Chapter 45 (3/9/2015)

466K 10K 1.4K
                                    

SPG ahead. But not as detailed as the previous chapters. Enjoy! Yung warning talaga ay yung hindi masyadong detailed at hindi ang SPG. 

45

Hinika ako.

Kahit wala akong hika. Hinika talaga ako pagkatapos namin kausapin ang Nanay ni Alexis. Dahil siguro halos hindi ako makahinga sa loob ng mahigit isang oras na pag uusap at paglalunch namin.

Sa gazebo pa lang, hindi ko na alam kung paano hihinga habang umiinom ng tea. Ni hindi ko nga alam kung paano inumin ang tea. Nawala ako sa sarili unang salita pa lang niya.

“So you’re the reason why Alexis finally decided to  accept that I am his mother.” Kung gaano kalamig ang mga mata niya, ganun din kalamig ang boses niya. Hindi nagtataray ang tono niya, hindi din mahinahon, wala lang talagang emosyon. Pati mukha niya walang emosyon.  Ngayon alam ko na kung saan nakuha ni Alexis ang expression na yun. May pinagmanahan pala.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa sinabi niya. Magtathank you ba ako? Ngingiti? Magsosorry? Mabuti na lang pinakilala kami ni Alexis sa isa’t isa pero mas lumaki ang problema ko. Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin nung pinakilala na kami ni Alexis. Makikipagkamay ba ako? Makikipag beso? Mag ha-hi? Luluhod? I didn’t do any of it. In fact, naestatwa ako sa tabi ni Alexis.

But she extended her hand kaya napilitan akong kamayan siya.

“Nice meeting you Amanda.” Sabi niya, emotionless pa din. Sumagot ako ng nice meeting you too kahit na ang gusto kong sabihin ay it was not really nice meeting her kasi parang hinahalukay ang bituka ko.

Bago naman matapos ang 30 minutes na makapigil hiningang pagt-tea naging maliwanag sa akin ang dahilan ng pagkikita namin. Gusto niya akong pasalamatan kasi  nagkabati sila ng anak niya. Wala pa ding emosyon ang pagkakasabi niya ng thank you.

“I’m glad to hear that you have reconciled.” Kahit na hindi ko naman alam ang dahilan kung ano ang naging papel ko. Ayaw ko nang itanong sa kanya. Kay Alexis na lang mamaya. Nung inakala kong tapos na, napabuntonghininga ako sa relief only to be disappointed when she announced that we’ll be joining her for lunch. Napatingin ako bigla kay Alexis and I caught him smiling. Siniko ko nga. Pero wala akong nagawa. I endured another ‘breathtaking’  hour with Alexis and his mother.

Kung hindi ako nakapag tea ng maayos, mas lalong di ako makakain. Concious na conscious at curious na curious ako sa dami ng knives, spoons,  forks, glasses, at wineglasses sa harapan ko. Hindi ako sanay sa fine dining pero mabuti na lang at naalala ko ang  rule to always work from outside in.

At isa pa, pa-unti unti ang mga pagkain na sineserve nila at hindi pwedeng lumamon. Nakakaasar dahil nahihiya akong humingi ng another serving pag may nagustuhan ako. Tapos ang bagal bagal niyang kumain at ngumuya. Nakikisabay din tuloy ako sa pagnguya niya kaya ang nangyari, hindi pa ako sumusubo ng next na pagkain, natunaw na yung una kong kinain sa tiyan ko kasi minsan nagkukunyari na lang ako na ngumunguya pero nalunok ko na pala ang sinubo ko eons ago. Pati sa pag angat ng tinidor o spoon papunta sa bibig ay napakabagal. Gusto ko na ngang higupin ang soup sa bowl.  

At talaga namang pagkatapos namin, este pagkatapos niyang  kumain at pagkatapos sabihin ni Alexis na magpapahinga muna kami, gusto kong tumalon sa tuwa. Kulang na lang hatakin ko siya papunta sa kung saan malayo sa Nanay niya.

Kaya pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto at pagkasara ng pinto agad akong sumalampak sa sofa sa may maliit na sala sa loob ng kwarto.

“Are you okay Mandy?” Nag aalalang tanong ni Alexis.

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon