Chapter 37 (3/4/2015)

370K 8.7K 622
                                    

37

Drifting. I never knew that I could apply that word to a relationship. Pero habang tumatagal mas naiintindihan ko ang ibig sabihin ng salitang drifting kasi kahit hindi ko na silipin sa dictionary, ipinapamukha sa akin araw araw. Yun ang nangyayari sa relasyon namin ni Alexis. Hindi ko alam kung sino ang may kagagawan, kelan nagsimula at paano nagsimula. Maybe on the day I woke up at the hospital. Maybe at the time that I found out that I lost our baby.  Siguro din nung araw na bumalik na siya ng Paris. I really don’t know. Pero ramdam na ramdam ko ang unti unting paglayo namin sa isa’t isa.

It has been a month since I lost our baby. 2 weeks nang nakaalis si Alexis pabalik ng Paris. Katulad ng dati, araw araw pa din siyang tumatawag sa phone para magkausap kami at uuwi pa din daw siya once a month. Pero kahit walang nagbago sa naging routine namin, ramdam na ramdam ko ang pagbabago sa aming dalawa. Our phone conversations lacks emotions. Nagkakamustuhan kami dahil yun na ang nakaugalian namin. Nag uusap kami tungkol sa mga bagay bagay pero hindi na katulad ng dati. It lacks warmth. We still said our ‘I love you's’ just because we are used to saying it before we said our goodbyes. It has become routinary. Parang ginagawa na lang namin ang mga bagay bagay dahil yun na ang nakaugalian namin. At katulad ng dalawang bangka sa dagat na pinaglalayo ng alon, we’re slowly drifting apart.

Inaamin ko na hindi naging madali ang pagtanggap ng lahat. When I found out that I lost the baby, I feel like I’ve been stabbed a hundred times. Hindi ko alam kung gaano kadaming luha ang naubos ko. I didn’t count the days and the night that I cried for our loss. Baka nga nabaliw na ako kung wala lang si Alexis sa tabi ko.  And I am thankful  na kahit ganun ang nangyari nasa tabi ko pa din siya. Kahit na alam kong nasaktan din siya sa nangyari pilit siyang nagpapakatatag para sa akin. Because at that time I was a mess. I cannot be consoled. Kahit ang pagbisita ni Mama at ni Kuya sa akin sa hospital hindi nagpakalma sa akin.

At ayaw ko ng balikan ang panahon na iyon. Ayaw ko ng maalala ang sakit.

But then, hindi pala ganun kadali ang lahat.

Pinilit naming dalawa na tanggapin ang mga nangyari. Sinubukan naming maging matatag para sa isa’t isa. Pinipilit namin na ipakita na kaya namin pero hindi pala ganun kababaw ang sugat na naiwan sa amin ng pagkawala ng anak namin. Alam ko, na kahit hindi ipakita sa akin ni Alexis, alam kong nasaktan siya sa nangyari. Alam kong nagiguilty siya dahil wala siyang nagawa para isalba ang anak namin. Pero hindi niya yun pinapakita dahil alam kong nagpapakatatag siya. Pero nakikita ko na lang siya minsan na natutulala at napapatigil kapag napapadaan siya sa nursery na pinagawa namin sa bahay. Ang nursery na kahit kailan hindi na namin nagawang pasukin. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya and It made me more guilty.

Then I started questioning myself kung bakit nangyari ang ganun? Dahil siguro hindi pa matanggap ng sistema ko na wala na talaga ang anak namin and I need answers. Then I started doubting myself kung bakit hindi ko nakayang buhayin ang bata.  What is wrong with me? Bakit yung ibang babae nakayang buhayin ang mga anak nila. Yung iba nagawang magsilang ng twins or triplets. Yung ibang babae nakuha pang magpaabort pero ako, bakit hindi ko nakayang isilang ang anak namin? That doubt started eating me.

That question haunt me and I suddenly felt inadequate, I feel incomplete as a woman. Pakiramdam ko may kulang sa pagkababae ko because I can’t deliver a child and the possibility that I cannot bear any scares the hell out of me.

Alam ko kung gaano kagusto ni Alexis na magkaroon ng sariling pamilya. He wanted to have a family of his own. Yung buo, yung magkasama ang mga magulang at ang kanilang mga anak sa pagkain, sa pamamasyal. Pero paano kung hindi ko pala kayang ibigay sa kanya ang pamilya na pinapangarap niya?

Hindi pala ganun kadali kalimutan ang lahat because the wound caused by our loss left a scar and that scar is so deep na hindi namin alam kung kaya pa naming umahon. Nagpanggap kaming dalawa na matatag but deep inside us, we are both breaking, we are both dying and on our own we both being swallowed by our pain.

At siguro hindi pa ganun katatag ang relasyon namin. Hindi pa kami ganun kalakas para harapin ang ganun klaseng pagsubok,hindi pa kami ganun ka mature para I handle ang ganung bagay. Kaya ngayon, unti unting nawawala ang anumang relasyon na binuo namin. Hindi man namin masabi sa isa’t isa pero ramdam na ramdam ko at alam kong ramdam na ramdam din niya.

And it’s painful. Pakiramdam ko unti unti naming pinapatay ang sarili namin. It’s as if I am experiencing a slow death. It is more painful to witness the gradual end of a relationship kasi ramdam na ramdam mo ang sakit kesa sa relationship na bigla na lang natigil at natapos. At hindi ko kayang tumagal na makita ang unti unting pagkawasak ng relasyon namin. Hindi ko pa kaya sa estado ko ngayon. Hindi ko na kakayanin pa ang dagdag na sakit and I realized that we both need to heal our wounds. Hindi habang buhay, kaya naming pagtakpan ang sakit na nararamdaman namin. Hindi habang buhay, kaya naming magpanggap na okay lang ang lahat when it is not.

Kaya naman hindi ako mapakali habang hinihintay ang tawag niya. Hindi ko alam ang sasabihin niya. Hindi ko alam ang magiging reaction niya but I wanted to try dahil alam ko na para naman sa aming dalawa ang gagawin ko.

I almost jumped when my phone rang at halos manginig pa ang kamay ko when I picked up my phone and saw Alexis’ name on it.

“Hello.” I answered almost breathlessly.

“Mandy.” My heart constricts at the sound of his voice. Parehas pa din naman ang boses niya. It was still deep and husky. The same voice that made my heart flutter. The same voice that made me whimper in bed. The same voice that gave me comfort and joy. Pero ngayon at nung mga nakalipas na tawag niya, his voice brought me pain. Hindi ko siya sinisisi sa mga nangyari at hindi ko siya sisisihin dahil alam kong ginawa lang niya ang dapat niyang gawin. Nasasaktan ako kasi alam kong I will never be enough for Alexis.

“How are you?” Kahit sa boses niya ramdam na ramdam ko ang lungkot and I wanted to cry. Paano pa kung magtatagal na ganito?

“Okay lang.”

And an awkward silence followed. It has been like that these past weeks. We’re like strangers na hindi namin alam ang sasabihin sa isa’t isa. We’re always trying to lighten up the mood. We tried so hard na halatang pinipilit na lang namin. At pagkatapos ng pag uusap namin, mabigat na mabigat ang dibdib ko that I would end up crying.

“Pupunta kami bukas sa Frankfurt for a show…” He started saying. Palaging ganun. He would volunteer his whereabouts. He would tell me what he’s doing for the sake na may pag usapan lang kami.

“Alexis..”

“Yes, baby?”

“Alexis, uuwi muna ako sa amin.”  I waited for his reply pero buntonghininga niya lang ang naririnig ko.  

“For how long?” Malungkot na sabi niya after ilang saglit.

“I don’t know.”

“Okay.”

I bite my lips to stop myself from crying. Hindi ako nagsalita kasi alam kong manginginig ang boses ko. Napasandal ako sa headboard ng kama at inilayo ang phone sa tenga ko and put it on speaker para marinig ko siya at pinahid ang luha na kusang lumabas sa mga mata ko. Pinilit kong wag humikbi dahil natatakot akong marinig niya.

Mga ilang minutong ganun. Hindi din siya nagsasalita sa kabilang line. I composed myself and I cleared my throat. Tiningnan ko ang phone ko at alam kong nasa linya pa siya. I looked as  seconds ticked by na walang nagsasalita sa aming dalawa.

“Salamat.” Mahinang sabi ko at hindi ko alam kung narinig niya. I didn’t wait for his reply. At bago pa ako humagulgol…

I turned off the phone.

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon