Fated To Be

By BampirangPuyat

1.1M 44.7K 4.3K

MIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I go... More

DISCLAIMER
DEDICATION
Prologue
Obsession 1
Obsession 2
Obsession 3
Obsession 4
Obsession 5
Obsession 6
Obsession 7
Obsession 8
Obsession 9
Obsession 10
Obsession 11
Obsession 12
Obsession 13
Obsession 14
Obsession 15
Obsession 16
Obsession 17
Obsession 18
Obsession 19
Obsession 20
Obsession 21
Obsession 22
Obsession 23
Obsession 24
Obsession 25
Obsession 26
Obsession 27
Obsession 28
Obsession 29
Obsession 30
Obsession 31
Obsession 32
Obsession 33
Obsession 34
Obsession 35
Obsession 36
Obsession 37
Obsession 38
Obsession 39
Obsession 41
Obsession 42
Obsession 43
Obsession 44
Final Obsession
Panda's Obsession
Special Obsession
I'm the Vampire Boss' Probinsiyana
BampirangPuyat
Caldrix and Gresha
Other Characters (Male)
Other Characters (Female)
Instagram

Obsession 40

14K 559 79
By BampirangPuyat

Third Person

"Haring Caldrix, sinasalakay ng isa pang hukbo ni Lucius ang palasyo habang abandunado ito. Pinamununuan ito nina Jafar Brick and Cladius Stalk," pag-iimporma ng sugatang kawal na naatasang magbantay sa palasyo.

Hanggang ngayon ay nanatiling nakatigil ang lahat at nag-aabang sa sunod na mangyayari. Maging ang naunang labanan ay napatigil din dahil sa tagisan nina Caldrix at Lucius.

Napamura si Caldrix sa nalamang balita. Hindi niya inaasahang makahihikayat si Lucius ng napakaraming kakampi at hukbo. At talagang ang iilan sa kanila ay malalakas na pigura sa balat ng Vampyria.

Ang nabanggit na sina Jafar at Cladius ay ang heneral at commander noong ang ama pa ni Lucius ang namumuno sa kaharian. Ang karamihan sa mga tauhan nito ay kasabay niyang naglaho, ngunit naririto sila ngayon at lumalaban para kay Lucius.

"They are legends. Let me go there and handle them," pag-aalok ni Lord Alexus, na mabilis na inilingan ni Caldrix.

"If there are persons I could not risk to die, it would be Gresha and you," sagot ni Caldrix.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ni Lord Alexus sa kaharian. Siya ang mukha ng organisado at malinis na pamamahala. Kung tutuusin, dahil sa kanya ay marami pa rin ang nagtitiwala sa pamamahala ni Caldrix kahit sa kabila ng  kagaspangan ng ugali nito. Nasa kanya ang tiwala ng publiko at karamihan.

"Ngunit hindi pipitsugin ang kalaban. Tama lang na isang Alexus Night ang humarap sa kanila. At nais kong samahan siya at maging tulong sa abot ng aking makakaya," suhestiyon ni Martin Blade at napayuko tanda ng paggalang sa kaharap niyang hari.

"We are the knights of the castle, so let me join Lord Alexus as well," segunda ni Kedan Knight.

Magsasalita na sana si Caldrix ngunit isang hindi inaasahang panauhin ang sumingit sa usapan.

"I will go too. I don't care about what's happening in your kingdom, but he's my father," bulalas ni Axon Night.

Marami ang nagulat sa paglitaw niya sa eksena. Isang mailap na bampira si Axon at wala siyang interes sa kaharian. Ngunit hindi lingid sa lahat ang kanyang taglay na lakas bilang isang pureblooded Night.

Napairap si Caldrix sa kanya dahil hindi niya pa rin ito mapatawad sa ginawa niya kay Gresha.

"Fine. If someone must die in your group, I would be glad if it will be Axon," maangas niyang pahayag na tinawanan lamang ni Axon.

"Ano na ang gagawin mo ngayon, Caldrix?" sigaw ni Lucios mula sa pinakamataas na palapag ng mansyon na halos umabot na sa himpapawid.

Ikinumpas niya ang kanyang kamay at ilang matutulis na bato ang lumipad patungo sa kinaroroonan ni Caldrix. Ang lahat ay naging alerto dahil ito ang hudyat ng labanan na magaganap.

Ngunit bago pa man marating si Caldrix ay tumalon ng mataas at sinalubong nina Veronica at Ares ang atake ni Lucios. Halos ang lahat ay namangha kung paano nila ito napigilan ng walang kahiraphirap.

Kasalukuyang nagliliyab ang mahabang sibat ni Ares, samantalang ginamit naman ni Veronica ang kanyang aegis shield at espada. Lingid sa kanilang kaalam ay ginamitan sila ni Caldrix ng kanyang noble gift na namana niya ayon sa kanyang bloodline. Sa pamamagitan nito ay kaya niyang maibahagi ang kanyang kapangyarihan papunta sa anumang nilalang.

"Impressive." Maging si Lucios ay namangha lalo pa't alam niyang isang turned vampire lang si Veronica ngunit malinaw niyang nakita kung paano ito mag-summon ng sandata na tila ba likas niya itong kapangyarihan.

Napatitig siya kay Caldrix at binigyang ng nakakalokong ngisi.

"Attack!" sigaw niya, at agad ba lumusob ang kanyang hukbo na nilabanan naman ng hukbo ni Caldrix.

"Get going now!" utos ni Caldrix kay Lord Alexus, kaya agad silang naglaho upang protektahan ang palasyo.

Kung tutuosin ay halos treple ang bilang ng hukbo ni Lucios, ngunit hindi manlang pinanghinaan ng loob ang hukbo ni Caldrix. Matapang nila itong hinarap para sa kanilang kinikilalang hari, para sa kaharian.

Maging sina Veronica, Ares, at Axel ay kasalukuyang nilalabanan ang iilang dekalibreng bampira na namumuno sa hukbo ng kanilang kalaban.

Ayaw ni Caldrix ng mahihinang nilalang, kaya ilang taong pagsasanay ang ginawa nila sa ilalim ng kanyang pagtuturo. Ilang beses nang nalagay sa alanganin ang kanilang mga buhay dahil sa pag-eensayo, ngunit dahil sa determinasyon at pagtitiwala sa kanilang hari, hindi sila kailanman tumigil at sumuko.

Napangisi si Caldrix nang makita kung paano makipaglaban ang tatlo.

"In that pace, the three of them can already handle all the enemies," usal niya, at napabalik ang tingin kay Lucius habang nasa tabi nito si Gresha.

Limang bampira ang nagtangkang sumalakay kay Caldrix ngunit bago pa man sila makarating sa kinaroroonan nito ay nagliyab ang kanilang katawan dahil sa kapangyarihan ni Caldrix na namana sa kanyang ama.

Kung ang kapangyarihan ni Cassiopeia ay apoy na mula sa Phoenix, ang taglay naman ni Caldrix ay apoy na mula sa dragon.

Ilang matutulis na bato na naman ang bumulusok papunta kay Caldrix ngunit sinalubong niya ito ng kanyang naglalagablab na kamao kaya tuluyan itong naging alikabok.

"You're getting slower. I thought you want to save Gresha immediately," hamon ni Axel sa kanya nang makalapit siya.

Dalawang bampira ang pumuntirya sa kanila ngunit agad itong nahawakan ni Axel at biglang napaluhod sa lupa.

Ang pamilyang Night ay may taglay na telepathy. Ang kanilang kakayahan ay nakabatay sa pagkontrol ng isip at utak ng nilalang. Mas mainam ang kanilang kakayahan sa larangan ng pamamahala, ngunit hindi maitatangi na kung gagamitin ito ng maayos, ay nakamamatay din ito pagdating sa labanan o digmaan.

Inirapan ni Caldrix si Axel.

"Watch carefully, you might can't take what is about to unfold," usal ni Caldrix at tumalon ng mataas papunta sa himpapawid.

Sinalubong niya ang napakalaking bato na bumubulusok papunta sa kanilang kinatatayuan. Ang laki nito ay maihahalintulad sa tatlong palapag na gusali.

Nasilaw ang lahat dahil sa napakalaking porma ng apoy na ipinalabas ni Caldrix na tuluyang kinain ang napakalaking bato at kalaunan ay naging abo.

Napakuyom si Lucius dahil sa nakikita. Hindi niya inakalang kayang makipagsabayan ni Caldrix sa kanya.

"That brat is even stronger than his father in terms of power ability," pag-amin ni Lucios.

Ngunit napangisi ito ng makita niya ang naging epekto kay Caldrix matapos nitong magpalabas ng napakalakas na kapangyarihan. Napaluhod ang isa nitong tuhod sa lupa at halatang hinihingal. Tagaktak ang pawis at mababakas sa kanyang ekspresiyon ang pagod. Napakalaking enerhiya ang kailangan sa pagpapalabas ng ganoong kapangyarihan.

Samantala, hindi masukat ang kaba na nararamdaman ni Gresha sa kanyang nakita. Kahit lubha siyang namamangha sa lakas ni Caldrix ay hindi mapawi ang takot sa kanyang puso. Natatakot siya sa kahihinatnan ng digmaang ito. Natatakot siya sa mangyayari sa kanyang kabiyak. Kaya habang tahimik siyang nakatayo sa gilid ni Lucius ay nag-isip siya ng maaari niyang gawin upang matulungan si Caldrix.

"Now, let's see how you will handle this." Napangisi si Lucios at ikinompas ang kanyang kamay.

Ang mga nakalutang na malalaking bato kanina ay mabilis na bumulusok pababa na tila ba ulan mula sa himpapawid.

Napamura ang lahat ng naglalaban sa baba at pansamantalang itinigil ang tagisan upang unahin ang kaligtasan mula sa ginawa ni Lucius. Maging ang hukbo ni Lucius ay hindi nakaligtas sa kanyang atake.

Kahit na likas na mabibilis ang bampira, mahirap pa rin makaligtas sa malalaking bato na nagraragasa pababa na may bilis na maihahalintulad din sa bilis ng isang normal na bampira.

Kung isang normal na tao ang makasaksi sa kaganapan ay parang flash forward ang lahat dahil hindi niya masasabayan ang mabibilis na mga galaw ng kaganapan.

Halakhak ni Lucius ang dumagundong sa paligid. Tanaw niya kung paano halos matakpan ng mga bato ang kabuoan ng lupain sa baba. Napakaraming bampira ang agad na nasawi at naging abo, kakampi man o kalaban.

Sa pangalawang pagkakataon, ay natupok ni Caldrix ang batong tatama sana sa kanyang kinatatayuan. Ngunit hindi niya napigilan ang iba pang bumulusok pababa. Mabuti na lang at malapit sa kanya si Axel kaya nakaligtas ito.

Isang bato ang biglang nagkaroon ng tipak at hindi nagtagal ay nawasak ng tuluyan. Mula dito ay lumabas si Veronica na hawak hawak ang kanyang aegis sheild na mas lumaki pa ang anyo. Maraming kawal din ang nailigtas niya.

Mula sa sunod na nawasak na bato ay lumabas sina Maxus, Medusa, Juris, at Jefar habang hawak hawak ang kani-kanilang mga sandata.

Napatingin sila sa isang bato na biglang nagliyab at kalaunan ay nawasak din. Lumabas si Ares na hinihingal habang hawak ang kanyang nagliliyab na sibat.

Ang mga heneral at opisyales ni Lucius ay ligtas na nakabalik sa loob ng mansiyon. Napagplanuhan na nila ang kanilang gagawin sa oras na gawin ni Lucius ang atake niyang ito.

Karamihan ng kawal ay nasawi kaya mas naging determinado pa ang mga nakaligtas na ipaghiganti ang kanilang kasamahan na namatay.

Napapalakpak si Lucius.

"Just perfect! A perfect depiction of survival of the fittest," patuloy niya na puno ng galak na nadarama.

Masaya siyang nakokontrol ang kaganapan sa baba. Nalason na ang kanyang utak ng kasakiman kaya kahit iilan sa kanyang kawal ay nasawi, wala siyang pakialam hangga't magtagumpay siya.

Napatayo ng tuwid si Caldrix at masamang tinignan si Lucios.

Hindi siya makalaban ng maayos dahil patuloy niyang nilalabanan ang nag-aalab na puot sa kanyang sestima. Kung noon ay wala siyang pakialam kung sino ang mabibiktima niya, ngayon ay naging maingat siya sa bawat hakbangin lalo pa at nakikita siya ni Gresha. Ayaw niyang matakot ito sa kanya. Ayaw niya itong biglain sa kanyang totoong anyo. Natatakot siya na baka layuan siya nito kung makikita niya ang kanyang pinakamalalang estado.

Muling lumutang ang mga batong nalaglag sa lupa kasabay ng pagliparan ng matutulis na bato na nakapalibot sa mansiyon ni Lucius.

"Taste my power, Caldrix. This is the power that killed Darius and Cassandra. This is what it takes to be the king."

Umigting ang panga ni Caldrix dahil sa pagbigkas ni Lucios sa kanyang yumaong mga magulang. Ang ibang walang malay sa krimen na ginawa ni Lucius ay napasinghap sa nalamang impormasyon.

Isang naglalagablab na apoy ang deriktang bumulusok papunta kay Lucius na agad namang sinangga ng kanyang golden orb na nagkakaroon ng anyo ayon sa kanyang nais.

Dahil abala ito sa pagsangga sa atake ni Caldrix ay hindi niya agad nakita ang ginawa nito sa baba.

Nagliyab ang harap ng mansiyon at tinupok ang matutulis na bato na walang humpay na nagliliparan papunta sa kanila.

Maging ang palapag pinagtaguan ng mga malalakas na kasamahan ni Lucius ay pinasok ng kanyang naglalagablab na apoy.

Ramdam sa paligid ang kakaibang init dahil sa kanyang kapangyarihan. Mas nagiging maalab ito dahil sa kadiliman ng malalim na gabi.

Napamura si Lucios nang makita ang naganap.

Maging ang kanyang mga natirang kawal ay walang humpay na pinupuksa ng kasamahan ni Caldrix. At ang kanyang mga heneral at opisyales ay puwershang lumubas sa pinagtataguan dahil sa apoy na tumupok sa kanilang palapag.

Parang kidlat kung kumilos si Caldrix at tinutupok ang lahat ng kanyang nadadaanan. Kaya ang kanyang mga kawal ay mas minabuti nang lumayo sa kanya.

"Uh-oh. Our king is already getting bersek," komento ni Ares ngunit napataas ang kilay niya kay Veronica ng mapailing ito.

"Believe me, this is not even half of him going real bersek," usal nito at agad na pinugutan ang bampirang sumalakay sa kanya.

Kahit naguguluhan si Ares ay mas minabuti niyang ituon ang atensiyon sa pakikipaglaban.

Napaatras silang dalawa ng atakihin sila ng tatlong malalakas na heneral mula sa hukbo ni Lucius.

"Finally, some worthy opponents," komento ng isa sa kanila, at iwinasiwas ang dalang latigo na napapalibutan ng tinik.

Agad na naging alerto sina Veronica at Ares dahil ramdam nila ang lakas mula sa kanilang mga kaharap. Mas malaki sila sa normal na bampira, halatang ginamitan sila ng kapangyarihan ni Laila.

Sa kabilang banda naman ay pinagtutulungan si Axel nina Bettany Bordias at Herni Akerna. Dahil ang dalawa ay dating itinalagang elders, ay hindi maikakaila ang lakas at kapangyarihan nilang taglay. Kaya nilang makipagsabayan maging sa pureblood na bampira.

Ang mga natitirang malalakas sa hukbo ni Caldrix ay hinarap ng iba pang opisyales ni Lucios sa pamumuno ng isang elder na si Benedicto Bellius.

Samantala, tahimik lang na sinisilayan ni Laila Witchter ang kaganapan sa labas ng mansyon. Nakakubli siya sa loob ng isang madilim na silid.

Napahawak siya sa kanyang leeg na umiigting pa rin ang kirot. Napasandal siya sa pader at pinahid ang luhang kanina pa umaagos ng walang humpay.

Matapos gamitin ni Lucios ang kanyang noble gift kay Gresha ay sapilitan niya rin agad itong ginamit kay Laila. Naisahan siya ni Lucios at naisakatuparan nito ang nais.

Noong una ay sinuportahan lang niya si Lucios nang sa ganoon ay madali niyang makitil ang anak ng pumuksa sa kanilang lahi. Ngunit kalaunan ay nahulog ang loob niya rito. Hindi maitatanggi ang tikas at magandang pisikal na kabuoan ni Lucios dahil nga isa itong bampira. Likas silang magagandang nilalang.

Kaya ay nagpaalipin siya sa pag-ibig. Ginawa niya ang lahat upang maging kanais-nais siya sa paningin ng kanyang napupusuan. Ngunit sa kasamaang palad, walang puso ang isang Lucios Black.

Simula't sapul ay ginamit niya lang si Laila. Ramdam niya ang kasabikan ni Laila sa kanya kaya ginamit niya itong alas para paikutin siya at magamit ng husto.

Hindi pa siya nakuntento at ginawa niya itong bampira at ginamitan ng kanyang noble gift. Kaya ngayon ay literal niya nang alipin si Laila.

Natauhan si Laila sa kanyang katangahan. Ngayon niya napagtanto kung paano siya binulag ng kanyang nararamdaman, ngayong huli na ang lahat.

Hindi nagustuhan ni Lucios ang nasasaksihang tikas ni Caldrix kaya agad niyang pinalutang ulit ang mga bato at pinaulan pababa.

Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.

Isang nakakasilaw na kidlat ang gumuhit sa himpapawid kaya napatingin ang lahat dito.

Napalibutan ng puting kidlat ang lahat ng batong nakalutang at hindi nagtagal ay tuluyang nawasak at puwersahang nagsiliparan sa harap ng mansiyon.

Hindi mawari ni Lucios kung sino ang nasa likod ng naganap na pangyayari. Sa hinahaba niyang nabuhay, wala siyang nakilala na bampirang may kapangyarihang tulad ng kanyang nasaksihan pa lamang ngayon.

Tanging mga pureblood lang ang nagtataglay ng purong kapangyarihan, ang iilang halfblood ay nagkakaroon din naman ngunit ito ay napakalimitado at napakaliit lamang na porsyento ang kanilang taglay na kapangyarihan. At kung pagbabasehan ang bawat pamilya ng pureblood, walang nahahanay sa kapangyarihang magpalabas at kumontrol ng kidlat.

Napasinghap ang karamihan ng lumitaw sa itaas ang isang malaking kulay puti na lobo. Nagliliwanag ang mga mata nito at napapalibutan ng puting kidlat ang paanan ng kanyang paa na nagsisilbing gabay sa kanyang pagkilos sa ere.

Nagkaroon ng gitak ang lupa ng lumapag ito sa ibaba. Mulala sa kanyang likuran ay bumaba ang isang pamilyar na pigura.

Napasingahap maging si Veronica at sinigurong totoo ang nasasaksihan.

Matikas na tumayo sa kanilang harap si Adam Martial. Halata ang benda nito sa noo ngunit diretso ang tingin nito at handang labanan ang sinuman.

"I definitely made myself clear when I told you to rest for a while," singhal ni Caldrix. Maging siya ay napatigil sa pagwawala.

"Hindi ito oras ng pagpapahinga. Isa akong Heneral ng kaharian, at hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung patuloy lang akong nakahimlay habang napakarami ang bumubuwis ng kanilang buhay," pahayag nito at napayuko bilang paggalang sa kanyang hari na marahan lang siyang inilingan, ngunit wala ng nagawa pa kundi hayaan ang desisyon nito.

"When I told him that I was going to a war, he hopped in. And since I'm a very generous brother, I let him," nakangising pahayag ni Austin na tanging pantalon lang ang suot matapos nitong magpalit-anyo.

Hindi makapaniwala ang kasamahan ni Adam sa nalaman tungkol sa kanya. Ang alam nila ay patay na ito, ngunit naririto siya at isang lobo ang umangking kapatid niya. Malapit nilang kasamahan si Adam, ngunit wala silang ideya sa katotohanan ng pagkatao nito.

Agad na nakalapit si Austin kay Caldrix matapos patumbahin lahat ng nagtangkang pigilan siya.

"You're disappointing me, King Caldrix. Gresha is still there. I hate you for that, you know that I cared for her even more than you do."

Inirapan lang ni Caldrix si Austin dahil sa sinabi nito.

"Fuck off!" bulalas nito, at nagpalabas ulit ng nag-aalab na apoy na kumalat pataas ng mansyon.

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
13K 235 22
Have you ever created your own new year resolutions every year without granting them? Eleanor Celeste Archeleus is a girl who writes new year resolut...
3M 123K 50
(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every girl wishes to be a princess. To live in...
6.6K 699 43
#plagiarism is a CRIME PROLOGUE True love? Wala 'yan sa totoong buhay, nasa libro lang. That's why I prefer writing than giving my time to pointless...