Rain of Nightmares (Medical S...

Oleh scentedstar

28K 1.3K 341

Stephanie Louisse Urquia, a second year resident from UIC decided to stop pursuing her dream to become a doct... Lebih Banyak

NOTE
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35 (Cy)
Epilogue
Author's Note
LOOK BOOK
CHARACTERS

10

529 36 10
Oleh scentedstar


"Bangon na Louisse."


Narinig ko ang pagtawa niya nang ibato ko sa kaniya 'yong isang unan. Mabuti nalang at malambot 'yon kaya hindi masakit kapag tumama sa mukha niya. Pinang palo ko pa 'yong isa dahil hinila niya 'yong paa ko pababa ng kama.


"Ang aga- aga pa, Cy!" Sininghalan ko siya, hindi pa rin inaalis ang katawan sa pagkakahiga. Nakadapa pa ako kaya hindi ko makita 'yong mukha niyang mala demonyo.


"It's already 10 AM! Goodness gracious! Kung hindi mo lang binigay 'yong passcode mo sa akin edi kanina pa sana ako nakatunganga sa labas." Hinila niya ulit ako, mas malakas na. "Bumangon ka!"


"Ayoko nga!" Ginalaw ko ang paa ko para bumitaw siya pero hindi ko na napigilang matawa nang kilitiin niya ito.


"Tangina, oo na!" Binitiwan niya 'yong paa ko kaya diretso akong napaharap bago tumayo. Sinamaan ko pa siya ng tingin pagkatapos dahil panay tawa pa rin siya.


Demonyo.


"Ito na! Nakabangon na oh!" Irita ko siyang binato nang unan nang tumawa ulit siya. "Depota, ang sarap sarap pa ng tulog ko, e!"


"Mag g-grocery tayo ngayon. Bihis na." Hinatak niya ako patayo bago siya pumwesto sa likod ko. Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko at marahang tinulak papunta sa banyo. "Ligo na."


Nakabusangot akong pumasok doon, malakas na ibinagsak ang pintuan. Pinaandar ko na 'yong heater at maghuhubad na sana nang kumatok na naman siya sa pinto. Inis ko naman itong binuksan, pinanlilisikan siya ng mga mata.


"What now?!" Kaya ayokong ginigising nang wala sa oras, e! Nagiging ganito ugali ko!


"Dress a formal one. May pupuntahan tayo pagkatapos." Bilin niya bago hinatak ang door knob para maisara ang pinto.


Mabilis lang akong naligo at nag-ayos. Sinuot ko 'yong bath robe ko bago lumabas para pumili ng damit. Si Cy nasa labas na ng maliit na terrace, dinadama 'yong ihip ng hangin dahil sa ulan.


Napairap ako. Kaya naman pala naiinis ako. Depotang ulan 'yan. January na nga panay patak pa rin.


Kinuha ko lang 'yong dirty white off shoulder dress na may minimalist baby's breath flowers na naka printa na hanggang tuhod 'yong taas. Pinaresan ko lang din ito ng white sneakers para simple lang. Kinuha ko rin 'yong white sling bag ko para lagyan ng phone at wallet.


Napatingin si Cy sa akin nang marinig niya ang ingay ng blower. Pumasok ulit siya sa loob at isinara 'yong sliding door sa terrace.


"Ayusin natin." Lumapit siya sa akin at inagaw sa kamay ko ang blower. Hindi na lang din ako pumalag dahil medyo nahihirapan ako.


Sinuklay niya pagkatapos ang itim na buhok kong hanggang balikat lang. May ilang hibla lang siyang kinuha sa magkabilaang gilid at pinagtagpo ito sa gitna saka inipit. Pinaharap niya rin ako sa kaniya para maayos niya 'yong nipis kong bangs.


"Ayan." He smiled at me. "Mukha ka nang tao."


Sinamaan ko siya ng tingin kaya tinawanan niya ulit ako. Iniwasan ko nalang siya dahil baka masakal ko pa. Nauna akong lumabas sa pintuan pero kaagad din naman siyang sumunod. Ni-lock ko muna 'yong pinto bago kami bumaba.


Binati pa kami noong guard na nakabantay sa front desk, todo ngiti sa amin ni Cy na parang nang-aasar. Napaiwas tuloy ako nang tingin dahil baka kung ano ang isipin niya.


"Nagbayad ka nang parking space?" Napatingin ako sa kaniya nang makita ang Black SUV niya sa basement.


"Yep. Mapapadalas na ako, e." He chuckled.


Pumasok nalang ako sa shotgun seat at ganoon din siya sa driver's seat. Pagkatapos ay bumiyahe kami papuntang Abreeza Mall para mag grocery. Malapit lang naman siya sa unit kaya hindi kami masyadong natagalan.


Kumuha ako ng cart at pinatulak 'yon kay Cy. Pumunta muna kami sa mga essentials bago roon sa may mga raw foods like meat and fish. Kumuha rin ako ng mga gulay usually 'yong mga sitaw, petchay, repolyo at carrots.


May kung ano-ano pa akong binili, hindi natatakot dahil credit card naman 'yong gamit ko. Napalingon ako kay Cy nang mapansing hindi na siya nakasunod. Napairap nalang ako dahil sa nakita.


Nakatitig siya roon sa mga display ng gardenia at nutella. Naglakad ako papunta sa direksyon niya dahil ilang metro rin ang nalakad ko palayo. Inabot ko 'yong dawalang tinapay at nutella saka siya sarkastikong nginitian.


