Chapter 5 (11/26/2014)

554K 13K 4.2K
                                    

Chapter 5.

Nakaupo ako sa isang bench sa may campus at nanonood ng soccer. Nilalaro ng hangin ang itim na itim at mahaba kong buhok. Pakiramdam ko napakapayapa ng paligid. Pati ang samyo ng hangin napakabanayad.

Then naramdaman ko na may tumabi sa akin at kahit hindi ako lumingon, alam ko na kung sino siya dahil sa amoy niya. Napangiti ako lalo na nung dumikit siya sa akin at inakbayan ako. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. This feels so good. It feels like…heaven.

I heaved a contented sigh lalo na nung hinaplos haplos niya ang pisngi ko. Napapikit ako at pinakiramdaman ang masarap na feeling na dulot ng kanyang mga haplos. Ang mainit niyang kamay sa pisngi ko.

Tapos bumaba ang kamay niya sa  baba ko at iniangat ang mukha ko. Nakikinita ko na ang mangyayari. He is going to kiss me. Kaya naman kahit na nakapikit, I raised my face para mas lalong mapalapit sa kanya.

At nararamdaman ko na malapit na niya akong halikan dahil ramdam na ramdam ko na ang mabango at mainit niyang hininga sa pisngi ko. I am anticipating it. AT parang hindi na ako makapaghintay.

The he said.

“ANg pangit ng lipstick mo.” Puno ng panlalait ang binabaeng boses niya. Bigla akong nagmulat ng mga mata.

Then I saw Lexie, napakaganda niya. Mas maganda pa siya sa mga artista at sa ibang beauty queen. At may korona pa siya sa ulo.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumigaw ako ng sumigaw. Nagwawala ako habang tinutulak siya at sinisigawan siyang…

“Hindi ka bakla!”

At doon ako nagising.Hingal na hingal ako pero nagpapasalamat pa din ako kasi bangungot lang pala.

Pagtingin ko sa relo, 5:30 na ng umaga kaya naman tumayo na ako at nag ayos ng sarili. Naligo na ako at kumain kaya naman maaga akong nakapunta sa school.

Tamang tama naman na habang naghahanap ako ng parking nakita kong lumabas sa kotse si Lexie. An gaga niya huh! Kaya naman nag park agad ako sa pinakamalapit na vacant slot at agad na lumabas ng kotse pagkatapos itong I lock.

Then lakad takbo kong hinabol si Lexie.

“Lexie! Lexie!” Pero mukhang hindi niya ako narinig. Tumakbo na ako para mapalapit sa kanya.

“Lexie! Alexis!” Lumingon siya. Nagulat siya pagkakita niya sa akin.

“H-Hi!” Hingal na hingal na sabi ko.

“Mandy.” Pinunasan ko ng panyo ang pawis ko. Ka stress itong si Alexis. PInahabol pa talaga ako.

Nakatingin siya sa akin. Nagtataka siguro kung bakit hinabol ko siya.

“Eh kasi…narinig ko na nagbebenta ka ng mga make up from Korea. Gusto ko sanang tingnan ko ano ang mga binebenta mo.” Sabi ko sabay ngiti pa pa cute. Sa isip isip ko. Sana maging lalaki dahil sa pagpapacute ko.

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon