When a Gay Fell in Love with...

بواسطة JoeyJMakathangIsip

1.6M 44.1K 9K

He has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs... المزيد

Prologue - i
Introduksyon - ii
Kabanata 1.0: Heaven?
Kabanata 2.0: The Shelf
Kabanata 3.0: 1000th Guy
Kabanata 4.0: Laway
Kabanata 5.0: The Five Fingers
Kabanata 6.0: Sorry
Kabanata 7.0: Classmates
Kabanata 8.0: Weird
Kabanata 9.0: Desperate
Kabanata 10.0: Akbay
Kabanata 11.0: Fake Kiss
Kabanata 12.0: Amoy Alak
Kabanata 12.5: Bakit Ganoon?
Kabanata 13.0: Stop the bus!
Kabanata 14.0: Anong Ginawa Ko?
Kabanata 15.0: Huwag Ka Munang Umalis
Kabanata 16.0: Happy Birthday.
Kabanata 17.0: Girlfriend?
Kabanata 17.5: Girl<Space>Friend
Kabanata 18.0: Ruin The Party
Kabanata 18.5: Piccolo
Kabanata 19.0: Ang Matres
Kabanata 19.5: Kiss
Kabanata 21.0: Kakayanin
Kabanata 22.0: Lakas Tama
Kabanata 22.5: Magpapabuntis Ako
Kabanata 23: The Tutorial (Part 1)
Kabanata 23.5: The Tutorial (Part 2)
Kabanata 24.0: Lalake! Lalake!
Kabanata 25.0: Sino?
Kabanata 25.5: I like You
Kabanata 26: Ang Mainit na Yakap
Kabanata 26.5: Ang Dalawang Tanga
Kabanata 27.0: Nasaan Ka?
Kabanata 27.5: Ang Hindi Narinig na I Love You
Kabanata 28: Let's Go Out
Kabanata 29.0: Panties For You
Kabanata 29.5: Motel
Kabanata 30.0: Ang Misteryosong Lalake
Kabanata 31.0: Cheesy!
Kabanata 31.5: Siya
Kabanata 32.0: Edison
Kabanata 33.0: She's there
Kabanata 34.0: Chansing!
Kabanata 35.0: Paglisan
Kabanata 36.0: Rubics Cube
Kabanata 36.5: You Caught Me
Kabanata 37.0: Heaven?
Kabanata 37.5: Wilson Chavez
Kabanata 38.0: Babalik ako
Kabanata 39.0: Hindi na Kita Kilala
Kabanata 39.5: Ang Masakit na Biro
Kabanata 40.0: Maghihintay Ako
Kabanata 40.5: Maskara
Kabanata 41.0: Nasaan ka na?
Kabanata 41.5: Laro
Kabanata 42.0: Maari ba?
Kabanata 42.5: Mas Masakit
Kabanata 43.0: Heaven Vs. Hell
Kabanata 43.5: Nganga
Kabanata 44.0: Chocolate
Kabanata 44.5: One Bad Move
Kabanata 45.0: Kill My Brother
Kabanata 45.5:The 18th Rose
Kabanata 46.0: Ang Pagtatagpo
Kabanata 46.5: Ang Madilim na Panag-inip
Kabanata 47.0: The Plan
Kabanata 47.5: The Letter
Kabanata 48.0: Far Away From Me
Kabanata 48.5: The Date (Part 1)
Kabanata 49.0: The Date (Part 2)
Kabanata 49.2: The Date (Part 3)
Kabanata 49.5: The Seven Minutes Dream
Kabanata 50: Ang Pagwawakas
Epilogue
Mysterious Chapter
Other Works by JoeyJMakathangIsip
Published Books by JoeyJMakathangIsip
#WAGFILWAG PART 2
FIVE FINGERS SERIES
FFS1: WAGFILWAG (When A Gay Fell In Love With A Girl)
FFS2: The Parting (WAGFILWAG Part 2)
FFS3: Chasing the Wind
FFS4: Crucify Me
Hey Girl (WAGFILWAG OST Part 1)
Special Chapter (2024)

Kabanata 20.0: Ang Matigas Na Bagay

20.1K 636 75
بواسطة JoeyJMakathangIsip


When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 20: Ang Matigas na Bagay
Written by: JoeyJMakathangIsip

HEAVEN
"When your legs don't work like they used to before and I can't sweep you off of your feet." I was silently singing Ed Sheeran's Thinking Out Loud Song habang naglalakad ng nakapamulsa at naglalakad sa may hallway ng university. Grabe, nae-LSS talaga ako sa kantang 'to. At infairness ha? Ang cute talaga ni Ed Sheeran, crush ko kaya 'yon.

"Ay! Bading!" Napatalon ako bigla nang may biglang umakbay sa'kin.

"Hi babyloves! Good morning! Pakiss nga!" She was about to kiss me in my cheeks kaso naunahan ko na siya. I stretch my right hand at itinulak ang mukha n'ya palayo sa'kin.

"Don't you ever steal a kiss from me again! Kasi kung hindi, tatanggalan talaga ng matres!" giit ko sa kanya na may halong pagbabanta. Nakakainis 'tong babaeng 'to, bigla-bigla na lang sumusulpot na parang kabute.

"Tatanggalan mo ako ng matres, talaga? Ha? Sige tanggalin mo? Ito oh! Hah! Yah!?" sabi tapos bigla niyang itinaas ang mini-skirt n'ya. Agad naman akong napatakip ng mata! Baliw ba 'tong babaeng 'to? Itinaas ba naman ang mini-skirt habang nasa harap niya ako? Pa'no 'pag may nakakita? Pa'no 'pag nakita ko 'yong repolyo niya? Letche!

"Ano ka ba! May shorts naman ako e! Tss! Ang OA mo! May patakip-takip ka pa ng mata! Alam ko namang gusto mong makita 'to e!" she said as she remove my hands na nakatakip sa mga mata ko. And wait? What did she say? Gusto ko daw makita 'yong--

"Bulaga!" Nang matanggal ko na ang mga kamay ko sa mga mata ko ay itinaas n'ya ulit ang mini-skirt nya. Kamuntikan akong mapatili. This girl is creepy. Buti na lang at may shorts s'ya kasi ayaw ko talagang makita ng blackhole at repolyo niya.

"Amoy isda," I bluntly complained as I start on walking again. 8:00 AMBpa ngayon. May meeting kasi ang department namin ngayon kaya medyo napaaga ang pagpasok namin. Meeting 'yon tungkol sa paparating na intramurals.

"Ansama mo!" she shouted me at my back. Nakakatawa 'tong babaeng 'to. Ang dami n'yang alam na kalokohan. Hindi ko inexpect 'yong ginawa n'ya kagabi. She threw some explosive things sa table kung saan ginagawa ang contract signing ni Mr. Zunaga at ng Daddy ko, then boom! Nagkagulo ang lahat ng tao roon at higit sa lahat ay hindi na natuloy ang contract signing. Thanks to her. I owe this girl a lot.

But on the other side, tama bang sabihin kong she's really creepy as hell? Kagabi habang nag-uusap kami sa daan matapos kaming tumakas sa party ay bigla na lang n'ya akong hinalikan... sa cheeks! Nakakainis 'yong ginawa n'ya. Langya talaga! Actually, dalawang beses n'yang ginawa 'yon at sobrang na-trauma ako sa dalawang halik n'yang 'yon.

Habang naglalakad ako ay pinagmasdan ko lang siya habang salita siya ng salita. Hindi ko siya pinapakinggan, pinagmamasdan ko lang siya. Yeah, I admit. Maganda siya. Pero totoo kaya 'yong sinabi ni Edison kagabi?

Habang naglalakad kami ni Choco Girl ay bigla akong nagbaliktanaw sa nangyari nang makauwi na ako sa condo ko matapos kong ihatid si Choco Girl sa bahay nila....

   "Surprise!" Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng condo ko ay agad na bumungad sa'kin ang isang malaking tarpaulin na may nakasulat na 'Happy Birthday Heaven' na hawak-hawak nina Kei, Darryle, Niko at Edison.

"Buysit ba etu uy! Panu ba eto paputuken!?" Hawak-hawak naman ni Lukrecia ang isang malaking party popper na hindi n'ya napaputok.

I was surprised sa ginawa nila lalo pa't wala akong kaalam-alam na may plano pala silang ganoon. Mayroon din silang macho-dancers na inimbita. At sa palagay ko, si Niko at Lukrecia lang ang nag-enjoy sa mga macho dancers na iyon. Si Kei at Darryle, ayun, enjoy na enjoy sila sa sarili nila. Like what you expect sa lovers na iyon? Ako naman, I was just watching my friends the whole time. Masaya na ako 'pag masaya sila.

Dahil 18 na ako at debut ko na raw ay mayroon silang inihandang version ng 18 roses at 18 candles. Ang nangyari e 4 roses at 1 candle lang. Kinulang ng 14 ang roses at kinulang ng 17 ang candles. Si Kei, Darryle, Niko at Edison ang 4 roses at si Lukrecia naman ang kandila. Oo siya 'yong kandila, siya 'yong mismong sinindihan. Pinagtripan ni Darryle e.

"Alam n'ya ba?" tankng ni Edison patungkol kay Choco Girl. Pinag-uusapan kasi namin si Choco Girl at tinatanong ni Edison kung alam ba raw nito na bakla ako. Mula kasi sa aksidenteng naganap last week hanggang sa kahuli-hulihang detalye na magkasama kami ay nasabi ko lahat lahat kay Edison. Siya na lang kasi ang nasa matinong pag-iisip e. 'Yong iba, borlogs na! At isa pa, siya lang naman talaga ang pinakamatinong kausap sa kanilang apat. Yun nga lang, mauumay ka sa sobrang pagkaseryoso n'ya.

"Yeah. Alam n'ya na lahat ng tungkol sa'kin." Itinaas ko ang can ng beer at ininum ang natitirang laman nito. "She also said na gusto n'ya raw ako. She even stalked me on Facebook." I added as I place the empty can on the table. Yeah, as far as I remember, she did those things na sinabi ko.

"I'm tired and sleepy." Isinalampak ko bigla ang katawan ko sa sofa kung saan kami nakaupo ni Edison ngayon. Nasa may dulo siya kaya hindi ko siya nadaganan.

"So, what did you told her?" tanong ni Edison. Narinig ko naman ang pagkalampag ng mga yelo sa basong hawak n'ya. It's like he's shaking the alcohol para mawala ng kaonti ang effect nito.

"I told her na hindi kami talo," I said as I close my eyes.

   "Then?"

"Yet she insisted. Sabi niya, misteryoso raw ang pag-ibig, baka raw mainlove ako sa kanya at maging lalaki raw ako. Tss! Asa!" Naibato ko bigla ang unan sa mukha ko. It's my technique of drowning myself into sleep.

"Okay sabi mo e, but you said you like her," sabi Edison na may halong pang-aasar. Yeah, I have said kanina na I like her but...

"Yeah, I like her but not as what you're thinking! Ahh! Edison! Ano ba!? Let me sleep!" I said as I burried my face on the surface of the sofa.

"Bakit ba? Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" Mula sa pagkakabaon ko ng mukha ko sa sofa ay agad akong napaupo at ibinato kay Edison ang unan na kanina lang ay hawak-hawak ko. Nakita ko naman siyang nag-grin nang maiwasan n'ya ang unan na binato ko sa kanya. This is where Edison is good at. He likes to corner someone by his words, 'yong tipong magugulat ka na lang kasi, napapalabas niya ang gusto n'yang malaman sa isang tao sa pamamagitan lang ng pagsasalita.

"Yeah, I like her because of her personality. Kasi, sobrang bilis n'yang magpatawad. Siguro kung ako 'yong nasagasaan, hindi ko papatawarin 'yong nakasagasa sa'kin. Pero siya, in just as second e napatawad n'ya ako. And I admire her for that." After I said that ay bumalik ako sa pagkakahiga at matiim na ipinikit ang mga mata.

"Haha. That girl is really great, she made you admire her," he said! Tss! Ang kulit talaga ng lahi ni Edison e.

"Malay mo totoo ang sinabi n'ya." Narinig kong nilagyan ni Edison ng yelo ang baso n'ya at pagkatapos niyon ay nilagyan n'ya rin ito ng alak. "Love is mysterious and powerful that it could turn you into real prince charming," he seriously said as he drink a small amount of alcohol from the glass he is holding. "We're gays and we're attracted with men but it shouldn't stop us from falling in love with women. Magkaiba ang puso at ang sekswalidad. Always remember that."

Sa sinabing iyon ni Edison ay bigla kong naibukas ang mga mata ko. Para kasing natamaan ako e like what was that? I should not supposed to be hitted by this man's words pero anong nangyari? Bakit pakiramdam ko e, nabagsakan ako ng malaking bato sa sinabi n'ya? Kahit medyo nagugustuhan ko 'yong personality ni Choco Girl e hindi pa rin e. Malabo! Falling inlove with that girl is impossible. Impossible? Impossible nga ba talaga?

Napahawak sa may chest ko nang maalala ko 'yong oras na hinalikan ako ng babaeng 'yon sa pisngi,

"When someone will kiss you, you should close your eyes, fell asleep annd dream," she said and after a while ay bigla n'ya akong hinalikan.

<*Dugdugdugdugdugdug!*>

"Shet! Ano 'to?"

<*Dugdugdugdugdugdug!*>

Dahil sa biglang pagkabog ng puso ko ay bigla na lang akong napasigaw, AHHH!

"Hey? Stop drooling at me, Heaven! Ikaw ah! Nagagandahan kana sa'kin no? Hoy! Ano ba!"

Bigla akong nabalik sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Choco Girl. She was waving her hands infront of my face, its like she's checking kung nakikita ko pa ba siya.

"C-come with me." I forcedly drag her as the normal mental process of my brain started again. Yeah! Imposible 'yon! It will never happen! All this time, e mas na-aatract ako sa mga lalaki, lalo na 'yong guwapo at may abs! Kaya, imposibleng ma-inlove ako sa isang babae!

"T-teka? Saan tayo pupunta? Kung ano man 'yang iniisip mo! Huwag mo ng ituloy! Mga bata pa tayo! Hindi pa tayo tapos sa pag-aaral. Tsaka natin gawin ang iniisip mo 'pag---"

"Tss. Wala akong balak na buntisin ka!" medyo naiinis kong tugon sa kanya as I stop on dragging her.

"Talaga? Sure? No lies? No hesitations?" tanong n'ya. Wow! Kapal din nito ah?

"Hundred percent sure. No lies. No hesitation," I said as I wrote a percent symbol in the mid air.

"Okay fine! So, ano? Ba't mo ako dinala rito? Cha-chop-chopin mo ba ako?"

"You know what, you're so imaginative! Try mo kayang magsulat sa wattpad?" Sa sinabi kong iyon ay binigyan n'ya ako ng isang naiinis na ekspresyon sabay cross arms.

"So ano nga?" tanong n'ya na may halong pagdadabog.

"Ba't ka ba galit? Gusto mo ba talagang buntisin kita?" sarkastiko kong tugon sa kanya, "Crush mo ba talaga ako ha?" dagdag ko, medyo nagulat ata siya.

"Oo na! Crush kita! At ba't ka ba nagagalit na meron akong feelings sa'yo ha? Hindi nga ako nagagalit na wala kang feelings sa'kin e!" medyo namumula niyang sigaw. Nagulat ako sa sinabi niya kaya medyo nag-stutter ako, "Uh---so---uh??"

"Wateber!" sigaw n'ya sabay irap. Ano raw? Kebeber? Bebeber? Kekeber?

"Ansabi mo?" pasigaw kong tanong sa kanya.

"Ba't ka ba sumisigaw? Ang lapit-lapit lang natin oh! Sabi ko, whatever!"

"Okay, fine. Hindi na ako sisigaw," I said. Tss! Nakaka-highblood 'tong babaeng 'to e.

"So ano nga?" tanong niya.

"Anong ano?" tanong ko sa kanya.

"Arrrg!" Nagulat ako ng bigla n'yang sabunutan ang sarili n'ya. Anong trip ng babaeng 'to?

"Sabi ko! Bakit mo ako dinala dito!?" sogaw n'ya sa pagmumukha ko.

"Ba't ka ba sumisigaw? Anlapit-lapit lang natin oh!" sita ko sa kanya. Kanina, linya n'ya 'to. Ngayon, ako na naman ang gumagamit ng linyang iyon.

"Okay fine," sabi n'ya sabay yuko. "So, why did you bring me here?" she added. Ayan, kumalma na siya.

"Uhmm. You know it 'di ba?" I smoothly asked.

"Ang alin?" tanong n'ya. Napatingin ako sa paligid. Check! Walang tao, andito kami sa university garden. Specifically sa ilalim ng punong mangga.

"Na bakla ako," sagot ko sa tanong n'ya.

"Ahh. Oo na! Alam ko na, hindi na kita hahalikan, sige na alis na ako," tamad niya sabi tapos bigla siyang tumalikod. Aalis na sana siya pero mabuti na lang at nahila ko siya.

"No! Hindi 'yon," I said as she faced me.

"E ano?"

"Uhmm. I'm gay, and none of the students here should knows that." I seriously said to her with my eyes straightforwardly looking at hers. Sa sinabi kong iyon ay nginitian n'ya ako at agad niyang itinaas ang kanyang right hand.

"Promise to God! Hindi ko sasabihin sa iba na bakla ka at nireregla ka. Mabaog man si superman." Matapos n'yang sabihin 'yon ay nagtawan kaming dalawa pero bigla na lang siyang nanigas while looking at my hair.

"Hey? What's wrong?" I asked her pero hindi pa rin siya gumagalaw. Bigla n'ya namang itinuro ang pointing finger n'ya sa may ulo ko.

"H-hey ano ba? Magsalita ka!" Now, ako naman ang kinakabahan. Ano ba kasing nasa ulo ko? Pakiramdam ko rin kasi e, parang may gumagapang.

"M-may uod. M-malaking uod. K-kulay green!"

"K-kunin mo! T-tanggalin mo!" Natatarantang utos ko sa kanya.

"Saglit lang, huwag kang gumalaw." Gusto kong tumango sa sinabi ni Choco Girl pero wala, hindi ko magawa. Baka kung gumalaw kasi ako e mapunta pa 'yong uod sa precious face ko. And thats a no no way!

"A-anong gagawin mo?" Gulat kong tugon sa kanya nang makita ko siyang may hawak-hawak na dos por dos na kahoy na mukhang ihahampas n'ya sa'kin.

"Hey! Wait! Don't!" I stretched my right hand sa direksyon ni Choco Girl as a sign of stop.

"Noooo!" Napatakip agad ako ng mata nang makita kong itinaas ni Choco Girl ang dos por dos na hawak n'ya. Kaso...

"MARYOSIP!" Biglang nadangil ang paa niya sa malaking ugat ng mangga at makalipas ang ilang sandali ay nadatnan ko na lang ang sarili kong nakahiga na sa lupa habang si Choco Girl namay ay nakapatong na sa katawan ko. Sobrang gulat rin 'yong ekpresyon n'ya. At isang inch na rin lang talaga ay maglalapat na ang mga labi namin.

Habang nasa ganun kaming posisyon ay bigla kong narinig ang boses ni Edison sa isipan ko.

"Love is mysterious and powerful that it could turn you into real prince charming." No! No! No! Hindi! Hindi ito ang sinasabi ni Edison ''di ba?

I was about to stand up kaso natigilan ako nang biglang nagsalita si Choco Girl. She was blushing right now! Gosh! This is hilarious!

"He-heaven?" Bigla siyang namula.

"A-ano?" tanong ko.

"A-ano 'yong?" utal n'yang tanong na hindi niya matuloy-tuloy. Namula pa siya lalo.

"Ano 'yong matig---" she continued.

"Ano 'yong matigas?" As she spilled it out ay bigla akong nabato. Anong matigas? Anong matigas ang pinagsasabi ng babaeng ito? Hindi kaya?

    Napatingin ako sa kanya. Nakapatanong pa rin siya sa akin. Ang gitna ng hita niya ay nasa may zipper ko.

Pero pa'nong?
*   *   *

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.2M 33.9K 53
[Fangs Series #2] You knew he was dangerous. You knew he wasn't ordinary. You knew his sharp fangs. He's pushing you but you're a hard-headed bitch w...
1.8M 47.7K 54
She's a bad girl. And he is the bad girl's bad boy. - This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents that ar...
18.8K 376 44
Will this story end happily ever after? Will this make them go into tears? Will she be able to chase the star?
86.4K 4K 49
When A Nobody Fell in love(Book 2) Ano nga ba talaga ang nararamdaman ng isang Allysa Maniego kapag iniwan sya ni Cavill ?At ano ang mararamdaman ny...