Devil in Disguise: Vengeance...

By Unlucky_Stranger

18.8K 870 51

VENGEANCE SERIES 1 [COMPLETED] Breaking the rules sometimes are not bad. -D More

DISCLAIMER
SIMULA
DID- 1
DID- 2
DID- 3
DID- 4
DID- 5
DID- 6
DID- 7
DID-8
DID- 9
DID-10
DID- 11
DID- 12
DID- 13
DID-14
DID- 15
DID- 16
DID- 17
DID- 18
DID- 20
DID- 21
DID- 22
DID- 23
DID- 24
DID- 25
DID- 26
DID- 27
DID- 28
DID- 29
DID- 30
WAKAS
ACKNOWLEDGE
SPECIAL CHAPTER

DID- 19

456 24 6
By Unlucky_Stranger

"Ano yan?"

Tanga papel toh kung hindi mo alam. Sarap isampal sa mukha niya, kairita naman kase nagcutting na sana ako kung hindi ko trabaho ang pagiging assistant. Bakit ba kase nagpayag pa'ko.

Nakataas ang kilay niya sa'kin. Kaya nginitian ko nalang ng plastic.

"Pinabibigay ni Rover."

Kinuha niya naman saka ako inirapan. Tumalikod na'ko dahil wala ng rason para manatili naiirita ako sa mukha niya.

"Napakawalang respeto mo! You must learn to respect someone who's higher than you."

Tumigil ako at hinarap siya na nakangiti saka ako yumukod para magbigay galang. Ayokong makipag-away pero minsan sila rin kase ang naghahamon. Nakangiti pa ring humarap ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo nitong si Ferrari sa'kin. Wala akong natatandaan na may ginawa akong nakakagalit sa kanya bukod sa sinasabayan ko lang siya sa pagtataray. Palaging may issue sa kung sino nakakataas akala mo naman mas matangkad
sa'kin 'e tumaas lang naman dahil sa heels.

"Again, being rude is my speciality." May respeto ako pero sa karapatdapat lang yon neknek niya naman kung bigyan ko siya ng respeto, ayusin niya muna ugali niya.

"What?"

"Are you deaf or deaf?" Hindi yata nakuha agad yung sinabi ko, at tila ang hina ng pagprocess sa utak. Hindi na'ko magtataka mukhang pera ang basehan kaya nakapasok.

"How dare yo—"

"Napaka original naman." Tila mangha kong sambit na mas lalong ikinainis niya. Salubong na salubong ang kilay. Kunting kunti nakang sasabog na. How i love to end someone life span.

"You lowclass stupid girl!" Handa na sana niya akong sampalin ng matigil sa ere ang kamay niya ng ituro ko ang cctv at makarinig kami ng yapak.

Binaba niya ang kamay na tila nagkamot at tinaliman ako ng tingin na ikinangiti ko lalo. Sarap mang pikon. May dumaang ilang estudyante na nginitian niya pero ng tumama ang tingin sa'kin ay inirapan ako, two-faced bitch.

"Keep rolling your eyes. Maybe you'll find a brain back there." Sambit ko saka walang pasabing umalis.




Masyado niyang minamaliit ang nakakababa sa kanila. Porket nasa taas, mataas na rin ang tingin. Tingnan lang natin kung bigla nalang kayong bumagsak. Sana pagbagsak una nguso noh, chos. Pasikreto akong ngumisi habang tinatahak ang daan papunta sa library kase sinabihan na naman ako ni Rover na kunin yung mga libro sa kanyang office para isauli at ang hayeop papalinisin pa sa'kin ang library. Ang galing humiram kapag sasauli hindi.

Nasa last na ako ng hagdan ng mapatingin ako sa harap ng biglang nakarinig ako na kalabog. Napaawang ang bibig ko ng tumambad sa'kin ang isang babaeng nakasalampak sa sahig. Nang mapagtanto ko kung sino ay humalagpak ako ng tawa.

Ba't ang tanga niya?

"Hala siya! Ba't ka nagswimming hindi pa naman summer , setyembre palang girl at wala namang tubig." Natatawa ko pa ring sambit.

Nguya nguya ko ang bubble gum na kanina pa sa bibig at wala ng lasa habang lumalapit sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko pero tiningnan niya lang yon ng masama at nakangiwing tumayo. Ngek? May galit ba toh sa kamay ko?

"Ay kawawa naman yung kamay ko hindi nakapagshakehand." Nakasimangot kong sambit at akma na sanang aalis ng biglaang siyang magsalita kaya nilingon ko siya.

