Ever After

By itskavii

5.7K 841 109

"She fell in love with tragic endings that she didn't notice, she's slowly turning into one." Eerah Eriendell... More

🥀
Prologue
I. Victoria
II. Inside a Fairytale
III. The mission
IV. At the school
V. Nickolas
VI. 10 missions
VII. First
IX. Second
X. Ariel's Painting
XI. Eerah
XII. Third
XIII. A Witness
XIV. Fourth
XV. Town of Aspel
XVI. A Sorceress
XVII. A princess to be saved
XVIII. Leave
XIX. Fifth
XX. Right feels wrong
XXI. White roses
XXII. Mortal Fairytales
XXIII. Sixth
XXIV. The Letter
XXV. Connection
XXVI. Sunset
XXVII. Seventh
XXVIII. Victoria's Secret
XXIX. Real battle
XXX. Eight
XXXI. Unexpected Move
XXXII. Escape
XXXIII. Still tragic
XXXIV. An Apology
XXXV. Beginner's luck
XXXVI. Kizea
XXXVII. The Battle
XXXVIII. Ninth
XXXIX. Light Magic
XL. Last Mission
XLI. The Coronation
XLI. Victoria's (1)
XLII.Victoria's (2)
XLIII. Final Battle
Epilogue

VIII. Don't be thyself

105 24 2
By itskavii

"Thank God! You're now awake." bungad sa akin ni Queen Lea nang imulat ko ang mga mata ko. Napapikit lang ako ulit dahil sa dilaw na kisame pero nasasanay na rin ang mata ko.

Naalala ko ang mga nangyari kaya bigla akong napabangon ngunit napahiga ako ulit nang kumirot ang tagiliran ko.

"Huwag ka munang gumalaw, Victoria. Sariwa pa ang sugat mo." Queen Lea said while caressing my hair.

"S-Si Dianne? Ayos lang ba siya?" tanong ko.

"Ikaw ang natamaan ng bala tapos ang bata pa ang inaalala mo?" saad ni Ethan saktong pagkapasok niya. Inirapan ko lang siya.

Patay na patay si Victoria sa kanya. Ako naman, gustong gusto ko siyang patayin dahil sa bwisit. Magkaiba nga talaga kami.

"Victoria! Pinag-alala mo kami." sambit ni Ariel at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

I was an only child. I've always dreamt of having a younger sister. And I'm glad that in this world, I can have one. And it's Ariel.

"Gosh, bakit mo kasi hinarang ang bala para sa bata?" saad ni Ashley nang nakapamewang. Umalis naman si Queen Lea upang tawagin ang doktor at ibalitang nagising na ako.

"Loka loka ka! Kung yung bata ang natamaan, sa tingin mo, mabubuhay 'yon?" talak ko sa kaniya. Nakita ko namang nagbago ang ekspresyon nilang lahat. Tila ba hindi makapaniwala sa tinuran ko.

Naalala ko na naman ang pangitain. Hinarang mismo ni Victoria ang bata para sa sarili niyang kapakanan. Nakakamuhi siya.

"But look at you. Paano kung namatay ka? Hindi mo naman pananagutan ang bata para iligtas." saad ni Ariel.

Napayuko lang ako sa sinabi niya. Wala akong kasalanan sa bata. But Victoria has. Sinunog niya ang tinitirhan ng mga mamamayan. And being known as Victoria right now, I felt the guilt.

Dumating na ang doktor kaya umalis na silang lahat. Makaluma lang ang mga ginagawang panggagamot dito ngunit kitang kita ang bisa.

Pinapahinga na ako ng doktor ngunit hindi ako mapakali. Before I lost my consciousness, I saw Dianne crying. Baka nagalusan din siya kagabi.

Maayos na ang kalagayan ko dahil mabibisa ang mga halamang gamot nila dito. Of course, everything here is magical. Bumangon ako at lumabas ng kwarto.

Paika-ika akong naglakad papunta sa garden. Buti nalang at isang maluwang na bestida lang ang suot ko ngayon.