Para naman siyang batang nagbunyi dahil pakanta-kanta niya nang itinulak ang cart papunta sa counter. Nauna pa siya dahil sa excitement. Napairap ulit ako. 


Parang bata.


"Yey!" He giggled like a child when the cashier punched the nutella and bread.


Marahan ko siyang kinurot sa bewang. "Umayos ka. Para kang bata."


Ibinalik ko ang tingin sa cashier na todo ngiti na, hindi sa akin kundi kay Cy. Ipinasada niya pa ang mga mata sa kabuoan ni Cy. 


Nakasuot lang kasi ito ng Tee na sinapawan ng maroon checkered button down shirt. Para niya lang itong ginawang blazer. Suot niya rin ang light blue maong pants na pinaresan ng white vans sneakers. 


Simple yet appealing.


"Excuse me." I snapped her out of her imagination. Pinagpapantasyahan na kasi si Cy. Nakakainis.


"Yes po?" She looked at me, a bit frustrated dahil ginulo ko 'yong pantasya niya.


Iniabot ko ang credit card sa kaniya, medyo naiinis. "Here."


Swi-nipe niya 'yong credit card ko bago ito ibinalik sa akin. Kinuha rin ni Cy 'yong mga pinamili namin dahil mabigat. Dumaan nalang muna kami food court para kumain dahil quarter to 12 PM na.


Bumili lang kami ng beef steak at fried chicken dahil medyo occupied ang buong lugar. Nagmadali nalang kaming kumain dahil naaawa ako roon sa mag-asawang matanda na naghihintay ng free table.


"Lola." Tinawag ko 'yong babaeng matanda nang dumaan siya sa table namin.


Sabay kaming tumayo ni Cy, itinabi ang pinagkainan namin para mailagay nila 'yong sa kanila. "Dito na po kayo. Tapos naman na kami."


"Salamat, ija." Ngumiti siya sa akin bago tinawag 'yong asawa niya na nasa likod niya. Umupo ito sa harapan niya.


Napatingin siya sa amin nang kinuha na namin ang mga pinamili sa free space ng upuan. "Ang bait naman ng girlfriend mo, ijo." She chuckled.


I almost choked when I heard that. Napakurap pa dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang pagkakarinig ko. 


"Maganda pa." Gatong naman noong asawa niya. Napatingin siya saglit kay Cy bago ngumiti. "Alagaan mo 'yan, ijo. Mahirap na humanap ng ganiyang babae."


Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat pero mas lalo pang nadagdagan ang gulat ko nang marinig ang sagot ni Cy.


"Opo." He smiled at the old couple before holding my hand. "Una na po kami."


What the fuck?!


Hindi ako makagalaw habang hawak-hawak niya 'yong kamay ko hanggang sa makarating kami sa parking lot. Binitiwan niya lang ako dahil kinuha niya ang susi sa bulsa niya para mabuksan 'yong likod ng SUV.


Tahimik lang akong nauna sa shotgun seat, medyo pinagpapawisan na at malakas pa ang kabog ng dibdib---parang tinatambol dahil sa lakas. Fuck.


Napatingin ako sa labas nang mapansing hindi na pala umuulan. Tama, naiinitan lang ako dahil hindi na maulan. 'Yun lang 'yon. 


Pero naka full aircon 'yong sasakyan! Putangina.


"Hoy, okay ka lang? Ba't parang namumutla ka?" Kaagad niyang tanong nang makaupo sa driver's seat. Muntik pa akong mawalan ng hininga nang itapat niya ang palad sa noo ko. "Hindi ka naman nilalagnat."


Napaubo ako, mabilis na inialis ang kamay niya sa noo ko. Iniwas ko kaagad ang tingin sa kaniya. "O-Okay lang ako. Medyo mainit lang."


"Okay." He sound convinced. Pinaandar niya 'yong sasakyan nang mapatingin ulit siya sa'kin. "Ano palang religion mo?"


"IFI. Bakit?" Napatingin ako sa kaniya, medyo naguguluhan na.


"Buti nalang pala same religion tayo." He chuckled. "Inaya ako, e. Alam mo na, Sunday bukas. May gathering sa simbahan kaya gusto kitang isama. Promise masaya roon."


"Saan ba?" I'm still confused. Hindi naman na kasi ako nagsisimba lalo na nang mamatay si CJ. 'Yon lang naman ang humihila sa akin papuntang simbahan.


"IFI Church. 'Yung nasa F Torres?" Napatingin siya sa relo niya bago ibinalik ang tingin sa akin, nakangiti pa rin. "1:40 PM pa naman. Ano game?"


"S-Sure." I gave him a small smile.


I don't want to go but there's something who's nagging my conscience for me to attend the said gathering. It's not that I don't want to go to church or what.


It's just that---we used to attend in that church since high school. During gatherings, events, masses. Us--together with CJ.


And he's a great youth leader in there. 


Napatingin ako kay Cy na nagsisimula nang iikot ang steering wheel. I closed my eyes for a second before breathing heavily.


How far can you have the same traits as him?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------:)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

19.4K 939 43
Anne Marie Sean, is the Student Council President of Paralaya. She's not like the other woman whose prim and proper or simply...not the Maria Clara t...
8.7K 282 38
Wattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hi...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
2.9M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...