2025

由 scitusnim

593K 38.5K 21.1K

⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everythi... 更多

-
2025
1 - Real Zombies
2 - Damn Iteration
3 - Don't Make Any Noise
4 - Damn
5 - Thank God
6 - Go
7 - Not Perfect
8 - Save it for later
9 - Gunshots
10 - Stick to the plan
11 - Home
12 - Sword
13 - The Way
14 - Nyctophobic
15 - Shut the fuck up
16 - Why
17 - Room Assignments
18 - Day 2
19 - Hypothesis
20 - Groceries
21 - Trust
22 - Girls Talk
23 - Tired, For Real
24 - Wounds and Scratches
25 - False Alarm
26 - The Governor
27 - The Proposal
28 - And the World Stopped
29 - What happened?
30 - I choose you
31 - Why do I?
32 - Tita
33 - Creepy People
34 - Missing
35 - The Sacrifice
36 - Killing Mode On
37 - Was it?
38 - Please, don't die
39 - Calm (Part 1)
40 - Calm (Part 2)
41 - What have I done?
43 - 48th Daysarry
44 - Wawie and Yuan
45 - He's Back
46 - Getting Ready
47 - The Last Trip (Part 1)
48 - The Last Trip (Part 2)
49 - Arrival
50 - To the Safest Place
2025: The Second Half
Announcement
1 year to go

42 - Helicopter

7.3K 517 264
由 scitusnim

42 - Helicopter



"Hindi na talaga ako natutuwa." Ipinagkrus ni Yuan ang mga braso habang walang emosyong nakatingin kay Warren na naghahanda para umalis. Halata pa rin sa mga mata ng dalaga, at sa maya't-mayang pagsinghot, na kagagaling niya lamang sa pagiyak.



"Halata naman," sarkastikong komento ni Leanne at agad siyang nakatanggap ng masamang tingin mula sa kapatid. "Bakit kasi hindi ka na lang sumama? Wala namang pumipigil sayo. Sige, ako na bahala mangatwiran kina Mom at Dad."



"Ayoko nga." Tinatamad na itinaas ni Yuan ang kamay niyang nakabalot ng benda. "Hindi naman ako makakalaban, magiging pabigat lang ako. Baka kung ano pang mangyari."



Nagpameywang si Leanne at diretsong humarap sa kanyang kapatid. "Then stop looking like a kid who got her candy stolen by another kid!"



Awtomatikong lumingon si Warren kay Yuan ng marinig ang sigaw ni Leanne. Inaasahan niya ng gaganti ng sigaw ang dalaga at hindi naman siya binigo nito.



"Eh, sa hindi nga ako masaya na hindi ako kasama!"



"You're allowed to come," natatawang paalala ni Warren. Sandali siyang lumingon sa hagdan kung saan pababa na si Lucas bago muling ibinalik ang tingin kay Yuan. "I'm sure naman na hindi kita kailangang alalahanin habang nandoon tayo."



"Nah. I don't wanna risk anybody's life." Umiling iling ang dalaga at napapikit ng madiin. "Why the fuck do I have to be injured?"



"Ask those people who did that to you but you still want to find and help," muling sarkastikong sabi ni Leanne.



"Ate Yan," tila nagwa-warning ang boses na sabi ni Warren saka binigyan ng makahulugang tingin ang dalaga.



Napabuntong hininga na lamang si Leanne.



"They gave me the key for Gov. Sebastian's ranger," anunsyo ni Lucas ng tuluyang makababa ng hagdan. "Manong Jules isn't confident to drive a 4x4."



"Then who will drive?" tanong ni Warren.



"Oy! Mga pare!" Nagulat ang lahat at napalingon sa taas ng hagdan at sa lalaking may malawak na ngiti. "Saan tayo nire?"



"Pareng Gibo!" Masayang sinalubong ni Warren ang lalaki at nakipag-high five pa dito.



"Pareng Warren!"



Napangiwi ang magkapatid na Ignacio noong halos magyakapan na ang dalawa. Hindi din napigilan ni Yuan na magsalita. "Araw-araw naman kayong nagkikita, diba?"



"Magpayakap ka kay Lucas kung naiinggit ka," simpleng sagot ni Warren saka dirediretsong lumabas ng bahay.



