THE S CLASS PROJECT

Od princesscelin

10.7K 553 81

The Villanueva group established this initiative to provide 100% support to the selected members of the S cla... Viac

TSCP
CHARACTERS WMNMMH
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2 : SECOND
CHAPTER 3: THE "S CLASS" STUDENTS
CHAPTER 4 : THE PERVERT slash STALKER JERK
CHAPTER 5 : DAMN! WHAT'S HAPPENING?
CHAPTER 6 : TIMOTHY VS. ICE
CHAPTER 7 : THE BEST DUO
CHAPTER 8 : WE'RE PARTNER , RIGHT?
CHAPTER 9 : TIMOTHY'S HAPPINESS
CHAPTER 10 : THE SMILE
CHAPTER 11 : FOUNDATION DAY
CHAPTER 12 : MAID CAFÉ
CHAPTER 13 : MR.VILLANUEVA
CHAPTER 14 : UNO CARDS
CHAPTER 15 : LAST DAY
CHAPTER 17 : DRY ICE
CHAPTER 18 : RYUU AND AVERY
CHAPTER 19 : 15 MINUTES
CHAPTER 20 : I'M NOT ICE
CHAPTER 21 : THE TRUTH!
CHAPTER 22: BUNNY COSTUME
CHAPTER 23 : FINALLY
CHAPTER 24: THE BEST VACATION EVER!
CHAPTER 25 : THE INVITATION
CHAPTER 26: ACCEPT OR DECLINE
CHAPTER 27: UNKNOWN FEELINGS
CHAPTER 28 : KERBIE'S NIGHTMARE
CHAPTER 29: FAMILY DINNER
CHAPTER 30: THEIR WARM HEARTS
CHAPTER 31: COME BACK
CHAPTER 32: TWO MONTHS
CHAPTER 33: FIRST DAY TRAINING
CHAPTER 34: BARBEQUE PARTY
CHAPTER 35: ROYAL BLUE ENVELOPE
CHAPTER 36 : THE EMBLEM
CHAPTER 37: AN UNFAMILIAR PLACE
CHAPTER 38: SUNRISE
CHAPTER 39: MUSIC FESTIVAL
CHAPTER 40: THE SPIRIT OF MUSIC FESTIVAL
CHAPTER 41: JEALOUSY CONFESSION
CHAPTER 42 : OFFICIAL OPENING

CHAPTER 16 : QUIZ BEE

190 13 0
Od princesscelin

AVERY'S POV


At dahil tapos na ang Foundation day bumalik na sa dati ang lahat , may ibang abala na sa pag-aasikaso ng kanilang thesis, may ibang nakatambay sa library, canteen at iba pa dahil wala silang subject ngayon, may iba namang nasa kani-kanilang classroom na at abalang nakikinig sa kanilang Professor. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang S class palace, dahil vacant namin ngayon at wala akong magawa, doon muna ako magpapalipas oras tutal nandoon din naman ang mga kaibigan ko.

Pagdating ko sa S class palace ay nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Mukhang hindi parin sila nagkakaayos. Bumalik na nga sa dati ang lahat pero mukhang hindi pa sila bumabalik sa normal, sino pa ba? Wala ng iba kundi si Ice at Humprey. Tinignan ko si Ryuu na kasalukuyang nagbabasa ng libro sa tabi ni Ice, i gaved him a look saying 'Anong meron sa dalawang 'to' he just shrugged and continue reading, mukhang wala din siyang ideya kung bakit sila nagkakaganyan. Simula kagabiㅡSimula noong umalis siya para hanapin si Humprey, nagkaganyan na si Ice. Hindi kaya'y nag-away sila nung gabing 'yon? Ipinilig ko ang ulo ko.

Normal na 'yon para sa kanila. Sabi ko sa isip ko. Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa tabi ni Astrid na mukhang abala sa pag-aayos ng kanyang make-up kit.

"Hindi mo ba nahahalata?"

"Ang alin?" Tanong ni Astrid sa 'kin. Tumigil siya sa ginagawa niya tsaka niya ako hinarap. Tinuro ko si Ice at Humprey gamit ang nguso ko, 'di naman ito nagdalawang isip na tignan ang dalawang kaibigan namin na pinalilibutan ngayon ng kakaibang aura.

"Hindi"

"Nababaliw kana ba? Ang ibig sabihin ni Babeㅡ" Binigyan ko ng isang malakas na suntok si Adrian sa kanyang braso dahil sa biglaan niyang pagsulpot sa tabi ko.

"Babe naman , ano na naman bang ginagawa ko sa'yo" Huminga ako ng malalim tsaka ko siya tinapunan ng isang matalim na titig. "Ambad niya sa akin Astridddd. Wahhhh, Wala ngayon sa sarili si Ice para iligtas ako. Astrid tulungan mo akoooo" Maktol ni Adrian sabay hawak sa kaliwang braso ni Astrid. Pinagtawanan lang siya ni Kerbie, samantalang si Astrid naman ay gulat na gulat dahil sa ginawa niya. Urgh! Hindi ko alam kung bakit o paano siya nagkaroon ng ganitong ugali. May sira na yata 'tong lalake na 'to.

"Pwede ba tumahimik ka!" Sigaw ko kay Adrian na kasalukuyan paring nakahawak sa braso ni Astrid. Inis akong tumayo sa kinauupuan ko tsaka ko siya kinaladkad palayo sa kanila. Hindi ko na alam kung paano linisin yang kalawang sa utak mo. Nag-ngingitngit kong sabi sa isip ko. Nakakainis kana Radian!

"Pero love mo naman ako diba?"

"Manahimik ka! Sinabi ko bang pwede mong basahin ang nasa isip ko!?"

"Pero , babe kita" Naikuyom ko ang kamao ko sa inis.

Magsasalita na sana ako nang biglang may kumalabit sa akin. "Uhh? Excuse me? Nandito ba si Ice?" Napunta sa taong 'yon ang atensyon naming dalawa ni Adrian. Kinilatis ko siya mula ulo hanggang paa. He look so familiar to me.

"Hindi ba ikaw yung Justin kahapon na bigla nalang yumakap kay Ice?" Naikunot ko ang noo ko sa sinabi ni Adrian. Yeah i think he's that guy.

"Y-yeah?" Nauutal na sagot ni Justin sa tanong ni Adrian.

"Bakit mo siya hinahanap?"

"Babe wag mo naman siyang tarayan"

"Pwede ba manahimik ka! Isa pa! Sisipain na kita!"

"Uh? G-Gusto ko l-lang k-kasingㅡ"

"Chill bro, Alam kong maganda si Babe ko pero hindi mo kailangang mautal" Napasapo nalang ako sa ulo ko dahil sa inakto ni Adrian. Mas mabuting hindi ko nalang siya pansinin. I cleared my throat tsaka ako lumapit kay Justin. Hindi ko maiwasang humanga dahil sa itsura niya, mag-simula sa matangos niyang ilong hanggang sa mapupungay niyang mata at mahahaba niyang pilikmata. Hindi
nakakapagtaka kung bakit maraming babae ang nakakandarapa sa kanya.

"Ituloy mo, wag mo siyang pansinin" Maawtoridad kong sabi kay Justin. Inilayo ko kay Justin si Adrian para makapag usap kami ng maayos, pero nagpupumiglas ito kaya mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakahawak ko sa braso ni Adrian.

"Uhh? Ano kasi" Nakayuko nitong sabi.

Wala ngayon sa sarili si Ice kaya sigurado akong hindi lang din siya papansinin no'n hanggang sa matapos ang araw na 'to. I need to do something. Ako na ang bahala dito , Ice. Sabi ko sa isip ko tsaka ako tumango. Kailangan kong magsinungaling sa lalakeng 'to, para lang din naman sa kanya 'tong gagawin ko.

"Tell me, anong dahilan kung bakit mo siya hinahanap"

"Gusto ko sanangㅡmagpasama sa kanya na pumunta sa principal's office" Nalaglag ang panga ko dahil sa naging sagot niya.

"Hmmm, Gusto mo samahan na kita? Puntahan natin si Ice!" Nakangiting sabi ni Adrian at hindi lang 'yon dahil may pasuntok sa ere pa siyang nalalaman. Naikuyom ko ang kamao ko at pinanliitan siya ng mata, binigyan ko siya ng isang malakas na suntok dahilan para tumilapon siya sa di-kalayuan. Opps! Napalakas yata. Nah? Nevermind. Ok na sana kanina akala ko magp-prisinta na siyang samahan si Justin papuntang Principal's office pero parang kinalawang na naman yata ang utak niya.

"N-Nakakatakot" Nanginginig na sabi ni Justin. Napahakbang ito paatras dahil sa takot. Mukhang natakot siya kanina sa ginawa ko.

"Ako nalang" Humalukipkip ako tsaka ko siya tinignan ng diretso sa mga mata niya.

Napapikit ito ng mariin at lumunok.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Nauutal nitong tanong sa akin.

Napabuntong hininga ako tsaka ko nilapit ang mukha ko sa kanya. I gave him my sweetest smile, dahil doon ay nawala ang takot sa mukha niya pati narin sa mga mata niya.  "Busy si Ice ngayon at Sigurado akong hindi siya papayag sa gusto mo. Kaya kung ok lang sa'yoㅡako nalang ang sasama sa'yo papuntang Principal's office" I suggested. Mabuti nalang at mabilis siyang kausap.

Papunta na kami ngayon ni Justin sa Principal's office. Sumama din sa amin si Adrian dahil gusto niya daw akong makasama. Err? Creepy. Lagi ko naman siyang kasama eh.

"Avery , Pwede ba akong magtanong?"

"Alam mo kahit naman sabihin kong hinde magtatanong at magtatanong ka parin" I mumbled and smirked. Nakita ko gamit ang peripheral view ko ang marahan niyang pagyuko. Napabuntong hininga ako, hindi naman ako gano'n kasama, i felt guilty sa pagsusungit ko sa kanya so I decided na pagbigyan siya.

"Go on" Bored kong sabi.

"Lagi bang busy si Ice?" Good question boy. Humalukipkip ako tsaka ako umaktong may iniisip. Pero bakit parang hindi ko naman na kailangang mag-isip. Lagi naman talagang busy 'yong babae na 'yon. Natawa nalang ako sa isip ko.

"Yeah" Tipid kong sagot sa tanong niya. Tumango-tango lang siya at hindi na nagsalita pa. Tumigil kami sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng isang double door, i was about to knock the door but i suddenly heard Principal's voice saying something important.

"I think it's time to choose, Kung sino sa kanila ang sasalang sa nalalapit na Quiz bee. S class is not just for nothing. We need to challenge S class"  Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. I've no idea what they're talking about, pero bakit bigla nalang akong nakaramdam ng kaba at takot. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Bigla nalang nagkaroon o nabuong tanong sa isip ko. Para saan nga ba talaga ang S class? Bakit kailangan nilang buohin ulit ang S class?

"Bakit?" Tanong ni Adrian, dahil doon ay bumalik ako sa realidad. Umiling ako bilang sagot. Sinenyasan ko siyang lumayo na muna sila na mabilis naman nilang sinunod. Tinignan ko muna ng maiigi yung pinto na para bang nakikita ko silang nag-uusap bago ako lumapit sa kanilang dalawa.

"Sa tingin ko, hindi pa pwedeng pumasok dahil may kausap pa si Principal. Kung ok lang sa 'yong mag-antayㅡ"

"Ganun ba? S-Sige, Hindi naman ako nagmamadali" Nakangiting sabi ni Justin, dahil doon hindi ko natuloy ang sasabihin ko.

"Bakit biglang nag-iba yang timpla ng mukha mo?" Tanong ni Adrian sa akin. I gave him a smile at marahang tumungo. WhyㅡWhy i'm feeling like this? Ikinuyom ko ang kamao ko tsaka ako huminga ng malalim.

Pagkatapos naming mag-antay ng kalahating oras ay sa wakas lumabas na siya, i think hindi nararapat sa kanya ang word na 'siya', should i say the Founder of this school?  I didn't know what they're freaking thinking right now, the hell? Bakit pareho silang nakangiti?

"Ow? Hi there Avery, Good to see you" Nakangiting sabi ni Madame Victoria. I greeted her back with a smile. Ganun din ang ginawa ng dalawa kong kasama. Binigyan niya kami ng isang matamis at malapad na ngiti bago niya napagdesiyonang magpaalam sa amin na aalis na siya, dahil marami pa daw siyang gagawin. I nodded tsaka ako tumungo to show some respect.

Pagpasok namin sa loob ng Principal's office sinalubong kami ng liwanag na nanggagaling sa glass window, napapikit ako ng mariin, 'di nagtagal ay naidilat ko din ang mga mata ko.

- -

CIERIN'S POV

"Ice? Kanina ka pa tulala diyan, Kailangan mo daw itong ipunta sa faculty sabi ni Sir" Rinig kong sabi ni Avery. Napabuntong hininga ako tsaka ko siya tinignan ng diretso.

"Saan pala kayo galing kanina?"

"Good to hear naman at napansin mo ang pagkawala namin kanina. Hmmm? May sinamahan lang kaming new student, hindi niya alam kung saanㅡTeka? Saan ka pupunta?"

"Sa faculty" Nasa malamig na tono kong sagot sa tanong ni Avery. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad. Tahimik kong tinahak ang daan papuntang faculty, wala man ako sa sarili ngayon rinig ko parin ang bulungan at usapan ng mga babaeng nakatambay ngayon sa hallway, but I don't care. Humigpit ang pagkakahawak ko sa papers na hawak ko dahil sa inis. Nakakainis lang matapos niya 'yong gawin sa akin! Urgh! Parang wala lang 'yon sa kanya! How dare him! Pervert!

"Uhh? Ice, watch out" Nanlaki ang mata ko sa sunod na nangyari. Naramdaman ko nalang ang sarili kong nagpagulong-gulong pababa sa hagdan.

"Hey? I think she's not fine" Damn you people. Sa tingin niyo ok ako matapos kong mahulog 3rd floor to 1st floor. Urghhh! Ipinikit ko ng mariin ang mata ko ng may naramdaman akong pagkirot sa katawan ko. Huminga ako ng malalim tsaka ko napagdesiyonang tumayo na at muling ipagpatuloy ang aking paglalakad.

"What the h**k? She's totally fine?! Paanong nangyari 'yon?" I heard some gasped and murmured around me but I didn't bother. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa matungtong ko ang faculty. Finally. Matapos kong maiabot sa isang Professor ang papers ay naglakad na ako palabas ng faculty, hindi pa ako nakakasampung hakbang ng biglang may narinig akong word na nakapagpatigil sa akin.

"Ang S class? Pero bakit ang S class na naman?" Lalapit na sana ako sa dalawang Professor na nag-uusap nang biglang may humila sa akin palabas ng faculty. Pagkatingin ko sa kanya nag-init ang mukha ko, i think I'm turning into tomato again.

"Ano bang tumatakbo ngayon sa isip mo at kahit hagdan hindi mo na napansin?!" Rinig kong sabi ni Timothy at base sa tono ng boses niya ay nanginginig ito sa galit at mukhang pagod na pagod, inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang pawisang si Timothy.

"Yah! Bakit mo ba ako kinakaladkad na naman!" Inis kong sabi. Imbes na bitawan ang kamay ko ay bigla nalang niya akong niyakap ng sobrang higpit.

"What are doin' Timothy? Ang daming nakatingin sa atin"

"I don't care about them, i care 'bout youㅡMs.Second Placer" Dahil doon ay itinulak ko siya palayo sa akin. Kunot noo niya akong tinignan, he gave me a look saying 'Ano na naman'. Napaismid ako at nauna ng naglakad. Pagdating ko sa classroom namin ay sinalubong ako ni Avery at Ryuu, looking at their face mukhang nag-alala din sila.

"Hey! Ice? Anong problema?" Kunot noong tanong ni Avery sa akin. I just shrugged at naupo na sa desk ko. Napunta sa pinto ang atensyon naming lahat nang bigla itong magbukas at iniluwal nito ang nakakunot noong mukha ni Timothy.

"You ok? Humprey?" Tanong ni Kerbie kay Timothy. Pinagmasdan ko lang at inantay ang sunod na mangyayari.

"I'm fine" Inilapit ni Timothy ang mukha niya kay Kerbie, nanlaki ang mata ko dahil doon. Pero hindi ko na kinaya pa yung sunod na nangyari. He just damn errr? Kiss Kerbie?!

