Agartha: The Lost Civilization

By anjelasheyn

938 69 33

Daphne Benson, a young girl whose world is upended when her parents mysteriously disappear, leaving her in th... More

Prologue
Chapter I (Odd)
Chapter II (Missing)
Chapter III (Well)
Chapter IV (Hope)
Chapter V (Trouble)
Chapter VI (Agartha)
Chapter VII (Adapt)
Chapter VIII (Death?)
Chapter X (Strong)
Chapter XI (Training)
Chapter XII (Friends)
Chapter XIII (Weird)
Chapter XIV (Lost)
Chapter XV (Pixie)
Chapter XVI (Way)
Chapter XVII (Brave)
Chapter XVIII (Deal)
Chapter XIX (Impossible)
Chapter XX (Mask)
Chapter XXI (Bad)
Chapter XXII (Start)
Chapter XXIII (Clip)
Chapter XXIV (Pair)
Chapter XXV (Impossible)
Chapter XXVI (Revelation)
Chapter XXVII (Caught)
Chapter XXVIII (Death?)
Chapter XXIX (Real)
Chapter XXX (Visitor)
Chapter XXXI (Purpose)
Chapter XXXII (Gone)
Chapter XXXIII (Truth)
Chapter XXXIV (Hero)
Chapter XXXV (Home)
Chapter XXXVI (Queen)
Last Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter IX (Guardian)

18 3 0
By anjelasheyn

I am always the coward and weak one. Iyon ang natatandaan ko sa kakaunting memoryang meron ako no'ng bata pa ako. Mahina ang katawan ko kaya bihira lang ang mga kasing edad ko na gustong makipag-kaibigan sa akin. Kaya siguro halos buong buhay ko ay ginugol ko sa pagbabasa ng libro at pagpapatalas ng utak ko kasi 'yon lang naman ang kaya kong gawin eh.  Sakitin din ako kaya lagi lang ako nasa loob ng bahay kasama si Lola. 

Ang Lola Esther ko. Siya lang ang bukod tanging hindi ako iniwan at kaya akong intindihin sa lahat. She taught me a lot of things na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa utak ko at habang buhay kong dadalhin kahit wala na siya sa tabi ko ngayon para palakasin ang loob ko.

She once told me that it's okay to be weak sometimes, we can't always be strong and it's okay to be afraid. The important thing is that we know how to face our fears and that's what makes us strong. Iyan ang isa sa mga turo niya na lagi ko isinasabuhay.

Kaya kahit ano pang ibato sa akin ng buhay, I must learn how to be strong. Alam kong hindi magiging madali lalo na ngayon na mag-isa na lang ako pero kakayanin ko para kay Lola.

Ingay ng kuliglig ang nakapagpagising sa diwa ko. Ramdam ko agad ang sakit ng buong katawan ko at halos hindi ko pa maigalaw ang ibang parte lalo na ang mga binti ko. Laking pasasalamat ko na may mga binti at braso pa rin ako pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. Nagmulat ako ng mata 'tsaka ko lang na-realize na isang mata ko lang ang nakakakita dahil may takip ang isa.

Buhay ako.

Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari pero hindi naging malinaw sa memorya ko ang iba bukod sa parteng muntikan na akong kainin ng mga halimaw. Paanong nakaligtas ako? Hindi ko matandaan, anong nangyari? Kumirot ang kaliwa kong mata at agad akong napahawak do'n. Natakot ako bigla habang pinapakiramdaman ang katawan ko.

Am I blind? Huwag naman sana.

Sinubukan kong igalaw ang isa kong braso para makabangon ako sa pagkakahiga pero bigo ako. Masiyado pang mahina ang katawan ko para kumilos. Kinuntento ko na lang muna ang sarili ko sa pagtingin sa paligid kahit medyo nahihirapan ako dahil isang mata ko lang ang nakakaaninag.

Nasa isang tolda ako. Maraming hindi malamang kasangkapan ang nasa paligid, feeling ko iyon ang ginamit para gamutin ang mga sugat ko. Tanging sapin lang din ang pagitan namin ng lupa at kitang-kita ko mula sa labas ang kadiliman ng gabi. Nasa gubat pa rin ako?! Pinilit kong bumangon dahil inatake na naman ako ng kaba. Akala ko ligtas na ako! Bakit nandito pa rin ako sa lugar na 'to?! 

Hindi sinasadyang napadaing ako nang malakas nang maituon ko ang isa kong braso. Sobrang sakit! Napalingon naman agad ako sa bukana ng tolda nang makarinig ako ng yapak papalapit. Inatake agad ako ng kaba.

Mabilis akong kumilos at naghanap ng pwedeng gamitin para pamportekta sa sarili ko pero natigilan lang ako at nagulat nang napatingin sa itsura ng pumasok. Matangkad siya, may kalakihan din ang katawan niya at halatang batak iyon dahil wala siyang suot na pangtaas at tanging pambaba lang na mukhang pinaglumaan pa ng panahon dahil sa itsura. 

May nakasabit rin na armas sa likod niya na sa palagay ko ay dalawang espada. Ang pinaka-nakakapagtaka pa sa itsura niya ay ang suot niyang maskara na tumatakip sa kabuuan ng ulo niya.

"A-ano uhh, sino ka?" Nasabi ko na lang nang makabawi sa pagkagulat. Mukha namang hindi siya masamang nilalang kaya 'di ko na tinuloy ang balak ko.

And how can you say Daphne? Hindi ba sinabi mong hinding-hindi ka na magtitiwala sa kahit sino? Ahh! I don't know, I can feel it na hindi siya masama. At siguro siya din ang nagligtas sa akin. Napalunok ako nang hindi siya sumagot.

"Narinig mo ba ako? Ang sabi ko sino ka? Ikaw ba ang nagligtas sa akin?" Sunod-sunod kong tanong pero hindi siya sumagot. Hindi ko naman matukoy ang eskpresyon niya dahil hindi ko nga makita ang mukha niya. Parang bato lang siya na nakatayo do'n sa bukana ng tolda.

What is wrong with him? Bingi ba ang nilalang na 'to? Napakurap-kurap ako dahil medyo nanakit ang mata ko, marahil ay naninibago. Hinigit ko rin ang kumot na tumatakip sa kalahati ng katawan ko hanggang dibdib nang mamalayan kong I'm only wearing my undies lang pala.

"Ligtas ba sa lugar na ito?"

Still, no response from him. "Nasaan pala ang mga damit ko?"

Imbes na sagutin ako ay lumabas siya nang wala man lang paalam. Napailing na lang ako at hinanap ang damit ko pero wala akong makita kahit saan. Ewan ko pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong takot sa kan'ya, instead I feel safe. Weird. Maybe because he's the one who save me from those monsters? Pero hindi pa rin dapat ako mag-tiwala nang basta-basta. 

Maya-maya lang din ay bumalik siya at may bitbit na kung ano. Walang imik niya iyong inilapag sa harapan ko bago muling bumalik sa pwesto niya. Pagtingin ko ay bagong pares ng mga damit. Nang mag-angat ako ng tingin sa kan'ya ay nakatayo lang siya do'n, hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin or what.

"Magbibihis ako." Maikling sabi ko lang, tumalikod agad siya. Maigi na lang at nakakaintindi naman pala siya, hindi lang siguro marunong umusap o sadyang ayaw lang?

I shrugged that thought off at nagsimulang magbihis. It is a simple white dress with long sleeves at hanggang tuhod ang haba. Inabot yata ako ng ilang minuto bago maisuot 'yon dahil nahihirapan pa rin akong gumalaw.

Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay naisuot ko rin. Sakto namang biglang may pumasok na pusang at lumapit sa akin. I pet the cat immediately bago mag-angat ng tingin sa lalaking nagligtas sa akin.

"Ayos na. Salamat." Maikling sabi ko lang at nag-iwas ng tingin. Marami pa sana akong gustong itanong sa kan'ya pero mukhang wala naman siyang planong kausapin ako.

"Walang anuman." Sabi ng isang maliit na boses. Gulat ako napatingin ulit sa kan'ya.  "Did you just talked?"

"Hindi siya 'yon Daphne." 

Napalingon ako sa pusang itim na nasa kandungan ko. Did the cat just talked? Teka, o baka guni-guni ko lang?! Napailing-iling ako habang nakatitig do'n.

"Imposible. I must be imagining things." Bulong ko pa.

"Walang imposible sa lugar na 'to."

Nanlaki ang mga mata ko at muntik ko pang maibato ang pusa kung hindi lang agad 'yon nakaalis sa kandungan ko. I just heard the cat talked! Boses babae ang boses niya na medyo matinis.

Tumawa pa 'yon na ikinamangha ko. "Hindi ka na dapat magulat sa mga natutuklasan mo, sanayin mo na ang sarili mo simula ngayon Daphne."

"Kilala mo ako?" 

"Ililigtas ka ba namin kung hindi Daphne?" 

So, tama ako. Sila nga ang nagligtas sa akin. The cat gracefully walk papalapit sa lalaking naka-maskara at prenteng pumwesto sa balikat nito na parang nakasanayan na niya. Ang weird naman, the man can't talk but the cat can. 

"Paano at bakit?"

Ewan ko kung namamalikmata lang ako pero parang kumislap ang mga mata ng pusa habang nakatitig ako do'n. "Dahil iyon ang kailangan naming gawin."

"Anong ibig mong sabihin?"

The cat purr after the man pet its head. "Malalaman mo din sa tamang panahon Daphne."

Anong ibig niyang sabihin? Imbes na usisain ko siya ay hinayaan ko na lang muna dahil halata naman sa itsura nilang dalawa na wala silang planong sabihin kung ipipilit ko. Mapagkakatiwalaan ko kaya sila? Mahirap na. I shouldn't let my guards down.

"Kumusta ang pakiramdam mo Daphne?"

Napangiwi ako at napakamot sa ulo ko. "You can drop the Daphne. I mean hindi mo na kailangang banggitin ang pangalan ko kapag sasagot ka sa mga tanong ko."

"Sige Daphne." Seryoso pa ring tugon nito.

Seriously?! I just sighed. That is so weird but okay. "Ayos lang, medyo masakit pa rin ang ibang parte ng mga katawan ko. Salamat nga pala sa pag-ligtas niyo sa akin. Kung hindi kayo dumating siguro wala na ako ngayon. Maraming salamat."

"Hindi mo kami kailangang pasalamatan, tungkulin naming bantayan ka Daphne."

Hindi ako nakasagot do'n at tnitigan lang ang dalawa. Hindi ko alam pero wala talaga akong maramdamang kakaiba sa kanila hindi tulad ng unang kita ko kay Selma at Oscar. Muli na naman akong napahawak sa kaliwa kong mata nang muli na naman 'yong kumirot.

"Kayo ang gumamot sa akin 'di ba? Anong nangyari sa mata ko? M-makakakita pa naman ako 'di ba? Hindi naman siguro ako nabulag." Kinakabahan kong tanong, pilit na kinukumbinse ang sarili ko na maayos pa ang isa kong mata.

Hindi pwede. Hindi ako papayag na bulag na ang isa kong mata.

"Wala din kaming ideya, ikaw lang ang makaaalam niyan Daphne."

Napayukom ang kamay ko nang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari lalo na ang mukha ni Selma. She wants me to be dead. Teka, shit. Si Sir Marshall! Biglang sumagi sa isipan ko ang payapang natutulog na mukha ng lalaki at namalayan ko na lang ang sarili ko na pilit na lumalabas sa tolda at pinipigilan nang dalawa.

"K-kailangan ko siyang iligtas! Kasalanan ko kung bakit siya nandito sa lugar na 'to. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kan'ya!" Pagpupumiglas ko sa kapit ng lalaking naka-maskara. 

I tried to get away from his grip but he's just too strong. "Let me go! I need to save him!"

Ilang minuto din akong nagpumiglas hanggang sa tumigil rin ako dahil sa pagod. Tahimik lang ang pusa sa isang gilid habang pinapanood ako. "Anong tinitingin-tingin mo?! Just let me go!"

"Kumalma ka, wala ka pang magagawa sa ngayon Daphne."

Do'n ako natigilan. Nanghihina akong napaupo sa sahig nang bitawan ako ng lalaking naka-maskara. Tama nga siya, mahina pa ako. I'll just get myself killed kung magpupumilit akong bumalik do'n. Ni-hindi man lang ako marunong humawak ng kahit na anong armas. 

Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko partikular sa dalawang espada na nakasabit sa likuran niya 'tsaka biglang bumalik sa memorya ako ang lahat ng mga nangyari kung paano ako nakaligtas sa mga halimaw na 'yon. He killed them all with his sword. 

"Turuan niyo ako. Gusto kong matuto kung paano ipagtanggol ang sarili ko." Nilingon ko ang pusa. "Kailangan ko ng tulong niyo."

Wala akong natanggap na sagot mula do'n. Muntik ko nang masampal ang sarili ko. What am I saying?! As if they're going to help me. Napailing ako at sinubukang tumayo pero bigo ako at muli lang napasalampak sa lupa. 

"Magpagaling ka muna. Gagawin natin ang gusto mo Daphne." Sagot ng pusa, muntik nang tumalon ang puso ko sa galak! Hindi agad ako nakasagot dahil sa sobrang gulat.

"Sa ngayon mag-pahinga ka muna Daphne." Pagkasabi niya n'on ay naramdaman ko ang sarili kong umangat at karga ng lalaki 'tsaka niya ako nilapag pabalik sa kama. 

"S-sige, ano salamat. Magpapahinga na ako." Tumango lang ang lalaki at akmang papalabas na ang dalawa nang may maalala ako.

"Teka lang pala!"

Huminto sila at lumingon sa akin. "Pwede ko na bang malaman kung anong pangalan niyo at ang dahilan kung bakit niyo ako niligtas?"

"Ang pangalan ko ay Fiona at ang lalaki namang ito ay si Favian," Sagot ng pusa. Napakurap ako nang makitang kumislap ang mga mata ng lalaki sa likod ng maskara niya. I don't know but I suddenly felt my heart skip a beat because of that.

"At tulad nga nang sinabi ko kanina, tungkulin namin na bantayan ka at panatilihing ligtas sa lugar na ito Daphne."

Iyon lang ang huli niyang sinabi bago sila tuluyang lumabas ng tolda. Nag-iwan 'yon sa akin ng napakaraming katanungan. Anong ibig niyang sabihin? Are they like my guardian or something?  Bumalik ako ng higa at napaisip.

Can I really trust them? I just hope I can.

Continue Reading

You'll Also Like

305K 7.2K 49
A girl named Rose Anne Lee lost her memory when she's still three years old, would her perfect life be ruin because of a hidden Truth.
99.5K 2.3K 24
Im Caroline Hope Echizen, heiress of Echizen Academy, Na mag papanggap bilang Hope Garcia upang maprotektahan ang aking sarili at ang aking pamilya...
451K 11.6K 50
Isa syang babaeng kinakatakutan sa paaralang sya mismo ang may ari Gulo ditto away doon Laban ditto laban doon At indi lang sa pa...
316K 9.1K 74
Highest ranking #1 in minions Meet Rainee Rhea Mizuki/ Crystal Jade Hunter, the WANTED princess. She wants REVENGE. She wants her THRONE. she wants...