"You! Are your eyes for decoration? Do you see I'm here." Tinuro niya ko kaya naman tinuro ko rin ang sarili.

"Ako?"

"Stupid! Ikaw lang naman kausap ko dito." Sigaw niya sa'kin kaya napaatras ako ulit. Ang tinis ng boses at ansakit sa tenga. At malay ko ring may iba pa siyang nakikita dahil sa pagkadapa niya bobo naman.

Naningkit ang mata ko dahil sa tinawag niya sa'kin at biglaang pagsigaw. Aba kita mo naman oh.  Lumalabas ang buntot  at sungay ng babaeng toh. Nawala yung bilog sa ulo at yung pakpak timiklop.

"Oh bakit ano kailangan mo?" Maangas kong tanong pero tinaasan niya ko ng kilay.

Maattitude siya ghorl.

"Look at yourself." Biglang sambit niya na tiningnan pa'ko mula ulo hanggang paa.

"Bago mo pa ko tingnan ng ganyan at utusan, una ko ng nakita ang sarili ko, ganda ko diba?" Nakangiting pagmamalaki kong sabi na mas kinasama ng tingin niya sa'kin.

"Ang kapal naman ng mukha mo!"

"Nahiya nga yang kapal ng blush on sa pisngi mo na umabot pa sa ilong."

"You bitch! How dare you insult me like that! Do you fucking know me? Lowclass stupid bitch!"

"I wasn't insulting you. I was describing you." Mahinahon kong sambit para maintindihan niya ng maayos. Tiningnan ko ang kabuuan niya maganda naman siya ugali niya lang hindi bumagay.

"Still talk back. I'm sure you don't know me kaya ka ganyan umasta. Then let me introduce myself bitch."

"Oh, sorry." Hingi ko ng tawad na ikinangiti niya. "Sorry but I'm not interested." Biglang naglaho ang ngiti niya at salubong ang kilay at matalim na tiningnan ako.

Pinagkrus niya ang kanyang braso sa dibdib.

"How could this school received this stupid student. If i want i will tell to the dean to just kicked out you. Such had a bad records, bad academic performance and most espescially poor with trash attitude."

Oh edi ako na masama. Kayo na rin mayaman, edi wow sayo. Gusto ko ng matawa at palakpakan siya sa mga sinasabi.

"In this society there are still poor existing among the rich. Therefore, that makes life more interesting." She smirked at me but i just smiled at her sweetly. Hindi naman ako naapektuhan sa sinabi pero ng banggiting niya ang tungkol sa mahirap ay tila kumulo ang dugo ko. Akala mo naman hindi galing sa mahirap bago napulot. Nakabihis lang ng ginto nagfeeling mayaman na.

"Think before you talk. Do you even listen to the things that come out of your mouth?"

"Oh c'mon! Give some respect. Your infront of Alpa member and the fifth rank."

"Ha! Anong gusto mong gawin ko luhudan kita at yumuko? Manigas ka."

"Oh girl 'wag kang magtapang tapangan dyan. If i know nagpapansin ka lang kay Gray but sad to say his not interested to you so back off."

Pagak akong napatawa. Na ikinataka niya at bakit naman napasali ang ang epal na yon dito at anong nagpapansin. Ang ganda ko kaya, baka siya ang gusto ng pansin.

"Please repeat that advice to yourself seems like you need it." Nakangisi pa rin siya pero hindi mawawala ang talim ng tingin niya sa'kin na kanina pa tumatagos sa kaluluwa ko.

"Hindi ko na kailangang magpapansin co'z he already gave his atttention to me unlike you na kailangang pang gumawa ng gulo."

Gusto ko na talagang matawa pero pinipigilan ko lang. Mula ng isinilang ako kasakasama ko na ang gulo baka gusto niyang makisali. Im willing to give her an invitation. Napabuntong hininga ako dahil alam kong hindi toh matapos tapos. Bago pa ko magsalita ay inunahan niya na'ko.

"Kaya pulutin mo toh." Tinuro niya balat ng saging sa sahig. Tiningnan ko siya saka yung saging na nasa harap niya. Ginagago ba ko ng babaeng toh?Mukha pa siyang basurera kesa sa'kin aba. Hinintay niya kong gawin ang utos niya pero ngumiti lang ako.

"May kasabihan tayong 'tapat mo linis mo' kaya matutong sundin yon. A good student and member of Alpa should be act precisely and good right?"

Lumapit siya sa'kin pero hindi ako gumalaw at nilabanan ang sama ng tingin niya.

"You know what, you're getting into my nerves."

"Do i look like i care to your nerves."

