Rudely Yours

By cinammonie

38.3K 970 13

Rakish Series #1 Addison Bartolomeu is a half filipina and half spanish lady that is really confident. She is... More

Rudely Yours
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23
Chapter 24:
Chapter 25
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29
Chapter 30:
Chapter 31
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56
Epilogue

Chapter 14

640 20 0
By cinammonie

Addison's

"Congrats Solaira!! Ganda ng play niyo." masayang bati ni Maris kay Solaira.


Kakatapos lang ng play, maganda yung play kaso natimingan na masama ang timpla 'ko dahil sa mga katabi 'ko. Grabe, nakakasira ng araw.


Pagkagaling sa theater ay dumiretso kami nila Solaira sa isang restaurant para kumain. Kami naman ay puro kwentuhan lang tungkol sa play at tungkol sa pagka-heartbroken 'ko.


"Ay totoo? Kaya pala ang sama ng timpla mo kanina!!" ngumunguyang tanong ni Solaira.


"Kastress, kung kelan ko iniiwasan tsaka susulpot!!" inis na sabi 'ko.


"Sigurado ka na ba sa pagmomove on mo?" tanong ni Maris sa'kin.


"Oo naman, ano pang laban 'ko e fiancé niya 'yon?"


"Ikakasal ka naaaa" pagkanta ni Karina kaya't natawa ako.


Natapos ang ilang araw na hindi ako lumalabas ng classroom tuwing breaktime, ayan tuloy saglit lang sila Maris sa cafteria para bumili ng pagkain at sinasamahan ako palagi sa classroom.



"Pre samahan mo nga ako sa library pleaseee!!" magiliw na aya sa'kin ni Maris.



"Ba't akoo?" pagrereklamo 'ko.



"Eh dali naa, busy sila Solaira eh!! Tingnan mo." pangungulit at pagturo ni Maris kanila Karina na gumagawa ng project.



Di kalaunan ay pumayag na rin ako. Tumingin ako sa orasan at nakitang maaga pa, habang naghahanap si Maris ng libro ay umupo muna ako at inilabas ang phone.



Napatawa ako nang makitang naglive yung Eat Bulaga, loko 'Bawal Judgemental' na!! Kinuha ko sa may bulsa 'ko yung airpods at pinanood. Paborito 'ko kaya 'to.



'Di ko napigilan matawa dahil sa isang part sa may video, napaangat tuloy ang tingin ko para tingnan kung may nakatingin sa'kin, napalakas kasi yung tawa 'ko. Napatigil ako nang makita sa kabilang lamesa si Dayle na nakatingin sa'kin.



Nang makita siya ay agad akong napatayo at lakad palabas ng Library, agad kong tinext si Maris na mauuna na ako. Sorry Maris huhu.



Nang mag-uuwian naman ay dumiretso ako sa may locker area para ilagay ang ilang mga libro 'ko agad naman akong napabuntong hininga nang makita at tawagin ako ni Bryan,


"Addiee!!" masayang tawag nito,


Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang paglolock sa locker 'ko. He's with Dayle! Umiiwas na nga ako diba?



Nang lumapit sila sa'kin ay napasulyap ako kay Dayle na sa iba nakatingin at nakapamulsa. Matipid 'kong nginitian si Bryan bago umalis. Sorry Bryan, kung 'di mo kasama si Dayle ay kakausapin kita.

---


"Addie tara na kasi sa cafiteria! Mas effective kaya magmove on pag lagi mong nakikita yung pinagmomove onan mo." pag-aaya ni Maris.


"Oo nga naman Addie? Mas okay na rin 'yon para masanay ka na nakikita siya tas magugulat ka diba wala ka nang feelings?" sabi pa ni Karina.


Napabuntong hininga ako, "Okay."



Habang naglalalad ay hindi ko maiwasang kabahan at matakot, baka makita ko nanaman sila Natalia at Dayle, kinakabahan ako.



"Anong kulay nga pala ang isusuot niyo sa Senior Ball?"



"Secret!! Surprise dapat." natatawang sabi ni Solaira.



"Blue akin! Walang gayahan, dapat iba iba tayo." sabi ni Karina.



"Wala pa akong nabibili." I shrugged.



Oo nga pala may Senior High Ball nga pala kami sa Biyernes. Lahat ng Senior High School ang nasa ball na 'yon. Party and Chill ang magaganap doon kaya maraming naeexcite. Long gown ang susuotin, bawal ang bolga, 'di naman kasi prom ang magaganap.



Pagkarating sa Cafiteria ay payapa ang nangyari. Hindi 'ko nakita na magkasama sila Dayle at Natalia kaso nga lang tinawag ako nila Klint, pucha talaga.



"Miss Cake!!" masayang tawag nito, napatingin ako rito at tipid na ngumiti. Napasinghap ako nang lumapit ito sa'min.



"Tara do'n kayo sa pwesto namin Addie." he smiled.

"Ay wow si Addie lang?" pagtataray ni Karina kay Klint.


"Kayo nga diba? Kayo?" pamimilosopo ni Klint kay Karina kaya natawa ako. Inirapan naman siya nito.



"Nako huwag na, nakakahiya naman." pagpapalusot 'ko.



"Hindi 'yan! Gusto nga namin kayo makasama e." masayang hitak samin ni Klint.



Wala naman akong nagawa at napabuntong hininga, napatingin ako sa Blakers at nakita kong nakangiti sila sa'min maliban kay Zian at Dayle. Normal lang kay Zian na hindi ngumingiti, ewan ko lang sa bwisit na Dayle na 'yan. Kung ayaw niyang nandito ako pwes ayaw ko ring nandito siya!




"Miss cake!!" masayang sabi ni Bryan at tumawa.



Umupo kami sa pwesto nila at nagsimula na silang magkwentuhan. Napatawa ako kay Solaira, napakaingay at friendly talaga!! Para silang magtotropa kung mag-usap. Si Karina rin! Tawa nang tawa sa mga kalokohan ng Blakers. Si Maris naman ay ngingiti ngiti lang patawa tawa rin minsan.



"Namiss na namin yung cake mo Miss Cake." natatawang sabi ni Klint.



"Okay lang, 'di ka naman miss ng cake niya." pamimilosopo ni Karina.



"Ikaw ba si Addie? Diba Karina ka?"



"Tse." irap ni Karina sakaniya, napatawa naman ako ng mahina dahil don.




"Oo nga Addie? Ba't di mo na pala kami dinadalhan. Napagod ka na ba? Pangit ba kami? Kapalit palit ba kami? Are we not enough?" madramang sabi ni Bryan, napairap naman ako.




"Baliw, s-sira lang yung oven namin." pagpapalusot 'ko sabay tingin kay Dayle. Nakita 'kong napaiwas ito ng tingin.



"Weh?" natatawa na sabi sa'kin ni Solaira kaya pinanlakihan ko siya ng mata.



"Oo nga." iwas tingin na sabi 'ko.

Continue Reading

You'll Also Like

29.4K 358 60
COMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
Loving Heart By MC

Teen Fiction

14.1K 296 63
[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero h...
107K 3K 68
Her whole life is a Misery. It was a total darkness, she was hopeless and tired with the same scenario of her life. It was rough and hard, Ano pa ng...