Bed friends? (Completed)

By ellesanity

374K 4.9K 313

[Completed] We were the best of friends...in bed. No strings. No attachment. No commitment. Just for entertai... More

Prelude
Chapter 1: Bed friends?
Chapter 2: Never been in love
Chapter 3: Not now
Chapter 4: Bitch mode
Chapter 5: Crush
Chapter 6: At the bar
Chapter 7: Blind date
Chapter 8: Escapade
Chapter 9: Gravity
Chapter 10: One bad move
Chapter 11: Come what may
Chapter 12: Not-so-romantic date
Chapter 13: Never look back
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: How
Chapter 16: Savior
Chapter 17: Sorry
Chapter 18: Just friends
Chapter 19: Acceptance
Chapter 20: Let go
Interlude
Chapter 21: Not really
Chapter 22: Hang-over
Chapter 23: If only
Chapter 24: Hush
Chapter 25: Even if
Chapter 26: A little too late
Chapter 27: Damn regrets
Chapter 28: Everything has changed
Chapter 29: The ghost of you
Chapter 30: Forgotten
Chapter 31: Why
Chapter 32: Again
Chapter 33: Daddy
Chapter 34: Can't be
Chapter 35: I won't
Chapter 36: Stay away
Chapter 37: Good old days
Chapter 38: It's complicated
Chapter 39: Shattered
Postlude

Chapter 40: Still in love

8K 96 12
By ellesanity

Chapter 40: Still in love

Ilang minuto rin siguro akong nakatitig sa hawak kong invitation nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at binasa ang natanggap na mensahe.

From: Ralph Baltazar

Sige. Magkita nalang tayo mamayang 1 pm.

I instantly type a reply and send him a message.

To: Ralph Baltazar

K.

Inilapag ko ang hawak na cellphone sa bedside table at humiga ng kama. Hawak ko pa rin ang invitation sa nalalapit nilang kasal. Mataman ko itong pinagmasdan habang inaalala ang nangyari nitong mga nakaraang araw.

Matapos naming mag-usap, gaya nang aking ipinangako ay nagpunta ako sa kanila kinabukasan at binisita ang anak ko. Hindi rin naman ako masyadong nagtagal do'n dahil may appointment pa ako. Iniabot ko lang ang pasalubong ko at saglit na nakipag-usap sa kanila. Bago ako umalis, may binigay siya akin.

Binuksan ko iyon at binasa ang nilalaman. Invitation pala sa kasal nila.

"Gusto ko sanang ikaw ang best man kaso si Raf ang pumili. Ang kaibigan niya ang kinuha nila," sambit niya at saka ngumiti.

Pinasadahan ko ng tingin ang listahan at nakita ang pangalan ng anak namin, na siyang flowergirl pala sa kanilang kasal. Si Nica ang bridesmaid, at si Allen naman ang tutugtog sa kasal nila.

"Ayos lang," matipid kong sagot. Ni hindi ko nagawang ngumiti sa kaniya.

Matapos no'n ay nagpaalam na ako at saka umalis.

Mula no'n, hindi na ulit kami nagkita. Wala na rin akong balita mula kay Marj mula no'ng gabi ng party. Hindi na ulit kami nagkita pagkatapos no'n. Paniguradong iniiwasan niya na talaga ako. Hindi ko naman siya masisisi. Ako naman, hindi pa rin maiwasang ma-guilty. Hindi ko pa rin nakalilimutan ang huli niyang sinabi:

"Alam mo, sayang tayo. Kung kailan mahal na kita, saka ka pa bumitiw bigla."

Gusto ko siyang kausapin upang makahingi ako nang tawad. Kaso hindi niya naman sinasagot ang mga tawag ko. Hindi rin siya nagre-reply sa mga text ko.

At tuwing pumupunta ako sa kanila, wala naman siya. Kaya tumigil muna ako sa paghahanap sa kaniya pansamantala. Mukhang kailangan niya ng panahon para makapag-isip at makapagpahinga. Saka ko nalang ulit siya kakausapin kapag handa na ang lahat.

If only things were different, it would've been better.

If only we were born in another time, in a better world, in the right place and circumstances...it would've been different. We could have been happy together.

But this is our world. This is my world, my universe. This is reality. And it sucks.

I sigh heavily.

Pa'no ako magsisimula ulit? Ngayong gumuho na ang lahat sa akin? Walang natira, durog na durog. Napulbos lahat nang pinung-pino.

Pa'no ko ulit pupulutin ang mga wasak na bahagi ng sarili ko?

Pa'no ko aayusin ang buhay kong sa umpisa pa lang, sira na?

Pa'no?

Matapos ang ilang oras na pagmumuni-muni ay bumangon na ako at nagtungo sa banyo.

Pagkaligo ay nagbihis na ako, kumain ng tanghalian at nang handa na ang lahat ay saka ako umalis papunta sa coffee shop kung sa'n kami magkikita.

Pagdating sa nasabing lugar ay um-order agad ako ng capuccino frappe at isang slice ng blueberry cheesecake. Nagsimula akong kumain habang nililibang ang aking sarili sa pamamagitan ng paglalaro sa phone na dala ko. Hindi nagtagal at dumating din ang taong hinihintay ko. Umupo siya sa bakanteng silya sa harap ko, tumawag ng waiter saka um-order. Tumingin siya sa kaniyang wrist watch na para bang sinisipat ang oras. Nag-angat siya nang tingin at nagsalita.

"Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na habang may oras pa. May mahalaga pa akong pupuntahan mamayang alas dos," naiinip niyang sabi at saka humalukipkip.

Ibinulsa ko ang hawak na phone at tumingin sa kaniya.

"Ang bilis ng panahon. Akalain mo, ikakasal na pala kayo bukas," mapait kong sabi.

Ngumisi siya.

"Kung pinapunta mo ako rito para manggulo, sabihin mo lang nang maka-alis na ako," inis niyang sambit. "Kahit ano pang sabihin mo, hindi magbabago ang isip ko. Huli ka na at wala ka nang magagawa pa. Ako ang mahal niya at ikakasal na kami bukas. Kaya sumuko ka na at tanggapin ang mapait na katotohanan," mariin niyang sabi.

Umigting ang panga ko dahil sa isinagot niya. Kinuyom ko ang aking mga palad at kinalma ang sarili.

"Alam ko. Hindi naman ako nakipagkita sa 'yo para manggulo," malamig kong sagot. "Gusto lang kitang paalalahanan. Sa oras na saktan mo siya, humanda ka sa akin."

"Hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan. Ako nang bahala sa kaniya," seryoso niyang sabi.

Naglabas ako ng notepad at ballpen saka muling nagsalita. "Siguraduhin mo lang na aalagaan mo siya. Tandaan mo, allergic siya sa malalansa gaya ng hipon at alimango. Hindi siya kumakain ng okra at talong. Hindi siya umiinom ng kape kapag walang asukal at creamer. Hindi rin siya mahilig mag-alaga ng aso o ng kung ano pang hayop. Ayaw na ayaw niyang nilalagyan ng Downy ang mga damit niya, masakit daw kasi sa ilong ang amoy. Ayaw niya rin sa matatapang na pabango," wika ko habang isinusulat sa papel ang lahat ng paalala ko sa kaniya. Tahimik lang siyang nakamasid at nakikinig sa akin.

"Ayaw na ayaw niyang nagsasayang ng pagkain kaya kahit hindi masarap ang niluto niya, ubusin mo pa rin. Kapag hindi siya makatulog, kantahan mo lang siya. Maya-maya, makikita mo, bagsak na ang mga mata niya. Kapag nagtatampo siya, chocolate lang ang katapat solve na siya! O kaya ice cream saka pizza na sinamahan ng fries. Gustong-gusto niya rin ng Carbonara Spaghetti kaya ngayon pa lang, sinasabi ko na para mapag-aralan mo nang lutuin. Huwag kang mag-alala, hindi siya mahilig manood ng chick flick movies. Mas gugustuhin niya pang manood ng action, fantasy, adventure, science fiction na palabas o kaya ng anime. Hindi siya mahilig sa bulaklak. Mas gusto niyang binibigyan siya ng pagkain o kaya ng libro. Mahilig kasi siyang magbasa," pagpapatuloy ko.

Habang nagsasalita ako, hindi mabilang na alaala ang muling bumisita sa isip ko. Hindi ko mapigilang malungkot at masaktan. Ngunit sa kabila nito ay nagpatuloy ako sa pagsasalita kahit parang tuod lang na nakatanga sa akin ang kausap ko.

"Mahilig siyang makinig ng alternative rock songs. Pati pala acoustic songs at piano cover ng mga paborito niyang kanta. Favorite band niya ang All Time Low, saka The Script at Maroon 5. Alam mo naman sigurong mahilig at magaling siyang mag-paint saka mag-drawing? Kung anong kinagaling niya sa pagkanta at pagtugtog ng piano, siya namang hina niya sa pagsayaw. Kung alam mo lang, daig niya pa ang plywood sa tigas ng katawan niya tuwing sumasayaw siya. Hindi rin siya sporty. May pagka-tamad siya at ayaw na ayaw ring napapagod at napapawisan. Minsan ay may topak at bigla nalang nagsusungit. Kapag gano'n, intindihin mo nalang siya. Baka kasi may PMS o ano. Kapag gano'n, lambingin mo nalang para mawala ang inis niya. Ahh, ano pa ba?"

Inisip ko kung may nakalimutan pa ba akong sabihin. Mukhang wala naman. Hindi siya kumibo kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Ingatan mo siya, pati ang anak namin. Mahal na mahal ko ang anak namin kaya sana, mahalin mo rin siya na para bang tunay mong anak. Huwag kang mag-alala, susuportahan ko pa rin naman sila financially. Bibisitahin ko rin sila paminsan-minsan tuwing walang pasok kaya huwag ka nang magugulat kung madadatnan mo ako bigla sa bahay niyo. Sa oras na pakawalan mo siya, ako ang sasalo sa kaniya at hindi mo na ulit siya mababawi mula sa akin. Huwag na sanang umabot pa sa gano'ng punto kung hindi baka mapatay kita, walang halong biro."

Pinunit ko ang isang pahina ng papel na sinulatan ko ng mga paalala at saka inabot sa kaniya. Agad naman niya iyong kinuha at saglit na tiningnan ang mga nakasulat dito saka siya nagsalita.

"Salamat. Tatandaan ko ang lahat nang sinabi mo. Aalagaan, iingatan at poprotektahan ko sila sa abot ng aking makakaya," mahinahon niyang sagot.

"Buti naman at mukhang nagkakaintindihan tayo," wika ko. "Pa'no, una na ako. May pupuntahan pa ako." Tumayo na ako at naghanda na sa pag-alis.

"Alis na rin ako. Bukas na lang ulit." Tumayo na rin siya. Sabay kaming naglakad palabas sa nasabing lugar at nagtungo sa parking lot.

"Una na 'ko. Mag-iingat ka," paalam niya.

"Ikaw rin. Congrats," sagot ko at nagkamayan kaming dalawa. Humigpit ang kapit namin sa isa't-isa. Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "Sorry not sorry. Kahit anong gawin ko, hindi ko magawang maging masaya para sa inyo. Pa'no, kita nalang ulit tayo bukas. Pakasaya ka." Matapos nito ay binitiwan ko na ang kamay niya, agad na tumalikod sa kaniya at pumasok sa sasakyan ko.

Gabi na nang maka-uwi ako mula sa opisina. Hindi na ako kumain dahil busog pa naman ako. Dumiretso agad ako sa kuwarto at agad na bumagsak sa kama. Hindi ko na rin nagawang magbihis dahil sa hilo at pagod. Pumikit ako at sinubukang matulog kaso tangina, ayaw akong dalawin ng antok.

Pagulong-gulong ako sa kama at hindi mapakali habang iniisip ang maaring mangyari sa susunod na araw.

Ikakasal na sila bukas.

Huli na ako.

Huli na ba talaga ang lahat?

Wala na ba akong magagawa?

Lalong nadagdagan ang sakit ng ulo ko.

Hanggang ngayon ba naman, magpapakaduwag pa rin ako?

Hindi ko alam kung anong biglang sumapi sa akin para i-dial ang number niya sa phone ko.

Oo, mayro'n akong number niya. Nagpalitan kami ng number almost a week ago matapos naming mag-usap.

Itinapat ko sa aking tainga ang hawak na cellphone. Panay ang ring nito. Halos kalahating minuto rin siguro ang lumipas bago niya sinagot ang tawag.

"Hi bestfriend!" panimulang bati ko. "Ikakasal ka na bukas! Congrats! Huwag mo akong kakalimutan, ha?" humahagikgik kong sabi. Hindi siya sumagot. "Hindi ko pa rin matanggap na ikakasal ka na sa iba. Mas guwapo naman ako ro'n, bakit siya pa? Mabait naman ako. Mayaman. Matalino. Talented. Masipag. Mapagkakatiwalaan. Athletic. Sexy. Habulin ng chix. Magaling sa kama. At mapagmahal. Ilang taon na rin tayong magkasama, sa hirap at ginhawa, tapos bigla ka nalang nang-iwan? Kung kailan masaya na ako...kung kailan hulog na hulog na ako sa 'yo, saka ka pa bumitiw bigla. Worst case scenario, may kasama ka pang ibang lalaki pag-uwi mo. Fiance mo pala. Sino ba namang hindi magugulat?"

Hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko. Basta kusa nalang gumalaw ang mga bibig ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagbaha ng mga salitang matagal ko nang nais sambitin.

Blame it on the alcohol!

"I was stunned when I found out that the little girl my ex-girlfriend and I saw at the mall was actually your daughter. If only you knew what I felt that time. I was apalled and confused. The next thing I knew, I was already embracing you. Too bad, you didn't even recognize me. Then you told me you had an amnesia that's why you couldn't remember me. Ako na bestfriend mo mula pa no'ng high school, hindi mo nakilala. Sakit kaya no'n. Kahit na alam kong nagsisinungaling ka lang naman, nasaktan pa rin ako nang malamang niloko mo lang ako at pinagmukhang tanga. Natural nagalit ako. Lalo na nang malaman kong kaya ka umalis kasi nabuntis ka, at ako ang ama." Para na akong ngo-ngo habang nagsasalita. May kung anong bumabara sa lalamunan ko.

Umuulan na naman.

"Hindi ko naman nagawang magalit sa 'yo nang matagal. Isang sorry mo lang, tanggal na agad ang galit ko. At kahit na ang bigat ng mga kasalanan mo sa akin, nagawa pa rin kitang patawarin. Gano'n. Gano'n kalakas ang epekto mo sa akin," nangangatal kong sambit. "Kaso kahit anong gawin ko...kahit anong paglimot ko sa 'yo, hindi ka pa rin mawala sa isip ko. Ilang taon na ang nakalipas, wala ka pa ring kupas. Ni hindi man lang nagbago ang nararamdaman ko para sa 'yo. Sa katunayan, mas lalo pa ngang lumala ang pagkabaliw ko sa 'yo. Lunod na lunod na ako at hinding-hindi na makaka-ahon pa. Kahit alam kong may iba ka na, nananatili pa rin akong umaasa. Bakit? Bakit gano'n? Matapos ang lahat nang nangyari...bakit ang sakit-sakit pa rin?" Pinunasan ko ang mga patak ng luhang patuloy sa pag-agos. Nanatiling tahimik ang kabilang linya.

"Tell me, what am I going to do? How do I unlove you?"

Pumikit ako, huminga nang malalim at muling nagsalita.

"Bakit ba kasi ang bobo ko? Ang gago ko, hindi ko agad sinabi sa 'yo. Naunahan tuloy ako. Ang tanga-tanga ko kasi. Isa akong malaking duwag. Hindi ko sinabi sa 'yo kasi natakot akong baka masira ang pagkakaibigan natin. Natakot akong baka magbago ang tingin mo sa 'kin. Na baka iwasan mo ako dahil sa nararamdaman ko para sa 'yo. Natakot akong malaman kung mahal mo rin ba ako nang higit pa sa isang kaibigan. Natakot akong mawala ka sa akin," humihikbi kong sabi. Tahimik pa rin ang kabilang linya.

Muli akong nagsalita kahit bubulol-bulol na ako.

"Kaya napagpasyahan kong ilihim sa 'yo ang tungkol sa nararamdaman ko hanggang sa nagkagulo ang lahat. Bigla ka nalang umalis ng bansa. Gumuho ang mundo ko. Nasira ang buhay ko. Ngunit gano'n pa man, nagpatuloy akong mamuhay kahit pakiramdam ko, para akong unti-unting pinapatay. At kung kailan naman ayos na ang lahat, saka ka dumating. Muling nagulo ang buhay kong pilit kong binuo. Saklap lang, mukhang huli na ang lahat para sa atin. Ikakasal ka na sa iba. Kaya sorry kung hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita. Sorry kung hindi ako nagkaro'n ng lakas ng loob na sabihin sa 'yo. Sorry, mahal pa rin kita kahit alam kong ayaw mo na. Paalam at salamat sa lahat."

Pinutol ko na ang tawag at ipinikit ang aking mga mata. Unti-unting nagdilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Kinabukasan, tanghali na nang magising ako. Pupungas-pungas pa ako nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko namang sinagot ang tawag.

"Hello? Nasa'n ka na? Kanina pa nagsimula ang kasal! At kanina pa kami tawag nang tawag sa 'yo!" bulyaw ni Mart sa kabilang linya.

"Sorry dude, tinanghali ako nang gising," humihikab kong sabi.

"Hoy ugok bilisan mo! Baka wala ka nang abutan dito!" narinig kong sigaw ni Aero. Lanjo. Mukhang naka-loud speaker pa yata sila kaya rinig na rinig nila ang sinasabi ko.

"Tulog mantika ka talaga. Dapat pala dinaanan ka na namin," singit ni Yna.

"Blah, blah, blah. Oo na, ito na! Kikilos na po, boss," tinatamad kong sambit saka tumayo ng kama. "Bakit ba kayo nagmamadali?"

"Tanga ka ba? Wala ka man lang bang gagawin? Hahayaan mo nalang ba silang makasal?" Isa pa 'tong si Nica! Daig pa yata nila ako kung mamroblema.

"Susuko ka nalang bigla? Ano na? Hanggang ngayon ba, magpapakaduwag ka pa rin?" wika ni Mart.

"Shut up."

Pinutol ko na ang tawag at saka nagtungong banyo. Naligo. Nagbihis. Kumain ng tirang pagkain galing sa fridge. Saka umalis at nag-drive papunta sa simbahan hindi kalayuan sa condong tinitirahan ko, kung sa'n ginaganap ang kasal ng taong mahal ko at ng lalaking mahal niya. Hindi nagtagal at narating ko rin ang nasabing lugar. Pagkaparada ko ng sasakyan ay bumaba na ako at nagtungo sa entrance ng simbahan.

Nasa part na kung sa'n nagtatanong na ng "oo" o "hindi" ang pari. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Hindi ga'non karami ang tao. Mukhang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang ang inimbitahan nila rito.

Natanaw ko sila Mart na nakaupo sa may bandang unahan. Hindi na ako nag-abalang pumasok at tawagin sila. Nanatili akong nakatayo sa may bungad ng simbahan, sa mismong pintuan papasok. Dumako ang mga mata ko sa dalawang taong nakatayo sa harap ng altar at nakinig sa sinasabi ng pari.

Huli na talaga 'to.

Pagkatapos nito, ibabaon ko na sa limot ang pagmamahal ko sa kaniya.

She's standing in the front of altar, glowing with radiance and looking so beautiful wearing that gorgeous wedding dress. She seems so happy and contented. The way her eyes twinkle as she smiles sweetly at the man beside her melts and breaks my heart.

Damn. I don't want to wipe that smile off her face.

If this will make her happy...

If he will make her happy...

Then so be it.

Let them be.

Let her be.

"Daniella Celine Torrez, will you have Ralph Baltazar, to be your wedded husband, to live together after God's ordinance in the holy estate of matrimony; will you love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in health, and forsaking all others, keep yourself only for him so long as you both shall live?" tanong ng pari.

Bago ko pa marinig ang pag-oo niya, tumalikod na ako at mabilis na naglakad palayo.

***

A/N: Yey! Epilogue na ang kasunod. Tiwala lang. Huwag mawalan ng pag-asa. Malay niyo may mangyaring himala. Or maybe not. Wala kasing forever. Joke! Hahahaha! *smiles sadistically* lol. Anyway, thanks for reading!

PS: The epilogue will be written in Ella's POV.

PPS: Merry Christmas and Advance Happy New Year! :3

Continue Reading

You'll Also Like

29.4K 2K 60
PROLOGUE Every great dream begins with a great dreamer. Dalawang matapang na kababaihan ang nakikipaglaban para sa katarungan ng karamihan. Tapang...
43.4K 379 7
Jade Pangilinan is livingg her miserable life being a freelance writer. She has been all by herself. Nobody wants to be with her. Nasanay na siya sa...
20.1K 484 20
R18 || MATURE CONTENT Neriza and Adon Story. Her Feminine Lover Side Story 3rd Person POV Date Started: 09/26/22
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...