The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 26

89.2K 3K 826
By Maria_CarCat

Swimming Competition





Hindi nawala sa aking isip ang sinabing iyon ni Piero at ang ala alang bumalik sa akin. Mabigat ang aking dibdib habang paulit ulit na tumatakbo iyon sa aking isipan. Ayokong paasahin ang aking sarili, pero mayroon maliit na parte sa akin na nagbuhayan at nagkaroon ng pagasa.

"So hindi ka na pinapansin ni Chito?" Panguusisa sa akin ni Julie kinaumagahan pagpasok ko sa trabaho.

Inilingan ko siya habang patuloy pa din ang aking pagkain. Nakatingin lamang siya sa akin kaya naman kaagad akong nakaramdam ng pagkailang. "Oh bakit ganyan ka makatingin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Tumaas ang kabilang gilid ng labi nito. "Naku, kailangan ng magisip isip ni Piero. Dapat ay pakasalan ka na niya, kung hindi baka maagaw ka pa ng kung sino" pagbabanta niya kaya naman mahina akong napatawa.

Pinanlakihan niya ako ng mata dahil sa aking ginawa. "Totoo naman ah!" Giit niya sa akin.

Napanguso ako bago napangisi, napaiwas ako ng tingin sa kanya. Dumako anh tingin ko sa malayo bago ako napabuntong hininga. "Mas natatakot nga ako. Siguradong maraming babaeng nagkakagusto kay Piero, mas maganda at mas mayaman. Yung babaeng mas nababagay sa kanya" malungkot na sumbong ko dito hanggang sa bumagsak ang aking mga mata sa pagkain.

Napadaing ako ng mabilis niya akong hinampas sa braso. Napahawak ako duon at tsaka siya sinamaan ng tingin. "Aray ko ha, masakit iyon" reklamo ko sa kanya.

Imbes na magsorry ay nagtaas lamang siya ng kilay at mas lalong nagsungit. "Ang baba naman ng self confidence mo girl, hiyang hiya ako" mapanuyang sabi niya sa akim kaya naman napangiti na lamang ako.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Paanong hindi bababa ang self confidence ko, hanggang ngayon ay nagtatago pa din ako sa katauhan ng aking kapatid. Lahat ng ginagawa ni Piero para sa akin at para kay Sachi. Kung alam niya lang na si Amaryllis ako ay baka pinalayas na niya ako sa bahay niya at pinatapon sa kung saan.

"Komplikado kasi" mahinang sabi ko kay Julie kasunod ng isang malalim na paghinga.

Napangiwi ito. "Komplikado din pala ang love story niyong gwapo at magaganda. Hindi unfair ang life" pangaasar niya sa akin.

Malungkot ko siyang tiningnan. Unfair ang buhay.

Nawala ang gana kong kumain dahil sa naging paguusap namin ni Julie. Muli kong naisip si Piero, masaya siya ngayon, ramdam ko na muli siyang nabuhayan. Parang unti unting bumalik ang kulay ng buhay niya ng sabihin ko sa kanyang ako si Sachi. Kahit masaya ako para sa kanya hindi pa din maiwasang hindi ako malungkot, kung pwede lang...handa ulit akong makipagpalit sa kapatid ko. Para sumaya si Piero, para kay Piero.

Pagkatapos ng aking trabaho ay dumiretso na ako umuwi sa bahay. Ramdam ko ang bigat ng aking katawan, para bang apektadong apektado din ito sa bigat ng aking nararamdaman. Habang tumatagal ang araw na nagpapanggap ako bilang si Sachi at niloloko ko si Piero ay mas lalo lamang naiipon ang guilt sa puso ko.

"Sachi!" Humahangos na salubong ni Lance sa akin. Nasa may gate pa lamang ako ay ngiting ngiti na ito.

Mabilis kong nabitawan ang mga hawak kong plastick sa ipinakita niya sa akin. "Sayo na lang ito, ikaw na ang magalaga" abot niya sa akin ng isang maliit na tuta.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi habang maingat ko iyong kinuha mula sa kamay ni Lance. "Magiisang buwan palang yan, totoong shih tzu yan ha" pagmamalaki pa niya sa akin kaya naman kaagad na lumawak ang aking ngiti.

Maingat ko iyong hinawakan. Dahil sa pagkatuwa ko sa bagong alagang aso ay nawala na sa aking isip ang mga plastick na dala ko. Napatawa si Lance dahil sa pagiwan ko sa mga iyon. Siya na ang kumuha at nagdala papasok sa bahay. Marahan kong hinahaplos ang maliit na tuta nang maramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni Piero sa aking bewang.

Kaagad ko siyang nilingon para ipakita ang bago kong alagang tuta. Sandaling napako ang tingin ko sa kanya ng makita kong basa ang buhok nito. "Kakaligo ko lang, gwapo ko noh?" Pangaasar niya sa akin pero inirapan ko lamang siya.

"Yabang" sambit ko sabay tawa.

Naramdaman ko ang paninigas ni Piero sa aking tabi. "Kunwari pa amputa. Alam ko namang gwapong gwapo ka sa akin" inis na pagpaparinig pa nito kaya naman napanguso ako habang hawak hawak ang maliit na tutang natutulog ngayon.

"Ang yabang yabang talaga niya Baby..." pagkausap ko sa tuta at pagpaparinig na din dito.

Inaasahan ko nang magrereklamo siya at makikipaglaban sa akin. Pero mas lalo itong lumapit sa akin at nakitingin din sa tutang hawak ko.

"Anong ipapangalan natin sa pangalawa nating anak?" Seryosong tanong niya sa akin kaya naman dahan dahang nalipat ang tingin ko sa kanya. Diretso ang tingin nito sa tuta, seryoso siya sa kanyang sinabi.

Napabaling siya sa akin at tsaka ako pinanlakihan ng mata. "What, i'm waiting..." pagdedemand niya sa akin kaya naman muli akong napatingin sa hawak kong tuta.

Hindi katulad ng karaniwang Shih tzu na nakikita ko ay brown ang kulay nito. Itim ang paligid ng mga mata, parang maliit na daga.

Napangiwi ako. "Wala akong maisip"

Napairap ito. "Galing galing mong mag pangalan kay Rochi, tapos ngayon..." pangaasar niya pa sa akin.

Hinamas himas niya ang ulo ng tuta. "Peanut na lang. Mukha namang mani" mabilis na sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Nakapoker face lang siya habang nakatingin sa akin. "Paano naman naging mukhang mani itong Tuta?" Nakangusong tanong ko sa kanya.

Tamad niya lang akong tiningnan. "Ikaw ang nagpangalan kay Rochi, ako ang magpapangalan sa tuta. Tsaka ka na natin pagawayan to pag totong bata na ang papangalanan natin" seryosong saad niya kaya naman muli kong naramdaman ang paginit ng magkabilang pisngi ko.

"Aanakan kita ng marami. Bahala ka magpangalan, hindi ako kokontra" pahabol pa niya kaya naman napanguso ako.

Dahan dahan niya akong sinulayapan mula sa pagkakatingin sa malayo. "Ano okay na?" Mapanghamong tanong niya na para bang wala na talaga akong karapatang kontrahin siya.

Napatango tango na lamang ako. "Sige na nga, Peanut na" anunsyo ko sa panggalan ng aming bagong tuta.

Dahil sa aking pagsuko at tsaka siya matagumpay na ngumiti at inakbayan ako. "Dalhin na natin sa loob yan. Paalagaan mo sa yaya Lance niya." Natatawang sabi niya na ikinatawa ko din. Pagkatapos ay itinuro niya ako. Ikaw, alagaan mo ako" masungit na utos niya habang pilit na itinatago ang ngiti sa kanyang mga labi.

Nagkaasaran pa sila ni Lance habang naghahapunan kami. Panay kami ang tawag nito ng Yaya kay Lance bilang bagong tagapagalaga daw ng aming bagong tuta na si Peanut.

Mayroon kaming maliit na higaan para sa tuta na ipinasok ni Piero sa aming kwarto. Maliit iyong bilog at malambot, nakatulog itong nakadapa kaya naman tuwang tuwa ako habang marahan siyang hinihimas.

"Tama na iyan, nagseselos na ako sa tuta na yan. Ipapatapon ko yan" pagbabanta ni Piero na kanina pa naghihintay sa may higaan.

Kaagad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Pero tinaasan niya lamang ako ng kilay at tsaka tinapik ang bakanteng space sa kama para pahigain na ako duon. Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya. Pinapanuod niya lamang ang bawat galaw ko kaya naman hindi ko siya magawang tingnan. Gumapang ako sa kama para makaayos ng higa.

"Good" sambit niya ng tuluyan na akong makahiga.

Akala ko ay hihiga na din ito. Pero sandali siyang may kinuha sa may drawer sa gilid ng aming kama.

"Naaalala mo to?" Nakangiting tanong niya sa akin ng itaas niya ang hawak na kulay dilaw na swimming cap.

Naningkit ang aking mga mata habang nakatingin sa hawak niya. Napaawang ang aking bibig, pamilyar iyon pero hindi ko maalala.

"Ikaw ang nagregalo nito sa akin hindi ba?" Tuwang tuwang kwento pa niya sa akin. Dahan dahan kong nilingon si Piero. Mula sa kanyang mga ngiti at pagkislap ng kanyang mga mata ay nakita kong napakaimportante sa kanya ng bagay na iyon.

"I fall harder..." paos na sabi niya sa akin habang nakatingin siya diretso sa aking mga mata.

Ang bigat at intensidad ng kanyang tingin ay hindi ko kinaya kaya naman mariin akong napapikit bago ako unti unting dinala ng aking isip sa nakaraan.

(Flashback)

Araw ng sabado ng utusan ako ni Aling Imelda na magwalis sa aming bakuran. Wala si Papa dahil maaga itong pumapasok sa Hospital. "Hindi ka mamamatay sa pagwawalis" mapanuyang sabi ni Aling Imelda sa akin sabay pabalyang inabot ang hawak na walis tingting sa akin.

Napatango na lamang ako at tahimik na sinunod ang kanyang iniutos sa akin. Tulog pa ang aking kapatid na si Akie samantalang maglalaba naman at maglilinis ng bahay si Aling Imelda.

Napapunas ako ng pawis gamit ang suot kong puting tshirt. Halos mangitim ang aking paa dahil sa lupa at alikabok. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagwawalis ng may biglang humintong kulay itim na sasakyan sa tapat ng aming bahay. Magara iyon at malaki. Napahinto ako sa aking ginagawa at tsaka pinanuod ang pagsara at pagbukas ng pintuan.

"Amary!" Rinig kong sigaw ni Anamarie.

Mabilis kong nabitawan ang hawak na walos tingting at kaagad na binuksan ang aming gate na gawa sa kawayan. "Anamarie!" Excited na tawag ko sa aking kapatid at kaagad sana siyang yayakapin ng umiwas siya sa akin.

Napangiwi siya habang nakatingin sa akin. "Ano ka ba Amary, magpunas ka muna ng pawis mo" natatawang sabi niya sa akin. Alanganin akong napangiti dahil sa ginawa nito, alam ko namang nagbibiro lang si Anamarie pero kahit papaano ay nasaktan ako.

Kasama ng dalawang lalaki na sinabi niyang bodyguard at driver niya ay pumasok kami sa aming bahay. Madami itong dalang paper bag at mga grocery. Napapanganga na lamang ako sa mga inilalabas niyang mamahaling gamit.

Napangiti ako habang nakatingin sa aking kakambal. Kitang kita sa kanyang mga ngiti na masaya siya sa poder ng bago niyang pamilya. Maganda ang kanyang suot na bistida, ibinida din niya sa akin ang bago biyang touchscreen na cellphone. At kahit sa malayo ay amoy na amoy ko ang kanyang gamit na mamahaling pabango. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit tinanggihan niya ang pagyakap ko sa kanya kanina.

"Kailan ang graduation niyo?" Excited na panguusisa ko. Sa isang mamahaling school din siya nagaaral ngayon at hatid sundo pa ng sasakyan.

"Next month. Tapos pupunta kami ng Singapore sa bakasyon" pagbibida pa niya sa akin.

Hindi ako nakaramdam ng inggit. Mas nangibabaw ang tuwa sa puso ko para sa aking kapatid. Napatango tango na lamang ako at tsaka muling nakinig sa kanyang mga kwento habang panay ang labas niya ng mga pasalubong para sa amin.

"Tsaka may handaan sa bahay kasi Birthday nila Kuya" kwento pa niya sa akin.

Kaagad akong napangiti ng muli kong maalala sina Kuya Tadeo, Kuya Cairo, Kuya Kenzo at lalong lalo na si Kuya Piero.

"Kamusta na sila Kuya?" Panguusisa ko sa kanya. Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi ng mapanguso ito.

Napangiti siya. "Hindi mo naman sila Kuya. Akin silang Kuya Amary" akusa niya sa akin at pagpapaalala. Napayuko ako dahil sa naramdamang hiya para sa aking sarili.

Natahimik na ako, pero may pahabol pa si Anamarie. "Tsaka Sachi na ang pangalan ko ngayon. Legal na akong anak nina Mommy Maria at Daddy Alec" patuloy na pagbibida pa niya. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib dahil sa kanyang sinabi, hindi ako nasaktan para sa akin kundi para kay Papa. Para kasing nakakalimutan na kami ni Anamarie.

Naikwento niya sa akin na paglangoy ang hilig na gawin ni Kuya Piero. Iyon din ang sports niya sa higschool. Sa susunod na buwan ay pareho na din kaming gragraduate sa elementary ni Sachi. Magkaiba man kami ng pinapasukan na school at hindi laging magkasama ay masama pa din ako dahil malapit na kaming mag highschool.

Kung hindi nakakapunta si Sachi sa bahay ay kinukuha niya ako minsan para isama sa mall. "Amary, sa mall tayo pupunta bakit ganyan ang suot mo?" Puna niya sa suot kong medyo may kalakihang tshirt at maong.

Napatingin ako sa aking sarili. "Bakit, bawal ba ang ganito sa mall?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Napanguso lamang siya at ngumisi. "Para ka namang yaya ko niyan." Pangaasar niya sa akin. At muli, alam kong biro lamang iyon ng aking kapatid pero masakit.

Naglibot libot kami sa mall. Dahil hindi niya gusto na ganuon ang suot ko habang magkasama kami ay binilhan niya ako ng kulay asul na dress na kaagad din naman niyang pinasuot sa akin pagkabayad niya. "Andami mong pera, tsaka mahal ito. Baka magalit sina Ma'm Maria" puna ko sa kanya.

"Si Mommy naman ang nagbigay nito sa akin, tsaka ok lang naman sa kanya" paninigurado pa niya sa akin kaya naman hindi na lamang ako nagsalita pa.

Naglibot libot ako sa may department store habang nasa fitting room si Sachi. Kahit papaano ay nasanay na din akong tawagin siyang ganun dahil iyon naman ang gusto niya.

Sa gitna ng aking paglilibot ay nakakita ako ng lalaking mannequin. Naka swimming trunk ito at sa kanyang ulo ay ang kulay dilaw na swimming cap. Marahan ko iyong hinawakan, sabi ng chinese expert na napanuod ko sa Tv kaninang umaga ay swerte daw ang kulay na yellow.

Limang daan ang halaga ng swimming cap na iyon. Malaking halaga iyon para sa akin lalo na sa estado ng aming buhay ngayon. Hindi nawala ang tingin ko sa kulay yellow na swimming cap na iyon. Naimagine ko na si Kuya Piero na suot iyon, bagay sa kanya.

Kaya naman galing sa maliit na baon ko araw araw ay nakaipon ako. Ilang recess ang tiniis kong hindi kainan para maipon ko kaagad ang limang daang pisong pambili ng swimming cap. Dahil sa pagtitiis ay nabili ko iyon. Tuwang tuwa ako pagsapit ng araw ng sabado dahil muling bibisita si Sachi sa amin, maibibigay ko na sa kanya ang swimming cap para kay kuya Piero.

"Saan naman ito nanggaling?" Nagtatakang tanong niya habang hawak ang swimming cap na ipapaabot ko.

Nakangiti akong nakatingin duon. "Binili ko yan sa mall, pinagipunan ko yan" sagot ko sa kanya.

Napatango na lamang siya at tsaka inilagay iyon sa loob ng kanyang bag. Sinundan ko pa iyon ng tingin.

Napabuntong hininga si Sachi kaya naman kaagad niyang nakuha ang atensyon ko. "Sabay ang national game at intercampus" pamomorblema niya.

Kasali si Kuya Tadeo sa national games ng mga private school para sa taekwondo. Hindi naman nakuha ni Kuya Piero ang 1st place sa school tryout nila kaya nama hindi siya ang ipapadala sa nationals. Last year pa naghahanda si Kuya Tadeo para dito kaya naman siguradong manunuod ang buong pamilya.

"Eh paano si Kuya Piero? Sino ang susuporta sa kanya?" Malungkot na tanong ko, ako ang nasasaktan para sa kanya.

Nagkibit balikat si Sachi. "Ikaw hindi mo ba siya papanuorin?" Mapanghamong tanong ko sa kanya pero nagiwas siya ng tingin.

"Nangako na ako kay kuya Tadeo na siya ang papanuorin ko" nakangusong sabi niya sa akin.

Bayolente akong napalunok. Napakagat ako sa pangibabang labi ko, may gusto akong sabihin kay Sachi pero nahihiya ako. "Pwede bang ako na lang?" Mahinang tanong ko, halos hindi makatingin sa kanya.

Naramdaman ko ang pagkabato nito. Mariin akong napapikit ng marealize ko na masyadong impossible ang gusto kong mangyari. Pero sa huli, pinayagan niya ako. Makakanuod ako ng swimming competition ni Kuya Piero.

"Pero hindi ba't finals niyo iyon?"

Kaagad akong napakamot sa aking batok. Makahulugan akong tiningnan ni Sachi. "Di ba dapat ay mag valedictorian ka para may makuha kang scholarship sa college?" Paalala niya sa akin.

Napatango tango ako. Inisip ko iyong mabuti, ayokong biguin si Papa pero ayoko ding mabigo si kuya Piero. Pupunta ako sa laban niya kahit anong mangyari.

Sa araw ng aming finals ay halos hindi na ako mapakali pa sa aking upuan. Ala syete ng umaga ang start ng aming exam, tatlong set iyon kaya naman alas dose ang tapos. Alauna ang laban ni kuya Piero. Mayroon lamang akong isang oras para bumyahe papunta sa school nila.

Aminado akong hindi ko naibigay ang best ko sa final exam, pero buo na ang loob ko. Sinagutan ko iyon ng mabilis,nagulat pa ang aking mga kaklase maging ang aking teacher ng maaga akong nagpasa. Ako ang pinakauna.

Mabilis akong bumyhae sakay ng jeep papunta sa school nila. Nagawa ko pang magbihis ng damit na ipinahiram sa akin ni Sachi. Maging ang kanyang school id ay gamit ko din para makapasok sa campus. Para hindi maligaw ay kinapalan ko na ang mukha ko at nagtanong tano kung nasaan ang kanilang gymnasium. Malayo pa lang ay rinig na rinig ko na ang ingay ng drums at hiyawan ng mga tao.

Halos malula ako sa laki ng gym nila pagkapasok ko. Madami na ding tao sa loob na may hawak na iba't ibang kulay na balloon. Parang tatakas ang puso ko sa aking dibdib dahil sa mabilis na pagtatambol. Bayolente akong napalunok dahil sa kabang nararamdaman, nanlamig maging ang aking mga sakong. Hahakbang na sana ako paatras ng may lalaking lumapit sa akin.

"Uyy Sachi. Naku, siguradong matutuwa si Piero. Alam mo ba parang may LBM ang loko, napakatamlay" tuloy tuloy na salita niya habang hila hila ako. Halos hindi ko na din marinig ang iba pa niyang sinasabi dahil sa ingay ng paligid.

"Sino ka ba?" Tanong ko ng bigyan niya ako ng upuan sa may harapan. Mula duon ay kitang kita ko ang lawak ng buong pool nila.

Napangisi ito. "Pinakilala na ako ng kuya mo ah, Ako si Kyle" nakangising pagpapakilala pa niya.

Hindi na lamang ako umimik at kaagad na nagiwas ng tingin dahil baka makahalata pa ito. Inabutan niya ako hg kulay dilaw na mahabang balloon at tsaka siya nakisali sa hiyawan ng mga studyante. Napatingin ako sa mga player, halos aktibo ang mga ito, ang iba ay nakikipagusap at tawanan, ang iba naman ay nagstretching hanggang sa mapatingin ako kay Kuya Piero. Nakaupo lamang ito sa isang sulok, tamad na tamad.

"Sabi sayo ang tamlay ng kuya mo eh, parang may LBM" natatawang sabi pa nito sa akin.

Muli akong napatingin kay Kuya Piero, napalagat ako sa aking pangibabang labi ng makitang hawak niya ang swimming cap na ibinigay ko. Iyon ang gagamitin niya.

"Piero!" Malakas na sigaw ni Kyle na ikinagulat ko din. Halos umalingaw ngaw iyon sa buong gymnasium.

Tamad siyang nilingon ni Kuya Piero. Pero dahan dahan itong napatayo ng makita niya ako, kahit may kalayuan ay kitang kita ko ang pagtitig niya sa akin. Sapat na ang aming distansya para isipin niya ako talaga si Sachi. Biglang nagbago ang awra nito, parang biglang sumigla.

Kahit nahihiya ay nagawa ko siyang kawayan. "Ayan na, magkakaenergy na siya. Naku Sachi ikaw lang pala ang sagot" pangaasar pa ni Lance sa akin.

Mas lalo akong natuwa at kinilig ng isuot niya ang swimming cap na ibinigay ko. Hindi nasayang ang mga recess na pinili kong hindi kumain para mabilis iyon. Para na din akong nanalo sa competition kahit hindi naman ako ang kasali. Naging dikit ang laban, nakisigaw ako para icheer siya. Sa huli ay si Piero ang nanalo. Tuwang tuwa ako at nakitalon pa, masaya ako para sa kanya.

Pagkatapos ng laban ay kanya kanyabg labas na din ang mga tao para umattend sa iba pang competition. "Oh saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Kyle sa akin ng makita niyang aalis ako.

Mariing ipinaalala ni Sachi sa akin na wag magpapakita kay kuya Piero pagkatapos dahil baka makahalata ito. "Aalis na ako" sagot ko sa kanya pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Nagpumiglas ako pero mas lalo lamang ito natawa at kaagad akong hinila papunta kay Kuya Piero.

Isa isang naglabasan ang mga player sa may locker room. Halos hindi ako mapakali sa takot. Gustong gusto ko ng tumakbo pero hawak pa din ni Kyle ang aking kamay. "Ayan na si Piero" anunsyo nito.

Kaagad tumaas ang tingin ko sa kanya. Halos mabato ako sa aking kinatatayuan ng magtama ang aming mga mata. Basa ang kanyang buhok. Naka jersey shorts lamang sya at white tshirt. Nakasukbit ang kulay asul na duffle bag sa kanyang balikat. Diretso ang tingin niya sa akin, hindi ko kinaya kaya naman nagiwas ako ng tingin.

"Akala ko hindi ka makakapunta" masungit na puna niya.

Hindi ako sumagot. Baka mahalata nito ang pagkakaiba ng boses namin. Mas lalong nagtatambol ang puso ko ng magpaalam na aalis si Kyle kaya naman maiiwan kaming dalawa.

"Humiwalay ka kila Mommy?" Tanong niya, sobrang lalim ng kanyang boses, nakakapanindig balahibo. At ang mga tingin niya, tumatagos.

Tumango lamang ako. Sandali siyang natahimik, bago siya muling nagsalita. "Thank you for being here, I really appreciate it" sabi pa niya habang kakamot kamot sa kanyang batok.

Nanatiling tikom ang aking bibig. Hanggang sa mapatingin ito sa kanyang cellphone. "Nasa parking na daw sila" anunsyo niya na ikinalaki ng aking mata.

Mabilis akong nagpaalam na pupunta sa banyo. Nagtaka pa siya dahil sa aking pagkataranta. Si Sachi na din ang bahalang magpaliwanag kung mayroon man maging tanong si Kuya Piero, pero lumabas ako duon na parang nanalo na din ako. Sobrang saya ko para kay kuya Piero.

Hindi din nagtagal ang saya ko. Dahil pag dating ng result ng final exam ko. Hindi ako ang Valedictorian ng batch namin. Pangalawa lamang ako overall kaya naman wala akong scholarship na makukuha sa college.

(End of flashback)

Naramdaman ko ang paghalik nito sa aking noo. Dahan dahan akong dumilat kasabay ng panunubig ng aking mga mata. "Ikaw lang yung nanduon nung time na yon. Kung wala ka, hindi ako mananalo" sabi pa niya sa akin, naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo sa aking buong katawan.

Matamis niya akong nginitian. "Mas lalo kitang minahal that time. Kasi hindi man ako pinili ng iba, ikaw pinili mo ako..." malambing na sambit pa niya kaya naman muling uminit ang gilid ng aking mga mata.

Marahan niyang iginunit ang ilong ko na nagdala ng kiliti sa akin. Marahang dumampi ang kanyang hinlalaki sa aking labi.

"Kaya naman paulit ulit din kitang pipiliin, kahit sa mga panahong hindi ka maging kapili pili" nakangising sabi niya na parang nangaasar pa.

"Kahit malaman mong masama akong tao?" Mapanghamong tanong ko sa kanya. Sa oras na malaman niya ang totoo, siguradong siya mismo ang magtatakwil sa akin.

Nakita ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apple. "Gaano ka kasama kung ganuon?" Balik na tanong niya sa akin halos mapaos ang kanyang boses.

Hindi ako nakasagot. Naramdaman ko ang kanyang hininga malapit sa aking leeg, nakakakiliti. "Pipiliin pa din kita, dahil ganuon ang pagmamahal"
















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

123K 9.2K 14
Bembiehyehohyehohyehohyeh~ WALANG SAYSAY ITO, KUNG AKO SA'YO HUWAG MO NALANG BASAHIN.
231 88 7
Girl Series #2 Yrina Larisse Valeco -Leyaanaviaaa. Date Started: February 15, 2022 Date Ended:
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
58.6M 1.1M 38
All his life, Andrius Salazar only wanted three things. A peaceful life that he plans to live to the fullest, he wanted to be left alone by his famil...