Always unwanted 💯

By Dream_Secretly

463K 7.9K 295

The feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will... More

Always Unwanted
PROLOGO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13: AFTER 5 YEARS
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 45
EPILOGO

CHAPTER 44

5.3K 100 5
By Dream_Secretly

Kinalma ko lang muna ang sarili ko bago sila inayang maupo muna sa gilid. Doon sa mga upuang para sa mga nag-aantay ng flight nila. Tutal wala naman atang magpapalayas sa'min dito dahil kasama ko si Kuya. Nakapasok rin naman kami kanina ng walang tanong tanong kaya okay lang siguro kung magtagal kami kahit saglit.

"Wala bang masaket sa'yo, Apo? Ang sugat mo?" Tanong ni Lola nang abutan niya ako ng bote ng tubig.

Umiling ako at tinanggap 'yon. Uminom muna ako bago siya sinagot. "Wala naman po, Lola. I'm fine..." Sabi ko.

Hinahagod naman ni Mommy ang likod ko kahit kalmado na naman 'ko. "Magpahinga muna tayo dito para hindi mabigla ang katawan mo." Sabi ni Mommy. "Zoel, samahan mo na muna ang Lola mo sa sasakyan namin. Susunod nalang kami ng kapatid mo." Utos ni Mommy kay Kuya.

Mabilis namang tumalima si Kuya at inaya na si Lola. "Mauna na kami, Apo." Paalam ni Lola. Tumango lang ako at hinatid sila ng tingin. May mga pinaiwang bodyguard si Kuya para bantayan kami.

"Uh 'nak? Pasensiya na pala at hindi na ako nakabalik ng ospital pagkatapos ng pag-uusap natin. Nahihiya na kasi ako sa'yo at kela Liezel. Atsaka baka ma-stress ka lang kapag nakikita mo akong umaaligid sa'yo." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko naman po kayo tinaboy, 'My." Sabi ko.

Tumango siya. "Alam ko, Anak. Natatakot lang ako na baka lalo kang magalit sa'kin."

"Galit? Kailan po ba ako nagalit sa'yo? Kahit kailan hindi ako nagalit o nagtatanim ng sama ng loob sa'yo kahit anong gawin mo..." Muling nangilid ang mga luha ko. "Kahit po paulit ulit mo akong saktan, Mommy pa rin kita. Magtatampo po ako o magdadamdam pero hindi po ako magtatanim ng galit."

"Kaya nga mas lalo akong nahihiya sa sarili ko, Anak. Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, parati mo akong tinatanggap. Kahit kailan hindi mo pinaramdam na wala akong kwenta. Hindi mo ako iniiwan kahit ka-iwan iwan ako. I-I don't deserve this. Hindi ako nararapat na tawaging Ina mo. Wala naman kasi akong ibang ginawa kundi ang saktan ka at pahirapan.....lahat nalang ng nararanasan mong hirap ngayon dahil sa'kin. Kasi...selfish ang Mommy mo. Kaya pasensiya kana, huh? Ako kasi ang naging Ina mo...."

Umiling ako. "Bumabawi na po kayo sa'kin. 'Yon lang ang mahalaga. I don't care about the past. Wala akong pakialam sa mga ginawa mo noon dahil mas mahalaga po ang ngayon. Mommy, mas mahalaga po sa'king maranasan ang pagmamahal mo. 'Yon lang po..."

"Napakabuti mo talagang bata. Mabuti nalang hindi ka nagmana sa'kin, no?" Gumaralgal na ang boses niya. "Matigas kasi ang puso ko, Anak. I'm selfish and not a good person. Unlike you...napakabuti mo pa rin kahit sobrang hirap ng buhay para sa'yo. Nakaka-proud na may anak akong malayo sa cruel side ko." Ngumiti siya. "I love you so much, Aria. You are always my light. My forever baby girl."

Tumulo na ang luha ko at yumakap sa kaniya. "Mahal na Mahal rin po kita, Mommy. Kahit ano pong mangyari...mananatili po akong si Aria, na anak mo."

Mga hikbi lamang ang tugon niya at isang mahigpit na yakap. Ngumiti ako kahit tuloy tuloy na rin ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Masakit na masaya ang nararamdaman ko ngayon. Halo halong emosyon pero mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ng anak sa kaniyang Ina. Iyong tipong kahit akong unos na dumating, mananatili pa rin silang nakayakap sa isa't isa.

"Alam ba ito nila, Tito? Baka hanapin ka nila sa'kin." Kunot noong tanong ni Kuya nang sabihin ko na hindi ako magpapahatid pabalik sa Mansiyon. Ibang Mansiyon ang balak kong uwian ngayon. Sa mansiyon ng taong mahal na mahal ko.

Nauna na sila Mommy at Lola sa 'min ni Kuya. Iba rin naman kasi ang sasakyan nila sa'min at may check up pa daw si Lola ngayon kaya nauna na sila.

"Opo, Kuya. Alam nila ang plano ko..." Ngisi ko sa kaniya.

Sumimangot naman siya. "At pumayag sila?"

Tumango ako at gumilid ng upo paharap sa kaniya. Hmm lumalabas na naman ang pagiging overprotective ng Kuya ko. Naku, pony kawawa ka kay Daddy!

"Matanda na daw ako, Kuya. Responsable na rin at pwede na..."

Nagsalubong naman lalo ang mga kilay niya. "Ayoko diyan sa 'pwede na'  mo, Huh? Anong ibig sabihin niyan?" Umismid siya.

"Na pwede nang mag-asawa..."

Ngumiwi siya. "Bakit niyaya ka na ba?"

"Yayayain palang.."

"Siguradong sigurado ka, uh?"

"Syempre! Ako kaya ang bibili ng singsing!"

"ARIA!" Umusok na po ang ilong niya.

Humagalpak ako ng tawa at medyo napangiwi pa ng kumirot ang sugat ko. "Joke lang!" Natatawang sabi ko. "Hindi na 'to mabiro..."

Umingos siya. "Isa pang Joke mo, hindi kita ihahatid sa kaniya." Banta niya. Napanguso ako. "Ilang araw ka ba doon?" Seryosong tanong niya.

Umakto akong nag-iisip. "Siguro 1 or 2 days lang, Kuya. Tapos sabay nalang kaming babalik dito."

"Siguraduhin mong hindi ka niya lolokohin. Babangasan ko 'yon."

Ngumisi ako. "He loves me, Kuya. Don't worry. Atsaka pambawi mo na ito sa pagpapahirap mo sa kaniya noon." Nagi-guilty rin naman siya sa ginawa niyang pagtatago sa'kin kay Skyrile. Dahil doon mas naging kumplikado ang lahat, pero hindi naman ako nagalit. Naiintindihan ko ang dahilan niya. Nag-aagaw buhay ako noon at ang tanging hangad lamang niya ay protektahan ako.

He just tsked. Nag-focus na siya sa daan namin kaya tumahimik na ako. Baka totohanin niyang hindi ako ihatid kapag napikon. Excited pa naman ako.

Nagpaalam na ako kagabi kay Mommy at Daddy na ako mismo ang pupunta kay Skyrile at susundo. Hindi niya alam na pupuntahan ko siya kaya surprise ito. Sa isang kilalang subdivision nakatayo ang Old Mansiyon nila, alam 'yon ni Kuya kaya sa kaniya ako nagpahatid. Kahit naman mukhang ayaw niya sa ideya ay wala na rin naman siyang nagawa kundi ang pagbigyan ako. Hindi rin naman kasi niya ako matiis.

"Nakapunta ka na ba sa Mansiyon nila Kuya?" Kuryusong tanong ko.

"Yeah. Minsan na akong naging attorney ng Daddy niya sa isang malaking kaso kaya minsan ay doon ko sila sa Mansiyon pinupuntahan."

"Mabait ba ang Mommy at Daddy niya? Nakita ko naman sila sa Party for a Cause kaya lang hindi ko naman sila nalapitan kasi nahihiya ako."

"They are both good people, Aria." Simpleng sagot niya.

Napangiti ako. "Magugustuhan kaya nila ako?"

"They will love you for sure.." Walang kapaguran niyang sagot sa mga tanong ko. "Tingin ko nga, gusto ka na nila noon pa man..." aniya.

"Talaga?" Kumabog ang dibdib ko.

Ito ang unang beses na makakausap ko ang parents ni Skyrile. Kinakabahan nga ako kasi baka hindi nila ako magustuhan.

"Yes. Huwag ka nang kabahan diyan at baka hindi makabuti sa'yo. Palagi mong titingnan iyang sugat mo at ingatang huwag bumuka." Paalala niya.

Masaya lang akong tumango na parang isang masunuring bata. Lumingon ako sa labas ng bintana ng pumasok kami sa isang kilalang subdivision.

Welcome to Billionaires village—basa ko sa signage na nadaanan namin sa harap ng Gate. Kabado akong sumandal sa upuan ko at huminga ng malalim. Skyrile, I'll be home.

