The Gay Who Stabbed Me

By BlackLily

25.2M 572K 82.1K

Other women fall for guys. I fall for a gay. The Gay Who Stabbed Me. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2 (11/9/2014)
Chapter 3 (11/17/2014)
Chapter 4 (11/19/2014)
Chapter 5 (11/26/2014)
Chapter 6 (11/29/2014)
Chapter 6 (Part 2) 12/6/2014
Chapter 7 (12/6/2014)
Chapter 8 (12/9/2014)
Chapter 9 (12/16/2014)
Chapter 10 (12/19/2014)
Chapter 11 (12/25/2014)
Chapter 12 (12/26/2014)
Chapter 13 (12/29/2014)
Chapter 15 (1/6/2015)
Chapter 16 (1/9/2015)
Chapter 17 (1/29/2015)
Chapter 18 (2/4/2015)
Chapter 19 (2/4/2015)
Chapter 20 (2/6/2015)
Chapter 21 (2/9/2015)
Chapter 22 (2/9/2015)
Chapter 23 (2/10/2015)
Chapter 24 (2/11/2015)
Chapter 25 (2/12/2015)
Chapter 26 (2/13/2014)
Chapter 27 (2/14/2015)
Chapter 28 (2/16/2015)
Chapter 29 (2/19/2015)
Chapter 30 (2/19/2015)
Chapter 31 (2/26/2015)
Chapter 32 (3/1/2015)
Chapter 33 (3/1/2015)
Chapter 34 (3/1/2015)
Chapter 35 (3/2/2015)
Chapter 36 (3/3/2015)
Chapter 37 (3/4/2015)
Chapter 38 (3/5/2015)
Chapter 39 (3/5/2015)
Chapter 40 (3/6/2015)
Chapter 41 (3/6/2015)
Chapter 42 (3/7/2015)
Chapter 43 (3/8/2015)
Chapter 44 (3/9/2015)
Chapter 45 (3/9/2015)
Chapter 46 (3/10/2015)
Chapter 47 (3/10/2015)
Chapter 48 (3/11/2015)
Epilogue (3/12/2015)

Chapter 14 (1/1/2015)

531K 12.3K 2.1K
By BlackLily

Chapter 14

“Hoy! Amanda! Bakit ka nagpapakadalubhasa dyan?” Narinig ko ang boses ni Missy. Hindi ko siya tiningnan. Busy ako sa pag aaral. 

“Hello din sa’yo friend. Hindi kasi ako nakapag aral kagabi.” Sabi ko tapos napatingin ako bigla sa kanya and I saw Missy and Alexis. Nauna lang si Missy kaya nakita niya ang ginagawa ko. Nakasunod naman si Alexis sa kanya. Kakatapos lang ata ng exam nila at ngayon maglalunch na.

“At bakit?” Nakataas ang kilay na sabi ni Missy sabay upo sa harap ko para mainterrogate ako lalo. Tumabi naman si Alexis sa akin . If I know, sinadya talaga niya yun para makatabi ako. Yiiee! Kinikilig naman ako.

“May ginawa kasi ako.” At hindi ko na sinabi na magdamag akong nakipag usap sa phone kay Alexis. Pero hindi ko din nagawang tumingin kay Alexis kasi ilang beses niya akong tinanong kagabi kung may exam ba ako bukas. Ang sabi ko nakapag aral na ako, pero ngayon marinig rinig niya sa akin na hindi ako nakapag aral. Naiimagine ko na ang klase ng tingin na binibigay niya sa akin.

“At obviously hindi ka pa din naglalunch. 1PM na kaya Amanda.” Napatingin din ako bigla sa relo ko.

“1PM na? Uu nga!” Bulalas ko pa. Ibig sabihin dalawang oras na akong nag aaral dito sa cafeteria pero hindi pa din ako tapos. Punuan kasi kanina sa library at wala akong maupuan kaya dito ako sa cafeteria nag aral.

