The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Season 1 Finale: Chapter Twenty Five

248K 6.2K 2.1K
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-FIVE

"MISIS! Misis! I'm home!"

            Hindi kumibo si Sapphire na nasa loob ng kuwarto at tahimik na nakaupo lang sa kama.

            "Misis?"

            Pag-angat niya ng tingin ay nasa pinto ng kuwarto si Johann. And his eyes shined when she saw her. Dali-dali itong lumapit sa kanya at niyakap siya.

            "Na-miss kita," bulong nito sabay halik sa pisngi niya. May tunog pa.

            Sapphire's face was blank.

            "Bakit ganyan itsura mo?" nagtatakang wika nito. Hinaplos pa nito ang pisngi niya. "Hindi ka ba masaya na bati na tayo?"

            Tinitigan niya si Johann. Hindi alam ni Sapphire kung anong iisipin niya.

            "O, bakit ganyan ka naman makatingin?"

            "B-Bati na talaga tayo?"

            "Oo naman! Di'ba, okay na tayo? Sa IG pa? Hashtag 'me loves you'?"

            Mas lumungkot ang mga mata ni Sapphire. "Bakit ang bilis mo lang akong patawarin? Baka hindi ka naman talaga nagalit? Baka pinaglalaruan mo lang ang emotions ko?"

            "Huh?" Mukhang naguluhan si Johann sa sinabi niya. "Mabilis ka lang pinatawad, pinaglaruan lang agad?"

            "Bakit sa Instagram lang tayo nagkabati?" tanong niya, monotone.

            "Ayaw mo ba? Ibig lang sabihin niyon, ganoon kita kamahal na kahit sa anong paraan pa ng paghingi mo ng tawad sa'kin, patatawarin kita. Ang mahalaga, nag-sorry ka. At may kasalanan din naman ako kaya wala ako sa lugar na i-prolong ang agony nating dalawa." Tinabihan siya nito at hinawakan sa kamay niya. "Iyon lang ba problema mo? Eh di, kunwari magkaaway pa tayo tapos ngayon ka lang magso-sorry tapos halikan mo 'ko ng torrid tapos bati na tayo! Yehey!" pakuwela pa nito.

            Binawi niya ang kamay rito. "Do you love me?"

            "Naman!" mabilis na sagot nito. "Super!"

            Napailing-iling siya. "How can you do that?" mataray na tanong niya.

            "Huh? Ang alin?" nagtatakang tanong nito.

            "How can you say straight on my face that you love me after you kissed another girl?"

            Hindi ito nakaimik. "Sapphire..."

            Napatayo siya. "Ano ba, Johann? Ano ba paniniwalaan ko? Bakit okay na tayo, then, the next thing I knew, you're kissing another girl? And not just any other girl! You're kissing Czarina! Czarina! Of all girls, siya pa! Siya pa! Damn you!"

            "P-Pero... P-Paano mo nalaman?"

            Hinugot niya ang phone sa bulsa at pinakita rito ang picture nito at ni Czarina. "That! That freaking picture!"

            Kinuha iyon ni Johann at mas nilapit sa mga mata nito. "Shit! Ako nga 'to! Bakit ang pangit ko naman dito? Pangit yung angle. Sino nag-picture?"

            "Ano ba, Johann! This. Is. Not. A. Fucking. Joke!"

            "Pero... pangit talaga iyong angle..."

            "Johann naman, eh!" naiinis na bulalas niya

            "Misis..."

            "Huwag mo 'kong ma-misis-misis diyan! Niloloko mo 'ko! Pinaglalaruan mo 'ko!"

            "Hindi."

            "Hindi?! Then, what's that?" Tinanggal niya ang mga kamay sa mukha. Nagsunud-sunuran na ang pagtulo ng mga luha niya.

            "Sino nagbigay nito sa'yo?"

            "It's not important anymore! Ang mahalaga ay ang picture! And that fucking picture hurt me, Johann!"

