A Voyage Towards the Horizon

By seleneaaaa

4K 1.2K 1.2K

• C O M P L E T E D • Amalia just found herself back in 1969 with a self-proclaimed mission to rewrite her gr... More

AVTTH (Back to 1969)
Prologue
01 Her 2020 Life
03 Exposure
04 Welcome?
05: An Unexpected and Unwanted Gift
06 Trespassing My Own Property
07 Alejandrino (Filler Chap Only)
08 Milagros
09: Meet the Grandparents?
📷 10: Baboy
📷 11: Thelma and Isidro
📷 12: Getting Aggressive
📷 13: Instant Friendship
📷 14: All in One Table
📷 15: Miss Tutor
📷 16: Decided
📷 17: The Sanchez Family
📷 18: Tango
📷 19: Love Guru
📷 20: The Confession
📷 21: Broke
📷 22: Surprise!
📷 23: A Bad Friend
📷 24: Girl Talk
📷 25: I'm Sorry
📷 26: A Date
📷 27: Double Date
📷 28: Stay
📷 29: Gate-crashing
📷 30: The Reason
📷 31: Mom
📷 32: Megahit
📷 33: The Horizon
📷 34: Going Home
📷 35: She Tried Suicide
📷 36: Ambuscade
📷 37: Her Returning
📷 38: Awakened
Epilogue
Epilogue
Author's Note

02 Lola Milagros

161 51 125
By seleneaaaa

Lemery, Iloilo, 2012

Tiningala ng batang si Amalia ang lumang mansyon sa harap. She always does that everytime na papasok siya sa kanilang ancestral house.

Gawa sa marmol na puti ang malaking bahay ngunit may bahid na ng itim ang ibang parte dahil nasunog ito noon at ipinaayos lang muli ng pamilya Alejandrino dahil sa sentimental value.

Puno ng mga nag gagandahang bulaklak ang paligid kaya nagiging masigla tingnan ang mansyon. Ang lumang fountain sa gitna, bagaman hindi na gumagana ay nakakadagdag pa rin sa ganda ng paligid. May malaking veranda sa ikalawang palapag na siguradong tanaw ang buong paligid kapag nandoon ka sa taas.

Kagagaling lang nila ngayon sa mansyon ng mga Santocildes dahil isinama siya ng kaniyang Lola Milagros para bisitahin ang kaibigan nito. “Isama natin si Amilo next time, Lola.” nakangiting saad ni Amalia habang papasok sila sa mansyon.

“Yes apo. Thelma will surely love him.” pi-nat nito ang ulo ng bata.

“Ano ba Maya?!” sabay silang napatingin sa ikalawang palapag ng bahay nang marinig nila ang sigaw ng daddy ni Amalia.

“Gusto mo magkaon apo?” tanong ni Milagros sa apo gamit ang wikang bisaya at pasimpleng tinakpan ang tainga ng bata. (Gusto mong kumain apo?)

Tumango naman si Amalia at iginiya na siya ng lola sa kusina para hindi na nito marinig ang away ng daddy at mommy niya. Nakasalubong naman nila ang kaniyang Lolo Riguel sa daan kaya sinenyasan ito ni Milagros na patahimikin ang mag-asawa sa taas.

Kumuha agad si Milagros ng mangkok na may lamang arroz caldo para sa kaniyang apo. Ngumiti naman sa kaniya si Amalia. “Lola, can you now continue your story?” Kumunot naman ang noo ni Milagros, naguguluhan. “That princess story you told me last summer, Lola. You didn’t finish it.” sabi ni Amalia habang sunod-sunod na sumubo.

Every summer lang kasi nagbabakasyon ang apo nila sa Lemery dahil sa Maynila na ito nakatira kasama ang mga magulang.

Napangiti naman ang matanda ngunit mababakas ang lungkot dito. “Oh, that story.”

Tumango ang bata. “I really liked it and I wondered why you stopped.”

Tumawa ng mapait si Milagros. “That is different from your other princess stories, Amalia.”

“Why?”

“It’s not a fairytale.”

Kumunot naman ang noo ng apo. “Why?”

“Because if it is, it should be a happy ending.”

Tumagilid ang ulo ng bata, nagpapahiwatig na hindi nito naintindihan.

“The princess and the prince didn’t end up together. There was no ‘happily ever after’ in the end of their story.”

“Why?”

“Just because.” ngumiti ulit si Milagros at ginulo ang buhok ng bata.

Ngumuso na lang si Amalia at inubos na ang kinakain bago nito hinugasan ang pinagkainan. “I know that you are the princess in your story, Lola.” nilingon nito ang matanda bago ibinalik ang mangkok sa lalagyan. “And I think Lolo Riguel isn’t the prince.”

“Then who, apo?” napatingin silang dalawa sa bungad ng kusina at nakitang nakatayo roon ang kaniyang lolo.

Amalia just shrugged. “I don’t know, ask Lola.”

Napangiti na lang si Riguel sa kainosentehan ng apo at napatingin sa basang damit nito. “You should change your clothes.” napakiusapan na niya kasi ang mag-asawa na itigil na ang pag-aaway kaya pwede nang umakyat ang bata.

Tumango naman si Amalia at pinunansan ang dalawang kamay bago lumabas ng kusina.

Pailing-iling naman na nilingon ni Riguel ang asawa nang mawala na sa paningin ang apo. “Siya man gihapon?” it didn’t came out as a question but as a statement. Na para bang sigurado na ito sa sinabi. (Siya parin?)

Kinagat lang naman ni Milagros ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin.

“Gina higugma mo man bala siya gihapon?” bakas ang sakit sa mukha ng matandang lalaki. (Mahal mo parin ba siya?)

Hindi naman sumagot sa kaniya ang asawa at nanatili lang na nakatingin sa hapag.

“After all these years…” sinapo ni Riguel ang mukha, pinupunasan ang mga kumawalang luha. “Diin ako dira sa tagipusuon mo?” (Nasaan ako diyan sa puso mo?)

Napabuntong-hininga naman ang apo nila na nasa bukana ng hagdan, rinig ang umiiyak na boses ng kaniyang lolo.

..

Pagkatapos magbihis ni Amalia ng pambahay na damit ay bumaba na siya sa hagdan ngunit napatigil nang madaanan nito ang kwarto ng mga magulang.

She heared muffled voices inside kaya lumapit ito sa pinto.

‘They’re shouting at each other again’

“Nagdadalang-tao ka pa kay Amilo, Maya! Puro kalandian ang inaatupag mo!” sigaw ng kaniyang daddy. Itinapat pa ni Amalia ang tenga sa pinto para makinig.

“Mahal ko si Franco, Axel!” dinig ang paghikbi ng kaniyang ina.

‘Tito Franco again.’

“Pa’no naman ako Maya?! Minahal mo din ba ako?!” bakas ang desperasyon sa boses ng daddy niya.

Lumipas ang ilang minuto at puro hikbi lang ang maririnig sa loob ng kwarto.

Feels like deja vu. Funny thing na pareho ang sitwasyon ng Lolo at Daddy niya. Mag-ama nga.

Bagp pa man marinig ni Amalia ang sagot ng ina ay umalis na ito at bumaba na ng hagdan, pinupunasan ang sariling mga luha.

Bata man ang kaniyang isipan ngunit alam na nitokung ano ang nangyayari.

Alam nitong may ibang mahal ang kaniyang mommy, pati na rin ang kaniyang lola.

At her young age, she already figured out that marriage is not an assurance of love.

That even nasa isa kayong relasyon, walang garantiya na pareho kayo ng nararamdaman.

She grew up thinking like that. That all relationships are like that, because that’s what she have seen while growing up.

..

AMALIA

Lemery, Iloilo, 2020

Puro hikbi lang namin ni Amilo ang maririnig sa loob ng SUV. Sundo namin ito galing sa airport dahil pauwi na kami ngayon ng probinsya.

Hindi kami naka-uwi agad nang malaman namin ang balita dahil mays-in-ettle muna si Dad for two days sa kaniyang trabaho bago kami naka-alis. And I don’t care kung graduation na namin bukas, all I knew is that Lolo Riguel needs us.

Kahit may konting tampo ako kay Lola dahil sa sitwasyon nila ni Lolo, hindi ko parin makuhang magalit sa kaniya.

Simula noong marinig ko ang pag-uusap nila ni Lolo, ay palagi ko na siyang tinatanong kung mahal ba niya si Lolo Riguel ngunit palagi lang siyang umiiwas o di kaya ay iniiba ang usapan.

Ngunit kahit gano’n, hindi naman nagkulang si Lola Milagros bilang lola namin. She was the best at it, actually siya na rin ang tumayong ina namin ni Amilo eversince Mom left us.

When Amilo was three, tuluyan nang umalis si Mommy sa puder namin. Sumama siya sa highschool boyfriend niya para ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan noon. What whore. I really do hate her.

She chose to leave us for selfish reasons but Lola stayed.

Kung tutuusin, pareho lang naman sila ng sitwasyon but still, Lola chose to stay.

And that’s their difference. Isa na rin ito sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal ko si Lola.

But now that she’s also gone, parang nawalan narin ako ng ina sa pangalawang pagkakataon.

“Ate, si Lola…si Lola…” iyak ni Amilio, he is 11 now, and I managed to make him grow as a good boy. I should be proud for myself right? Best sister in the world?

Pinatahan ko siya kahit tulo rin naman ng tulo ang mga luha ko. Lola is really important for us. “It’s okay, Amilo. Tahan na.”

Napatingin ako kay Dad na nasa frontseat. Alam kong nasasaktan din siya sa pagkawala ni Lola but I never saw him cry. Even when Mom left us, he never shed a tear.

Inayos ko na ang mukha pati narin ang kay Amilo dahil natatanaw ko na ngayon ang malaking gate ng mansyon.

Hacienda Alejandrino

Gawa sa metal ang mga letra kung kaya’t kinakalawang na ito dulot siguro ng panahon.

“Shhh stop now baby, diba sabi ni Dad crying is for the weak? We are not weak kaya stop na ha.” tumawa ako ng bahagya dahil kahit ako rin naman ay umiiyak. “We’re here na.”

Gaya ng nakagawian, tiningala ko ulit ang malaking mansyon sa harap nang pumasok na ang sasakyan. Sinalubong kami agad ng lumang fountain na nasa gitna at ng mga bulaklak na si Lola Milagros pa mismo ang nagtanim.

Pag-aari ng mga Alejandrino ang mansyon na ito at ilang dekada naring namumuno ang pamilya namin dito sa Lemery bilang alkalde.

Ipinapasa ang posisyon sa bawat henerasyon ngunit natigil lang noong panahon na ni Lolo Riguel. Wala daw siyang interes sa politika.

Nakita namin si Lolo Riguel na nag-aabang sa harap ng malaking pinto, na gawa pa daw sa narra sabi ni Lola noon. Agad siya naming niyakap ni Amilo dahil alam namin kung gaano nito kamahal si Lola Milagros. Sa lahat ng tao rito, si Lolo ang pinakanasasaktan.

..

Pagdating sa loob, samu’t saring condolences ang natanggap namin. Nakayakap sa’kin si Amilo habang dala naman ni Daddy ang mga maleta at tinulungan naman siya ng mga trabahador ni Lolo dito sa hacienda.

Napatingin ako kay Dad na naka-ayos ang tindig. He always practices proper posture and he also wants us to do the same. He is a general in AFP and I can say na maybe, dahil iyon sa trabaho niya.

Inilibot ko ang mga mata ko at marami nang tao ang narito para tumulong kahit wala pa naman ang bangkay ni Lola.

We headed to our respective rooms para ayusin ang mga kaniya-kaniya naming gamit and I finished my task around 10. We already ate our breakfast sa airport pero nagugutom pa rin ako. I’m not usually the patay-gutom type pero I guess I’m still human after all.

Pababa na sana ako sa grand staircase ngunit napalingon ako sa pinakamalaking pinto na nandito sa second floor. It was my grandparents’ bedroom door and strangely, parang may nag-uudyok sa akin na pasukin iyon.

Hindi naman kami pumapasok sa kwarto nila Lolo dati dahil we respect their privacy at it’s rude to enter someone else’s bedroom without their permission kahit lolo at lola mo pa iyan----but I still did.

Never did I knew that everything started the moment I entered. Ang pagpasok na sana ay hindi ko ginawa dahil dito nagsimula ang lahat----dahil natuklasan ko ang mga bagay na hindi ko dapat nalaman, at nagbalik ang mga alaalang dapat matagal nang kinalimutan.

.avtth.

mwa.

-jarr

Continue Reading

You'll Also Like

929K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
7.2M 343K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
48.8K 3.2K 52
Falling in love with the tomboy the marriage that we both do not know And last both of us is mafia boss
71.6K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...