Napailing iling siyang ngumisi.  "Just wait and i will give you hell."

Nawala ang ngiti ko sa labi at napalitan ito ng walang emosyon na mukha na ikinagulat niya. Naglakad ako palapit sa kanya na ikinaatras niya hanggang mapasandal siya sa pader.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya sa mukha at iniipit ko sa tenga. Mukhang kinakabahan dahil kitang kita ko ang tuloy na tuloy na paglunok niya. Inilapit ko ang bibig ko aa tenga niya.

"You don't know me yet so don't rush to bully me but I really hope that the hell you'll give me would be fun." I whispered saka ako lumayo at niluwa ko ang bubble gum na wala ng lasa saka ko pinadikit sa bag niya na peke naman.

"It's look like you satchel bag is just an immitation so better shut your fucking mouth about poor and rich you sayin'. You make a lot noise for someone who says nothing."

Saka ko siya binangga sa balikat at naglakad paalis.

"Where have you been Yaera? Kanina pa kita hinahanap." Rinig ko ang boses ni Rover pero hindi ko na nilingon.

Nakakuyom ang mga kamao ko at pilit na hindi makasapak. Pinakalma ko rin ang sarili para wala akong masabi na masama. Dumiretso nalang ako sa room namin para kunin ang bag, wala akong mood pumasok.

Malapit na'ko sa pintuan ng makasabay ko si storm. Her mouth curved into a smile when he look at me and i smiled back.

"Kamusta ang pagiging alila?" Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya.

"Sa ganda kong toh alila? Never."

"Ba't kase pumayag ka pa, baka pahirapan ka ba nun, baka ikaw pa ang ganti—nevermind."

Nangunot ang noo ko. Gantihan? That was the word he supposed to say. Pero 'di ko na tinanong hindi ako intrigidang babae.

Pagkapasok ay may sarili na namang mundo ang mga kaklase ko. May kumpulan sa dulo na pinapangunahan ni Hunter halatang nanonod ng porn. Sa desk naman ng teacher ay nakaupo si Hurri na busy sa kakaayos ng itsura niya. Napansin ko si Demon sa gilid kasama si Thunder na may hawak na mga libro.

Holyshit!

"Anong nangyari dun sa dalawa? End of the world na?" Napatawa si Storm na nasa tabi ko.

"Yan ang sinasabing relationship goals kunwari nag-aaral nakasipit naman ang cellphone sa libro." Napatakip ako sa bunganga hindi dahil sa mabaho ang hininga ko kundi pakshet, ako lang yata walang alam na sila, edi sana all.

"Nga pala nakakain ka na ba?" He suddenly asked na ikinailing ko.

"Kumain ako kanina ng burger kaya busog pa'ko." Hindi naman siya nagsalita ulit at naglakad palapit kay Daemon. Lumapit naman ako kay Hurri, nawala na ang mga kalmot niya ha.


"Dapat ako lang talaga ang malandi dito, D." Pambubungad niya agad. pinagmamalaki niya pa yan.

"Ikaw lang naman talaga yung malandi."

"Ba't ganun ang haba ng hair mo wala ka namang dibdib." Direct to the point na sambit niya, gagang toh makalait akala mo Cup B yung kanya.

"Lakas makainsulto ha, ganda lang kase sekreto nyan." Saka ko siya kinindatan na ikinaikot ng mata niya. Parang kinukumbulsyon.


Bigla ko namang naalala yung assignment na dapat ipapasa bukas sa bussiness finance subject namin.

"Hurri pakopya." Nagmamakaawa kong sambit pero inirapan ako ng gaga. Akala mo naman tamang tama ang sagot ang damot.

"Bumagsak ka mag-isa." Hinawakan ko bigla ang kamay niya saka ako nagdrama sana pala naglagay ako nung maliit na drop ng tubig sa mata.

"Solid block tayo diba, sabi mo pa noon if we rise together, we should fall together, pakopya please."

"Hoy gaga ka! Malandi ako pero wala akong sinasabing ganyan. Oh yan tingnan mo kong may makopya ka." Inabot niya sa'kin yung papel niya.

"Wow! Ang galing walang sulat." I said in amusement note the sarcasm. Inismaran niya naman ako. Bahala na nga walang mapasa bagsak na kung bagsak bukas pa naman yon.

Kinuha ko nalang bag ko ng mapansin ako ni Storm.

"Hindi ka papasok sa last subject?"

"Hindi may pinapagawa ang si Rover tsaka wala rin namang pinagkaiba kung nandito ako."

Hindi naman kase pumapasok sa utak ko yung sinasabi ng teacher. Napasok nga ilang minuto 'di ko na maalala. Props lang yata yung brain ko sa mga organs para masabing tao ako.

"Nga pala sama ka sa'min mamaya sa pentagon?"

"Libre ba ang alak?" Nakangiti kong sambit.

"Wag ka lang magpapakalasing."

Nag asta lavista na'ko at mabilis na dumiretso sa oposina ni Rover. Ang taray diba may opisina ang Alpha.

Ayaw pa naman nun ng late kaso matigas ang ulo ko kaya pinasakto ko sa matatapos ang meeting nila. Baka antukin pa'ko sa kapapakinig ng mga englishan nila at pagdebate. Naku 'di kaya ni brainy.

Pagkapasok ko nga ay saktong nagtayuan ang mga Alpha member.

"Hi Devil!" Malanding bati ni Red na ikinairap ko.

"Hi yourself." Masungit kong sambit at nag arte naman siya nasaktan humawak pa sa dibdib. Nagsilabasan naman yung iba napansin ko pa yung mga bavae na inirapan ako lalong lalo na si Ferrari yung Yaera naman pasimple lang sabagay maraming tao, tiklop ang sungay at buntot.

"Hala ka! Kanina pa galit si Gray, walang nagtake note nung sinabi kanina."

Nagulat naman ako sa pagbulong ni Blue.

"Ba't sa'kin magagalit nasa akin ba ang papel at ballpen?" Umiling iling nalang si blue na umalis kasama sina Red. Kinindatan pako talandi talaga.

Ng makalabas sila at si Rover at ako nalang ang natira ay tila kinabahan ako. Why i'm feeling nervous? Siya lang yan tapos ako lang toh.

Matapang ko siyang tiningnan pero halos mapaatras ako ng nakatingin rin siya sa'kin.

"A-Ano narealize mo na ang ganda ko?" Kinalma ko ang sarili para hindi na mautal. Baka akala niya natatakot ako sa kanya at lumaki ulo nito.

"Where have you been?" Seryoso niyang sambit.

"Dyan lang sa tabi tabi." Walang kwenta kong sambit na ikinasalubong ng kilay niya. Hala ba't galit toh?

"Is there a place name tabi tabi? Kanina pa kita hinanap."

Nakaramdam ako ng inis. Tanga ba siya 'e narinig kong si Yaera ang hinahanap niya. Kung hinanap niya talaga ako nakita niya sana kase nasa room lang ako, bobo naman.

"Sa room, ano happy na?"

"Wala kayong klase diba?" Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Paano mo nalaman na walang klase? Inistalked mo ko noh?" Natahimik naman siya, sus tong si baby Gray naman pa hard to get. Umamin na nga na crush ako hindi naman ako mako-conscious

Ngiti-ngiti ko siyang inasar. "Inistalked mo ko noh? Yung totoo?

"Hindi kita inistalked 'wag kang kiligin and besides hindi ko pinagarap maging stalker 'wag ka ng magtaka I'm alpha leader right."


Ang kapal ng mukha niya grabe ilang oxygen ba nalanghap nito at napunta yata sa utak. Umupo naman siya sa swivel chair at kinuha yung mga papel na nasa mesa, at bastos nga 'di ulit ako pinansin.

"Nasaan na yung librong isasauli?"

Tinuro niya ang shelves na nasa kaliwa. May ilang libro nga dun na mukhang matagal ng hindi nasasauli.

"Kumain ka na ba?" Biglang tanong niya at halis mabitiwan ko ang libro. Bakit naman siya nagtatanong ng ganyan baka mahulog ako mahirap na.

"Pa-fall ka?"

Tiningnan niya lang ako ng bored. Sabi ko nga walang nakakafall sa salitang 'Kumain ka na?' Assuming lang yung nagbabasa.

"Ayoko lang na may assistant akong patpatin." Kumulo naman ang dugo ko sa narinig.

"You didn't know the difference between the words sexy and thin."

"Asan ang sexy dyan kung yan sinasabi mo sa buto buto, pwede ka na ngang i-display sa museum, skeleton kung baga."

Ang tabas talaga ng dila ng lalaking toh wala manlang filter sa pagsalita alam ko namang ayaw niya sa'kin pero 'wag niya ko masyadong laitin.

"Kapal mo ha."

"Gwapo e." Tinaliman ko siya ng tingin. Mas makapal pa siya ng mukha sa'kin. "At baka bigla ka nalang tumumba sagutin ko pa."

Masyado naman tong maingat sa konsensya niya. Sinabi ko nang wala siyang responsibilidad sa'kin.

