The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 17

97K 3.7K 404
By Maria_CarCat

Nasa Pier si Piero





Napayuko ako kalaunan para iwasan ang mabigat na tingin nu Piero. Sa klase ng kanyang pagkakatitig sa akin ay halos maramdaman mo sa kanyang mga mata ang bigat ng dinala niya sa kanyang dibdib.

"Nagising ako isang umaga sa hospital, matapos kong maaksidente. Hindi ko alam kung sino ako o kung anong pangalan ko" patuloy na kwento ko pa dito.

Inihinto ni Piero ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. Dahil sa nadinig ay parang bigla itong nawalan ng lakas na magmaneho. Ni hindi nanatili ang kamay niya sa manibela. "Kailangan kong makausap si Doctor Vicente" matigas na sabi niya.

Napatingala ako para tingnan ito, kitang kita ko sa kanyang mukha ang galit. "Hindi pwede, papatayin mo si Papa pag nagkita kayo" pagpigil ko sa kanya dahil iyon naman talaga ang paulit ulit niyang sinasabi sa akin. Na papatayin niya ito sa oras na makita niya.

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga. Sa aking gawi ay malaya kong nakikita kung gaano kaganda ang hugis ng mukha nito. "Not until he tell me the truth" matigas na sabi pa niya.

Bayolente akong napalunok. Gusto ko pa sanang magprotesta perp kaagad na napabuntong hininga si Piero bago niya muling pinaandar ang makina ng sasakyan. Maging ako ay natahimik din sa gitna ng aming byahe. Gulong gulo na din ang aking isip, hindi naman ako ganito nung nasa Hongkong ako. Duon ay sapat na sa aking malamang ako si Amaryllis Guevarra na anak ni Doctor Vicente Guevarra.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang kulay puting bungalo na bahay. "Baba" tipid na utos niya lamang sa akin at tsaka na naunang bumaba.

Pagkababa na pagkababa ko sa may sasakyan ay nakita ko na ang mabilis na paglabas ni Lance mula sa bahay para pagbuksan kami ng gate.

"Oh galit ka pa din dahil sa nangyari sa sasakyan mo?" Natatawang tanong ni Lance sa kanya habang binubuksan ang gate.

Hindi siya pinansin ni Piero, nanatili ang walang emosyong mukha nito kahit pa nakapasok na siya at tsaka nilagpasan si Lance. Naguguluhang napakamot si Lance sa kanyang batok.

"Anong nangyari duon? Nagaway nanaman kayo?" Nakangising tanong niya sa akin.

Pagod na lamang akong umiling sa kanya at napayuko. Kumpleto sa gamit ang buong bahay pagkapasok ko.

"Kaninong bahay ito?" Tanong ko kay Lance ng paupuin niya ako sa may sala.

"Nirerentahan din ni Piero" sagot niya sa akin

Napaawang ang aking bibig. "Andami naman niyang bahay" puna ko. Mahinang napatawa si Lance.

Hindi ko na nakita ang anino ni Piero sa loob, marahil ay pumasok na kaagad ito sa isa sa mga kawarto.

"Delikado kasi kung sa isang bahay lang magstay si Piero, lalo na sa klase ng trabaho niya. Mas maganda yung madaming matutuluyan katulad ng ganitong sitwasyon" kwento pa niya sa akin na tinanguan ko na lamang.

Sandali akong natahimik bago ako muling nagtanong kay Lance. "Bakit ganito ang trabaho ni Piero? Hindi ba't mayaman naman sila?" Panguusisa ko dito.

Napanguso si Lance. "Ilang beses na kasing gustong mamatay niyang loko na yan. Kung hindi ko nga lang napipigilan baka wala na yan dito..." paguumpisa niya.

Halos walang salitang gustong lumabas sa aking bibig dahil sa nalaman. Hindi ko akalain na may ganoong side si Piero. Kung titingnan mo kasi ang buhay niya, maginhawa naman ito. May mga kaibigan siya at mukhang mahal naman siya ng pamilya niya. Bakit gusto niyang mamatay?

"Nagaalala nga ako. Minsa nga ayoko na lang malaman niya kung sino ang pumatay kay Sachi..." malungkot na sabi ni Lance sa akin.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Pagod siyang ngumiti sa akin. "Ang sabi kasi niya sa akin, sa oras na mapagbayad niya ang totoong pumatay dito at makapaghiganti siya, wala ng rason para mabuhay siya, wala na si Sachi kaya para saan pa daw kung mabubuhay siya" patuloy na kwento ni Lance sa akin. Kita kong importante din si Piero para sa kanya, halata naman kasing hindi lang sila basta magkaibigan, para na din silang magkapatid.

"Ganuon niya kamahal si Sachi? Para isipin niya na wala na siyang rason para mabuhay sa mundo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Napatango tango si Lance. "Sachi is Piero's Great love" sabi pa niya kaya naman napaiwas na lamang ako ng tingin.

Hindi lumabas si Piero sa kanyang kwarto. Kaya nga kahit nung kumain kami ni Lance ng hapunan ay kaming dalawa lang. Pasado alas dose ng madaling araw ng ginising ako ni Lance mula sa pagkatulog.

"Babalik na kayo sa Condo, babalik naman ako ng bulacan" sabi niya sa akim kaya naman napakisot ako ng aking mata.

"Si Piero?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa labas na" turo niya sa akin.

Kaagad kong inayos ang sarili ko bago ako lumabas. Kagaya kanina pagdating namin ay seryoso pa din ang mukha nito, tahimik at halatang walang balak na makipagusap.

"Una na ako!" Paalam ni Lance sa amin ng masigurado niyang naisara na niya ng mabuti ang bahay.

Tinanguan lamang siya ni Piero bago ito pumasok sa sariling sasakyan. "Sumakay ka na" tamad na utos nito sa akin kaya naman kaagad kong sinunod iyon.

Ni hindi ko siya magawang lingonin habang nasa byahe kami. Tahimik sa labas, wala na halos traffic at iilang sasakyan na lamang din ang makikita sa kalsada.

"Kailan darating sina Doctor Vicente dito sa pilipinas?" Pagbasag na tanong niya sa aming katahimikan.

"Hindi ko alam, wala namang sinabi sa akin si Papa nung huli naming paguusap" malumanay na sagot ko sa kanya.

Napangisi si Piero. "So you talked, binalaan mo ba siya sa gagawin ko sa oras na magkita kami?" Panghahamon niya sa akin.

Mabilis akong napailing. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon sa kanya. Magbabayad naman kami pag nagkapera na kami" paninigurado ko pa dito.

Sandali niya akong nilingon bago niya muling itinuon ang atensyon sa kalsada. "Depende sa makukuha ko sa kanya" seryosong sagot niya sa akin.

Muli kong pinagmasdan si Piero kasabay ng pagalala ko sa sinabi ni Lance kanina. Gusto na niyang mamatay, para makasama na si Sachi. Hindi ko akalain na ganuon ka grabe magmahal ang isang katulad ni Piero gayong ang tingin ng lahat sa kanyang ay walang puso.

Kaagad akong tumawag kay Papa ng sumunod na araw. Nakakuha ako ng tiempo ng umalis si Piero. Muli akong nagtungo sa may payphone. Pagkatapos ng ilang ring ay kaagad na may sumagot ng tawag, pero nabigo ako ng hindi iyon si Papa.

"Wesley?" Tanong ko sa sumagot sa kabilang linya.

"Amaryllis, Love ikaw ba yan?" Masayang tanong nito mula sa kabilang linya.

Mariin akong napapikit dahil sa tuloy tuloy na pagsasalita nito. Ni hindi ako makasingit dahil paulit ulit lang din ang sinsabi nito. "Bumalik ka na dito" pakiusap pa niya sa akin.

"Wesley huminahon ka muna, malaki ang babayaran ko pag nagtagal pa akong kausap ka. Pwede mo bang ibigay kay Papa ang telepono?" Kaagad na sabi ko sa kanya ng makakuha ako ng tiempo.

Napatigil ito mula sa kabilang linya. " Ang Papa mo at si akie? Wala na sila dito..." sagot niya sa akin.

Nabato ako at halos mawalan ng balanse dahil sa panlalambot ng aking tuhod.

"Nasaan sila?" Mangiyai ngiyak na tanong ko sa kanya.

Pero mas lalo akong nanghina dahil sa kanyang isinagot sa akin. Kaagad akong pinangharian ng takot para sa kaligtasan ni Papa.

"Pauwi na sila diyan sa Pilipinas. Ang Papa mo na daw ang bahalang kumontak sayo pagkadating nila" sabi pa sa akin ni Wesley.

Wala sa sarili akong naglakad pabalik sa condo. Dapat sana ay masaya ako ngayon dahil magkakasama sama na kami nina Papa at Akie. Pero sa mga banta sa kanilang buhay ay parang mas gusto ko na lamang na manatili na muna sila sa Hongkong.

"Where the hell have you been?" Galit na asik ni Piero sa akin. Napahinto ako sa paglalakad at halos mapatalon dahil sa biglaang pagsulpot nito sa aking harapan.

"Nag...nag..." hindu ako makapagsalita, walang salitang gustong lumabas sa aking bibig.

Ang bigat ng mga titig nito sa akin, hindi ko kinakaya. Nanlaki ang aking mga mata ng hawakan nito ang aking palapulsuhan. "You can't run away from me" matigas na pahayag niya sa akin at tsaka ako mabilis na hinila pabalik sa kanyang condo.

Hindi na ako nakapagsalita pa, hinayaan ko lamang siyang gawin iyon. "Napakatigas ng ulo mo, saglit lang akong nawala kung saan saan ka nanaman nakarating" tuloy tuloy na sabi niya habang nasa loob kami ng elevator.

Nanatili akong nakayuko, nakanguso dahil kung pagalitan ako nito ay mas sobra pa siya kay Papa. "Kaya ka napapahamak, mapapahamak ka talaga pag pinairal mo yang katigasan ng ulo mo" patuloy pa niya habang habol habol niya ang kanyang hininga.

Bayolente akong napalunok ng makaipon ako ng lakas ng loob para tanungin siya. "Ano bang ikinakagalit mo? Na tatakbuhan ko ang utang namin sayo?" Malumanay na tanong ko sa kanya pero napaiktad ako ng hampasin nito ang pintuan ng elevator.

"Nagagalit ako kasi akala ko naiwala nanaman kita!" Asik niya sa akin na pareho naming ikinabigla.

Nagulat ako sa narinig pero kita ko din na nagulat si Piero sa kanyang sinabi. Parang hindi pa ito makapaniwala na lumabas iyon sa kanyang bibig. Pareho kaming walang imik na naglakad pabalik sa condo. Kagat kagat ko ang aking labi habang pinagiisipang mabuti kung sasabihin ko ba kay Piero ang nalaman ko tungkol kila Papa.

Dahil sa pagiisip ay hindi ko namalayang huminto pala ito sa paglalakad kaya naman kaagad akong nabunggo sa kanya. Muntik na sana akong matumba dahil dito pero kaagad na pumulupot ang kamay ni Piero sa aking bewang para saluhin ako.

Nagtiim bagang ako. "Itatali na lang talaga kita sa loob, lakas ng loob mong lumabas dito ang lampa lampa mo naman" inis na sabi pa niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya at mabilis na kumawala sa pagkakahawak niya.

"Anong lampa ka diyan, gusto mo suntukan tayo?" Panghahamon ko sa kanya. Kita ko ang kakaibang pagliwanag ng mga mata nito na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko na para bang aaktong makikipagsuntukan na sa kanya ng kaagad nitong pinitik ang noo ko kaya naman mabilis akong napadaing. "Aray ko! Yung third eye ko!" Asik ko sa kanya.

Kita ko ang bahagyang pag ngisi nito na kaagad din naman niyang binawi ng makita niyang nakatingin ako sa kanya. "Magkakathird eye ka talaga pag sinaway mo ako ulit. Pasok!' Seryosong utos nito na may kasama pang pagtulak papasok sa kanyang condo.

Napasimangot ako dahil sa pagkabayolente nito. Pero kaagad akong napatakbo sa dinning ng makita ko ang Ben and Jerry's ice cream na peanut butter flavor. Pero kaagad ding nawala ang excitement ko ng maalalang itatago lang naman niya iyon sa ref at hindi ako papayagang kumain.

"Matutulog na nga lang ako" malungkot na sabi ko sa sarili ko.

"Saan ka pupunta?" Gulat na tanong ni Piero sa akin ng makita niyang aalis na ako duon.

"Sa kwarto" nakangusong sagot ko sa kanya.

"Sa iyo na yang Ice cream" tamad na sabi niya kaya naman gulat akong nilingon siya.

"Totoo?" Paninigurado ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Uulitin ko pa ba?" Inis na tanong niya sa akin kaya naman napapalakpak pa ako bago ko kinuha iyon at kinain.

Tahimik akong kumakain sa may Sala habang nakatapat sa Tv. Ayos naman saba iyon hanggang sa nakaramdam ako ng pagkailang ng mapansin ko ang madalas na pagsulyap ni Piero sa akin. Palihim ko itong tiningnan, pero mabilis din naman siyang nagiiwas ng tingin. Hindi ko alam kung anong problema niya, baka nagsisisi siyang pinakain niya sa akin yung ice cream. Dahil sa naisip na baka bawiin pa niya sa akin iyon ay kaagad kong nilakihan ang subo ko. Para no regrets pag nagkabawian.

Narinig ko ang mahinang pagngisi ni Piero. "Amputa..." rinig ko pang pagmumura niya.