            Nagtagis ang mga bagang nito at kinuyom ang mga kamay. "Sino nagbigay nito sa'yo?" ulit nito. Seryosong-seryoso na ang boses ni Johann. Nawala na rin ang mga ngiti nito katulad nang nagalit ito sa kanya kagabi.

            Hindi siya sumagot. Nakipaglabanan lang siya ng tingin rito.

            "Sino nagbigay nito sa'yo?" Mas mariin na tanong ulit nito. "Sapphire."

            Wala nang lambing sa boses ni Johann. Well, what does she expect, eh, mukhang galit na rin ito?

            She held her chin up. "Si Bari."

            His teeth clenched. Tinignan ulit nito ang picture at saka nito binura. "Putang ina. Putang ina talaga," he cursed beneath his breath.

            Lihim na napangiwi si Sapphire. "Ano, buko ka na?"

            Tinignan siya nito. "Kapag ba sinabi kong ang picture na iyon ay hindi katulad ng iniisip mo, maniniwala ka sa'kin?"

            She didn't answer.

            Mataman itong nakatingin sa kanya. Kitang-kita niya sa mga mata nito na inaasahan nitong sasagot siya ng 'oo'. And when she didn't, bumagsak ang mga balikat nito.

            "Bakit mas naniniwala ka sa iba kaysa sa'kin? Akala ko ba ako ang asawa mo?" malungkot na sabi nito at saka napaupo sa gilid ng kama. "Wala iyong halik na iyon. Wala talaga."

            "Liar."

            Napabuntong-hininga ito at tinukod ang mga siko sa hita. Nasapo nito ang ulo gamit ang mga kamay. "Bakit ka ba ganyan, Sapphire? Bakit ayaw mo 'kong pagkatiwalaan? Mag-aaway na naman ba tayo? Ayoko nang mag-away tayo. Ayokong nagagalit ka."

            "How can I trust you after what I just saw?"

            "Alam mo ba iyong kuwento sa likod niyon?" Tiningala siya nito. "Alam mo bang nagulat ako nang bigla niya 'kong hinalikan pero tinulak ko rin siya kaagad? Alam mo ba kung anong pumasok sa isip ko?" mahinang sambit nito. "Ikaw. Ikaw ang unang pumasok sa isip ko. Alam mo ba kung anong na-realize ko? Mas gusto ko ikaw. Mas gusto ko mga halik mo. Mas mahal kita, eh."

            Napayuko siya at pinigilan ang mga luha. No. She's not going to cry again.

            "Sapphire. Alam kong... alam kong natatakot ka pa sa ganitong relasyon. Natatakot ka lang. Naiintindihan ko. Hindi ako magagalit sa'yo kung hindi ka pa magtitiwala ng buo sa'kin. Pero sana naman, paghinalaan mo na lahat, sige. Huwag lang iyong totoo kong nararamdaman sa'yo."

            She swallowed an imaginary lump in her throat. "J-Johann..." Napasinghot siya. "I guess, ako lang talaga ang hindi handa sa ganito. H-Hindi ko pa kaya."

            "Anong sinasabi mo?"

            "Hearing you right now, siguro nga, Johann, ako iyong may mali. Kasi, hindi ko alam kung paano ba ang kalakaran dito. Alam kong dapat na magtiwala sa'yo pero hindi ko alam paano, hindi ko alam kung paanong hindi matakot na baka isang araw pagkagising ko, hindi mo na 'ko mahal. I don't know how to keep this kind of big love."

            Napatayo ito. "Misis..." sabay hawak sa magkabilang balikat niya. "Magtutulungan naman tayo rito, eh."

            Umiling siya. "Lagi na lang akong maghihinala. Lagi ko na lang pagseselosan si Czarina. Lagi ka na lang mahihirapan na magpaliwanag sa'kin nang paulit ulit."

            "Hindi naman ako mapapagod sa'yo."

            "No, Johann. For this to work, we must meet in the middle. Hindi iyong, ikaw na lang lagi ang iintindi sa'kin. Hindi iyong paulit-ulit tayong mag-aaway. Naisip ko nga, kung hindi pa tayo umaamin noon, mas okay pa tayo. You should have stayed friendly na lang kasi."

            "Sapphire..."

            Lumayo siya rito at saka hinubad ang singsing sa daliri niya.

            Narinig niya ang mahina nitong pagsinghap nang makita ang ginawa niya.

            "No..." bulong nito.

            Pilit niyang nilagay sa mga kamay nito ang singsing. "That ring... sobrang gaan pero hindi ko naisip na sobrang bigat pala ng responsibilidad ng isang asawa hanggang sa minahal kita." Huminga siya ng malalim. "H-Hindi na lang basta laro 'to, eh. Hindi na lang basta iyong pinagkasunduan natin para lang makuha ko ang mana ko at para makapagpatayo ng bookstore... It's something so overwhelming that I don't know how to contain it."

            "A-Anong.... Anong gusto mong mangyari?" halos pabulong na lang na tanong ni Johann."

            "Keep that ring for now." Tumalikod siya. "Gusto ko munang umuwi sa mansyon ni Lola. Kasama ko naman doon si Mommy."

            "Gusto mo ng space?"

            "Yeah. Kind of."

            "Kaya mong matulog na hindi ako katabi?"

            Napapikit siya. "I-I'll try. I did it last night, anyway."

            "Aalis ka talaga? Iiwan mo talaga ako?"

            "Just for a while. Until I learn how to love and trust you back like the way you love me."

            "Final answer mo na iyan?"

            Tumango siya. Buo na ang desisyon niya.

            "Hanggang gaano ba katagal iyan?"

            She shrugged.

            "Birthday ko na kaya next week. Magse-celebrate ako nang walang asawa?"

            "Pupunta na lang ako kung magpa-party ka."

            Napabuntong-hininga ito. "Mahal kita."

            She didn't respond. Lumapit na siya sa aparador nila at nagsimula na siyang maglagay ng damit sa maleta niya. Napahinto siya sa pag-e-empake ng damit nang yakapin siya ni Johann mula sa likod.

            Tinuluy-tuloy na lang niya ang pag-e-empake. Hanggang sa naramdaman niya ang mainit na labi ni Johann sa batok niya, sa gilid ng leeg, at sa balikat niya. Sumunod ay umangat ang mga labi nito sa tainga niya.

            "'Cause if one day you wake up and find that you're missing me..." he sang softly. Off tune. But it sounded nice to her ears. "And your heart starts to wonder where on this earth I could be. Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet... And you'll see me waiting for you on the corner of the street..."

            Hinarap siya nito rito. "Umuwi ka lang dito kapag handa ka na. Umuwi ka dito sa bahay natin. Hindi man tayo rito unang nagkakilala, dito naman nagkakilanlan mga puso natin." He smiled. "Ang corny ko."

            "Matagal na."

He cupped her face and gently brushed his lips to hers. "Hindi ako aalis dito. Hihintayin kita, Misis. Promise. Mamatay man ang goldfish ng kapitbahay natin."

"May goldfish ang kapitbahay natin?"

"Wala."

"Argh! Whatever!" Nagbalik na siya sa pag-e-empake.

"Balik ka agad ha? Dito lang ako. Hintayin kita. Ha? Ha?"

Ang kulit.

            Gustong mapangiti ni Sapphire. Now, her Mister is the man who can't be moved.

            Good.

***

August 7, 2014.

 Johann's Birthday.

"YOU'RE crazy, Sapphire!" bulalas ng pinsan niyang si Haley.

            Napalabi si Sapphire sa sinabi ni Haley. "Eh, anong gagawin ko? Sumunod lang naman ako sa utos ng Ibarra na iyon." Tinukod niya ang mga siko sa balustre ng terrace sa second floor ng mansyon ng Lola niya. She rested her chin on her hands. "Sabi niya kasi, subukan daw namin kung hanggang saan kayang gawin ni Johann para maipakita niya na totoong mahal niya talaga ako."

            Natawa ito. "That's an old gimmick. So, what now? You'll wait for Johann here? Eh, hinihintay ka rin niya doon sa bahay niyo, right?"

            "Ewan ko ba. Basta sabi ni Bari, pagkatiwalaan ko lang daw siya."

            "You started trusting him nang magawa niya ngang pahalikan si Czarina kay Johann as part of this crazy plan?"

            Inirapan niya ito. "Sabi niya kasi, dapat daw lagyan ng butas para may rason na humiwalay muna ako kay Johann. Kasi naman iyong first plan, hindi nag-work kasi si Johann iyong nag-walk out. So, ako lang iyong nasaktan di'ba? Kaya nagplano kami ulit ni Bari pagkatapos ko makausap si Reeve sa hotel. Kasi na-realize ko kayang-kaya ko nang pagkatiwalaan si Johann. Bari dared me. Gawin daw namin ulit iyong plano namin kung ganoon. But this time, kami na gagawa ng butas. Then, there's Czarina. Kinausap ko siya bago ako bumili ng Prada shoes last week."

            "The one that you posted in Insta with an unrelated caption?"

            "Yeah, that." Pero totoo naman ang mga nilagay niya doon. Totoo namang, she's sorry for making Johann mad and that she loves him. "So, furthermore, nahirapan akong papayagin si Czarina kasi hindi daw niya kayang gawin. Nang sinabi ko kay Bari. Siya na lang daw bahala. When I got home, hayun na. May picture na siya."

            Una, ayaw niya pang maniwala na mapapayag ni Czarina si Bari. Kasi naman, Czarina does not look like a girl who'll just kiss Johann for a frame up. Pero nang makita niya na ang picture, naniwala na siya na kayang gawin ni Bari ang lahat.

            "Siya ba kumuha ng pic?"

            "Si Charlie. Iyong isa pa nilang pinsan."

            Ang lakas ng tawa ni Haley. "Oh my gosh. Ang dami niyong kinasabwat."

            "Ginawa na daw nila 'to dati, eh. Iyong kay Dylan daw? Sa isang pinsan nila. Last Feb nila napaiyak. Sa mismong birthday."

            Napailing-iling ang pinsan niya. "Sa tingin mo iiyak si Johann ngayon?"

            She shrugged. "Kapag hindi ko siguro siya binati ng 'happy birthday' at saka kapag hindi ako umuwi, baka."

Sa loob loob ni Sapphire, gustung-gusto niya nang umuwi para kasama niya na ulit si Johann. Ang kaso, curious rin naman siya kung paano gagawa ng move si Johann para mas pabalikin siya sa piling nito. Kaya sumunod lang siya kay Bari na huwag siyang magpapakita kay Johann at huwag din daw siyang tatawag.

Napabuntong-hininga siya. She almost gave up the third day but Bari assured her that it would be all worth it.

"Come to think of it, kayo pa talaga ang gumawa ng butas kunwari just to make this plan work. Ibig sabihin ganoon kalinis si Johann?"

She proudly smiled. "Yes! Kung anong sinasabi niya sa harap ko, iyon din ang sinasabi niya kapag nakatalikod ako. I'm not saying that he's perfect and he does not lie, but Johann had been open to me."

"Tapos ikaw, ise-set up mo lang siya sa ganito? You, scheming bitch."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Look who's talking."

Ngumisi lang ito. "And here I thought, I'm the most immature Monteverde cousin."

"Shut up." She sighed and looked up the blue skies. "I just want to see how Johann would push mountains just to have me. Oh, come on! I'm not a man-hater afterall. I'm just a normal girl. Gusto kong maramdaman kung paano ba ang ma-pursue. Si Johann naman kasi hindi masyadong nahirapan. Kaya tama lang siguro iyong suggestion na 'to ni Bari."

"Lahat ng sinabi mo sa kanya bago ka umalis ng bahay niyo... hindi iyon totoo?"

Tumango siya. "Drama lang. Si Czarina gumawa ng 'script'. Writer, eh."

Natawa si Haley. "Look down, Saphi. Your prince charming is here."

"Huh?" Napatingin naman siya sa baba at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Johann na nasa labas na nga ng gate. May mga orange balloons itong hawak sa isang kamay habang may suot pang party-hat sa ulo.

Paano ito napunta agad doon?

Mula sa isang van ay naglabasan ang mga pinsan nito. Nakita niya si Reynald na may dalang malaking... speakers. May microphone pang kasama iyon na inabot nito kay Johann.

"Misis!"

Umalingawngaw ata sa buong tahimik na village nila ang boses nito sa mic. Tumingala si Johann kung nasaan siya. "Uy, nandyan ka na pala!"

Nagkatinginan sila ni Haley. Lihim na nagkangitian.

"What are you doing here?!" sigaw niya rito.

"Birthday ko na! Bakit hindi ka pa umuuwi? Inaamag na 'ko doon kakahintay."

Lumabas si Charlie mula sa labas ng van na may hawak na videocam. "Sandali! Hindi pa ready ang camera. Huwag ka muna bumanat. Dapat documented ito."

"You'll take a video?" tanong ni Ramses. "Dapat pala hindi na 'ko sumama, nanood na lang ako ng video na gagawin niyo."

"Puwedeng pakibilisan? Hindi ko talaga alam kung anong silbi ko rito," angal pa ni Gideon.

"Hi, Vice Mayor!" magiliw na bati ni Haley pero halatang nang-aasar lang.

"Hindi mo alam kung anong silbi mo rito ngunit nandito ang babaeng nagbibigay silbi sa buhay mo," sabi ni Reynald.

"Popcorn, please!" komento ni Dylan.

"I'm getting bored," ani River na kanina pa tahimik sa isang gilid.

"Nagsalita na si River, mga insan! Banat na, Johann!"

"Misis!" tawag na naman sa kanya ni Johann.

"What?"

"I want to make things clear. About the picture na ibinigay ni Kuya Bari? Hindi ko alam kung ano na namang pakana ng Ibarra na iyon. Pero... kung ano mang sinabi niya sa'yo, puwede bang huwag mo na lang pakinggan iyong gagong iyon? Kasi, hindi naman kita lolokohin, eh. Anong mapapala ko kapag niloko kita? Magkaka-abs ba 'ko?"

            Umiling siya.

            "Kahit magka-abs ako kapag niloko kita, sa kanila na ang abs, paki ko? Basta, akin ang tiwala mo. Basta, akin ang buong puso mo. Basta, akin ka."

            "You cannot owe anyone!"

            "Hiniling kaya kita kay Lord. Pinagdasal ko kaya na sana kapag nagmahal ka, ako na lang iyong mahalin mo. Kasi iingatan kita."

            Napangiti si Sapphire. "Really?"

            Sunud-sunod ang pagtango nito. "At isa pa, iyong sinabi mo na sana, nanatili na lang akong friendly? Well, sorry. Hindi ko na kayang gawin iyon noon. Hindi ko na kayang magpanggap na hindi ako nahuhumaling sa legs mo, Misis. Sorry na talaga. May malisya na bawat tingin ko sa legs mo."

            "Baka naman you're just inlove with my legs?"

            "All of me loves all of you!" pakantang sagot nito. As usual, wala sa tono. Napangiwi na lang siya.

            Nakakahiya sa mga kapitbahay nilang mga mansyon. But, she's kinda enjoying and loving Johann more.

            "What if I'm still not ready now?"

            "Huwag ganoon. Miss na miss na kita. Umuwi ka na sa bahay. Malapit na 'ko magka-music video kaka-emote mag-isa doon." Nakita niyang ibinaba ni Johann ang mga balloons na hawak nito. Kinusot-kusot nito ang mga mata. "U-Umuwi ka na, Misis. P-Pagtitimpla na ulit kita ng gatas."

"Oh, wait," bulong ni Haley sa tabi niya. "His voice is shaking! Is he going to cry?"

"H-Huwag ka nang matakot sa laki ng p-pagmamahal na binibigay ko sa'yo," patuloy pa nito habang kinukusot pa rin ang mga mata. "T-Tanggapin mo lang ang kaya mong tanggapin. M-Magtiwala ka lang hanggang sa k-kaya mo. Just love me in any possible way you can. Hindi mo kailangang pantayan ang pagmamahal ko..."

"Oh, my gosh, Sapphire! He's really going to cry!"

"H-Hindi na mahalaga kung p-paulit-ulit kang manghinala o ano pa. I'm still going to understand and love you anyway. Mahal na mahal kita, Misis. Buong pagkatao ko, lahat ng parte ng katawan ko at ng buong kalamnan ko, hinahanap-hanap ka kapag wala ka. Huwag mong iintindihin ang sinasabi ng iba na kesyo distraction ka lang, rebound ka lang. Bakit? Sila ba nakakaramdam? Sila ba nababaliw kakaisip sa'yo? Pucha! Lahat ng problem solving sa test paper ko, ikaw ang example na pangalan!"

Nagtawanan ang mga pinsan nito at nagpalakpakan pa. Napayuko si Johann at kinusot na naman ang mga mata nito. Mabilis na bumamaba si Sapphire na sinundan ni Haley.

Tumatakbong binuksan niya ang gate pagkalabas niya. At si Johann, naririnig niya na ang pagsinghot-singhot.

"Mister..." tawag niya rito.

Agad itong nag-angat ng tingin sa kanya. Namumula na ang mga mata nito. Nagpipigil ngang umiyak.

"Misis. Umuwi ka na," he begged with those puffy red eyes. How adorable.

"Can you sing for me, first?" nakangiting sabi niya rito.

Nagpalinga-linga ito. "Wala bang biglang babaril sa'kin dati kapag ginawa ko iyan?"

Umiling siya. Kung mayroon man, siya ang sasalo ng bala para rito. Oh. I'm getting romantic. How nice.

Tumikhim-tikhim si Johann. "Mic test. Mic test. Check. Check. One. Two. Three."

            "Prepare your ears, countrymen!" babala ni Charlie na hindi na nila pinansin.

            Para kay Sapphire, parang sila na lang dalawa ni Johann ang tao sa mundo.

            "Other girls don't matter in your presence can't do what you do. There's a million girls around but I don't see no one but you!" pagkanta na nito.

            Lalong napangiti si Sapphire. His off key tune is the best for her ears.

"Baby, you're so one in a million. You are, baby, you're the best I ever had. Best I ever had and I'm certain that there ain't nothing better, no, there ain't nothing better than this!"

Parang siya dapat ang kumanta ng kinakanta nito. Because Johann is the guy who is one in a million.

"Ooh... all that I can think about is what this thing could be. A future, baby... Baby, you're one of a kind! That means that you're the only one for me... Only one for me!"

            Hindi niya na pinatapos si Johann, inagaw niya ang microphone rito at basta na lang iyong hinagis na nasalo naman ni Haley.

            Tinalon niya ng yakap si Johann. Buong init na niyakap din siya nito pabalik. At pagkatapos ay walang kaabog-abog na hinalikan ni Misis ang kanyang Mister.

            And there's no perfect description for their kiss but perfection, passion, and romance. It's full of longing...of sweetness... full of great undertanding, trust, and love.

            Mas lumalim ang mga halik ni Johann. Now, it's really knee-melting, mind-blowing, and heart-racing.

            "I love you, Mister," she whispered after the kiss. She cupped his face. "You are one in a million. Friendly. Sweet. Cheerful. Maniac, sometimes. And most of the time, gay. But I really really love you. You are one of a kind like the song says. And I'm certain too, that there ain't nothing better than you," madamdamin niyang sabi.

            Lumamlam nang muli ang mga mata ni Johann. Napalunok na rin ito at ramdam ni Sapphire ang mabilis na pagtibok ng puso nito.

            "Mister, thank you for sheding light on me when I'm in the dark of hatred and denial. Thank you for making me realize how it felt so good to be loved. Thank you for opening a whole new world for me—a world of brighter mornings, lively smiles, dirty comfort rooms, and a world with God's presence." Hinaplos niya ang buhok nito na may party hat pa. Hayyy... "Totoo ngang nakakapogi kapag close kay Lord. Dahil kahit wala kang abs, ang sarap sarap mong mahalin. Johann Lawrence Anderson, you're just mine because you're the only one for me. And I'm all yours too for the taking."

            Kasabay ng pagngiti ni Johann ay ang pagpatak ng mga luha nito. Napayuko ito at suminghot singhot. "M-Misis? Ikaw ba iyang nagsasalita talaga?"

            She chuckled and kissed him once more. "Mahal na mahal kita, Mister."

            Pinisil nito ang mga matang tuluy-tuloy nang naglalabas ng mga luha. "U-Uuwi ka na?"

            "Uuwi na."

            Niyakap siya nito at sinubsob ang mukha sa leeg niya. "I missed you so much."

            And God knows, how she missed him too. Oo nga. Their plan is all worth it.

            "Okay! Alam na kasunod nito! Kasalan na!"

            Naramdaman na lang nina Johann at Sapphire na hinihila sila palayo sa isa't isa.

            "Huh?" takang-takang sambit ni Johann. Ayaw siyang bitawan nito sa baywang kaht pa hinihila na ito nina Charlie. Siya naman, hinihila ni Haley.

            "Anong kasal? Sandali! Uuwi muna kami ni Misis ko!"

            "Magpakasal muna kayo ulit. Hindi niyo pa ba 'to memorize? Sa tingin mo magse-set up ng ganito si Kuya Bari nang walang nakahandang magarbong selebrasyon? Pa-birthday 'to ni Kuya Bari sa'yo!"

            Napabitiw sa kanya si Johann at halatang natigilan ito.

            Napangiwi si Sapphire. Eto na. Magkakaalaman na.

            "O, gets mo na? Na-Dylan ka na rin, Johann!"

            "Ugh! Stop using my name!" angal ni Dylan.

            Nagtawanan ang mga ito maliban kay Johann na tulala pa rin. Maya-maya, pinagsususuntok na nito ang mga pinsan at pinagmumumura. Then, Johann looked at her.

            "Kasabwat ka!" akusa nito sa kanya habang magkasalubong ang mga kilay.

            She sweetly smiled. "Happy birthday! I love you, Mister! See you in our wedding!" At saka na sila tumakbo ni Haley sa loob ng bahay para makapagpalit siya ng isang simpleng wedding gown. Oh! She's excited for her wedding!

            Narinig niyang sumigaw si Johann at nagmura na naman.

            "Sandali lang! Pucha na mga letse kayo! Iuuwi ko muna si Sapphire! Puwedeng honeymoon muna? Delayed na delayed na ang galawang Johann ko!"

            Nagkatawanan na lang sila ni Haley.

            Pag-akyat nila sa kanyang kuwarto at pagkakita sa kanyang susuotin ay napangiti si Sapphire. Mabilis siyang nakapagpalit at naayusan ni Haley.

            Ang Mommy niya at ang mga pinsan pa nilang sina Lavender at Crystal Jane ay katulong sa pagpi-prepare ng kasal na one week lang pinaghandaan. At si Bari lahat ang nag-sponsor.

            Hah! Dapat lang!

            After an hour, Sapphire's already standing outside the entrance of the church. Pagbukas ng malaking pintuan ay huminga siya ng malalim.

            She slowly marched down the aisle. And when she saw Johann—scratching his eyes, wearing a dark blue tuxedo, Sapphire is all ready now.

            To love freely. Without doubts. Without fears. She's ready to marry again a man like Johann—loud and gay, but trustworthy and sweet.

            And so, she continued walking to her forever.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

49.1K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...
684K 15.4K 23
Nagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mab...
5.9M 111K 32
COMPLETED || General Fiction || Light Romance || Mature Cover by: xxsleep_addictxx -- WARNING! TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE PRESENT IN THIS STOR...
3.4M 86.7K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (...