Inside Her Mind (GirlxGirl)

By dark19

234K 8.8K 333

Can you love the person that everyone hated the most? This a Lesbian Love Story. (Cyrll and Roian story) More

Prologue
The Beast's Nightmare
Art of Scar
FEAR
Dark
Rose
EX
Gale
Sense
Hint
Devil beside me
Answer
The Good One
Wish
Paradise
Like
Did It
Mad
Sleep
Sweet Fever
Experimental Feelings
Through her eyes
Journal
Secret Code
Weak Point
Truth
To Stay
New Start
Other Side
Knew
Perception
Half
Capacity
Her Like
Destruction
Sweet Wine
Home
Two Worlds
Promise
Deception
Hunter's Show
Master of Sanity
Art of Betrayal
Kite
Itself
Behind Illusion
That kid!
Knife
One Step
Concern
A Paper
Starting In Her Mind
Mind of it's own
Inside Her Mind

Epilogue

4.3K 152 29
By dark19

Author's note: pakibasa ulit yung chapter na A Paper sa part ng POV ni Roian. Ito yung kadugtong nun. Salamat😃

Cyrll's POV

Nanginging ang mga kamay ko sa galit habang pinapakinggan kong lahat ng excuses ng tatay ni Alvin kay Roian. Yung iyak nya ngayon ay kulang sa lahat ng pinagdaan ng taong mahal ko sa kamay ng pamilya nya. Naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko. Si Hunter na walang emosyon sa mga mata.

"Relax." anas nya at napangisi sakin.

"Tsk!"

Mayamaya ay may mga pulis ng nagdatingan kaya halos magkumahog itong nagmamakaawa kay Roian na may pagkadisgusto sa mga mata nya ang makikita mo. Sinira ng pamilya nyang lahat ng pangarap namin ni Roian kaya Hindi ko mahanap sa sistema ko kung paano ko sila mapapatawad dahil hindi lang sa amin ni Roian sila may malaking kasalanan kundi kay Yuan na kadugo nila. Sinakripisyo nila ang tatay ni Yuan para sa sariling interest nila at hindi ko malaman kung paano ang gagawin at ipapaliwanag kay Yuan kapag lumaki na sya at magtanong regarding sa nangyare sa pamilya ng tatay nya.

Magmumulto at magmumulto ito sa kanya sa paglaki nya. For sure, kakamuhian nya ang sarili nya kapag nalaman nyang sya ang bunga ng pang rerape ng tatay nya sa nanay nya at galit sa akin dahil gamuntikan ko na silang mapatay noon.

Ihahanda ko ang sarili ko marahil sa mga oras na yun. Pero sobrang nasasaktan na ko sa ngayon pa lang dahil sobrang napamahal na sya sa akin. Kung hindi lang talaga bumaligtad ang mundo ko ng mga panahon na yun marahil natanggap ko silang mag ina na ako yung isa pang tatayong magulang nya at marahil ipagdadamot ko pa sila ng Mommy nya sa lahat dahil ngayon pa nga lang halos magpakabaliw ako sa paligid ko mapasaakin lang sila.

"I'll call Yvie para maayos na 'tong kaso ni Samaniego..." turan ni Hunter bago sumunod sa mga pulis.

Lumapit ako kay Roian na tahimik na humihikbi.

"Natapos din..." anas ko at hinawakan ko ang isang kamay nya at marahang pinisil iyon para iparamdam sa kanya na nandito lang ako para sa kanya.

Umuwi kami ng hindi pa din sya kumikibo kahit noong dumating yung mga magulang nya para kamustahin sya at galing ito sa presinto para makaharap yung tatay ni Alvin. I was so damn worried kapag ganito sya. Alam kong napakadami na naman na tumatakbo sa isip nya sa mga oras na 'to.

Pagkaalis ng mga magulang nya ay dumeretso na sya sa kwarto. Parang wala sya sa sarili nya. Kaya ako na muna ang nag ayos kay Yuan pero ng matutulog na ito ay gusto daw nyang kumain ulit.

Inasikaso ko muna si Yuan dahil bigla itong nagutom kaya pinagluto ko ng makakain nya. Tahimik akong pinapanuod sya habang kumakain sya dito sa tabi ko.

"Mommy will be going to be fine right, Tita Cy?" tanong ni Yuan na kinagising ko. Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Yeah...She will." nakangiting sagot ko.

Biglang may pumasok sa isip ko.

"You want to bake cookies?" tanong ko sa kanya at too late na ng malaman ko na pasado alas otso na ng gabi. Hindi ko na mababawi dahil madi-disappoint sya sigurado.

"Yes!" masiglang sigaw nya. Lihim akong napangiwi dahil panigurado sasakalin ako ng nanay nito mamaya kapag nalaman nitong hindi pa natutulog itong anak nya.

...
"Gosh! This is a mess...." I said under my breath. Napakagulo na ng buong kusina at nagsabugan na yung mga harina sa paligid.Hindi ko malaman kung anong uunahin ko. Ang maglinis ba ng mga kalat o itong pagbebake!

"Tita this is so fun!" tili nya habang hinahalo nya yung pinagsama sama naming mga ingredients. Para syang nag lalaro sa may park sa mga pinaggagawa nya ngayon.Hindi ko na din maintindihan kung anong itsura ko dahil nung sinabog ni Yuan yung harina sa ere dalawa kaming sumakop nun!

"Where's the ring Tita?" usisa pa nya. Jusko gusto kong mahilo! Hinuhulma na nya kase yung cookies na ibe-bake namin.

Napalunok ako bago ako lumapit sa kanya. Tama ba itong plano ko?

"Let me help you..." saad ko at ako ng gumawa ng ginagawa nya. Tahimik syang nanunuod sa akin habang ginagawa ko ito.

Nang ilalagay ko na yung singsing,

"That was the ring that we draw last time!" he exclaimed silently at mukhang worried sya na marinig sya ng Mommy nya.

"Yup..." nakangiting saad ko. Kami ni Yuan ang nagdesign nito. Every details he want for a ring ay sinunod ko. Ibinaon ko yung singsing sa gitna ng dough ng cookies.

Mayamaya ay bigla syang natahimik.

"Hey! what was that face young man?" usisa ko. He look so worried.

"What if you two got married...paano ako Tita Cy?" he asked. I look at him and I smiled.

"How about you?" takang tanong ko kunwari dahil gusto kong malaman ang nasa isip nya patungkol sa paghingi ko sa kamay ng Mommy nya sa kanya.

"Kapag kinasal po kayo iba na....magkakababy na po kayo...tapos ako..."papahinang bulong nya. Kinuha ko muna yung tray ng cookies at nilagay iyon sa oven. Humarap ako kay Yuan at kinarga ko sya bago ko sya inupo sa ibabaw ng lamesa at nasa magkabilang gilid na nya yung mga braso ko para hindi sya malaglag.

Napangiti ako dahil feeling pala nya inaagaw ko na sa kanya si Roian.

"When you grow up...I will tell you everything but right now, I want you to know that no matter what happened I will be here for you at sa Mommy mo. Kung papayagan mo nga lang ako gusto kong maging magulang sayo....We know that we are not related by blood but my love for you is beyond of everything. Isa kang malaking parte ni Roian na minahal ko ng walang alinlangan...." and right there yinakap nya ko at paulit ulit nyang sinasambit na mahal nya ko. Parang feeling ko wala ng kulang sa akin maliban sa hiling na sana maging okay na si Roian.

....

Sobrang kulit nya sa totoo lang parang delubyo na itong buong kusina kaya hindi kami matapos tapos sa paglilinis.Patay talaga ako kay Roian kapag nakita nya 'to. Napatingin ako sa orasan pasado alas diyes na ng gabi at napatingin din ako kay Yuan jusmiyo parang hindi pa dinadapuan ng antok!!!!

Great!

"Gisingin na po natin si Mommy!!!" masayang anunsyo nya ng bitawan nya yung mga harina sa magkabilang kamay nya at patakbo na sana sya palayo pero patakbo din akong pinigilan sya kaso nung yakap ko na sya ay nadulas kami dahil sa pirasong butter na natapon nya sa sahig! Tawang tawa sya sa sinapit namin. Jusko yung balakang ko!

"What the! Cy anong nangyare dito???"hilakbot na tanong ni Roian at napalinga sya buong paligid kaya napangiwi ako. Patay!

Pinakawalan ko si Yuan ng nagtatangka itong gustong lumapit kay Roian. Napabangon ako.

"Let me explain...." mahinang anas ko dahil nagsasalubong na yung mga kilay nya at hindi sya makapaniwala sa itsura namin ng anak nya. Para kase kaming gumulong sa harina!

"Mommy come here...we have surprise for you!" bibong saad ni Yuan na kinalaki ng mga mata ko dahil papalapit na sila sa pinapalamig naming cookies sa ibabaw ng lamesa.

"H-hoy Yuan hindi pa...." hindi ko na sya napigilan dahil hawak na ni Roian yung dalawang cookies. Wala na sira na talaga yung diskarte ko! Sobrang excited na nya ipakita iyon sa Mommy nya.

"That cookies will change our life forever! May magic sya Mommy na nakakaalis ng lungkot!" bibong paliwanag nya. Parang inaatake ako sa puso sa kaba dahil wala na tarantahan na itong ginagawa ng anak nya sa sitwasyon namin. Napatingin sa akin si Roian na para bang anong kalokohan na naman yung ginawa ko. Kaya ang ginawa ko hinawakan ko muna sya sa magkabilang pisngi nya gamit ang mga palad ko at tinitigan ko sya ng buong pagmamahal kahit parang dinadaga na ang buong kalamnan ko!

"Promise! Walang kalokohan ang lahat! Don't be mad..." alangan kong saad.Napataas ang kilay nya sakin at sinenyasan nya ko na alisin ko yung mga kamay ko sa mukha nya.

Napatingin sya sa mga cookies na hawak nya.

"Hatiin nyo po sya Mommy..." naeexcite na utos nya sa Mommy nya. Feeling ko sobrang sablay ng proposal ko na 'to! Ang gulo ba naman ni Yuan.

Nilapag ni Roian yung isang cookie sa ibabaw ng lamesa at nagpipigil sya ng tawa habang napapasulyap sa akin marahil nararamdaman nya itong taranta at pamumutla ko.

"Fortune cookies huh?" natatawang saad ni Roian. Kahit kabado ako ay napangiti ako dahil natatawa tawa na din sya.

At nung nahati nya ito ay lumabas na yung maliit na papel na may sulat at nakabalot sa transparent cover.

Parang natigilan sya sa nabasa nya at hindi makapaniwala.At nanginginig na yung mga kamay nya nung nakarecover recover sya at yung isang cookie na naman yung dinurog durog nya ng dahan dahan. Si Yuan sobrang excited sa nangyayare parang ibig nga nyang agawan si Roian at sya na lang yung dudurog. She almost hold her breath ng lumitaw na yung isang singsing.

"C-Cy..."

Napangiwi ako.

"Lintik ka...Wag naman sa harap ng anak mo ako ireject..." bulong ko dahil promise nanghihina na yung tuhod ko sa kaba.

Paulit ulit nyang binasa yung papel habang hawak ng isang kamay nya yung singsing.

Pilit sumampa si Yuan sa lamesa at kinuha kay Roian yung papel.

"Mommy can't read! Read it for her Tita Cyrll." reklamo ni Yuan at iniabot sa akin yung papel.

Mapuputukan na talaga ako ugat sa kalokohan ni Yuan dahil sinabi ko naman sa kanya na bukas pa namin ito ibibigay sa Mommy nya dahil magseset kami ng surprise dito!

Napalunok ako habang tangan ko yung papel.

"Kainis hindi na talaga ako makaamin amin sayo na ako lang..." mahinang bulong ko at napatawa sya habang nanggigilid na yung luha nya.

Napahinga ako bago tumitig sa mga mata nya na samu't saring emosyon ang bumabalot doon.

"Your son already gave you to me so....there are no reason para i-hopia mo ko ngayon..." naiiyak na natatawang panimula ko kase pinanghihinaan ako sa magiging sagot nya kahit alam kong mahal na mahal nya ko. Napatawa sya habang nakayukong nakatitig sa singsing na nakuha nya sa cookie.In her eyes, she really admire and she love it pero may nagdaang emosyon sa mga mata nya na ayoko.

Kinuha ko iyon sa kamay nya bago ko nilahad sa harap nya.

"Marry me please?" lahat ng lakas ko ay nilagay ko sa tanong na yan.

"Gusto kong maging bahagi ng buhay nyong mag ina. Hindi ko kakayanin na may ibang tatayo sa tabi nyo dahil gusto ko akin lang kayo. It sound so selfish but that was the hard truth. Kayong dalawa lang ang nakikita kong nais ko sa buhay ko.....Please, Marry me?"pakiusap ko na para bang buong buhay ko ay nakadipende na sa sagot nya.

Umiiyak syang napatingin sa akin and it look like it send pain straight to my heart! Damn! Kinukutuban na ko na baka dahil ito sa nangyare kanina.

"C-Cy...." hikbi nya

Hindi pwede na i-turn down nya ko dahil lang sa nakaraan. Sinisisi parin ba nya ang sarili nya kung bakit ako nabaliw dati? Mas masahol pa din naman ako kung tutuusin dahil gamuntikan na silang mamatay sa mga kamay ko dati.

"You deserve everything from me...And so what if you are broken? so what if you have a dark past? Hindi kita minahal dahil sa pisikal na mayroon ka! I don't set standard regarding to you....I love you because of your beautiful soul Roian!" naiiyak na turan ko dahil totoo naman iyon, hindi ko sya minahal dahil sa katawan nya o dahil sa ganda nya.

Habang sinusuot ko sa kanya yung singsing ay umiiyak na sya habang yakap nya si Yuan.

"Minahal kita Roian dahil may sariling isip ang puso ko patungkol sayo...Kahit nangyare ang mga bagay na yun...I'll never stop loving you...please pakasalan mo ko..." kahit magmukhang mahina at desperada sa harap nya ayos lang. Handa akong magpakababa sa harap nya basta pakasalan lang nya ko.

"Ikaw ang maglalaba ng mga damit natin at maghuhugas ng mga platong pinagkainan? Madaya kang gumawa ng house rules!" natatawang reklamo nya habang pinupunasan nya yung mga luha nya kaya napangiti ako kaya mabilis kong kinintalan ng halik ang mga labi nya.

"Is that a Yes?" ewan kinikilig ako!

Nakangiting napatango sya. "Yes! I'm going to marry you!" masayang nyang anunsyo kaya sa sobrang saya ko ay sobrang higpit ko syang yinakap.

"Yunnnn!" masayang sigaw ni Yuan.

"Okay! divided by three na yun gawaing bahay!" natatawang anunsyo ko.

.....

"Kumuha ka na ng nurse para sa kapatid mo." turan ni Hunter habang nag uusap kami dito sa Garden. Tulog kase si Gale sa mga oras na ito dahil sa mga ininom nyang mga gamot.

"I need to go back in Italy para bawiin si Mommy..." dugtong pa nya. Hindi ako makahinga dahil sa idea na aalis sya. Simula kase ng matauhan ako sa pagkabaliw ko ay sobrang komportable ko na nasa paligid itong si Hunter.Kapatid na din kase ang turing ko sa kanya at alam kong mapapahamak lang sya sa pag uwing gagawin nya sa Italy kaya pinipigilan ko sa sya.

"Ikakasal pa ko Hunter..." turan ko.

"After ng kasal mo saka ako uuwi na..." sabi nya.

Kakapalan ko na yung mukha ko dahil wala akong tiwala sa ibang tao kapag patungkol kay Gale.

"Please no....Please Art just for the last time. Kung may kakayahan lang ako...Ako ang gagawa pero alam ko na ikaw lang ang makakatulong sa kapatid ko na iayos ang buhay nya kagaya ng pag ayos mo sa buhay ko. Please help me regarding Gale..." hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko sa harap nya. I really love Gale despite what she has done with me. She's still my bestfriend and she's my sister after all.

Napatingala si Hunter sa langit and I heared she cursed under her breath.She really hate Gale that much!

"This is the last time. My wedding gift for you pero...Listen to me Cyrll hindi ko maipapangako na buo ang bawat piraso ng mga buto nya kapag hindi nya ako sinunod...I really hate you!" irap nya sakin bago nagwalkout sa harap ko. Napangiti ako dahil hindi nya talaga kayang tanggihan ako.

Pinunasan ko yung luha ko at sinundan ko sya.

"Kapag gumaling si Gale agad ay bibigyan ka ni Mommy ng full scholar sa US para makapag aral ka ng pagkaduktor..." saad ko at napahinto sya sa paglalakad at humarap sa akin bago ako tinapik sa sikmura ko. Putang ina! napaubo ako sa sakit!

Himas ko ang sikmura ko at napangiwi akong napatingin sa kanya na walang emosyon sa mukha nya.

Sadista!

"Hindi mo na ko madadaan sa pagmumukha mo sa susunod Cy, napakahayop nyong magkapatid!" iritang sabi nya bago naglakad patungong West Wing.

Napangiti ako dahil hindi nya ko matiis.

.......

This is the big day for us! We are all in Berlin today. Sa isang botanical garden ko naisipan na idaos ang kasal at ang buong paligid ay pinadekorasyonan ko na naglalakihang pulang rosas at nagpakawala ng maraming mga iba't ibang kulay ng mga paru paro sa buong paligid.

Yun lang hindi alam ni Roian na kasal na namin ngayon dahil ang alam nya kasal nina Kuya MJ at ni Ate Belle ang gaganapin ngayon. Lahat ng details ng kasal ngayon si Roian ang pumili nito dahil akala nya lahat ng tinuro at sinabi nyang idea ay para sa kasal ng kapatid nya.

Pamilya namin at pamilya ng mga kaibigan ko ang imbitado. May ilang mga kasosyo ko sa negosyo ang imbitado tulad ng mga Santillan.

Nasa harap ko ngayon ang mga kaibigan ko na tahimik na naghihintay sa sasabihin ko. Si Hunter at Yuri nasa bandang likod dahil hindi sila kabilang sa pameeting ko ngayon dahil nasa katinuan ang dalawang ito. Sinundan ko yung tinitingnan ng kapatid ko dahil ang tahimik nito. Napataas ang kilay ko dahil pinapanuod nya si Hunter na kumakain ng napakadaming candies. Stress na naman sya!

Tumikhim ako at parang nagising si Gale na napatingin sa akin at tinapunan ko sya ng ngisi. Ang gago inirapan lang ako.

"Any minutes magsisimula na yung kasal mo Cy dapat naghahanda na tayo..." saad ni Shann.

"Right...Kaya nga nagpatawag ako ng meeting ngayon dahil gusto ko kayong makausap..." saad ko at napataas ang kilay ni Yvie sa akin habang ngising ngisi ang gago.

"Wow! Cyrll Mondragon-Altamirano is feeling nervous to death right now?" nang aasar na saad ni Yvie na kinasalubong ng mga kilay ko.

"Kapag nakasal sya ngayon tapos na ang kaligayahan nya bilang single!" natatawang pagsasakay ni Carol.

"Hayaan nyo syang makasal para may pagkaabalahan na sya at tantanan na nya ako!" nakasimangot na saad naman ni Gale.

"Magaling sa scheduling sa pang aasar si Cy wala kang kawala!" ngisi ni Shann sa kanya. Napairap lang sa ere ang mga mata ni Gale.

"Dapat talaga nambabae muna tayo kagabi Cyrll.. you know?" yan! sabi yan ng dakilang manyak na si Yvie.

See? Hindi pa ko nagsisimula pero ang dami na nilang nasabi. Kaya nakakatakot na pabayaan sila sa araw ng kasal ko dahil feeling ko magkakagulo!

"Hunter yung baseball bat ko?" tanong ko kay Hunter sapat para marinig nila. Nang iabot sa akin ni Hunter iyon ay muntik na kong matawa dahil sabay sabay pa silang natahimik at napalunok.

Winasiwas ko ito sa ere at para silang mga pusa na nakasunod sa bawat wagayway nito sa ere. Ganyan nga matakot silang gumawa ng kalokohan sa importanteng araw ng buhay ko!

Ginawa kong tungkod iyong baseball bat ko at isa isa ko silang tiningnan.

"If! Listen! If anyone of you make any mess today....I can't promise to you guys na magiging mabait ako..." seryosong saad ko dahil kailangan kong maging marahas sa kanila para hindi nila babuyin itong kasal ko.

"Hoy! Cyrll kaibigan mo kami!" Reklamo ni Yvie.

"Exactly! Kaibigan ko kayo, iyon nga ang kinatatakot ko at alam ko ang mga karakas nyo....Naman! Nagmamakaawa ako sa inyo isang beses lang ako ikakasal wag namang balahuraan!" naiiyak na halos na turan ko.

Mayamaya ay may nilagay sa kanang kamay ko si Hunter na seryosong nakatingin sa akin.

"Barilin mo..." seryosong payo nya na kinalaki ng mga mata ko.

"Hoy! Gago ka?" hirit ni Carol na parang lalong nataranta at parang ibig nyang sapukin si Hunter dahil sa payo nito.

"Kita mo? Ipagkakatiwala mo ko sa babaeng yan mapapatay ako nyan Cyrll!" nagpipigil na pagwawala ni Gale. Si Yuri natatawang nanunuod sa amin.

"Can we talk that after the wedding?" talagang nakakapanghina din itong kapatid ko sa totoo lang.

"Choosy ng kapatid mo sa mag aalaga sa kanya huh? Hoy! Gale hindi din kita pangarap na alagaan noh! feeling nito!" muryot ni Hunter bago nagwalkout.

Jusmiyo kasal ko ngayon eh! Pakahahayop talaga!

"Okay fine! I will keep this fucking gun the whole ceremony! Maling galaw! Maling salita! Gumawa lang ng kalokohan! At kung sino ang magpapasimula ng pambababoy sa kasal ko! Try me! Babarilin ko sa paa!" hindi ko mapigilang hindi magalit! Iniwan ko na sila at bahala na sila kung paano nila didisiplinahin ang bawat sarili nila dahil kilala nila ako! Sana kahit ngayon lang wag muna silang gumawa ng kalokohan!

....
"They are here..." anunsyo ni Shann kaya nagsipaghanda na kami. Ako, si Kuya MJ, si Mommy at si Daddy ang kasama kong nakatayo dito sa gilid ng altar. Gale is silently sitting in front habang nakaheadset syang suot sa tenga nya habang katabi nya sina Hunter, Yuri at Carol. Bawal kay Gale ang mga clasical music o kahit na piano sound lang dahil sa trauma nya. I will do my best to help her to be okay. Si Yvie ay nakaready na sa harap ng piano while Shann is holding her violin.

Mommy hold my right hand so tight. Kaya humarap ako sa kanya at binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti bago ko sya yinakap. Halos mahigit ko ang hininga ko ng makita ko na sila sa entrada.

Soon na makalapit si Roian dito sa tabi ko ay saka lamang sya susuotan ng belo. Napapangiti ako dahil parang wala pa syang idea. Yuan run toward me.
Nagmano pa sya sa mga magulang ko ng mapansin nya ang mga ito at saka kay Kuya MJ. Napangiti sina Mommy sa kanya.

"Welcome to the family young man..." nakangiting saad ni Mommy sa kanya bago sya yinakap. Napangiti ako dahil tanggap ng mga magulang ko si Yuan. Yumukod ako kay Yuan.

"Go..tell ninang Carol about the rings." nakangiting utos ko.

Yinakap nya ko bago tumakbo kay Carol at sinenyasan ko sya.

Nang magsimula ng tumipa si Yvie sa piano ay sumunod na din sa hudyat si Shann sa pagviolin.

Halos hindi ako makahinga ng magsimula na silang maglakad dahan dahan sa isle. I'm shaking!

Yung tibok ng puso ko halo halo na ang dahilan. Kaba dahil sa Excitement, takot na baka hindi nya magustuhan itong surprise na wedding day namin at saya dahil ngayong araw ay magiging official na pamilya na kami.

Nang magtama yung paningin namin at ngumiti sya sa akin halos matunaw ang puso ko. She's so damn beautiful!

"Nasan ang belo mo ate?" her lip formed into that words ng balingan nya yung ate nya.

Pero hindi sya nito pinansin.

People try and tell me that its crazy
You and I were never meant to be
I don't believe they know, and even if its so
I'm fallen anyway, no matter what they say.

Nang magsimula ng kumanta si Yvie ay lalong dumoble ang kaba at sayang nararamdaman ko. Pinagitnaan na silang magkapatid ng mga magulang nila na kinataka na ni Roian.

Sa mga mata ko ngayon parang kaming dalawa na lang habang papalapit sya sa akin. Hindi ko malaman bakit sa kabila ng kawalanghiyaan na pinaggagawa ko ay biniyayaan pa din ako ng matamis na karma.

A part of me is taking me by the hand
The world can't see, still they can't understand
Why can't they understand...
My heart has a mind of its own
Right or wrong it's gonna do
Only what it feel is true
I'll follow it where ever it goes
Anywhere it leads me to
My heart has a mind of its own.

Parang bumalik ang isip at puso ko nung unang araw na nakita ko syang pumasok sa classroom namin noong high school kami at kung paano itong mga mata ko ay hindi mapigilang pag aralan ang bawat parte ng mukha nya at kung paano ang puso at isip ko ay namamangha sa ugali at bawat kilos nya. Sobrang nilamon ako ng sistema ko patungkol sa kanya.

Those magnetic eyes of her, isang tingin lang nyan napapasunod na ko sa hindi ko malamang dahilan. Those lips, kapag ngumingiti na yan sa akin para akong nagagayuma dahil isa iyan sa kinabaliwan ko. Everything about her is so perfect to me. Napakasarap mabaliw sa pagmamahal sa katulad nya.

Maybe we wont always be together
Maybe this'll last a thousand years
Ain't nobody knows, and even if they did
It wouldn't matter now
I'd love you anyhow.
A part of me is taking me by the hand
The world can't see, still they can't understand
Why can't they understand...

Parang tumigil ang pintig ng puso ko ng makalapit sila at nagkakamayan. Hindi mawala ang titig ko kay Roian na naguguluhan na.

"Alagaan at mahalin mo itong anak ko at ang apo ko....Sa mundong itong alam mo Altamirano na ang mga anak at mga apo at magiging apo ko lang ang kayamanan ko...." habang sinasabi ito ng Daddy ni Roian ay nakatitig ito sa kanya na sya naman ay nakatitig sa akin kaya ngumiti ako. She have no idea at all. Feeling ko sasakalin talaga nya ko after this wedding.

Nanlaki ang mga mata nya ng iabot ng daddy nya ang kamay nya sa akin at malugod ko iyong tinanggap.

"Yes Dad! Promise I will be better this time. Aalagaan ko po sila ni Yuan. Mahal na mahal ko po talaga itong anak nyo." nakangiting saad ko pero laking gulat ko ng pinalipit ni Roian ang kamay ko.

"A-Ouch!" nagpipigil kong hiyaw. Jusko!

Naiiyak na sya at napapalinga na sa paligid.

"W-What the hell is happening? Dad? Ma? Ate Belle?-----Cyrll?" natatarantang tanong nya at umaagos na ang masaganang luha sa mga mata nya.

"Hindi nya alam?" takang tanong ng nanay at tatay ko. Si Kuya MJ natatawa na kahit yung ibang bisita.

"Love... yung kamay ko ang sakit...." mahinang daing ko sa kanya dahil promise ang sakit!

"Wag dyan sa kamay Roian! Hindi sasaya ang honeymoon mo!" natatawang sigaw ni Carol kaya nagtawanan ang lahat! Hayop! nahahawa na sya kay Yvie sa kamanyakan! Sina Shann napatigil na sa pagtugtog at parang aliw na aliw sila sa sinasapit ko!

Mayamaya ay lumipat naman sya sa pamimingot ng tenga ko!

"Hayop ka ano 'tong nangyayare?" umiiyak na sya sa taranta.

"L-Let me explain please!" napakasakit!

"Sige lang! makaganti kami! Idiin mo pa yung pamimingot mo!" sigaw ni Gale na natatawa na akala mo ito yung pinakamagandang show na nakita nya. Ni isa sa mga magulang namin at kapatid ay walang umawat man lang!

"T-Today is our wedding day!" pag aamin ko at parang nanghina sya dahil napabitaw sya sa tenga ko.

Napatakip sya ng bibig gamit ang mga kamay nya at hindi makapaniwalang napatingin sa akin maging sa mga magulang namin na napapangiti.

Napatulos sya sa pagkakatayo ng nasuotan na sya ng belo. Napangiti ako dahil parang wala pa sya sa sarili nya.

"Hindi ko gustong mapressure ka sa pag aayos ng kasal natin kaya tinago kong lahat ang preparation nito... saka next year pa sila kuya MJ dahil ayaw ni Ate Belle na malaki ang tyan nya na ikakasal. Kaya hiniling ko sa mga magulang natin na tayo na muna ang ikasal dahil magwawala na talaga ako kapag next next year pa..." mahabang eksplika ko sa kanya this time ako naman yung hindi nakagalaw dahil yumakap na sya sa akin.

"Gosh! Cy! Gago ka talaga kaya mahal na mahal kita!" natatawa na naiiyak na saad nya habang yakap nya ko.

Nang humiwalay sya ng yakap sa akin ay nagpatulong sya kina Mommy na punasan ang mga luha nya. Pagharap nya sa akin ay nilahad ko ang kanang kamay ko sa kanya at tinanggap nya ito.

"Let's do this!" sabay naming turan habang may mga ngiti sa mga labi namin at buong pagmamahal naming tinitigan ang bawat isa.

.........................................
Guys! Pasensya na kung natagalan ito😢😩 Maraming salamat sa nagtyaga at matagal na nag aantay ng ending nitong kay Cyrll. Special chapter is on the way🤣🤣🤣 Yayanigin kayo sa kahayupan ni Cullen🤣Abangan😂🤣

yung story nina Yvie and Andrea, Gale and Hunter eh nasa dreame account ko para sa ibang hindi nakakaalam. At yung isang story ko na hindi ko dito nilagay sa wattpad eh nasa dreame din ang title is "Clock" lesbian story din promise kakaiba sya hindi kayo magsisisi na subaybayan at libre pa sya doon.Same din yung name ko sa dreame. dark19 pa din.

vote and comment

thank you for reading

~dark19

Continue Reading

You'll Also Like

123K 2.3K 66
You don't really know what will happen next not until you realize you're already attached to it. Chantel never expects to fall in love with someone o...
193K 5.9K 28
Si Charline Victoria ay isang sikat na actress, singer, and dancer. Halos lahat ng katangian na hinahanap mo sa artista ay nasa kanya na. Hinahangaan...
2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
103K 4.1K 29
Lara, The arrogant, boastful heiress of her Father's company meets Brei, a girl who lived through poverty and is willing to do anything for her famil...