"What the hell are you doin' Humprey?" Tanong ni Ryuu kay Timothy. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako papunta sa pwesto ni Timothy tsaka ko siya binigyan ng isang malakas na sampal.

"You pervert!" Sigaw ko pero binigyan niya lang ako ng isang ngiti. Ngiting hindi ko maipaliwanag, mukhang nasasayahan pa siya sa ginawa ko. Psycho! "Matapos mo akong halikan isusunod mo si Kerbie?! Pervy!" Nag-ngingitngit kong sabi hindi ko man lang narealize kung ano yung sinabi ko. Napasapo ako sa ulo ko at napakagat sa labi.

"Anong sabi mo?" Kunot noong tanong ni Avery sa akin.

"Nahhh , It's nothing. It was just a friendly kiss" Natatawang sabi ni Timothy. Nalaglag ang panga ko nang bigla nalang nawalan ng malay si Kerbie.

"Ghad! Ryuu, do something" Natatarantang sabi ni Avery at Astrid.

- -

Nasa S class palace kami ngayon ni Avery. Patuloy lang akong pinapaulanan ni Avery ng matatalim na titig, para akong isang batang pinapagalitan ng kanyang Mommy ngayon.

"Lets talk , Ice"

"T-Tungkol saan?"

"About that kiss thingy you mentioned"

"Hindi ba sinabi niya na kaninaㅡ"

"Kaibigan mo ba talaga ako?" Avery verified.

"Yes ,of course" I murmured again and again. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi para pigilan ang nangangamba kong paghikbi.

"Kung kaibigan mo nga ako bakit ka nagtatago sa akin?! Bakit? Kaibigan ba talaga ako sa'yo?" She asked. "Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala, Hindi mo alam kung gaano ako natakot na baka bumalik ka sa dating ikaw" Doon na tuluyang tumulo ang luha ko. I'm sorry. Tumayo ako sa kinauupuan ko tsaka ko niyakap ng sobrang higpit si Avery. Ilang minuto ang tinagal ng pagkakayakap ko sa kanya. Napakunot noo ako nang may naramdaman akong yumakap sa aming dalawa.

"Group hug!" Err?! Adrian?! Alam ko na kung ano yung sunod na nangyari. Natawa nalang ako sa kanilang dalawa tsaka ako napakamot sa ulo ko. A True Friend, huh?

"Hey guys!" Kumakaway na sabi ni Astrid. Kuminang ang mga mata ko sa nakita kong kasama ni Astrid.

"Kerbie?" Nakangiti kong sabi. Tumakbo ako papunta sa pwesto nila tsaka ko siya niyakap ng sobrang higpit.

"Wait! Ice!"

Bigla akong kinilabutan nang biglang may humawi sa buhok ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap at pagkatingin ko kay Kerbie nalaglag ang panga ko.

"Meron siyang split personality, Oras na may hahalik sa kanya magiging isang manliest person siya!" Nakangiting sabi ni Astrid. Mukhang tuwang tuwa pa siya sa nangyari sa kapatid niya i mean kambal niya.

"Damn , Nagsisisi akong hinalikan ko siya"  Hinihingal na sabi ni Timothy. Namalayan ko nalang na nasa likod ko na si Avery at Adrian.

"Bakit?"

"Ibang version siya ni Kerbie, He's not the cute Kerbie we know"

"Woahhhh , Cool" Literal na naghugis puso pa ang mata ni Adrian habang sinasabi 'yon.

"You're Ice , right? You are so beautiful" Napahakbang ako paatras dahil sa inakto ni Kerbie. Tinignan ko si Timothy and I gave him a look saying 'Help me'. Palapit na kasi sa akin ang creepy na si Kerbie. Mabuti nalang at naging mabilis si Ryuu. Pumagitna siya agad sa aming dalawa ni Kerbie.

- -

AUTHOR'S NOTE : HI FAIRIES 😊✨ HOW ARE YOU GUYS? BTW? HOPE YOU ENJOY THIS CHAPTER , DON'T FORGET TO VOTE OR COMMENT FOR MORE INFO. CHAR! FOR THE FEEDBACK THANKS 😍 I LOVE YAH ALL 😘 THANKS FOR READING. AND AGAIN HAPPY 1k Read. 🎉🎉🎉

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
177K 3.3K 74
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
334K 22.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...