hire as their mom

By kleeeyrie

17.7K 998 391

NOTE: UNEDITED. ♥️ Originally Made Since 2016 More

---
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32

8

494 28 14
By kleeeyrie

EIGHT


Kinagabihan nga ng araw na iyon, ang mga kasamahan ko ay nakauwi sa kani-kanilang pamilya at ako na lang ang naiwan. Dahil sa request ni Helsey ay hindi na nga ako nagbalak umuwi.

Tinext ko na lang sila Nanay na hindi ako magpa-pasko sa bahay. Siguro naman ay maiintindihan nila, paniguradong inaasahan na din nila ito.

Sa tingin ko ay mas magtataka iyon kung sa bahay pa ako magpasko na hindi kasama ang mga Villaruel lalo na at... i-ikakasal na nga kami ni Harvin.

"Mommy! Wake up na!"

Sa kalagitnaan ng masarap na pagtulog ko, naramdaman ko na may paulit-ulit na yumuyugyog sa akin.

"Hmm..." ungol ko at nag-iba ako ng pwesto.

"Are you sleeping? Are you sleeping, Mommy Van, Mommy Van. Morning bells are ringing, morning bells are ringing. Please wake up. "

Inaantok man, bahagya akong natawa sa kanta ni Helsey. Naramdaman ko pa ang yakap niya sa akin habang mahinang bumubulong siya ng kanta sa tainga ko. Nakapikit pa din ako habang mahinang tumatawa sa ginagawa niyang pagkanta.

"Mommy, are you awake na?"

Dumilat na ako. Bumungad sa akin ang cute na cute na mukha ni Helsey. Napangiti ako.

"Good morning, mommy!"

"Morning, baby." namamaos pa ang boses na bati ko din sakanya.

"Hello, queen. Good morning!"

Napabaling ako sa gawi ni Hissey. Nakaupo lang ito sa kama at hinihintay lang akong magising.

Natawa naman ako sa tinawag niya sa akin. Ang dami talagang alam ng mga batang ito.

"Good morning too, Hissey."

"Let's go downstairs, kids. Let your Mom have her own space first."

Awtomatikong nawala ang ngiti sa labi at natigilan ako nang marinig ko ang... ang pamilyar na boses. Wala sa sariling napalingon ako sa gawi nito at tila gusto ko na lamang kainin ng lupa nang makita ko si... s-si Harvin na prenteng nakasandal sa pinto, ang mga mata ay nakatingin sa g-gawi namin habang naka-krus ang mga braso.

Walang sali-salita at agaran na akong tumakbo papunta sa banyo. Mabuti na lang ay hindi ako nadulas sa sobrang pagmamadali ko.

Kaagad kong tiningnan ang itsura sa salamin at napasapo na lang ako sa noo sa bumungad sa akin.

Buhaghag ang buhok ko at may mga muta pa ako. Kinapa ko ang gilid ng labi ko, mabuti na lang ay wala namang panis na laway pero kahit na... ang pangit kong tingnan sa umaga.

Nakakahiya! Ganito ang bumungad kay Sir... baka nga ang pangit din ng posisyon ko habang natutulog.

Kapag kinasal na kami tapos ganito ang bubungad sakanya tuwing umaga, makakatagal kaya siya?

Pero saglit... may posibilidad ba na magkasama kami sa iisang k-kwarto? Kapag kinasal ba kami a-ay magkatabi kaming matutulog?

Patuloy na inisip ko ang tanong na iyon sa isipan ko habang bagsak ang balikat na inaayos ko ang sarili. Sinigurado kong maayos na maayos, pambawi sa balahurang itsura ko kanina.

Kanina pa tuluyang umalis ang maga-ama at hinayaan muna akong mag-ayos. Bagama't tapos na ay hindi muna ako lumabas. Tumulala lamang habang iniisip ang kahihiyan ko kanina sa harap ni Harvin na hindi ko alam kung b-bakit hiyang-hiya ako.

Normal lang naman n-na hindi maganda ang itsura paggising 'di ba? O... ako lang?

Patuloy din na ginugulo ang utak ko ng tanong na kani-kanina ko lamang nabuo... kung magsasama ba kami ni H-Harvin sa iisang kwarto? Kasama ba iyon sa usapan?

Dahil sa lunod ang isip ko, napatalon ako nang biglang dumagundong ang katok sa pinto. Hindi ko namalayang napapatagal na ako.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama, pinasadahan ko ng tingin sa salamin ang sarili at bumuntong hininga. Hindi na ako nagpalagpas pa ng minuto at lumabas na din..

Akala ko ay ang mga bata ang kumakatok kaya nang si Harvin ang bumungad sa akin ay bahagya pang napaawang ang labi ko.

"Let's go..." Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ako o... may multo talaga ng ngisi sa labi n-niya.

Hindi ko lang nakumpirma dahil kaagad ng nanlaki ang mata ko nang hinawakan ni... Harvin ang kamay ko at bahagya na akong hinila palabas.

Ramdam ko ang init ng palad niya na nagdadala ng kakaibang kiliti sa kalamnan ko at nagiging dahilan upang maghurumentado ang puso ko. 

Na... nagugutom na yata ako kung ano-ano na ang nararamdaman ko.

Nanatili akong tahimik maging siya ay ganu'n din. Magkahawak lang ang kamay namin habang naglalakad.

Ngunit patagal ng patagal nararamdaman ko na ang pamamawis ng palad ko. Nakagat ko ang ibabang labi. Akmang aalisin ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ngunit imbis na pakawalan ay mas lalo pa niya itong hinigpitan.

"Ba.."

Hindi ako makapagsalita ng maayos, hindi ko maisatinig ang gusto kong sabihin kaya tinikom ko na lang ang bibig.

Nakarating kami sa sala. Bumungad sa amin doon ang tatlo niyang anak. Si Harson ay walang reaksyon nang makita kami ngunit ang dalawa, si Hissey at Helsey ay nanlaki ang mga mata, nagtakip pa sila ng bibig.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya unti-unti ko ng binawi ang kamay, pinakawalan na naman ito ni Harvin.

"Ah..." tumikhim muna ako, "Aalis kayo?" napagtagumpayan kong makapagtanong.

Bukod sa gusto kong ilihis ang atensyon sa ibang bagay ay kuryoso din ako kung bakit mukhang aalis sila base sa mga ayos nila. 

"Sa mall po, mommy! Magbu-buy daw po tayo ng handa for Christmas 'di ba po?" sagot ni Hissey.

Napaawang ang labi ko, "K-kasama ako?"

Masiglang tumango ang dalawang bata sa'kin.

Ganu'n nga ang nangyari. Kasama ako ng maga-ama sa paglilibot sa mall. Hindi naman ako masyadong lutang pero okupado ang isip ko tungkol sa pamilya ko. Hindi pa kasi nagre-reply si Nanay sa message ko na hindi ako makakauwi sa bahay.

"Mommy! I like that one po. Tsaka that one din po."

Napabaling ako kay Hissey nang humawak ito sa laylayan ng damit ko at bahagyang hinila ako papunta sa damit na gusto niya.

"Tss. You always like to buy so many stuff. Hindi mo naman ginagamit lahat." puna ng kuya niya sakanya.

Napanguso naman si Hissey at natigil sa paghila sa akin.

Tama naman si Harson, madami ngang nakatengga na damit si Hissey na madami pa ang halos hindi niya nasusuot.

"Eh? I want those e!" nakangusong turan ni Hissey. Tumingin pa ito sa akin na tila nagmamakaawa.

Napabuntong-hininga naman ako, "Hissey, bibili tayo pero mamili ka lang ng isa. Ayos na ba iyon?" pakikipag-deal ko sakanya.

Kita ko ang pagaalinlangan sa mukha niya. Nakanguso ito habang nagpapabalik ang tingin sa akin at sa mga damit na gusto niyang ipabili.

Akala ko ay tatanggi siya ngunit napangiti ako nang inabala na nito ang sarili sa pagpili at nang may hawak na ay patakbong bumalik sa kinatatayuan namin.

"Ito na lang po, Mommy." pakita niya sa akin ng damit. Tumango lang ako at ngumiti.

"Mommy, where's daddy po?"

Napabaling naman ako sa batang kalong-kalong ko nang bumulong ito sa akin. Kanina pa siya tahimik magmula ng matapos kaming mamili para sa noche-buena at ngayong lamang siya muling nagsalita.

"May kinuha lang sa kotse. Bakit baby?"

Nagkusot-kusot siya ng mata, ngumuso at yumakap sa leeg ko.

"Mommy, I'm sleepy na." walang ganang turan niya. Binaon ang mukha sa balikat ko.

Napangiti naman ako. Kaya pala tahimik na, inaantok na ang Dora namin.

"Pagod na pala ang baby ko..." malambing na turan ko. Bumaling ako kay Hissey, "Okay na ba 'yang bibilhin mo?"

"Yes po, Mommy!" masayang turan nito.

"Sige, inaantok na kasi si Helsey. Uuwi na tayo. Bayaran na natin 'yan sa counter. "

Lumapit at humawak na sa laylayan ng damit ko si Hissey habang si Harson ay tahimik na nakasunod lamang sa amin.

Pagkatapos ng pagbayad sa pinamili ni Hissey  ay nagdire-diretso na kami sa paglabas ng mall para puntahan ang kotse ni Harvin sa parking ngunit tamang-tama at nakasalubong namin ito sa entrance pa lamang ng mall. 

"Bakit lumabas na kayo?"

Nginuso ko naman ang anak niyang buhat ko, "Inaantok na si Helsey, e."

Tumango naman siya at kinuha na sa akin ang anak na mukhang nakatulog na sa balikat ko, siya na ang nagbuhat nito.

Hindi pa man kami nakakapaglakad ay naramdaman ko na parang naiihi ako.

"Ah, pwedeng susunod na lang ako. Punta lang akong comfort room.." paalam ko kay Harvin.

"Sama po ako, mommy." turan ni Hissey na nakakapit pa din sa laylayan ng damit na suot ko.

Tumingin si Harvin sa anak saglit bago muling bumaling sa akin, "We'll wait for you in the car." turan niya.

Tumango lang ako. Hinawakan ko na ang kamay ni Hissey at muli kaming pumasok sa loob.

Medyo malayo pa ang comfort room sa entrance kaya naglakad pa kami bago ako tuluyang nakaihi. Mabilis naman akong natapos.

"Mommy, shopping po tayong dalawa next time po." aya ni Hissey.

Naglalakad na kami papunta ulit ng exit at panay ang plano nito sa gusto niyang maging lakad naming dalawa. Nakatingala ito sa akin ngayon habang hinihintay ang pagpayag ko. 

"Sige ba..."

Mas lumaki naman ang ngiti ng bata at nagtatalon-talon pa ito.

"Tayong dalawa lang po Mommy, a." panigurado nito, "Ayoko silang kasama, they are kill joys po kasi gusto na nila umuwi." nakangusong pagrereklamo niya. Natawa naman ako.

Hindi pa nakuntento si Hissey. Mukhang hindi pa talaga niya gustong umuwi. Napadaan pa kami sa isang botique dahil may tiningnan siyang magandang dress at ngayon naman ay bumibili kami ng pagkain sa Jollibee.

"I want fries po, Mommy."

In-order ko nga ang gusto ni Hissey at bumili din ako ng para kila Harson at Helsey. Mabilis naman kaming natapos sa pagbili dahil hindi naman gaanong mahaba ang pila.

Saktong paglabas namin sa Jollibee ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Harvin ang tumatawag. Nako! 

"Ah, hello." kaagad na sagot ko dito.

(What took you so long?) nahihimigan ko ang inip sa boses niya. Nakagat ko ang labi, sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako.

"Papunta na kami. May binili lang si---"

"Vanessa?"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Natigil din ako sa paglalakad nang mula sa likod ko ay may tumawag ng pangalan ko. Napalingon ako dito.

Bumungad sa akin ang isang lalaki na bahagyang napaawang ang labi nang humarap ako sakanya. Maging ako ay nanlaki ang mata nang mapagtantong pamilyar siya sa akin.

"Kyron?" wala sa sariling usal ko.

Kaagad naman itong nakabawi mula sa pagkagulat. Sumilay ang ngiti sa labi niya at mahina siyang tumawa.

"Van. Sabi na nga ba ikaw 'yan e, kamusta?"

Nabalik ako sa wisyo. Inayos ko sarili at bahagyang tumikhim. Hindi ko alam kung tabingi o mukha akong ewan pero sinubukan ko siyang ngitian.

"Ah... ayos lang naman, i-ikaw?" Nakagat ko ang dila dahil tila nagbubuhol-buhol ito habang nagsasalita ako. 

Kaklase ko siya ng ilang taon nu'ng nasa highschool pa ako, maituturing ko din siyang kaibigan. Matagal na panahon ko na siyang hindi nakita at hindi ko inaasahan na magkikita kami ngayon.

Madami ang nagbago sakanya. Base sa postura niya ay mukhang maganda ang trabaho at buhay niya ngayon na siyang totoo naman dahil nakakabalita din ako sa mga kaibigan tungkol sakanya.

Hindi din maitatanggi na mas nadepina na ang kagwapuhan niya ngayon kumpara noong mga bata pa kami. Patpatin kasi siya noon pero ngayon ay... maganda na ang tindig ng katawan niya. Hindi ko alam kung dahil sa nagma-mature siya o may ginagawa siya para magkaroon ng ganyang katawan.

"Ayos lang din. Gwapo pa rin naman." pagbibiro nito. Napangiti ako at bahagyang napaiwas ng tingin nang maramdaman ko ang pagiinit ng pisngi, "Sino pala ang magandang batang kasama mo?"

Doon ko lang ulit naalala na kasama ko pala si Hissey. Nandito na ang atensyon ni Kyron. Bumaba din ang tingin ko dito.

Nangunot ang noo ko nang makitang nakatulala si Hissey habang ang mga mata'y direktang nakatitig kay Kyron.

Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ko alam kung paano ipapakilala si Hissey. Sasabihin ko ba na....

"Ah, si Hissey pala... ahm, anak ko."

Inaasahan ko na magugulat siya. Hindi naman ako nagkamali dahil pagkasabing-pagkasabi ko na anak ko ang batang nasa tabi ko ngayon ay napaawang na ang labi niya at tila hindi makapaniwalang nagpabalik ang baling sa akin pati kay Hissey.

Muli kong nakagat ang labi. Sino nga ba namang maniniwala na anak ko si Hissey lalo na sa mga kakilala ako?

Bukod sa wala naman silang nababalitaang may naging boyfriend ako ay... ay anim na taon na si Hissey at dalawang taon pa lang naman nu'ng huli kaming magkita ni Kyron.

"Paano?" naguguluhang tanong nito.

"Vanessa."

Hindi ko na nasagot si Kyron nang may tumawag sa akin. Napabaling kami parehas doon. Ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko si H-Harvin na naglalakad papalapit sa amin.

"Harvin..." mahinang usal ko. Napabaling naman ulit sa akin si Kyron ng marinig iyon.

"What happened? You suddenly ended the call earlier without finishing your words." kunot ang noong tanong nito. Nasa akin lamang ang atensyon niya, hindi ko alam kung napansin niya si Kyron na nasa harapan namin ngayon.

"Ah, may nakasalubong kasi akong kakilala." Bumaling ako kay Kyron at napatingin din dito si Harvin.

"Ah Harvin si Kyron, kaibigan ko," pakilala ko, "Kyron, si Harvin pala a-ano am---"

"I'm her husband."

Napaawang ang labi ko at awtomatikong maghurumentado na naman ang puso ko sa pagpapakilala ni Harvin.

Amo ang dapat ipapakilala ko d-dahil hindi ko alam kung ano ba ang koneksyon naming dalawa ngunit hindi ko inaasahan ang pagputol niya sa akin... at ang paraan ng pagpapakilala niya sa sarili.

Halos manigas ako sa kinatatayuan nang iakbay niya pa ang braso sa balikat ko at bahagyang hinapit ako palapit sakanya.

Alam kong pulang-pula na ang pisngi ko ngayon lalo na nang makita ko ang gulat na ekspresyon ni Kyron sa nalaman. Tumingin siya sakin, nanghihingi ng kumpirmasyon... dahan-dahan naman akong tumango. 

"Ah, aalis na kami Kyron. Masaya akong makita ka ulit..." mabilis na turan ko. Gusto ko ng putulin ang usapan at gusto ko na ding u-umalis.

"Sige, may pupuntahan din ako ngayong araw. Masaya din akong makita ka ulit."

Tumango ito sa akin pati kay Harvin bago tuluyang umalis.

"T-Tara na..." aya ko kay Harvin at Hissey nang wala na si Kyron sa paningin namin.

Bumaling ako kay Harvin ngunit ang mata nito ay nasa direksyon kung saan umalis si Alvin. Natuon lamang sa akin ang atensyon nang mapansing nakatingin ako sa kanya.

"Who's that?" kunot ang noong tanong niya.

"Ah, k-kaibigan ko." sagot ko. Tumango lamang siya at bahagyang giniya na ako para magsimula ng maglakad. Hinawakan ko na din ang kamay ni Hissey.

Patuloy na naghuhurumentado ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil nakaakbay pa din sa akin si Harvin at s-sobrang lapit namin...

O dahil hindi pa din ako makapaniwala na makikita ko si Kyron na ang totoo ay... hindi lang kaibigan sa'kin... siya din ang lalaking hinangaan at patuloy kong hinahangaan ng ilang taon.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 227K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
180K 4.3K 54
What will you do if you end up in someone else body?
1.4M 32.8K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...