Kayang pagaanin ng ice cream ang loob ko sa tuwing nalulungkot ako, pero hindi kayang pawiin nuon ang pagaalala ko para kay Papa at sa aming pamilya. Maagad akong nagising kinabukasan. Maaga ding umalis si Piero at kagaya ng dati ay nilock nanaman niya ang pinto mula sa labas para hindi ako makaalis.

Halos malibot ko na ang buong Condo nito kakalakad ko. Natataranta na ako at nagaalala, sigurado kasing nandito na sina Papa at Akie sa pilipinas. Pero paano ko sila makakausap kung nakakulong ako dito sa condo ni Piero?.

Tanghali ng magulat ako sa biglaang pagpasok ni Piero. Humahangos ito at may dugo ang gilid ng kanyang labi. "Oh saan ka nanaman nakipagsuntu..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kaagad niya akong nilapitan at tsaka hinila palabas ng condo.

"Uy! Ano nanaman bang..." hindi ko nakumpleto ang tanong ko sa kanya ng kaagad na may sumigaw sa kabilang dulo ng hallway.

"Hagen!" Sigaw nito dito.

Napalingon ako at nakitang isang lalaki iyon na kaagad ding tumakbo para habulin kami. Napasigaw ako habang tumatakbo ng makita kong may hawak na baril si Piero.

"Diyos ko po!" Tili ko ng makitang may baril din na hawak ang lalaking humahabol sa amin.

Tumakbo kami paakyat ng rooftop. Nang marating iyon ay kaagad na sanang isasara ni Piero ang pinto ng mapigilan siya ng lalaki. "Magtago ka!" Sigaw niya sa akin.

Nagulat ako at nataranta. "Ikaw ang pakay niya! Magtago ka!" Singhal niya sa akin kaya naman kaagad akong naghanap ng mapagtataguan.

Tumakbo ako papunta si likod ng mga drum sa ilalim ng water tank ng condo. Mula sa aking pinagtataguan ay kita ko kung paano makipaglaban si Piero sa lalaki. Kung paano siya sumuntok at gumalaw ay para akong nanunuod ng live na action scene sa isang pelikula.

Napasigaw ako sa pagaalala ng sipain nito si Piero sa tiyan dahilan para matumba ito at mahirapang tumayo. Tatakbo sana ako papalapit sa kanya ng kaagad akong napabalik sa aking pinagtataguan ng makitang papunta na sa akin ang lalaking humahabol sa amin.

Mariin akong napapikit sa takot. "Aray!" Sigaw na daing ko ng hilahin ako nito patayo gamit ang pagkakasabunot sa aking buhok.

"Huli ka na ngayon" nakangising sabi niya sa akin.

Sinubukan ko siyang pagpapaluin, pero ng mainis ay kaagad niya akong sinampal dahil para bahagyang umikot ang paningin ko dahil sa lakas nuon. Pero muli akong nabalik sa wisyo at napatakip sa aking magkabilang tenga ng makarinig ako ng ilang putok ng baril na may silencer.

Dahan dahang bumagsak ang lalaki na nakahawak sa aking buhok. Kasabay ng pagbagsak niya ay ang pagsalampak ko din sa sahig. Nanginginig ang aking mga kamay na nakatakip sa aking magkabilang tenga. Hanggang sa unti unti iyong kumalma ng maramdaman ko si Piero na lumuhod sa aking tabi.

Kaagad niya akong hinila para ilapit sa kanya. Niyakap niya ako, yakap na nagsasabihin hindi ko kailangang matakot dahil nandito siya.

"Shhh...wala na" pagaalo niya sa akin.

Dahan dahan ko siyang itingala. Kita ko ang malamlam na mga mata nitong nakatingin sa akin. May gasgas ang kanyang mukha, mas lalong dumugo ang gilid ng kanyang putok na labi. Hanggang sa bumaba ang tingin ko sa wala ng buhay na katawan ng lalaki sa aming tabi.

Kaagad na nanlaki ang aking mga mata. "Pinatay mo siya Piero..." hindi makapaniwalang sabi ko.

"Pumatay ka ng tao!" Naiiyak na sabi ko. Ilang beses niyang inulit sa akin iyon, pero iba pa din pag nasaksihan mo mismo ang pagpatay niya.

Nilingon ko siyang muli. "Naniniwala ka pa din ba na mabuti akong tao?" Malumanay na tanong niya sa akin. Ramdam ko ang sakit sa tono ng kanyang boses, ganuon din sa kanyang mga mata.

