Idiots in Love (BxB, COMPLETE...

By deuceiv

329K 11.5K 2.3K

Bata palang si Ridge, gustung-gusto na niya ang kaibigang si Zamiel. Nangyari iyon nang mapagtanto niya kung... More

IDIOTS IN LOVE
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
EPILOGUE
Special: Coffee Shop AU
Special: Lazy Romantic Weekend
A PLEASANT SURPRISE
HAPPY BIRTHDAY, ZAMIEL

Kabanata 4

7.6K 387 45
By deuceiv

KABANATA 4

MABILIS lumipas ang oras. Iyon ang bagay na sigurado si Ridge.

Parang isang kisapmata lang, ang laki kaagad ng time skip mula noong nakuha niyang umamin kay Zamiel. At tulad ng inaasahan niya, mabilis din nitong nalimutan ang mga salitang binitawan niya.

Ngunit wala roon ang atensyon ni Ridge kung hindi sa papalapit nang flight ng mga Chastain pabalik sa Canada.

"Zamiel, hindi ako makahinga."

Iyon ang naibulalas ni Ridge habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap ni Zamiel. Parang kulang nalang kasi, ipasok na rin siya nito sa maleta.

"'Di mo 'ko pwedeng isama sa Canada. Pwede bang bitawan mo na 'ko?"

"Ayaw. 'Pag natawag na flight namin, 'di na kita makikita."

Parang bata samantalang ang dami namang pupwedeng means of communication sa oras na umalis ito.

"May skype pa," Sarkastiko niyang sagot, "May video call na rin sa facebook. Limot mo na ba?"

"Ayaw."

Matapos sabihin iyon, mas humigpit ang yakap nito sa kanya. Ibinaon din ng binata ang ulo sa pagitan ng leeg niya.

"Ayoko na umalis. Dito nalang ako."

Napangiwi siya sa iniaakto ng kaibigan kaya mabilis siyang bumaling kay Zachariel na kanina pa sila tinatawanan.

Wala na siyang choice. Ayaw niyang makidnap.

"Zach, tulong naman."

"Ba't ka humihingi ng tulong doon?!"

Iyon palang ang nasasabi niya pero iniangat kaagad ni Zamiel ang ulo para singhalan siya.

"Oo nga," Sabad naman ni Zachariel bago sila muling tinawanan, "Ba't ka sa 'kin? 'Yan nga boyfriend mo!"

Boyfriend. Naiikot ni Ridge ang mga mata nang marinig ang salita na iyon.

Kung hindi pa alam ni Zachariel (he doubts that he does not know. Tanda niyang nagkwento siya rito), nabasted siya.

"Dali na, Zach. Baka imaleta na 'ko ni Zamiel," Pagmamakaawa niya.

"Hindi 'yan."

Si Aaron ang sumagot para kay Zachariel. Tinapunan din nito ng masamang tingin si Zamiel na parang linta kung kumapit sa kanya.

"Subukan ka lang imaleta niyan, 'di na aabot sa Canada 'yan."

Bumuntong hininga siya nang lumapit ang ina nila kay Aaron at saka piningot ang kuya niya.

"Ilang taon ka na Aaron, 'di mo pa rin na mapigilang asarin 'yang sina Zamiel 'no?" Anito.

Hinihimas ni Aaron ang tenga na bumaling sa ina nila, "Mama naman, asungot eh!"

"Paanong naging asungot 'yan samantalang 'di na niyan 'yang si bunso? Hala, sige, Aaron!"

"Mama 'wag mo na 'kong awayin?!"

"Anong asungot?" Bulong naman ni Zamiel kung kaya naman napukaw ang atensyon niya, "Ang bait ko eh."

Mahinang natawa si Ridge at hinawakan ang ulo ni Zamiel para tapikin.

"Mas babait ka 'pag binitawan mo 'ko."

"Ah, ibang usapan 'yan."

Matamis ang ngiting ibinigay sa kanya ni Zamiel. Naniningkit din ang mga mata nito ngunit bakas ang inis mula sa mukha ng binata.

"Sabi ko sa 'yo 'pag binitawan kita, 'di na ulit kita mahahawakan."

Napapailing na napatingin si Ridge sa mga magulang nila na nag-uusap usap na

Bahala na itong si Zamiel, pinaninindigan talaga nito ang sinabing hindi ito bibitaw.

Sana all masaya, iyon ang naisip niya.

Dahil ito siya, trapped sa kung anumang lugmok at malungkot na ambient na binibigay ni Zamiel. Sinilip pa niya ang kaibigan at naabutan lang itong nakatitig sa kawalan.

Ayaw talagang umalis.

Inihilig niya ang ulo sa balikat ng binata at niyakap na ito pabalik. Huling araw na kaya tulad nito, susulitin na rin niya.

"Mamimiss mo 'ko."

Hindi tanong iyon. Inaasar siya ni Ridge at hindi na nagulat pa nang hilain ni Zamiel ang buhok niya.

"Uuwi ka pa rin naman tuwing bakasyon, kamo?"

"Hindi na raw. Tapusin daw namin bago kami umuwi rito."

"Tapusin ang ano?"

"Mag-aral."

Nagkibit balikat siya at saka muling ibinaon ang mukha sa leeg ni Ridge. Wala na siyang pakialam kung napansin ba nito na bumagsak ang mga balikat niya sa pagkadismaya.

"Kung uuwi ako, baka lgpas bente singko na tayo niyan."

Bente singko? Ang tagal noon. Mukhang hindi talaga maiiwasang mangulila siya kay Zamiel sa mga susunod na tao.

"Baka kasal na rin ako," Wala sa sarili niyang naibulalas.

Hindi niya rin lolokohin ang sarili dahil naramdaman niyang matigilan si Zamiel at humigpit ang hawak nito sa suot niyang t-shirt.

"O 'di kaya 'pag ikaw umuwi, may dala ka na ring asawa't anak."

Pero bakit niya ba ito sinasabi? Siya lang naman ang nasasaktan.

Nag-isang linya ang mga labi ni Ridge bago bumuntong hininga. Tignan mo, siya rin ang nananakit sa sarili niya.

He would probably commit suicide if Zamiel comes back with an own family.

Dahil ngayong sinasabi palang niya, iba ang kirot. Hindi niya maipaliwanag.

Pero paano naman kung nakamove on na siya kapag wala na ito? Hindi niya malalaman kung anong mangyayari sa mga susunod na taon.

"...asawa."

Kumunot ang noo ni Ridge nang mapagtantong nagsasalita pala si Zamiel. Hindi niya iyon nahabol kaya itinulak niya kaunti ang binata para makita ang mukha nito.

"Ano? 'Di ko narinig."

Sinimangutan siya ng kaibigan bago ito umiling, "Ang sabi ko, 'di pa 'ko interesado mag-asawa."

Blangko ang mukhang tinitigan niya ang binata. Malamang. Kinse palang siya, samantalang ito, diseseis.

"Oo naman, bata pa tayo eh. Kaya wala pa 'yan sa isip mo."

"That's not what I mean."

Matalim ang titig ni Zamiel sa kanya ngunit kalaunan ay bumuntong hininga ito.

"Wala 'kong pakialam sa pag-aasawa. Ang akin, makuha ko lahat ng pinangarap ko."

Ridge stared at Zamiel incredulously. Kasama naman kaya siya sa mga pangarap nito?

Pero mali. Bakit ba siya aasa ng ganyan? Liban sa pagiging kaibigan niya kay Zamiel, wala naman itong ibang gugustuhin sa kanya.

"Pangit mo. Pustahan nalang tayo na uuwi kang may anak."

"Baka ikaw ang may asawa't anak pag-uwi ko."

Napangisi si Ridge kahit dama niya ang bigat at sakit ng mga sinasabi nila sa isa't isa. Sana makamove on na siya kapag wala na 'to.

Sana.

Natahimik silang dalawa nang marinig nila ang flight nina Zamiel na i-announce. Dali-daling kumilos ang mga magulang nila. Pati na rin si Zachariel, pero si Zamiel, mukhang nagdadalawang isip pa rin na bitawan siya.

"Tinawag na kayo, Zamiel.

Inalis ni Ridge ang pagkakayakap ni Zamiel sa kanya.

"Ingat kayo."

Bahagyang ginulo ang buhok nito bago niya ito nginitian. Sandali niyang tinitigan si Zamiel at sa huling pagkakataon, minememorya niya ang itsura nito sa personal.

Samantalang si Zamiel, nakayuko lang at marahang tumango.

"Zamiel, tara na!" Tawag ng kakambal dito bago bumaling kay Ridge at kumaway, "Ingat Ridge! Balitaan mo kami 'pag maggigirlfriend ka na!"

Nginiwian niya lang ito bago siya humarap ulit kay Zamiel at itinulak na ang binata.

"Punta na ron."

"Ridge..." Natigilan siya nang garalgal na ang boses ni Zamiel, "Ayoko na umalis."

"Ano ka babae?" Mahina siyang natawa saka muling itinulak ito, "'Wag kang pabebe. Punta na ron."

"Ridge..."

"Zamiel, tara na!" Tawag ng ina sa kanya, "Mahuhuli na tayo sa flight."

Nginisian niya sa huling pagkakataon si Zamiel at itinulak ulit ito. Walang buhay, walang lakas, parang ayaw na rin itong paalisin.

Tinitigan siya ni Zamiel sandali bago rin ito mapait na ngumiti.

"Skype 'pag nakarating ka na," Iyon ang nasabi niya bago tinapik si Zamiel, "Punta na ron."

Hindi na sumagot si Zamiel at tinalikuran na si Ridge bago sumunod na sa pamilya.

Tinatawanan siya ni Ridge pero hindi rin niya maitatangging ayaw niyang umalis ito.

Kung pwede lang na hilain ito pabalik, bakit hindi niya gagawin?

Nanatili ang pamilya nila sa airport hanggang sa mawala na ang mga ito sa paningin nila.

Kanina pa ring pino-point out ni Aaron na parang tuta na pinalayas si Zamiel tapos ay tatawa ito na parang sira ulo.

Pero walang pumansin dito.

Nahigit pabalik si Ridge sa huwisyo nang umakbay sa kanya si Gian. Yumuko pa ito para siguruhing maayos ang itsura niya.

"Ano, ayos ka lang?" Anito.

"Oo naman, bakit?"

Umiling ito, "Anong balak natin sa college? Nag-enroll din kami ni Leon sa eskwelahan mo. Iba-iba lang tayo ng course."

"Faithful niyo sa 'kin. Lider na ba 'ko?"

Sabay silang natawa.

Sumunod na rin sila sa pamilya ni Ridge nang makitang naghahanda na ang mga ito na umalis. Hindi rin kasama nina Leon ang mga magulang dahil hindi sumakto sa schedule ng mga ito, kaya pamilya niya ang nagdala sa dalawa.

"Anong course ninyo ni Leon?"

"HRM 'yon. Alam mo na bakit. Business Ad naman ako."

Kunot noong tinitigan niya ang binata nang may maalala. Kailan nga pala nag-enroll ang mga ito sa eskwelahan niya?

"Ba't 'di tayo sabay-sabay na nag-enroll?"

"Quality time niyo ni Zamiel non eh," Natatawang sagot nito, "May sched ka na ba? Sabay-sabay tayong pumasok."

"Sige. Sabay-sabay tayong maligaw."

"'Yon! Sabihan ko na si Leon!"

Binitawan siya ni Gian noon at humabol kay Leon. Mukhang ibinalita na nito ang napag-usapan nilang dalawa.

Pero hindi na niya iyon pinansin, sa halip ay tumabi siya kay Aaron na ginulo rin ang buhok niya nang mapansin siya.

"Anong gagawin mo niyan? Wala na si Zamiel," Ito naman ang nagtanong ngayon.

Hindi nag-abala si Ridge na tignan ang nakatatandang kapatid. Sa halip ay nagkibit balikat siya at humikab.

"Matulog, umasang gagraduate."

Tinawanan siya ni Aaron pero hindi na ito nagkomento pa ukol sa sagot niya.

Pero kung magpapakatotoo si Ridge, hindi na rin niya alam kung anong gagawin ngayong wala si Zamiel.

Ngunit hindi ba at ito ang gusto niya?

Na malayo sila sa isa't isa para makalimot siya. Pero bakit para siyang nakukulangan ngayon? Parang may nagnakaw ng malaking parte ng buhay niya.

"You don't look okay."

Iyon ang narinig niya kay Aaron habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe. Mahina lang iyon kaya naman hindi niya kailangang mag-alala kung sino ang makikinig sa kanila.

"Naninibago lang ako. 'Di ko na makikita si Zamiel."

"Sabi naman ng asungot, uuwi siya 'di ba? Makikita mo pa 'yon."

Napatitig siya sa kawalan dahil hindi. Si Zamiel na mismo ang nagsabi sa kanyang hindi na uuwi ang mga ito tuwing bakasyon.

"Pero iba talaga 'pag gusto mo 'yong taong umalis. Para kang namatayan, ninakawan."

Hindi siya nakasagot. Sa halip ay inihilig niya ang ulo sa bintana ng kotse nila. Tinatanaw pa rin kung ano ba ang nadadaanan nila sa byahe.

"Ayos lang. Sabi ko rin naman, lilimot na 'ko."

"Pero makakapagmove on ka ba?"

Sinuklay ni Aaron ang buhok niya bago ito muling bumuntong hininga. Nakikita niya rin mula sa repleksyon nito ang pagkaaliw.

"Baka mamaya, mas lumalim lang nararamdaman mo."

"'Wag mo nga 'ko isumpa, kuya."

"Pero isipin mo rin na kung sobrang lalim na niyang nararamdaman mo para kay Zamiel. Iyong tipong wala nang pag-asa na makaahon ka, mahihirapan kang makalimot."

Kumunot ang noo ni Ridge bago ipinikit ang mga mata. Mukhang boses ni Aaron ang magiging dahilan ng pagkaantok niya.

"Bata ka pa naman, malay mo, mababaw lang pala 'yan. Saka ka na kabahan 'pag habang tumatagal, mas lumalala epekto ni Zamiel sa 'yo."

Kapag lumalim pa kahit wala si Zamiel? Hindi niya alam kung posible iyon. Ang pakiramdam niya kasi ay dahil wala na ito, hindi na rin lalalim ang nararamdaman niya.

"'Pag nangyari 'yon at 'di mo na talaga alam gagawin mo."

Tumigil sandali si Aaron sa pagsasalita bago huminga ng malalim.

"Kung 'di mo rin magawang umamin kay Zamiel, huminga ka lang. Malalaman mo rin kung paano ka makakaligtas."

Iyon ang huling narinig ni Ridge bago siya nilamon ng antok. Naaalala niya ring hindi sang-ayon ang isipan niya sa sinasabi nito ngunit sino ba siya para pangunahan ang tadhana?

Ridge Gonzales clowned himself about moving on at age sixteen.

He fooled himself too much that he took irrational movements which plunged him to addiction.

Because to be honest, dating random people, having one night stands, and breaking other hearts was never on Ridge's plan.

But he cannot stop messing around anymore.

Hindi niya sasabihing nagsisisi siya dahil una palang, ito ang gusto niya. Dahil magmula noong umalis si Zamiel, napagtanto niyang hindi na talaga biro ang nararamdaman niya para rito.

Hindi na gagana kay Ridge iyong mga simpleng, hinga ka lang, makakamove on ka rin. Dahil sa tuwing ginagawa niya iyon, mas lalo lang siyang nasasakal.

Mas nahihirapan siyang kumawala sa pantasyang tatanggapin nito ang nararamdaman niya.

Dahil hindi. Imposible iyon.

Ridge is already twenty-six this year, a renowned model—which he certainly did not plan—and yet he still fawned over his heterosexual childhood friend.

Zamiel Chastain:
Hey Ridge, I can't call you tonight. Danica called me for an emergency.

Bumitiw siya ng malalim na buntong hininga bago napahilamos ng mukha para kumalma.

Wala siyang karapatan na magselos dahil wala naman siyang pag-asa kay Zamiel. Pero hindi niya mapigilan ang sarili.

Kusang lumalabas ang pangit na parte ng pagkagusto niya rito.

Ridge Gonzales:
Ok. Tc.

Niloloko niya nalang talaga ang sarili. Kaya siya gumagawa ng kagaguhan ay para makalimot kay Zamiel. Kaya siya naghahanap ng iba ay dahil umaasa siyang may tutulong sa kanya upang makaahon mula sa pagkabaliw.

Pero wala. Ito si Ridge habang miserableng nagmamahal kay Zamiel.

Umahon siya mula sa kama bago lumabas ng kwarto kahit hindi pa nakakapaghilamos.

Kaagad niyang hinanap si Aaron.

"Kuya? Umalis ka na ba?"

Hindi na siya kumatok sa pinto ng kwarto nito at walang pasabing binuksan iyon. Saka niya naabutan ang nakatatandang kapatid na naghahandang umalis.

Noong mapansin siya, kunot-noo itong humarap sa kanya.

"O, gabi na, ah? 'Di ba dapat kausap mo si Zamiel ngayon?"

Imbes na sagutin ang tanong nito ukol sa kababata niyang mukhang nakikipaggood time rin sa iba, nagtanong siya pabalik.

"Aalis ka na ba?"

Naguguluhan man ay umiling ito, "Mamaya pang kaunti. Bakit, sasama ka?"

Tumango siya, "Hintayin mo na 'ko. Mag-aayos lang ako."

"Teka, ano? Magbabar ka? Akala ko tatawagan ka ulit nong asungot mong barkada?"

Sumagitsit siya at tinapunan ng masamang tingin ang kapatid, "Akala ko rin."

Narinig ni Ridge na may itanong pa si Aaron ukol sa biglaang pagbabago ng schedule niya ng gabing iyon pero hindi na niya pinansin pa.

Sa halip, dire-diretso siyang pumanhik ng kwarto at nag-ayos.

Nagpalamig siya roon. Halos isang oras din siya sa banyo bago lumabas at nagbihis, pero kinuha niya muna ang celphone para magtext sa manager ukol sa susunod niyang photoshoot niya.

Ngunit matapos magsend ng mensahe, napukaw ang atensyon niya ng reply ni Zamiel.

Zamiel Chastain:
I'll return by 4am PST. Let's play GTFO.

"No thanks," Naibulalas niya.

Hindi niya ito nireplyan at napagdesisyunang na iwan ang celphone dahil baka istorbohin pa siya ni Zamiel.

Wala siya sa mood na kausapin ito. Lalo na at may binanggit itong pangalan ng babae.

Assistant nurse ba niya iyon? Wala na siyang pakialam, maghahanap nalang din siya ng ibang gagawin kaysa maghintay.

Ito ang pangit na katotohanan para kay Ridge, ang pagseselos niya kahit wala siya sa lugar.

At hindi niya maintindihan. Madalas siyang mawalan ng gana dahil sa ganitong mga sitwasyon, pero bago matapos ang araw, kay Zamiel ang uwi niya.

Pinipili ng pinipili kahit na walang pag-asa.

Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig na may kumatok ng kwarto niya. Pagbukas, niluwa noon si Aaron.

"Dalian mo naman Ridge, magbihis ka na. Alas diyes na."

Mahina siyang natawa, "Ito na. Tinext ko lang manager ko."

"Tungkol saan?"

"Paparesched ko photoshoot ko bukas."

Namamanghang napatitig sa kanya ang kapatid bago napailing. Mukhang pilit na inaalam ang dahilan ng pagbabago ng mood niya.

"Ayos ka lang? Siguradoh lasing ka na naman bukas! O 'di naman kaya, amoy sex."

"Tanghali naman akong pupunta. Basta ang sinabi ko bukas nalang."

Noong hindi na nakatiis ay sumandal si Aaron sa pintuan ng kwarto niya at ineekis ang mga braso.

"Umamin ka nga, may nangyari ba sa inyo ni Zamiel?"

"Wala."

Dahil wala naman talaga. Siya lang itong magulo at hindi mapigilan ang sarili.

"May emergency lang 'yon sa trabaho."

"O, bakit ka parang heartbroken kung kumilos?"

"Wala ulit."

Hindi niya napansin na lumukot na pala ang mukha niya. Hindi na maipinta sa sama ng timpla.

"Labas ka. Magbibihis na 'ko para makaalis na tayo."

"Lalaki tayo pareho, nahiya ka pa?! Saka uy, magkapatid tayo!"

"La 'ko pake, labas."

Bumuntong hininga ang nakatatandang kapatid ngunit sinunod nito ang utos niya.

At noong matapos, dumiretso sila sa bar kung saan naroon sina Leon at Gian, parehong busy sa kani-kanilang ginagawa.

Ang plano rin ni Ridge noong gabing iyon ay uminom lang ngunit noong may lumapit na natipuhan niya, nag-iba ang mga plano niya at sumama rito.

Ridge wanted to distract himself from the pain of overthinking and of being overthrown.

He was never raised to be an asshole. It is just that, life happened and it screwed him up pretty badly.

And now that he stared at himself in front of the mirror, Ridge could not help it but to hiss.

Tanging boxers lang ang suot niya mula nang tumayo sa kama. Magsusuot palang din sana siya ng damit nang may mapansin sa katawan.

He saw hickeys and bite marks on his neck. Puno rin ng kalmot ang likod niya nang tignan niya. Seems like his hook up enjoyed how he screwed him.

Hindi siya sigurado kung matutuwa ba siya.

Matapos titigan ang sarili, isa-isa niyang pinulot ang damit niyang nagkalat sa sahig saka iyon isinuot. At habang ginagawa iyon, narinig niya ang pag-ungol ng lalaking kinasama niya kagabi.

"Aalis ka na ba?" Tanong nito nang mahimasmasan at makita siyang nagbibihis, "'Wag ka munang umalis. Ayaw mo ba ng morning sex?"

"That sounds tempting but I have work. Ayaw kong malate."

Iyon lang ang sabi niya bago siya tumungo sa may pinto. Nilingon niya rin ito sa huling pagkakataon bago kinindatan.

"See you again sometime, baby."

Narinig niyang pinigilan pa siya ng binata pero hindi na niya ito pinansin pa.

Wala na siyang balak na manatili para lang pasiyahin ito. Hindi na rin siya makaramdam ng init para makuhang magpalipas ng oras.

Moreover, he was not lying when he said that he has work. Tingin niya ay naapprove ang request niyang i-move ngayon ang photoshoot.

Kaya ang tanging iniisip nalang niya ay kung paano tatakpan ang mga love marks na natamo.

The ride home is smooth. Only that Ridge had to deal with his older brother when he arrived home.

Saktong pagbukas niya ng pinto sa bahay nila, nakaabang na ito. Matalim ang tingin nito sa kanya at kung pupwede lang, baka pinatay na siya nito.

"Nasaan ka kagabi?" Panimula nito bago ipinagkrus ang mga bisig, "Nalingat lang ako para bumili ng iinumin, bigla ka nang nawala sa paningin ko."

Napahawak si Ridge sa sariling batok, "Parang hindi mo alam saan ako galing."

"Right, you had another one night stand with someone. Dahil lang kay Zamiel, nagganyan ka kahit ang usapan, wala kang gana."

Bumuntong hininga ito at napailing pero gumilid pa rin para makapanhik siya papasok ng bahay nila.

"You have to do something with your self-control. 'Di pwedeng sa tuwing frustrated ka kay Zamiel, isasama kita sa bar."

Iniikot ni Ridge ang mga mata at niyakap ang sarili para makinig sa umagang sermon.

"'Di magandang coping mechanism 'yan. Baka isang araw umuwi ka tapos HIV infected ka nang ungas ka."

"Gumagamit naman ako ng protection kaya ayos lang 'yan."

Naiikot din ni Aaron ang mga mata.

"Wala akong paki sa condom mo. Ang akin, hindi ka na teenager para umasal ng ganyan."

And Aaron has a point. But he did not bother to respond.

Pumanhik siya papasok ng bahay nila pero ramdam niya ang pananatili ng mga mata ni Aaron sa kanya.

Nang hindi na niya natiis, nilingon niya ito, bakas sa mukha niya ang pagkadisgusto.

"Kuya, 'wag mo akong titigan. Tingin mo ba ay interesado ako sa incest?"

Namamanghang napatitig sa kanya ang kapatid. Mahina naman siyang natawa nang makita ang reaksyon nito.

"Gago. Dumiretso ka nalang nga sa kusina at kumain. Nag-iwan kami ng agahan mo."

At iyon nga ang ginawa niya. Noong nakita ang iniwang agahan sa kanya ng mga kapatid, kinuha niya iyon at ipinainit sa oven.

Habang naghihintay, naisip niyang silipin si Aaron. Naabutan niya ang nakatatandang kapatid na nasa sala at pokus sa pinapanood sa Netflix na hindi malaman ni Ridge kung anong title.

Ngunit hindi na niya pinatagal pa ang kailangan at tumikhim para pukawin ang atensyon nito.

Nagtagumpay siya roon dahil nilingon siya ng kapatid.

"Kailangan mo?"

"Bukas ba kwarto nina Mama?"

Nagtatakang napatitig sa kanya ang kapatid.

"Ano namang gagawin mo sa kwarto nina Mama?"

Ridge hummed, "Wild 'yong naka-one night stand ko kagabi. Maglalagay lang ako ng concealer."

Marahas na napailing si Aaron bago ibinalik ang tingin sa pinapanood.

"Sa mga make-up artists mo ka nalang magpatulong. 'Di ka naman kukwestyunin ng mga 'yon tungkol sa sex life mo."

Itinaas niya ang isang kilay, "Sarado nga?"

"Oo, sarado."

Edi wala nga siyang choice.

Ipinagkrus ni Ridge ang mga bisig. Mataman ding napatitig sa telebisyon pero wala man lang maintindihan sa pinapanood ni Aaron.

"Oo nga pala, hinahanap ka nina Mama kaya mag-explain ka mamaya sa mga 'yon."

Tumango-tango siya, "Sige."

Nang matapos mag-usap, binalikan ni Ridge ang agahan. Then he ate in silence.

Noong natapos, nagligpit siya bago pumanhik pabalik sa kwarto niya para maligo. Nagmamadali siya dahil marami pa siyang aasikasuhin, pero may demonyong bumubulong sa kanya na huwag bagalan ang pagkilos.

After all, he remained languid. Hence, he took his time fixing himself and braced himself for the worst.

Noong nasa sala naman siya ay naabutan niya si Aaron na nanonood pa rin ng Netflix.

"Kuya, pahiram naman ng susi ng sasakyan mo."

Pinasadahan siya ng tingin nito bago itinuro ang maliit na lamesa sa tapat ng couch kinauupuan niya.

"Ayan susi. Siguraduhin mong hindi ka magpapasok ng kung sinu-sino sa kotse ko. Kapag 'yan, nangamoy sex."

Hindi talaga siya tinigilan ng mga ito sa pagpapaalala, ano?

"Kakarelease ko lang kagabi, tingin mo ba may ilalabas pa ako? Saka huwag kayong OA, hindi naman ako ganon kaadik sa sex."

Lumapit si Ridge sa lamesa at mabilis na kinuha ang susi ng kotse ni Aaron. Baka kasi makuha pa nito na bawiin ang pagpapahiram sa kanya ng sasakyan.

"Mauuna na ako. Kita nalang mamaya."

"Sandali lang Ridge," Pigil sa kanya nito, dahilan para balingan niya ito, "Tinignan mo na ba messenger mo?"

Kumunot ang noo niya, "May emergency ba?"

Pinagmasdan siya ni Aaron bago ito muling bumuntong hininga. Ilang beses pa ba nito gagawin iyon?

"Nagchat nga pala iyong asungot mong kaibigan."

Pasimple siyang ngumiwi, "Tungkol saan?"

"Ano ba dapat gagawin niyo kagabi?"

"Maglaro," Nagkibit balikat siya, "Una na 'ko. Ayokong pag-usapan 'yang si Zamiel."

Hindi na sumagot si Aaron noon at hinayaan siyang umalis.

At tahimik lang sana ang biyahe ni Ridge nang tumunog ang celphone niya, dahilan para ilagay niya iyon sa dashboard upang masilip kung sino ang tumatawag sa kanya.

Nagtataka siya hanggang sa mabasa niya ang pangalan ni Zamiel.

Speaking of the devil.

The male then blew out a loud breath before he answered the call. Siniguro niyang nakaloud speaker iyon para marinig pa niya habang nagdadrive siya.

"Ridge."

At iyon palang ang ibinungad nito sa kanya ngunit pinangilabutan kaagad siya dahil napansin niyang morning voice nito ang gamit.

Napatanga siya. Muntik ding matapakan ang breaks pero pinigil ang temptasyong gawin iyon sa takot na maaksidente.

"Ridge," Ulit pang tawag nito sa kanya.

Hindi man lang talaga tinigilan ni Zamiel na asarin siya. Mukhang kagigising lang nito.

"Why are you not answering?"

Namamanghang pinasadahan ni Ridge ng tingin ang celphone bago  tumikhim para sagutin si Zamiel.

Kahit napipikon pa rin siya.

"Kakagising mo lang?"

"I took a nap. Napagod akong gawin trabaho ko," Mabilis na sagot ng binata mula sa kabilang linya, "Anong oras na ba?"

"Why not check it yourself? May orasan 'yang celphone mo."

Sandaling natahimik ang kabilang linya at lihim siyang natuwa lalo na't ayaw niya pa rin itong kausapin.

Kung alam niya lang na tatawag ito, iniwan nalang sana niya ulit ang celphone sa bahay.

"Fuck, it's 11:30 pm here. 'Di pa ako tapos sa gagawin ko," Iyon ang ibinalik nito.

"Edi gawin mo na."

"No," Mariing sagot nito, "Wala pa akong gana. Nasaan ka ngayon?"

"Papunta sa photoshoot ko."

"What do you mean? 'Di ba bukas pa 'yan?"

Nagkibit balikat siya kahit na alam niyang hindi siya makikita ni Zamiel.

"Kailangan ko ng distraction," Mahinang sabi niya, hindi na inalala kung narinig ba siya ng kaibigan.

"What?"

"Wala. Pinapalit ko schedule kagabi, tutal wala naman pala akong gagawin."

Hindi kaagad umimik ang binata. Wala ring balak si Ridge na istorbohin ang kaibigan dahil mas gusto niya ng katahimikan.

Then he heard shifting movements.

"Anong walang gagawin? Ang usapan natin maglalaro tayo ng GTFO. Nasaan ka kagabi?"

Lihim niyang inismiran ang kausap. Oo naman, pero hindi siya pumayag. Hindi nga niya ito nireplyan.

Alam niyang na nakabusangot si Zamiel pero iwinaglit niya ang imahe nito sa isipan niya.

"Somewhere… may sinabi ba sa 'yo si kuya?"

"What do you mean somewhere—"

Bumuga ng marahas na hangin ang binata bago iniba ang usapan.

"Tinanong ko lang kung nasa bahay ka ba ninyo dahil 'di kita macontact."

Tumango-tango siya, "'Kala ko may tinanong ka pang iba liban doon."

"So you knew that I called you."

Bakas ang inis sa boses nito pero hindi na niya inimikan pa.

"Damn. And I was looking forward on playing that horror game with you."

Isang pilit na ngiti ang kumurba sa mga labi ni Ridge hanggang sa ibahin ni Zamiel ang usapan.

"Wala ka pa ba sa shooting place ninyo?"

"Wala. Gawin mo na gagawin mo."

Natahimik muli ang kabilang linya pero nang tignan ni Ridge iyon, ongoing pa rin ang call.

"Zamiel, I have work."

"I know…" For some odd reason, Zamiel's voice sounded raspy, "I'd call you later."

"'Kay."

Then the male hissed, "Ridge, please. Answer the damned call later."

Hindi niya ito kinibo hanggang sa patayin nalang ni Zamiel ang tawag.

Mabuti nalang dahil na si Ridge sa shooting place nila.

At matapos kausapin si Zamiel? Nawalan siya lalo ng gana na magtrabaho. Alam niya ring mababaw siya ngunit hindi niya maitigil sa pagseselos.

Naiinis siya sa sarili pati sa kaibigan.

"At least get a goddamned hint, Zamiel. Take a hint."

Continue Reading

You'll Also Like

61.4K 2.1K 38
Eli, a warmhearted boy dreaming of experiencing romance on his youth. He's a good student, works at a coffee shop, and has a massive crush on a young...
225K 7.1K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
990K 34K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...