Malawak pala ang subdivision na 'to. Malaki ang mga bahay at lahat magaganda. Ngayon alam ko na kung bakit tinawag itong billionaires village. Village pala ito ng mga naglalakihang Mansiyon. Dito pala lumaki si Skyrile?

Ilang liko pa ang ginawa ni Kuya bago kami huminto sa isang gray na gate, mataas ito kaya mahirap makita ang loob. Matataas din ang mga bakod nila na para bang may maglalakas loob pang akyat bahay ang sumubok umakyat.

Bumusina lang ng tatlong beses si Kuya bago bumukas ang gate. Tuloy tuloy namang pumasok si Kuya sa loob. May mga guard akong nakitang nag-iikot sa paligid.

Huminto ang sasakyan sa harap ng entrada. Nagulat pa ako nang makitang nakatayo ang pamilyar na mag-asawa sa pinto na para bang may inaantay? Kinabahan naman ako.

"Alam nilang darating tayo maliban kay Skyrile." Sabi ni Kuya bago bumaba ng sasakyan. Ako naman ay nanigas na ata sa upuan dahil hindi na ako makagalaw. Ano ba 'to? Bakit pinagpapawisan ata ako kahit may aircon naman?

Biglang bumakas ang pinto sa gilid ko. Napalunok nalang ako at nilingon si Kuya. "Hinihintay ka na nila. Baba ka na," Sabi niya.

Nanghihina kong kinalas ang seatbelt ko at kabadong bumaba na rin. Inakbayan naman ako ni Kuya at iginiya ako sa harap ng mag-asawa. Napayuko nalang ako sa kahihiyan. Para na siguro akong kamatis dito. Face? Pula mo na ba?

"Aria, sila ang parents ni Skyrile. Si Tita Carol at si Tito Federick..." Pagpapakilala ni Kuya.

Alanganin akong ngumiti sa kanila at naglahad ng nanginginig kong kamay. "H-Hello po...kamusta po kayo?"

"Mabuti naman, Iha. Kamusta ang sugat mo? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong ni Tito Federick.

Tumango ako. "Maayos na po ako...." Sagot ko.

"Mabuti naman..." Tumango siya at nilingon ang kaniyang asawa na kanina pa titig na titig sa'kin. Lalo tuloy akong nahiya. "Pag-pasensiyahan mo na ang Tita Carol mo. Idol na Idol ka kasi niyan sa pagpi-paint. Mas lalo ngang natuwa sayo nang mag-paint ka ng actual noon sa Party for a cause ninyo." Paliwanag niya na ikinapula ng mukha ko. Nagtawanan naman silang dalawa ni Kuya.

"Tumigil ka nga Fed at binubuking mo naman ako rito kay Victoria!" Asik ni Tita Carol sa asawa. Napangiti ako. "Pero totoo ang sinasabi niya, Iha. Sobrang Idol na Idol talaga kita! Alam mo bang halos lahat ng painting ko dito ay sa'yo? Hirap na hirap nga akong makabili kasi parating napapakyaw ang mga gawa mo, mabuti nalang nauuna akong mag-bid minsan." Aniya.

"Salamat naman po...." Medyo at ease na ako. Medyo gulantang pa ako dahil  Idol daw ako ni Tita Carol sa pagpipinta.

"Hon, papasukin na muna natin sila." Untag ni Tita Federick.

"Sorry. Na-startruck ako dito kay Victoria, eh. Ang ganda mo talaga, Iha. Bagay na bagay kayo ng Skyrile namin." Ngiti niya.

Mas lalong nangamatis ang mukha ko. Pinapikilig ata ng nanay mo, Skyrile!

"Thank you po, Tita." Hiyang hiya kong sabi.

Nauna naman nang pumasok sila Tito Federick at Kuya. Samantalang nakasunod lang kami ni Tita Carol sa kanila dahil panay ang kwento niya ng kung ano ano tungkol kay Skyrile. Natatawa nalang ako at tuluyan nang nakalimutan ang kaba kanina.

"Alam mo ba 'yang si Skyrile napaka-iyakin noong bata pa, kaya nga spoiled 'yan sa'min. Lahat ng gusto kailangan ibigay namin, magwawala kasi kapag hindi nasunod. Akala nga namin dadalhin niya ang ugaling ganiyan hanggang pagtanda niya pero, " Hanggang ngayon naman iyakin pa rin siya. My cry baby. "Nang mag-highschool siya. Never ko na siyang nakitang umiyak. Hindi na rin siya nagpapa-spoiled sa'min. Naging responsable din siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya at biglang nagbago. Akala namin parte lang ng pagbibinata niya pero hindi naman kasi...may iba pa palang dahilan....." Ngumisi siya nang marating namin ang living room nila. Tiningnan ko ang mga pamilyar na painting na nakasabit sa dingding nila.

"Ano pong dahilan?" Tanong ko.

"Hindi ano, sino?"

"Po?"

"Nainlove daw siya sa ka-schoolmate niya. Natutuwa kami sa mga pagbabago niya kaya hinanap namin 'yong babae...at si Samantha ang nakita namin." Malungkot siyang ngumiti. "Iyon ang dahilan kaya nagkaroon ng fixed marriage sa pagitan nila."

Natigalgal ako sa gulat. Napalunok ako. "Nainlove po siya kay Samantha?" Mahinang tanong ko nang hindi makatingin sa kaniya.

"No. Nagkamali kami. Hindi pala si Samantha ang minahal niya noong Highschool. At huli na nang malaman  namin kung sino...."

"S-Sino po pala?" Sinong babae 'yon at nang mapa-hunting ko.

Pinakatitigan ako nito. "Ikaw, Aria." Malinaw niyang sagot na ikinasinghap ko. Ano daw?

Oo magka-schoolmate kami ni Skyrile noong highschool pero hindi ko naman alam na nakikita niya ako. Ni hindi nga kami nagpapansinan o nagtitinginan man lang. Paano siya mai-inlove sa'kin?

"P-Paano po?" Litong tanong ko.

Lumawak ang ngiti sa labi niya. "Sa kaniya mo nalang itanong, Iha. Nasa ikalawang palapag ang kwarto niya. Sky blue ang kulay ng pinto." Bulong niya. "Puntahan mo na para matanong mo..."

Ngumuso ako at nilingon ang hagdanan nila. Nasa kwarto niya siya ngayon? Nilingon ko si Kuya na abalang nakikipag-kwentuhan sa Daddy ni Skyrile. Hmm?

Excited nalang akong tumango kay Tita Carol at nakangising tinungo ang kwarto ni Skyrile. Ano kaya ginagawa niya? Natutulog? Nanununod ng movie? Hmm?

Mabilis kong nalaman kung saan ang kwarto niya dahil siya lang naman ang nakita kong Sky blue ang kulay ng pinto. Favorite color, baby? Sinubukan kong pihitin ang doorknob niya at medyo nagulat pa ng makitang hindi 'yon naka-lock. Bakit hindi niya nila-lock ang pinto niya? Hay nako.

Kumatok ako ng dalawang beses bago  tuluyang binuksan ang pinto. Sumilip muna ako bago pumasok. Saan siya? Hindi ata narinig ang pagkatok ko. Hindi ko na ni-lock ang pinto para hindi magwala si Kuya kapag nahalata niyang nandito na ako sa kwarto ni Skyrile. Nalusutan ko kasi.

"Skyrile?" Dahan dahan akong humakbang palapit sa kama niya. Bago kasi makita ang kama niya ay kailangan ko munang daanan ang lalagyan niya ng mga sapatos at 'yong parang divider na may mga picture frame at maliliit na furniture. Natigilan pa ako may napansin akong malaking picture frame na nakasabit sa dingding. Parang ako kasi 'yon, eh?  Naka-suot ako ng uniform namin noong highschool at malungkot ang mga matang nakatingala sa langit. Kumunot ang noo ko. Ba't may ganyan akong picture dito?

Napakurap nalang at naguguluhan man, pinili ko na munang isantabi ang mga tanong ko. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Ilang hakbang nalang naman ang ginawa ko bago nasilip ang kama niya. "Sky..." Natigilan ako at napangiti nalang nang makitang nandoon lang pala siya at nakadapang natutulog.

I sighed. Nilapitan ko naman siya at dahan dahang umupo sa gilid niya. "Babe?" Malambing kong tawag sa kaniya sabay abot sa buhok na nakaharang sa mata niya. Hinawi ko naman iyon kasabay ng tunog reklamong ungol niya.

"Mom, let me rest. Masakit pa ang ulo ko..." Nakapikit niyang reklamo. Hula ko kalahating tulog at kalahating gising na siya. May ganoon, eh. Maniwala kayo sa kin.

Napailing ako at dumako ang mga mata sa side table niya. May mga nakatuping TIN CAN ng sikat na alak doon, mukhang walang tinitira ang lalaking 'to. Kaya pala masaket ang ulo....naglasing pala.

"Babe...wake up..." Sabi ko 'tsaka mahinang tinapik ang pisngi niya.

"Mom...let me..."

"Babe, si Aria 'to. Nandito na ako..." Sabi ko pa.

"She never call me Babe or anything...." Ungol niya sabay talukbong ng comforter. Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata niya na para bang masaket 'yon kapag binuksan niya kahit sandali para tingnan ako.

Napairap ako. Can you just recognize my voice, Skyrile?! Nalasing na rin ba paring tainga mo?! At ano? Never pa kitang tinawag na Babe? Never pa nga ba? Pero....Uh nevermind.

Tumayo nalang ako at lumapit sa mini ref na. Katabi lang 'yon ng Flatscreen TV niya kaya agad kong napansin na meron siya dito. Binuksan ko naman 'yon at kumuha ng isang TinCan ng alak. Ganoon lang naman kasi ang laman ng ref niya. Ginagawa niya bang alak 'to?

Bumalik ako sa kaniya at hinila hanggang leeg ang comforter niya. Binuksan ko ang Lata ng malamig na alak 'tsaka 'yon binuhos sa ulo't mukha niya. Natawa ako sa sariling kalokohan lalo na nang makita ang reaksiyon niya. I'm so mean!

"The Fudge!" He hissed habang halos tumalon na pababa ng Kama. Nakatalikod siya sa 'kin at mukhang inaalis pa ang pakiramdam ng lamig sa mukha at ulo niya. "Fudge!" Malutong niyang mura ng may palundaglundag. Mas lalo lang akong natawa. Mukhang narinig niya ang mga tawa ko kaya marahas niya akong hinarap. "Why the he—baby?" Natigilan siya.

Lumapit ako sa kaniya 'tsaka kinuha ang towel na sinabit ko kanina sa braso ko. Inabot ko ang ulo at mukha niya para mapunasan. Natulala naman siya at halos hindi makapaniwalang nandito ako sa harapan niya.

"Buti naman hindi na, Mommy?" Sumimangot ako. "And seriously never pa ba talaga kitang natawag na Babe?"  Paninigurado ko.

Hindi siya nakakibo. Gulat pa rin siyang nakatingin sa 'kin at hindi kumukurap habang pinupunasan ko siya. "Sorry, babe. Napag-tripan kita," Lumabi ako. "Nakita ko kasi sa tiktok iyong prank na 'to. Hindi ko naman alam na magagamit ko sa'yo."

"You're really here?" Hindi makapaniwalang sambit niya. Medyo nanginig pa ang boses niya.

Tumango ako at ngumiti. Kinulong ko ang dalawang pisngi niya ng palad ko na may towel. "Yes, Babe. I'm home."

Napakurap siya at nagsimula nang mangilid ang mga luha. Hinila niya ako palapit sa kaniya at mahigpit na niyakap. "Baby, what took you so long?" Malungkot niyang tanong.

Yumakap naman ako pabalik. "Sorry..." Gumaralgal ang boses ko. "Marami kasi akong inayos kaya natagalan ang pag-uwi ko sa'yo." Tumingala ako sa kaniya. "Hindi na ako aalis ulit." I promise you.

Napapikit siya at hinila ang ulo ko pabalik sa dibdib niya. "Dito ka sa dibdib ko nababagay." Sabi niya. "Damn! I miss you so much." He breathed. Parang may pumiga sa puso ko. Napapikit nalang ako at hinayaang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Mahigpit kong pinulupot ang mga braso sa baywang niya. I promise you...from now on. I will only rely on you. Hindi na ako aalis ulit sa tabi mo at ikaw na lamang ang magiging sandalan ko. Mabigat at mahirap para sa'kin ang ginawa kong paglayo muna sa'yo para buuin ang sarili ko pero kailangan ko 'yong gawin para hindi ka na mahirapan o maipit na naman. Tama na ang mga ginawa mo sa loob ng Limang taon. Alam kong masyado ka nang nahirapan at nasaktan. And Babe, please know that I love you so much. So much.

"Thank you for coming home with me, baby." Malambing niyang bulong.


Note:
Naririnig ko na ang tambol ng pagtatapos 🥰 Sa'yo na umabot hanggang dito....Thank you so much! Salamat sa walang sawang pag-aantay sa mga update ko. Thank you thank you!

They deserve to be happy, right? Please comment your thoughts!

#hindinaproofread
#askanything

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 61.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.5K 138 62
Luxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in pu...