  “Ako na ang bibili ng pagkain.” Narinig ko ang boses ni Alexis.

“Manlilibre ka ba?” Walang hiyang tanong naman ni Missy.

“Sige. Tsaka ibibili ko na rin naman ng pagkain sina Barbie. Maya maya lang andito na sila.” Napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin kundi kay Missy. Pero hindi nagtagal, sumulyap siya sa akin and indeed, he throw a dagger glance at me. Umiwas ako agad ng tingin. Tae! Ba't ba natatakot ako sa bakla na to? 

“Oi libre! Manlilibre si Lexie! ” Tili ni Missy at sinabi ang gusto niyang kainin. Hindi man lang nahiya. Tinanong din ni Alexis ang gusto ko at sinabi ko naman tapos umalis na siya para bumili ng food. Maya maya dumating sina Barbie at Chelsea tapos kumain na kami nung dumating ang food.

“Ano ba yang pinag aaralan mo?” Silip ni Chelsea sa libro na binabasa ko habang sumusubo ng garlic bread.

“Calculus.” At hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maintindihan ang subject na yan. I took it last sem pero dahil hindi ko magets, bagsak ako. Ngayon, medyo okay ang grades ko nung prelim at midterm pero kapag bumagsak ako sa final exam tiyak na bagsak na naman ako sa Calculus. Arrgghh!

“Anong oras ang exam mo dyan?” Natigil ang pagsubo ko ng walang katapusang garlic bread. Kanina ko pa ubos ang spaghetti na dalawang servings ata sa dami. Tinira ko ang garlic bread kasi favorite ko yun. Pero mukhang walang kaubusan ang garlic bread ko kasi yung garlic bread ni Alexis inilalagay niya sa plate kokasi ayaw niya daw ng bread. Sus! Maniwala ako sa kanya. Pero hindi na ako nagreklamo, baka bawiin pa.

“Mayang 3 pa naman.” Mahinang sabi ko. I am still anticipating the wrath of Alexis. At hindi ko alam kung kelan darating yun.

“Turuan na lang kita kung nahihirapan ka dyan.” Sabi niya. Napalunok ako. Then I smiled awkwardly at him. Hindi ko siya tinitingnan sa mata. Ayoko nga!

“Ahhh..hihi wag na. Salamat na lang. Carry ko na to.” At nenenerbiyos na ako.

“Paturo ka na Mandy. Magaling yan.” Sulsol ni Chelsea na sinang ayunan ni Barbie. Malamang magaling siya sa Math. Engineering ang course niya eh. At saka, saan ba siya hindi magaling? Wala akong maisip.

Pero kasi, alam ko na gusto lang niya akong masolo para mapagalitan niya ako. At ewan ko ba kung bakit sa tigas ng ulo ko, kay Alexis pa ako natatakot lalo na at ganyan ang tingin niya sa akin.

“Oo nga girl, magaling mag explain si Lexie. Kesa naman bumagsak ka na naman dyan. Anong gusto mo? Ang makapasa o ang mapagalitan na naman ni Tito?” Nag pout ako. Kunsabagay. Pero ano ba ang mas mainam pakiharapan? Ang galit ni Papa o ang galit ni Alexis. At isa pa, kailangan ko nang maipasa ang calculus para makagraduate na ako next sem.  

“Sige na nga.” Napipilitang pagpayag ko. Kaya nung makatapos kami sa pagkain, dumiretso na ang tatlo sa room nila at doon na daw mag aaral kasi punuan na nga ang library.

 Kami naman, kinuha ni Alexis ang mga gamit ko at tumayo na. Tumayo na din ako at sumunod sa kanya. But we’re not going to the library o kung saan mang pwede kaming mag aral.

“Peace na tayo ha.” Sabi ko sa kanya habang nakasunod ako. Mas mabuti na yung uunahan ko siya.

“Later.” Hala!

“Gaano katagal ang later?” Pangungulit ko pa at sumabay na sa paglalakad niya.

“Mamaya.” Sabi ulit niya.

