Goddess' first love

بواسطة ThatGirlIsWanted

180 13 0

Everyone knows my parent's story, here in Olympus and even to the other world. Two hearts with different stat... المزيد

Copyright
Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
7th

6th

19 1 0
بواسطة ThatGirlIsWanted

Now, I need to focus. Kailangan kong alalahanin maigi ang bahay nila Ms. Cowbell. Ipinikit ko ang mata ko at inalala bawat detalya ng bahay nila.

"Orion! Baka madapa ka, anak. Dahan dahan lang."

Napadilat ako ng may bumunggo sa'kin, yumuko ako at tiningnan eto. Oh.

"Orion!"

Tumakbo papunta sa'min si Scarlett pero bago pa niya matayo si Orion ay ako ang gumawa.

"Are you okay?" he just looked at me and smile. Oh, he definitely knows me-after all he is a demi-god.

"Ah, pasensya na, miss. Makulit talaga 'tong anak ko eh." kinuha niya agad sa'kin si Orion at pinagpagan ang damit.

"Scarlett?" tawag ko sa pansin niya. Nanlaki ang mata niya sa gulat pero ngumiti rin. Hmm.

"I am the younger sister of Orions' father."

Napasinghap siya sinabi ko. "Kapatid ka ni Peter?" what? Peter?

Saglit akong nag-isip sa pangalan na binanggit niya pero ngumiti rin. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo niyang pagkato sa mag-ina niya kaya siguro iniba niya ang pangalan niya. How celever, Poseidon.

"Ah yes,"

"Pero wala naman siyang nabanggit na kapatid niya dati sa'kin." oh gods. Hindi ko naisip 'to. Anong sasabihin ko sakanya? I am seriously panicking now, nararamdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko at pangangatog.

Napatingin ako kay Orion ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti, "Elow."

Napangiti ako ng kusa at lumuhod para maging kapantay niya. Hinimas ko ang buhok niya, "Kumukhang kamukha mo ang dad mo." no doubt your a demi-god.

"Lahat ng nakakilala kay Peter ay ayan ang sinasabi."

"Lalo na yung mata niya." parang malalim na dagat ang mata ni Orion na katulad ng kay Poseidon. Inangat ko ang tingin ko kay Scarlett. Agad niyang pinahiran ang luha na kumawala sa mata niya. She missed him. I can feel the longing and agony.

"Alam ni Scarlett ay patay na ako. Iyon lang ang paraan para maging ligtas sila ni Orion."

Kung pwede ko lang sabihin sakanya na okay si Poseidon at namimiss na rin sila pto make her feel better pero hindi pwede. Tama si Poseidon. We always want what we can't have.

"Tara, pasok ka sa loob. Mainit dito saka mukhang hindi ka komportable sa damit mo." ngumiti siya sa'kin at hinatak na ako ni Orion sa loob. Sumunod naman sa'min si Scarlett.

"Ano nga ulit pangalan mo?"

"He-" oh gods. I can't say my real name, can't I?

"He?" gods, think faster, Hedone. Nilibot ko ang tingin ko sa bahay nila at nakita ko ang isang bote.

"Hennessy."

"Hennessy?" binalik ko ang tingin ko sakanya at tumango ng nakangiti.

"I guess that's me."

Ngumiti siya sa'kin at nagbaba ng isang plato sa table. "Kumain ka na muna. Favorite 'to ni Orion." at hindi nga nagtagal ay tumatakbong pumunta si Orion para kumuha nung cookie-oo, alam ko ang tawag sa pagkain ng mga tao.

"Ako gumawa nito, kumuha ka na." nakangiting alok niya sa'kin at kumain din.

Tiningnan ko lang siya habang pinagmamasdan niya ang anak niya masayang kumakain. No wonder, pabalik-balik dito si Poseidon. Scarlett is really beautiful inside and out, she reminds mo of my mom.

My heart twitches as I remember my mom, I left her but I have to do this.

"Alam mo ba, Hennessy? Bago mamatay si Peter, he told me na one day everything will be alright at kukuhanin niya kami ni Orion, nung araw na 'yun sa totoo lang hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya." tumigil siya para pigilan ang luha na babagsak mula sa mata niya. "Pero ngayon, it made sense."

"He really loves you and Orion."

The thought made her smile broadly. "You think so?"

"I know so. I am her sister after all."

"Halata nga, naalala ko nung una kaming nagkita ni Peter. Parang ganyan din halos ang style ng damit niya." nanlaki ang mata ko. Of course, we came from the same world.

"Meron akong mga damit diyan na maliit na sa'kin. Sinusuot ko yun dati nung dalaga pa ako. Hindi rin naman magagamit ni Orion 'yun kaya ikaw na magsuot, mukhang kasya naman sa'yo 'yun kasi sexy ka."

Bakit ang bait niya? Ngayon pa lang naman kami nagkita. Dahil ba ako ang kapatid ni Poseidon? Pero nararamdaman ko na totoo lahat ng pinapakita niya. Napakabuti niyang tao kaya siguro nahulog sakanya ang god of sea. Then it hit me.

Gagawin ko ang lahat para protektahan ang pamilya mo, Poseidon.

Zachary

"What have you fucking done? First, you messed up the deal with the chinese investors and now you were caught up drinking and fucking in a shitty bar? I always tell to my employees that we should be the brand ambassador of Walker Corp. at parang hindi mo naman siniseryoso 'yun."

He's stunned, unusure how to respond but he chose to look down at the floor. Hah. Dapat lang siya mahiya. "I am sorry, Mr. Walker. Alam kong walang sasapat na excuses para sa nagawa ko pero sana mapatawa-"

I wave my hand to dismiss his words. "You are fired. I don't need an incompetent consultant."

Nang magsasalita pa sana siya ay tumalikod na ako at nagalakad palabas ng makasalanang office na 'to. What a shame. "Ms. Han,"

"Yes, Mr. Walker?"

"I expect that office empty after the meeting with the legal team."

"Right away, sir." hindi ko na inintindi nung tumawag siya sa phone niya.

I don't have the time to deal with shitty heads. I am not willing to compromise para lang mameet ang low standards nila. Wala akong pakialam kung may problema sila, we all have. It will only make the biggest loser of you kapag dinahilan mo 'yun and I don't buy shit.

I massage my temple as I head to the conference room. This past few days frustrates the hell out of me.

"Mr. Walker, ireremind ko lang po kayo about sa ribbon cutting ng Cupid's café na napaaga." oh fuck.

I just nod at her. I don't even know kung bakit Cupid's cafe ang pinangalan nila, what a shame. Mythology isn't even real, bakit ba ang big deal ng mga gods and goddesses? Everyone seems to be affectionate about their stories pero alam naman nilang lahat na hanggang libro lang ang mga gods and goddesses na 'yun.

Napatigil ako sa paglalakad ng maalala ko ang mata niya. Hindi nga totoo ang mga goddesses but if they were she'll be one of them.

"Sir?" hindi ko na nilingon si Miss Han at naglakad na ulit.

Get your shit together, Walker!

Hedone

"Patingin nga ako kung kasya sa'yo." mahinahon na sabi ni Scarlett na nasa labas ng kwarto.

Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin—I look so normal. I smile at my reflection.

Binuksan ko ang pinto at napasinghap si Scarlett ng makita niya ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Wow, you look like a goddess in regular clothes." well, that's because I am.

I smile at him. "Thank you"

She smiled back. "Maya-maya dadating na 'yung babysitter ni Orion and I have to go to work. Mag-iiwan na lang ako ng pera sa drawer ko if gusto mong lumabas. I'll be back late, madami kasing kailangan tapusin dahil namove ng mas maaga yung opening ng café."

Tumango na lang ako sakanya kasabay ng pagring ng doorbell.

"Speaking of which."

Sinundan ko na siya sa sala at siya na ang nagbukas ng pinto. Nakatingin lang ako hanggang sa sumalubong sa'kin ang isang magandang babae na nakangiti. Tumakbo agad papunta sakanya si Orion.

"I missed you, Jan!"

"I missed you too, buddy."

Pumasok na siya sa loob.

"Avien, this is Hennessy. Hennessy, this is Avien-Orions' baby sitter."

Ngumiti siya sa'kin. "Hi,"

"Aalis na ako, ikaw na bahal dito Avien. Si Hennessy hindi siya taga-dito kaya ikaw na muna in charge ah. Malelate ako ng uwi." sumaludo lang si Avien sakanya at umalis na si Scarlett.

"Jan! Gusto ko magswimming."

"Lagi mo naman gusto magswimming eh." oh that's because he is the son of Poseidon.

"Hennessy, right?" tumango ako sakanya.

"Ang ganda mo naman, kapatid ka ba ni Scarlett?"

"Hindi, kapatid ako ni Peter."

"Sino 'yun?" she doesn't know?

"Orions' father."

Her mouth was open for a while pero ngumiti rin. "Kaya pala ang pogi pogi nitong alaga ko, mukhang gwapo rin kasi ang daddy." kinurot niya si Orion sa pisngi na nagpangiti sa bata.

Pinanuod ko lang silang magharutan at napangiti ako. Bakit hindi pwede magkaroon ng connection ang mga taga-Olympus sa mga tao? They all seems nice after all.

"Is this about what happened to you 15 years ago?"

I need to know kung ano nangyari 15 years ago, baka iyon ang maging sagot sa lahat ng tanong ko but how?

-----

Ms. Scarlett Cowbell above, guys.

The picture shown above is not mine. Credits to the rightful owner.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.5M 62K 116
Unveil the mystery of the mysterious girl.
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
Charm Academy School of Magic بواسطة April

الخيال (فانتازيا)

61.9M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
Legends of Olympus (On Hold) بواسطة Yam

الخيال (فانتازيا)

2.5M 187K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...