Always unwanted 💯

By Dream_Secretly

463K 7.9K 295

The feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will... More

Always Unwanted
PROLOGO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13: AFTER 5 YEARS
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGO

CHAPTER 43

4.8K 82 2
By Dream_Secretly

Hindi ko na alam kung ilang ulit ko pang binasa ang nakasulat sa papel na inabot ni Jena. Hindi ko na rin mabilang kung ilang buntong hininga ang pinakawalan ko habang mariing tinititigan ang maliit na kapiraso ng papel, na hindi ko na mabitawan kanina pa.

"Ano bang nakasulat sa papel, Victoria? Bakit lumong lumo ang itsura mo?" Usisa ni Daddy. Napansin niya rin ata ang pananahimik ko sa likod nila.

"Sa Friday pa pala ang flight nila, Daddy. 10am sharp. Apat na araw pa pala ang kailangan kong antayin para makausap ko sila." Gusto ko kasi sanang matapos ito ngayon o bukas. Ayoko na sanang patagalin pa dahil may nag-aantay sa'kin.

I sighed. Apat na araw pa pala ang kailangan kong tiisin at antayin. Kamusta na kaya si Skyrile? Kumakain ba siya ng maayos? Nakakatulog ba siya ng mapayapa? Nahihirapan na rin ba siya? Sana...sarili na lang muna niya ang isipin niya. Love yourself first, Skyrile. Pagkatapos ng lahat ng ito, ako mismo ang tatakbo papunta sa'yo. Hintayin mo lang 'ko, baby. Papalayain ko lang ang sarili ko para buong buo kong mabigay ang puso ko sa'yo.

"Mabilis lang lumipas ang araw, Anak. Mabuti na rin 'yan at may panahon ka pa para makapag-pahinga. You still need time, Victoria."

Sumandal ako sa likod ng upuan at lumingon sa labas ng bintana. Sabagay. Kailangan ko nga namang magpalakas at mag-ipon ng tapang. "Daddy, tingin mo ba kakausapin ako ni Tita Tricia? Siguradong galit na galit pa rin siya hanggang ngayon." Malungkot kong sabi.

He sighed heavily. "Siguro nga, anak. Siguro nga galit pa rin siya hanggang ngayon pero wala na tayong magagawa pa para alisin 'yon sa kaniya. Nawalan siya ng anak at siguro....galit nalang ang meron siya para manatiling matatag. Victoria, naniniwala pa rin ako na ang matigas na puso, pwede ring lumambot kapag tumagal. Matatanggap niya rin, anak. At sana makalimutan niya na rin ang galit niya sa'yo." Nangilid ang mga luha ko. Posible kayang mabura ang galit niya sa'kin? Para kay Tita Tricia, ako ang dahilan kaya namatay si Samantha. Mapapatawad niya pa kaya ako? "You both need to talk, Anak. Kailangan niya na sigurong malinawan at magising sa katotohanan na wala na ang anak niya. Kailangan niya nang mag-move on at ituloy ang buhay dahil 'yon ang dapat. 'Yon ang gusto ng anak niya para sa kanila. Isa pa'y may atraso siya sa'yo, sana'y ma-realize niya rin 'yon kalaunan.

   Ikaw naman ay kailangan mo rin siyang makausap para maalis na 'yang guilt na nararamdaman mo at para makahingi ng tawad, kahit hindi ko maintindihan hanggang ngayon kung anong mali ang ginawa mo sa kanila. Ikaw ang sinaktan nila pero ikaw ngayon ang naghahabol para humihingi ng tawad. Iniisip ko nalang na kailangan mo ito para lumaya ka ng tuluyan sa hindi patas mong nakaraan. Gawin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo, Anak. Susuportahan nalang kita sa lahat ng gagawin at desisyon mo...basta masaya ka."

Nagpunas muna ako ng luha bago siya nilingon. "Thank you, Daddy. Kahit nahihirapan ka na at nasasaktan, hindi mo pa rin ako iniiwan. Salamat dahil parati kang nandiyan sa tabi ko. Salamat kasi parati mo akong iniintindi. At salamat po kasi mahal na mahal mo 'ko..." Garalgal ang boses kong sabi. Noon, sa tuwing pakiramdam ko walang nagmamahal sa'kin, iniisip ko lang siya. Kahit kasi nasa kulungan siya noon parati ko pa ring nararamdaman ang pagmamahal niya.

Hindi man perpekto ang buhay ko. Hindi man ako namulat sa mga fairytales. At hindi man ako agad namulat sa mga magagandang bagay. Siya pa rin ang first love ko, My Super hero, My savior, My loving father...My one and only Dad.

"I love you so much, Victoria. You're my first light, my hope, my strength, my serenity, and you are my daughter. Sobrang saya ko na nanatiling mabuti at malinis ang puso mo sa kabila ng lahat ng masasakit na pinagdaanan mo sa buhay. I'm so proud of you, Anak."

"I love you too, Daddy." You deserve to be happy, too. Hindi ko alam kung paano magpapa-salamat sa diyos dahil sa binigay niya sa'yo si Mommy Liezel at Cain. At may mga bonus pa, Sila Kuya Vlane at ang mga makukulit naming pinsan. Binuo nila ang pamilya namin.

"Saan po sila?" Tanong ko nang makauwi na kami.

Tahimik ang Mansiyon at tanging mga kasambahay lang ang sumalubong sa'min. Sila na din ang kumuha ng mga gamit sa sasakyan.

"May mga meeting ang Kuya at mga pinsan mo. Ang Lola mo naman ay may pinuntahan lang." Si Mommy na ang sumagot. May biglang tumawag kasi kay Daddy.

Tumango ako at nilingon si Cain na tumatakbo takbo na naman habang kunwaring ginagalaw ang robot niya sa ere. Napangiti nalang ako.

"Magluluto muna ako sa kusina, Sweety. At papakainin ko na rin muna ng mga prutas 'yang kapatid mo para pumirmi naman." Sabi ni Mommy habang sinusundan ng tingin si Cain. Naglilikot na naman ang kapatid ko, palibhasa kasi ay nakauwi na siya sa kaniyang palasyo.

"Cain, Baka madapa ka!" Tili ni Mommy nang tumakbo ito patungo sa living room. Mas madulas ang tiles doon at madalas siyang nadadapa sa area na 'yon. "Naku, Victoria. 'Yang kapatid mo lumalaking katulad ng Daddy mo. Ubod ng kulit at tigas ng ulo..." Si Mommy.

Natawa ako at umiling. "Bata pa po kasi. Uhh..Pahinga lang po muna ako, 'my." Paalam nalang ko sa kaniya.

Agad siyang tumango. "Osige, Sweety. Tatawagin nalang kita para lunch natin." Nilingon niya ang daan patungo sa living room. "Puntahan ko na muna ang kapatid mo at baka mapilayan na naman..." Sabi niya. Nakangiti lang akong tumango bago siya hinayaang sundan si Cain.

Napabuntong hininga nalang ako at tahimik na nagtungo sa kwarto. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko sa araw na 'to.

Friday...

Sa loob ng apat na araw, grabe ang pagpipigil ko para hindi itext o tawagan si Skyrile. Mas lalo ko kasi siyang namiss lalo na't wala naman akong ibang ginagawa kundi ang magpahinga sa kwarto. Mabuti na nga lang at nandiyan si Cain para libangin ako.

Maagan naman akong nagising sa araw na 'to. Kabado ako pero kailangan ko 'tong harapin. Hinihintay ko rin ang araw na 'to para matapos na ang lahat. Gusto ko nang makita si Skyrile.

"Victoria, nandiyan na ang Kuya Zoel mo." Sabi ni Daddy nang silipin niya kami sa kusina ni Mommy at Cain.

Tumango ako at bumaba ng highchair. Lumapit ako kay Mommy para humalik sa pisngi niya 'tsaka nilapitan si Cain na naglalaro lang sa taas ng counter. "Kiss ate, Cain." Lambing ko sa kaniya. Nag-angat naman siya ng tingin sa'kin at ngumuso. Nakangiti kong hinalikan ang labi niya.

"Bye, ate." Kinaway niya ang maliit at cute na mga kamay.

"Mag-ingat ka, Victoria. Tumawag ka kung may problema." Pahabol ni Mommy.

Nakangiti akong tumango sa kaniya. "I'll be fine, Mommy. Don't worry about me." Sabi ko bago sumunod kay Daddy palabas ng kusina.

Ngumiti siya at inakbayan ako. "Sigurado ka bang hindi na kita sasamahan, Anak?" Tanong niya.

Umiling ako. "Kaya ko na po, Daddy. Huwag po kayong mag-alala sa'kin." Nilagay ko ang palad ko sa taas ng puso ko. "Malakas ang puso ni Samantha. Kakayanin namin ito."

Bumuntong hininga lamang siya at hindi na kumibo. Nasa pintuan na si Kuya Zoel, nakangiting nag-aantay sa'kin.

"Kuya!" Excited akong lumapit sa kaniya. Ngumisi siya at sinalubong ako ng yakap.

Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo. "Ready?"  Tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumango. "Zoel, ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Alam mo namang..." Si Daddy.

Naiiling akong humarap sa kaniya. "Daddy, I'll be fine..." Ngisi ko 'tsaka humalik sa pisngi niya. Kagabi pa siya nag-aalala sa'kin, eh. Kahit ilang beses kong sabihin na magiging maayos lang ako, hindi ko pa rin siya makumbinsing mapanatag ang loob.

He sighed again. "Call me, Victoria. Hindi ako nag-aalala sa wala." Seryosong sabi niya.

Tumango ako. "Yes, Daddy." Naglakad na ako ulit palapit kay Kuya. Ngumiti siya at inakbayan ako bago nilingon si Daddy.

"Ako na ang bahala sa kaniya, Tito...." Sabi ni Kuya bago kami nagtungo sa kotse niya.

Pinasakay niya muna ako front seat bago umikot papunta sa driver seat. Nakadungaw lang naman sa'min ang seryosong mga mata ni Daddy. At kumaway nalang ng makita ang unti unting pag-alis namin. May mga bodyguards naman si Kuya na nakasunod sa'min. Kailangan niya ang mga 'yon lalo na't nasa pulitika na siya ngayon.

"Nandoon na sila Mommy sa airport. Parating na daw sila Tita Tricia." Sabi ni Kuya.

Tumango ako at lumingon sa labas ng bintana. "Sana hayaan ni Tita na makausap ko siya saglit, Kuya." Iyong huling pagkikita kasi namin sa bahay ni Mommy Jane ay galit na galit siya sa 'kin, kaya sana kaya niya na akong harapin at kausapin ngayon ng hindi nagwawala.

"I hope so..." Buntong hininga niya.

40 minutes ata ang naging byahe namin. Walang traffic at medyo mabilis magmaneho ang Kuya kaya kaagad din kaming nakarating sa Airport.

May nagbukas ng pinto ko, nang tingnan ko 'yon ay isa pala sa mga bodyguard ni Kuya. Inalalayan ako nitong makapasok sa loob, ganoon din ang ginawa kay Kuya no'ng iba.

Pinagtitinginan kami ng mga tao. Iyong iba pa'y nakilala si Kuya at panay ang kuha ng pictures sa'min. Ngumiti lang ako sa mga nakatingin habang ginigiya ako ni Kuya papunta sa kung saan.

"Nandito na sila..." Bulong niya.

Tiningnan ko naman ang sinasabi niya. Napasinghap ako at lalong kinabahan nang makita si Tita Tricia. Nakaputi itong damit at fitted jeans, naka-takong din siya at nakatali ang buhok. Kausap niya si Lola at Mommy Jane. Mukhang seryoso din ang usapan nilang tatlo. Saglit akong napayuko. Kakayanin ko ba ito?

"Are you okay? Gusto mo bang umurong?" Alalang tanong ni Kuya.

Mabilis naman akong umiling. "Matagal ko 'tong inantay, Kuya. Kailangan ko rin 'tong gawin para sa sarili ko." Malungkot akong nag-angat ng tingin sa kaniya.  "Kuya, gusto ko nang mabuhay ng payapa at kahit papaano maging masaya."

Napapikit siya at hinila ako para yakapin. "You will, Aria. Gusto ko ring maging masaya ka...." Bulong niya.

Kumuha ako ng lakas sa yakap niya. Kailangan mong magpakatatag, Victoria. Gawin mo 'to para sa sarili mo at para na rin sa katahimikan ng mga magulang ni Samantha. Palayain mo na ang sarili mo sa mga humahadlang sa'yo para maging masaya.

Humugot muna ako ng isang napakalalim na buntong hininga bago naglakad palapit sa kanila Tita Tricia, Mommy at Lola. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ng mapansin na nila kami. Malungkot na ngumiti si Mommy at Lola sa'kin at hinayaan ako sa binabalak na gawin. Huminga ako ng malalim na para bang mabigat para sa'kin ang bawat hakbang ko palapit sa kanila.

Diretso akong nakatingin kay Tita. Malamig naman ang tinging pinukol niya sa'kin at nagpapa-salamat ako na hindi siya nagwala ngayon sa galit. Lumunok ako at tumigil sa harapan nila. "T-Tita...pwede po ba t-tayong mag-usap?" Sinulyapan ko sila Mommy at Lola. Tumango lang naman sila at lumayo sa'min. Naiintindihan nila ang gusto kong gawin.

"Anong ginagawa mo dito, Aria?" Mariing tanong niya.

"Hinintay ko po talaga ang araw na 'to para m-makausap kayo..." Malungkot kong sabi.

Umismid siya. "Sana alam mong ayoko pang makipag-usap sa'yo, Aria. Huwag muna ngayon..."

"K-Kahit sandali lang po, Tita. May gusto lang p-po sana akong sabihin..." Pakiusap ko.

"Ano, Aria? Sabihin mo na para matapos na 'to!" Namula ang mga mata niya. "H-Hindi pa kasi talaga a-ako handang makausap ka..." Suminghap siya at mariing pumikit.

I sighed. Kahit pinanghihinaan na ako ng loob ay  nag-salita pa rin ako. Kung hindi ko kasi ito gagawin ngayon, kailan pa? "G-Gusto ko lang po sanang h-humingi ng tawad bago...kayo u-umalis.." Naging garalgal na ang boses ko. "Alam ko po na mula pagkabata malaki na rin ang galit mo sa'kin pero masaya pa rin po ako dahil parte ka ng buhay ko. Pasensiya na po kung nahirapan kayo dahil nabuhay ako. T-Tita...sorry po kung nasaktan ko kayo, lalo na si S-Samantha...sana po balang araw...mapatawad mo rin po ako.."

"T-Tawad?" Nangilid na ang mga luha niya pero nanatili pa rin ang tapang at taray sa mukha niya. "Gusto kong kalimutan nalang ang lahat, Aria. Pero hindi pa s-siguro ngayon..." Nag-iwas siya ng tingin at nagpunas ng luha. "Masakit pa rin ang pagkawala ni Samantha...hindi ko pa kayang kalimutan ang lahat. N-Ni hindi ko nga kayang makita ka muna...pero dahil nandito ka na rin lang naman. Gustong kong hilingin sa'yo na sana pahalagahan at ingatan mo ang puso ng anak ko..k-kasi 'yan nalang ang tanging bagay na kinakapitan ko sa'yo. At dahil parte ka na rin ng anak ko, gusto ko sana na kapag dumating ang araw na kaya na kitang harapin ulit...sana nandiyan pa rin siya sa'yo..." Hikbi niya.

Hindi ko na rin napigilang maluha. Yumuko ako at humikbi. "Malaki po ang utang na loob ko kay S-Samantha...hindi ko alam kung paano ko siya mapapa-salamatan.."

Bumuntong hininga muna siya bago binuksan ang itim niyang bag at may kung anong kinuha do'n. "B-Baka makatulong ito..." Mas lalong nanginig lang ang boses niya. May envelope siyang inaabot sa'kin. Nanginig naman ang kamay ko ng kinuha ko 'yon mula sa kaniya. "Sulat 'yan ni Samantha...p-para sa'yo..."

"T-Tita..." Mahigpit ko 'yong hinawakan at dinala sa puso ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "S-Salamat po..." Hikbi ko. Kung para sa'kin ito, nagpapasalamat ako na binigay niya pa rin sa'kin ang sulat ni Samantha kahit galit siya. Nagpapasalamat ako dahil....galing ito kay Samantha.

Tumango siya at binaba ang kaniyang  black shade na nakalagay sa ulo niya. "I have to go. D-Don't forget to bring her flowers, Aria." Sinulyapan niya muna sila Mommy sa likod, "Ayokong sabihin na sana maging masaya kayo...but, for you aria," Tiningnan niya ako ulit. "Live well. Mabuhay ka sa paraang magiging worth it ang pagkawala ng Samantha ko...." Malungkot niyang sabi bago tumalikod at umalis.

Suminghot ako at tumango kahit hindi niya na rin naman nakikitang sumasang-ayon ako sa sinabi niya. Yes tita, I'll live well. And Samantha? Hindi ko sasayangin ang pusong binigay mo. I promise you that.

Humihikbi pa rin ako habang hinahatid sila ng tingin. Please, live well too. Sana sa pag-alis niyo mahanap ulit ninyo ang kaligayahang nawala sa inyo. Sana bumalik kayo rito na handa na akong patawarin at tanggapin. Mapait akong ngumiti.

Sana maging masaya sila, Sam. Gabayan mo ang Mommy't Daddy mo...kasi sila ang mas nasasaktan ngayon.

"A-Aria..." Nilapitan ako ni Mommy at dinala sa bisig niya. Doon naman ako mas humagulgol. "Hush, Anak...shhh..." Pag-aalo niya.

Hush, Victoria.

Pain, regret, and guilt...I'm setting you free. Handa na akong palayain kayo at nang maging malaya na rin ako.


Note:
Thank you for reading! Ilang chapter nalang ending na 👏👏 nararamdaman niyo na rin ba?

Comment your thoughts!

#hindinaproofread

Continue Reading

You'll Also Like

172K 4.1K 47
Kayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata a...
836K 28.7K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
134K 3.2K 52
What will you do if you end up in someone else body?
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...