Banayad at malinis ang simoy ng hangin sa hardin kaya nakakagaan ng pakiramdam. Umupo ako sa isang bench sa gilid. Hapon na pala at malapit nang lumubog ang araw.

"I never knew that you can save the child." napalingon ako sa nagsalita. Si Prince Ethan. He never really believed that Victoria can do a heroic thing like that. Hindi naman talaga gagawa si Victoria ng ganoon but I'm not her.

"Gusto kong humingi ng tawad dahil pinagsalitaan kita kagabi. Ang akala ko, pumunta ka lang dahil sa'kin." saad niya dahilan para humagalpak ako ng tawa.

"Feelingero ka din, ano?" tawa ko pa. Namula naman siya sa hiya. Napakamot siya sa batok.

"Hindi ba't patay na patay ka sa'kin?" sambit niya kaya napatigil ako sa pagtawa. Lumapit ako nang nakatitig lang sa kanya.

"Alam mo bang gusto kita?" mahinhin kong tanong at tumango naman ang loko. Nagulat siya nang hawakan ko ang magkabila niyang pisngi at piniga iyon

"Gustung gusto kitang patayin, feelingerong palaka. Bwiset!" sigaw ko at nagwalkout. Napakaconfident magsalita. Nakakainis.

~~~~~

"Ako? Feelingerong palaka?" hindi makapaniwalang saad ni Ethan habang nagkukwento kay Ashley. Dumaan naman ako sa kanila na tila walang naririnig sa usapan nila.

"Victoria," tawag sa'kin ni Ashley kaya huminto ako at lumingon. Hindi naman ako tiningnan ni Ethan at nakatitig lang sa kabilabg direksyon.

"Saan ka pupunta?" tanong niya nang makitang nakabihis ako. Wala namang pants na pambabae dito kaya no choice ako kundi mag gown.

"Kukumustahin ko si Dianne." saad ko at pumasok na sa karwahe.

"Gabi na. Nakatakas ang lalaking bumaril sa'yo. Paano kung balikan ka niya kapag nalamang buhay ka pa?" nag-aalalang tanong ni Ethan. Ngayon lang uli siya tumingin sa'kin. Pinigil ko ang tawa ko nang maalala na naman ang reaksyon niya kanina.

"Samahan ka nalang namin." sabi ni Ashley at hinitak si Ethan papasok sa karwahe.

Nakaupo sa tapat ko si Ashley at katabi ko naman si Ethan. Nakikita ko sa peripheral view ko na linilingon niya ako pero hindi ko nalang pinapansin. Hindi siguro siya makapaniwala na ang Victoria na patay na patay 'daw" sa kanya ay sasabihan siya ng feelingero.

Pagdating namin sa baryo ay tahimik ang lahat. Takip silim pa lamang ngunit wala nang ni isa ang nasa labas sa takot na bumalik ulit ang lalaking nanggulo kagabi.

Itinuro ng isang Ginang sa amin kung saan nakatira sina Dianne. Naiwan sa labas sina Ashley at Ethan. Pagpasok ko ay kaagad akong sinalubong ni Dianne ng yakap.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan kagabi?" tanong ko habang hinihimas himas ang buhok niya.

Umiling lang siya at niyakap uli ako. "Kayo nga po ang nasaktan dahil sa'kin. Sorry po." ngumiti lang ako at sinabing ayos lang.

"Kamahalan, maraming salamat po sa pagligtas sa anak ko. Nawala na ang asawa ko dahil sa sunog. Hindi ko na kakayaning mawala pa ang isa sa mga anak ko." kumirot naman ang puso ko sa tinuran ng nanay ni Dianne. Hindi ko maimagine ang naramdaman niya noon nang iharang ni Victoria si Dianne para lang iligtas ang sarili niya.

"Wala po iyon." saad ko at hinawakan ang magaspang niyang kamay. Damang dama ko ang paghihirap na dinadanas niya.

"Anong ginagawa mo dito?" napalingon ako sa kakadating pa lang.

"Kuya Nick!" napatulala ako nang makita si Nickolas. Inilayo niya sa akin si Dianne at itinago sa likod.

Lumuhod siya sa tapat ng bata at hinawakan ang magkabilang balikat nito. "Huwag kang lalapit sa kanya, Dianne. Hindi ba't sinabi ko sa'yo na may masasamang prinsesang nagngangalang Victoria?"

Napataas naman ang kilay ko. Siya pala ang sinasabi ni Dianne na kapatid niyang nagsabi na masama si Victoria.

"Pero, kuya Nick, hindi siya masama. Siya po ang nagligtas sa akin kagabi." natigilan naman si Nickolas sa sinabi ng bata.

"Nickolas, huwag ka ngang bastos! Ang prinsesa ang nagligtas sa kapatid mo." saway ng nanay nila. Tumayo naman si Nickolas at tiningnan ako ng matalim.

"Pasensya na, hija." hingi sa akin ng tawad ng Nanay nila.

"Ayos lang po. Dumaan lang talaga ako para kumustahin si Dianne. Aalis na po ako." ngumiti ako at lumabas na.

Pagdating namin sa palasyo ay nagpaalam na si Ethan para umuwi sa kaharian nila. Si Ashley naman ay mag-oovernight dito dahil wala namang pasok bukas.

"Aray naman" asik ko nang bigla akong tinunggo ni Ashley.

"Ethan insisted to skip a class para bantayan ang kalagayan mo. Tapos sasabihan mo lang ng 'feelingerong palaka'?" natatawa niyang saad. Aba, ikinuwento pala talaga ni Ethan sa kanya.

"Sabihan ba naman kasi akong patay na patay sa kanya. Napakahangin!" inis kong sambit.

"Bakit? Hindi ba?" tanong ni Ashley na nakapagpatigil sa akin. Umiling ako. Patay na patay nga kay Ethan si Victoria pero hindi naman ako siya.

Nagpaalam si Ashley na may naiwan sa karwahe kaya mag-isa nalang akong naglalakad sa pasilyo. Naisipan kong lumabas para sa isang stargazing.

Umupo ako sa isang bench sa garden dahil biglang kumirot na naman ang tagiliran ko. Ilang saglit lang ay tumayo na ako dahil lumalamig na sa labas.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang maaninag ang isang lalaking nakasandal sa puno. Matalim pa rin ang tingin niya sa akin katulad ng dati.

"Alam kong palabas mo lang ang kaguluhan noong isang gabi. Malilinlang mo sila pero hindi ako." seryoso niyang sabi. Mahina akong tumawa at paika ikang lumapit sa kanya dahil kumikirot talaga ang tagiliran ko.

"Baliw ka ba!? Bakit ko naman papatayin ang sarili ko oara sa isang eksena?" Inis kong saad pero bago pa ako makalagpas sa kanya ay natapilok ako pero buti nalang at nasa harap ko siya kaya hindi ako sa luoa bumagsak.

"A-Ayos ka lang? M-May dugo ka sa tagiliran." sabi niya kaya napatingin ako sa tagiliran ko. I'm wearing a light blue gown kaya kitang kita ang dugo.

Inalis ko ang mga kamay niya sa balikat ko. "Inaaway away mo ako kanina tapos tatanungin mo ako kung ayos lang ako?" nagulat siya nang pinandilatan ko siya at hinawi.

Pinilit kong maglakad nang maayos para makita niyang ayos lang ako. Pero kumikirot talaga ang tagiliran ko.

"Bakit mo niligtas si Dianne? Hinding hindi gagawin 'yon ng kilala kong Victoria." saad niya kaya napahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya at mapait na ngumiti.

"Dahil hindi ako ang Victoria na kilala mo, Nickolas."

**********

Storyline entry:

The girl became tired of pretending to be the princess.

It's funny how everyone was told to be themselves while she's there, being forced not to be one.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 277 33
[UNDER MINOR EDITING] Babaeng kinahiligan ang pagtingin sa buwan, May ibang nararamdaman kapag ito'y kaniyang tinititigan, Purong kagustuhan na nga l...
378K 13.9K 71
Yazna came from the mortal world and found herself in a world that everything is IMPOSSIBLE. In a world where she accepts her true fate. She thought...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...