“Tinatagalog mo lang eh.” Hindi na niya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa parking ng school. Hala, bakit dito? Saan kami pupunta? Ano ang gagawin namin?

At mas nagulat ako nung binuksan niya ang pinto sa backseat kesa sa harapan at doon ako pinapasok. Sa backseat talaga?

Hindi na ako nagpakiyeme, pumasok na ako sa backseat ng sasakyan. Who would have thought na napakawild pala ni Alexis. Sa kotse talaga na nakapark sa school? I am nervous and excited at the same time.

Umikot siya sa driver’s seat at binuksan tapos pinaandar ang aircon. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa pumasok siya sa kabilang bahagi ng backseat.

Ayan na…ayan na…

Then umupo na siya sa tabi ko tapos tiningnan ako.

“Give me your book.” Sabi niya. Tulala kong binigay sa kanya ang libro. Nakatingin lang ako sa mukha niya. He is so serious. Maybe he is thinking how he would start.

“Saan dito banda ang pinag aaralan mo?” Sabi niya ulit habang binubuksan ang libro.

“Ha?”

“I said, saan dito ang pag aaralan natin?” Inulit pa niya. Ibig niya bang sabihin dito niya ako tuturuan sa kotse niya?

“Mag aaral tayo dito?” Hindi ako nakatiis. I need to confirm.

“Yes. Di ba sabi ko tuturuan kita. Punuan sa library at kung sa cafeteria naman, masyadong maingay. Why? What were you thinking?” Parang may sumigaw sa tenga ko ng boom! Basag! Kaya naman biglang nag init ang pisngi ko.

“I thought we’re going to have sex here.” Prankang sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at namula ang mukha. Hindi ata makapaniwalang sinabi ko yun,

“Amanda…”Iiling iling na sabi niya.

“Eh kasi naman Alexis. Malay ko ba na pag aaral ang nasa isip mo.” Napahiya talaga ako sa sarili ko dahil sa malaswang utak ko.

“Dahil yun ang napag usapan natin. And speaking of usapan, why did you tell me na nakapag aral ka na kagabi? Tapos makita kita ko ngayon na nagkacram ka sa exam mo.” Ayan na po! Ayan na. Sinasabi ko na nga ba eh.

“Kasi…kapag sinabi ko sa’yo na hindi pa ako nakapag aral, hindi mo na ako kakausapin.” I said as a matter of fact. There’s no use lying to him.

“Natural. Mas importante ang pag aaral mo. Marami pa namang panahon para makapag usap tayo but if you failed your exam it would cost you the whole semester.”  

“Bakit may pakiramdam akong mas strict ka pa sa Papa ko?”

“Because I am concerned about your future and I care for your well-being.”

“Concerned citizen ka ganun?” Hindi siya sumagot. Instead, he flipped the pages of my book at hinanap ang pinag aaralan ko kanina.

Badtrip to. Dineadma na lang ako bigla.

“Alexis, wag mo akong i-hearzoned.” Umangat ang tingin niya sa libro at tumingin sa akin.  

“No. I am not a concerned citizen. I just love you. Can we study now?” Dire-diretsong sabi niya.

Hindi ako nakasagot. Napanganga na lang ako habang nakatingin sa kanya. And I saw him smile a little tapos umiling iling at binalik na ulit ang attention sa libro ko, flipping through the pages.

Hindi agad ako nakarecover. Hindi ko alam kung ilang minutes akong nakatulala lang sa kanya. Lumunok ako at lumunok ulit. Did he just say that he love me? For real? Oh my God!

 I think…I think…

“I need water.”

A/N: Happy New Year!!

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
28.3K 1.3K 58
[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga para...
1.9K 655 29
She embodies a rose, with a tender heart akin to its petals and a sharp intellect like the thorns defending her from those with harmful intentions. ~...
1.3K 307 26
Nicholas Blake Zobel also known as Nico, a rebellious young man. Due to his mischievous behavior during his father's political rally, he is sent to P...