"Aysus napapaghalataan concern siya." Panunukso ko pero parang walang kwenta niya lang akong tiningnan.

"Hindi ako concern sayo."

"Partida hindi ka concern sa lagay na yan pero nagtatanong ka na. Paano nalang kung may concern edi araw araw mo ko kamusta—"

"Ang ingay mo." Irita niyang sambit. I looked at him busy reading some documents. He's not look like a student sa ayos niya ngayon but looks like a bussiness man. Nagpadagdag kagwapohan ang suot niyang salamin. Nakalose rin ang necktie niya pero malinis paring tingnan. His messy hair look good on him. Oh sige na nga wala ng plastikan, ang gwapo nga niya.

Nahiya ang face ko sa clearskin ng mukha niya, tanungin ko nga kong anong skincare ang gamit.

"Ano tapos ka na magpantasya."

Bumalik ang kaluluwa ko sa katawan. "Hala ka kapal mo gago."

"Sus kunwari ka pa type mo naman ako."

"Sinong walangyang sinungaling ang nagsabi nyan sayo?" Nakibit balikat nalang siya at binalik ulit ang atensyon sa pagbabasa. Suplado at napakawalangya niya.

"Alis na ko."


"Huwag kang magpaalam hindi mo naman ako boyfriend." Pambabara niya at halos gusto ko na itapon sa kanya ang libro. Litse ka talaga Rover. Pakyu ka wanhandred.


"Edi sige sa sunod na pagpaalam ko boyfriend na kita." Gulat at umawang ang bibig niyang nakatingin sa'kin. Pero kinindatan ko lang bago isara ang pinto. Akala mo ha, ang galing kaya tong humarot. Ansarap niyang asarin nakakagaan ng pakiramdam. Araw arawin ko nga asarin at bwesitin, ang priceless kase ng mukha.
































































































































































Continue Reading

You'll Also Like

65.8K 5.4K 137
Admin แ€†แ€ฎแ€€ แ€แ€ฝแ€„แ€บแ€ทแ€•แ€ผแ€ฏแ€แ€ปแ€€แ€บแ€™แ€›แ€žแ€ฑแ€ธแ€•แ€ซแ€˜แ€ฐแ€ธ free แ€แ€„แ€บแ€แ€ฒแ€ท แ€กแ€แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธ แ€แ€„แ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€•แ€ซแ€ทแ€™แ€šแ€บ admin แ€แ€ฝแ€ฑ แ€œแ€ฌแ€•แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€›แ€„แ€บ แ€–แ€ปแ€€แ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€•แ€ซแ€™แ€šแ€บแ‹ Start date -21โ€ข4โ€ข2024(Sunday) End date-
24.6K 3.4K 36
หšโœง Protagonistหšโœง Gemini Kleverron "แž‡แŸแž˜แž˜แžธแžŽแžถแž™ แžƒแŸ’แž›แŸแžœแžœแžพแžšแŸ‰แž“แž“แŸ" โ™ก Fourth Sydenzverd "แž แŸ’แžœแžผแž แžŸแžถแž™แžŒแŸแž“แžœแžพแž" /////// โ€ขHate to love๐Ÿ’…๐Ÿป?????
26.4K 68 5
แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ธแ€žแ€ฐแ€œแ€ฑแ€ธแ€€แ€ญแ€ฏ แ€™แ€ฏแ€’แ€ญแ€™แ€บแ€ธ แ€€แ€ปแ€„แ€บแ€แ€ฌ แ€กแ€™แ€ปแ€ฌแ€ธแ€กแ€•แ€ซแ€ธ แ€•แ€ซแ€žแ€ฑแ€ฌแ€€แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ท แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ธแ€žแ€ฐ.แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ธแ€žแ€ฌแ€ธแ€™แ€ปแ€ฌแ€ธ แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€žแ€ฝแ€ฌแ€ธแ€•แ€ฑแ€ธแ€•แ€ซ 21++
2.2M 61.4K 54
โžค STARTED: MARCH 14, 2020 โžค ENDED: DECEMBER 12, 2020 ๐˜๐˜๐˜Ž๐˜๐˜Œ๐˜š๐˜› ๐˜™๐˜ˆ๐˜•๐˜’๐˜๐˜•๐˜Ž: ๐˜๐˜ˆ๐˜›๐˜๐˜Œ๐˜™-๐˜‹๐˜ˆ๐˜œ๐˜Ž๐˜๐˜›๐˜Œ๐˜™ #1 ๐Ÿฅ‡ . . . Ellie Locks has bee...