Laglag ang panga ni Yuan habang sinusundan ng tingin ang binata. Nagpipigil ng tawa si Leanne habang malakas namang humahalakhak si Gibo na papalabas na din.



"Nagsisisi na 'kong tinulungan ka namin," malamig na sabi ni Yuan habang masama ang tingin sa lalaki.



Agad nawala ang saya sa mukha ni Gibo at nagmukhang apologetic ng muling lumingon kay Yuan. "Oy, wala namang ganyanan."



"Nagbibiro lang siya," naiiling na sabi ni Leanne.



Tila nakahinga ng maluwag si Gibo at muling ngumiti saka dumiretso na palabas ng bahay.



"Why do I always have to interpret your emotions to other people?" muling naiiling na tanong ni Leanne sa kapatid.



Nagkibit balikat lamang ang dalaga saka tahimik na lumabas din ng bahay. Nilingon ni Leanne si Lucas at nagkibit balikat din lamang ito bago sumunod kay Yuan.



"You sure you're not coming?"



Binagalan ni Yuan ang paglalakad ng marinig ang boses ni Lucas. Hindi niya namalayang kasunod niya pala ang binata.



Nang magkasabay sa paglalakad ay tumango ang dalaga. "Kaya niyo naman na yon, diba?"



Napangisi ang binata. "Are you really asking me that or are you trying to convince yourself that it's okay not to come because you're not needed?"



Tuluyang tumigil si Yuan sa paglalakad at humarap kay Lucas. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Since when did you know me?"



Bahagyang natawa si Lucas. Napatingala pa siya at napailing-iling. Nakangiti siya ng muling magbaba ng tingin sa dalaga. "Since you let me?"



Natawa din si Yuan ngunit napatalon siya ng biglang makarinig ng busina ng sasakyan. Agad hinagilap ng kanyang paningin ang pinagmulan noon. Naitirik ng dalaga ang kanyang mga mata ng makita si Warren na nakadungaw sa nakababang bintana ng nakabukas na pinto sa driver's side ng ranger. Bagamat nakaupo na si Gibo sa driver's seat, sigurado siyang si Warren ang walang habas na nagpipindot sa busina.



"Mamaya na ang landian, paguwi," pang-aasar pa ng binata.



"Kayo ha. Kebabata niyo pa," dagdag pa ni Gibo.



"Kingina. Magkasundong-magkasundo sila," naiiling na bulong ni Yuan at muling bahagyang natawa si Lucas.



Sumakay na si Warren sa backseat at hinayaang si Lucas ang pumwesto sa passenger's. Lumapit si Yuan sa nakababa pa ding bintana sa side ni Gibo.



"Iniisip kong dyan ka pumwesto sa likod dahil mga babae ang susunduin ninyo. Ganyan ka talaga kalandi," ani Yuan at umakto pang disappointed habang nakatingin kay Warren.



"Hoy, gago! Hindi ah!" depensa ni Warren sa sarili. "Oh sige, kung gusto mo palit kami ni Lucas!"



Bahagyang natigilan si Yuan. Alam na alam niyang sinusubukan siya ni Warren ngayon. Pinagkrus niya ang mga braso bago nagsalita. "Okay. Kung gusto niya."



Ngumisi ng malapad si Warren bago inilipat ang tingin kay Lucas.



"Fuck off, Mercado."



Napalitan ng ngiwi ang ngiti ni Warren. Bagsak ang mga balikat niya ng ibinalik ang tingin kay Yuan. "Just don't tell your sister."



"Like I speak about you," sarkastikong sabi naman ng dalaga saka nilingon si Gibo. "Nakapag-drive ka na ba ng ganito dati?"



"Hindi pa." Umiling si Gibo at tila nahihiyang tumawa. "Truck pa lang namaneho ko pero kompident naman akong 'di kami maaaksidente ngayon."



"Sabihin mo lang agad kung babangga tayo para maprotektahan ko ang mukha ko."



Napahugot ng malalim na hininga si Yuan dahil seryoso pa talaga si Warren ng sinabi iyon. "Umalis na nga kayo."



Tumawa si Gibo. "Wala man lang bang ingat diyan? Kung hindi ko laang talaga alam na ikaw ang nagpumilit na sagipin ako ay... iisipin kong masama ang ugali mo eh."



"Masama talaga ang ugali niyan," mabilis na sabi ni Warren.



"Masama talaga ang ugali ko," mabilis ding dagdag ni Yuan. Nang makitang umawang ang bibig ni Gibo at tila naging speechless, napabuntong hininga na lamang ang dalaga. "Sige na. Wag sana kayong mamatay."



Lalong nalaglag ang panga ni Gibo habang humagalpak naman ng tawa si Warren.



"Pero kung gusto niyo namang iwan ang isa dyan..." Sinadya ni Yuan na lingunin si Warren para iparating na ito ang tinutukoy niya. "Okay lang sakin."



"Oh, Lucas, mamaalam ka na. Okay lang pala eh," tumatawa pa ding sabi ni Warren ngunit nang makitang hinawakan ni Lucas ang sarili nitong baseball bat, agad siyang umayos ng upo. "Tatahimik na nga. Eto na."



Pinanood ni Yuan na umandar ang sasakyan at makalabas ng bakuran ng gobernador. Hindi niya na ito natanaw na makalayo dahil inapakan lamang muli ni Gibo ang gas noong masigurong naisara niya na ang gate.



Nang makapasok sa bahay ay dumiretso si Yuan sa kusina upang sabayan ang iba na mananghalian. Sina Mariz, Kenzo, Rina, Gian, at Jet lamang ang nadatnan niyang nakapwesto sa dining table. Nasa kitchen counter naman si Pia at naglalagay ng pagkain sa isang malaking plato.



"Where are the others?"



"Tapos ng kumain lahat maliban samin," sagot ni Rina. "Bakit hindi ka sumama?"



Tumigil si Yuan sa paglalakad palapit sa lababo at binigyan ng nagtatanong na tingin ang kanyang kaibigan.



Uminom muna ng tubig si Rina bago nilinaw ang kanyang tanong. "Kina Lucas, bakit hindi ka sumama?"



Itinaas lamang ni Yuan ang nakabendang kamay at tuluyan ng lumapit sa lababo para maghugas.



"Di ka nila niyaya?" tanong ni Kenzo habang patuloy na kumakain.



"For sure 'yan ang tumanggi," ani Mariz.



"Di ka nila pinilit?" tanong naman ni Jet.



Pinagpag ni Yuan ang basang kamay at muling humarap sa mga kaklase. Magsasalita na sana siya ng unahan siya ni Pia.



"They probably realized that they don't need you." Binitbit nito ang plato at halatang plastik ang ngiti ng lumingon kay Yuan. "Good for them."



Ibinagsak ni Mariz ang mga hawak na kubyertos at tatayo na sana ng pigilan siya ni Kenzo. Sinamaan niya ng tingin ang kasintahan noong tuluyan ng makalabas ng kusina si Pia.



"Gutom ka, diba? Ubusin mo na yan."



"Didn't you hear what that bitch just said to Yuan?" nagngingitngit na tanong ni Mariz.



"I did. I clearly heard and understood that it's for Yuan..." Nilingon ni Kenzo ang kababata. "...who didn't even react."



"Yuan." Ibinaba din ni Rina ang kanyang kutsara at tinidor. "Patulan mo naman kahit minsan."



"Not worth my energy," simpleng sagot ng dalaga habang nagsasandok ng kanyang pagkain.



"Mukha namang naghahanap ng away eh," katwiran ni Gian. "Labanan mo."



Napangisi si Yuan. "Ibang laban ang alam ko."



Ngumisi din si Gian. "Kaya nga sinasabi kong labanan mo."



"Gago," natatawang sabi ni Yuan saka pumwesto din sa dining table.



"Or takutin mo lang naman," suhestiyon ni Jet. Magkatabi sila ni Yuan kaya inakbayan niya ito at hinila para bulungan. "Pagkatapos nating kumain kunin mo lang espada mo, ako na bahala."



Nagtawanan ang iba pa dahil narinig din naman nila ang bulong ni Jet.



"Kung mananakit lang din naman ako ng tao, bakit hindi pa ikaw ang unahin ko?" natatawa ding tanong ni Yuan. "Hinila mo pa ako, rinig naman hanggang sa labas ng kusina 'yang boses mo."



"Pero, Yuan, if ever lang ah?" Nilunok ni Kenzo ang laman ng kanyang bibig at diretsong tumingin sa kanyang kababata. "If she became a zombie, would you cut her head?"



Walang pag-aalinlangan na sumagot si Yuan. "If she tries to hurt anyone I'd to what I have to do."



"Pwede bang ako?" pabirong tanong ni Mariz. "I mean I'd do that to protect whoever she's trying to hurt, but it'll also satisfy my long desire to kill that bitch."



"Kalma naman," natatawang sabi ni Jet dahil kahit nagbibiro noong una ay halata na ang panggigigil kay Mariz noong matapos magsalita.



"Aba! Alam mo bang sinabi ng babaeng 'yon noong isang araw na kaya hindi silang mag-Tita sumasabay sa atin kumain, eh nawawalan daw siya ng gana kapag nakikita ang pagmumukha natin!"



"She really said that?" Hindi malaman ni Yuan kung maiinis ba siya o matatawa.



"Nandun din ako noong sinabi 'yon ng bruhang 'yon!" salubong ang mga kilay na dagdag ni Rina. "Akala mo kung sinong kagandahan. Gusto ko ngang samahan araw-araw kung talagang nawawalan siya ng gana, edi mamatay siya sa gutom."



"Oh, gigil ka na din," natatawang sabi ni Gian ngunit halatang pumipili ng dapat sabihin dahil baka sa kanya mauwi ang galit ng kasintahan.



"Makakasama 'yan sa bata," natatawang sabi ni Jet.



"Gago, tangina mo!"



Napatayo si Jet noong pabirong inambaan siya ni Gian ng suntok. Nauwi sa tawanan ang kanina ay gigil na usapan ng magkakaibigan.



*****



"How the fuck do we tell Yuan?" bagsak ang mga balikat na tanong ni Warren matapos nila patumbahin ang lahat ng zombies na nasa loob ng estasyon ng pulis. Kabilang na doon ang dalawang kabataang babae na natatanging nakasuot ng pangsibilyan.



"We'll tell her the truth," simpleng sagot ni Lucas na hindi naiintindihan kung bakit pa nagtatanong si Warren. "She knows the possibilities. She's not really expecting that we come back with these women."



Napabuntong hininga na lamang si Warren. Muli siyang nag-squat sa sahig at tinitigan ang mga bangkay na sinadya nilang pagtabihin. "You two have a really amazing father. Thank him when you see him there."



Magsasalita sanang muli ang binata ng may malakas na ingay na narinig mula sa labas. Tila tunog ng isang helicopter na mababa ang lipad. Kapwa kunot ang noo nila ni Lucas ng magkatinginan.



Patakbong lumabas ang dalawa ng marinig na isinisigaw ni Gibo ang kanilang mga pangalan. Natigilan sila sa nadatnan.



Kung kanina ay naubos na nila ang mga zombies na nasa paligid, ngayon ay may iilan nanamang naglalakad. Sandali lamang ang naging pagtataka nila sa kung saan nanggaling ang mga iyon ng tatlong zombies ang sunod-sunod na bumagsak sa lupa.



Napatingala ang dalawang binata at sinundan ang isa pang zombie na inihulog mula sa helicopter at bumagsak sa mismong harapan nila. Hindi pa man tuluyang nakakatayo ay agad iyong hinampas ni Lucas.



Napasinghap si Warren ng mapagtanto ang nangyayari. "What the fuck?"



"We have to go." Nauna ng tumakbo si Lucas at agad namang sumunod si Warren.



Narating nila ang sasakyan bago pa man makalapit ang mga zombies. Mabilis na pumasok sa likod si Warren. Nabuksan na din ni Lucas ang pinto sa passenger's side ng matigilan siya. Sinalakay siya ng matinding kaba ng sundan ng tingin ang ngayon ay papaalis ng helicopter.



"Warren," tawag ni Lucas sa binata na agad din namang dumungaw sa tinitignan niya.



"Fuck!" ani Warren noong makita ang direksyong tinatahak ng helicopter. "Let's go! Let's go!"

;













繼續閱讀

You'll Also Like

21.3K 2K 25
Book 4 of Fate of Darkeness I'm lost in time. Literally. Dahil sa paglaban sa mga kalaban ay napahiwalay ako at napunta sa nakaraang hindi ko alam...
1.3M 19.2K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...
36.1K 633 14
link: http://sherlock-holm.es/stories/html/cano.html#Chapter-14 DISCLAIMER: I don't own anything in this story. I give the credit to the Author of th...
182K 7.3K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...