sa akin.

Diary, titingalain ako ng mga dating nang-api sa akin. Yuyuko sila at magmamakaawa. Pagsisisihan nila ang lahat ng paghihirap na ipinaranas nila sa akin.

Balang araw, ako naman.

-----

July 28, 2015
Dear Diary

Naninibago pa ako sa palasyo pero ayos lang. Diary, alam mo bang dito, ako ang pinagsisilbihan nila. Hindi tulad kila tiya na ako ang inuutusan. Pinapinturahan ko rin ang kwarto ko ng kulay dilaw at nagpatanim ng maraming mirasol sa hardin.

Diary, pumunta sa palasyo si Giselle kanina.

"Victoria!" Masiglang tawag niya sa akin. Nakangiti pa siyang kumakaway habang nasa tapat ng malaking tansong gate ng palasyo.

"Kamahalan, sabihin niyo po kung isa soyang panauhin at papapasukin ko." saad ng tagapagsilbi ngunit mariin akong umiling.

"Hindi ko siya kilala."

Nais ko nang kalimutan ang parteng bangungot sa buhay ko. Lalayo na ako sa mga bagay na makakapagpaalala nito sa akin. Nakalulungkot mang isipin sapagkat isa roon ang matalik kong kaibigan na si Giselle.

-----

September 20, 2015
Dear Diary,

Ito ang unang araw ko sa eskwelahan, diary. Masaya ako dahil ngayon ay hindi na ako mhihirapang sumilip sa bintana upang makinig ng leksyon. Wala na rin si Seli para itulak ako.

Diary, ganito pala ang pakiramdam na maging isang maharlika. Hinahangaan at nirerespeto ako ng lahat. Wala nang nangungutya sa madumi kong damit. Wala nang nagmamaliit sa estado ko sa buhay. Ganito pala ang pakiramdam ng nasa itaas.

Naaalala mo pa ba ang prinsipeng isinulat ko sa iyo dati? Si prinsipe Ethan ng Serim? Diary, kaklase ko siya! Hindi nga lang niya ako natatandaan pero ayos na rin iyon.

Diary, ang ganda na ng buhay ko. Ganito pala ang pakiramdam ng isang prinsesa.

-----

May 13, 2016
Dear Diary,

I'm so sorry for not writing in you for a long time. Busy kasi ang schedule ko ngayon. Buti nalang at nakahanap ako ng oras ngayong gabi.

Don't tell me, you forgot again, diary. It's my birthday!

Diary, nagbago na ang lahat. Dati, walang nakakaalala sa birthday ko. But now, a whole kingdom celebrates it. Ang sarap sa pakiramdam.

Alam mo bang may nag-aayos ng buhok ko habang nagsusula ako sa'yo? I need to be the best version of myself this special night. Aattend din kasi si Ethan. Hihi.

Hindi ko pa pala naikwento sa'yo si Ashley. We've been friends since I started studying. I don't really like her at all. Close kasi sila ni Ethan kaya baka pwede niya kaming paglapitin.

Diary, everything seems so different--a good different.

-----

February 24, 2020
Dear Diary,

Long time no see, diary. Pasensya na kung naiwala kita. But it's okay, right? Nahanap naman kita eh.

Sa loob ng limang taon, ang rami nang nangyari, diary. And I can't promise to write it all on you.

Sa ngayon, I'm the great Victoria Velloire of Winzellia. Alam mo bang nagpasunog ako ng isang baryo? If you are going to scold me, just stop it, diary. Kahit ikaw ay hindi ako mapipigilan. Tsaka wala namang nakakaalam eh kaya sa paningin ng lahat ay wala akong kasalanan.

I'm one of the campus royal council, diary. Isa ako sa pinakamataas na estudyante sa campus! Akalain mo iyon? Pero hindi lang ako titigil doon. Someday, I will be the highest.

Anim kami sa campus royal council. And guess what, we are planning to build the legendary dark kingdom! Diary, we will rule the world. Oh no, I will rule the world.

Kakampi muna ako sa kanila ngayon, pero sa oras na anim na kaharian nalang ang matira, tsaka ako kikilos. Hanggang sa ako nalang ang matira. Sounds great, right?

But I can't succeed in my plan without any magic. Hindi man ako isinilang na isang sorceress, maaari ko namang kuhanin ang kapangyarihan nila. You see, diary, no one can stop me.

Oo nga pala, diary. Nakasalubong ko si Giselle kaninang umaga. Do you know what she said to me?

"Victoria, you've changed a lot."

Yeah, I really do changed a lot. But that's what humans do, right? We evolve. It's just whether we changed for the better or for the worst.

"Why do you seems so evil now?"

Diary, did I really changed for the worst that I already became evil? But it's all their fault, right? They made me what I am today.

Maybe in the future, I will be an evil queen. But evil queens are princesses that was failed to be saved, right?

My case is different. Because...

I was saved. But it was too late.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

8.3K 263 44
A person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy...
2K 164 25
Si John Ken ay isang Researcher at reporter ng isang Sikat na Site sa internet.Siya ay isang magaling na researcher kung saan ang kanyang mga nasusul...
27.2K 848 43
In this world you have to be brave enough to accept that not everybody who fights with you survives the battle. Because in the end, it takes more tha...
2.1K 115 16
Daughter of a great assassin who died from a mission. She became a weapon hunter to find the lost weapon of her mother, who was killed by a werewolf