Hindi ako nakasagot, nagiwas na lamang ako ng tingin. "Masamang pumatay ng tao" sabi ko na lamang habang wala akong lakas na tumingin sa kanya.

Imbes na bumalik pa sa Condo ay sa isa pa niya kaming bahay dumiretso. Sa kulay putint bungalo na sinasabi ni Lance na nirerentahan din ni Piero.

"Taga Agrupación ang taong iyon. Nalaman na nilang nandito ang tatay mo sa Pilipinas. Gusto ka nilang gamitin para sumuko siya" seryosong sabi niya sa akin kaya naman hindi ko na napigilan pang mapaiyak.

"Gaano ba kabigat ang kasalanan ng Papa ko para gawin nila sa amin ito?" Umiiyak na tanong ko pa.

"Ang Papa mo lang ang makakasagot niyan" seryosong sagot ni Piero sa akin.

Pagkarating namin sa bahay na iyon ay halos pareho kaming mabingi sa katahimikan. Ni hindi ko siya magawang kausapin habang naiisip ko pa din ang nagawa niya sa lalaki kanina. "Papunta na si Lance dito para bantayan ka" sabi niya sa akin ng maglaon.

"I...ikaw?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako. Kinilabutan ako sa tingin niya, para akong biglang naguilty para kay Piero. Parang ang sama ko sa part na ipinamukha at ipinaramdam ko sa kanya na masamang tao ang tingin ko sa kanya.

"Hindi ako pwedeng magtago lang, kailangan kong lumabas para bantayan ang mga kalaban" matapang na sabi niya pa sa akin.

Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong sabin na wag na lang niyang gawin iyon. Pero hindi ko magawang sabihin.

"Magiingat ka" tanging salitang lumabas sa aking bibig. Imbes na umalis kaagad ay napatitig pa sa akin ito na para bang may gusto din siyang sabihin sa akin pero nagaalinlangan siyang sabihin. Nahihiya.

Umalis si Piero ng malaman niya kay Lance na malapit na ito. Muli ay hindi ako napakali, hindi ko kayang manahimik na lamang duon at tsaka maghintay sa kung anong mangyayari. Napaiktad ako ng marinig ko ang pagtunog ng Cellphone ni Piero. Mukhang naiwan niya iyon dahil sa pagmamadali. Sandali akong napatitig sa unknown caller. Ang bigat ng bawat paghinga ko dahil sa takot, pero sa huli ay pikit mata kong sinagot ang tawag.

"Hello..."

"Piero" rinig kong tawag ng tao sa kabilang linya. Nanlaki ang aking mga mata ng mabosesan ko ito.

"Papa!?"

Si Papa iyon. Nang malamang hindi ko kasama si Piero ay kaagad siyang nagbigay ng instruction sa akin. Magkikita kami sa Pier, ilang oras mula ngayon ay sasakay kami sa Roro ship papuntang iloilo. May tatlong ticket na hawak si Papa para sa amin kaya naman kung aalis ako kaagad ay makakahabol ako.

Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Saktong paglabas ko ng gate ay ang pagdating ng sasakyan ni Lance.

"Amaryllis!" Sigaw na tawag niya sa akin pero hindi ko na siya nagawang lingonin pa.

Tumakbo ako ng mabilis. Kaagad na naghanap ng masasakyan. Gamit ang kakaunting pera na naipon ko mula sa mga sukli sa tuwing naggrogrocery ako ay nakasakay ako ng Taxi papunta sa pinakamalapit na Pier.

Maraming tao duon pagkadating ko, hindi ko alam kung saan hahanapin sina Papa. Hindi nagtagal ay muling tumunog ang aking Cellphone.

"Hello Papa nandito na po ako" kaagad na sabi ko sa kanya.

"Magingat ka anak, maraming naghahanap sa atin dito. Magingat ka..." paalala niya sa akin.

Kaya naman gamit ang dala kong sumbrero at salamin sa mata na nakita ko sa bahay ay maingat akong naglibot para hanapin sina Papa. Napalingon ako sa dagat ng marinig ang anunsyo na padaong na sa Pier ang Roro na papuntang iloilo kaya naman pinaghahanda na ang mga pasahero.

Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko. Lalo na ng makita ang ilang mga kahinahinalang lalaki na parang may hinahanap. Muling tumunog ang Cellphone ni Piero.

"Papa nasaan na po kayo?" Umiiyak na tanong ko sa kanila.

"Umalis ka na dito, magtago ka..." hinihingal na sabi niya sa akin na para bang tumatkbo din.

Kaagad akong naiyak. "Papa, ano na po bang nangyayari?" Umiiyak na tanong ko sa kanya pero wala na akong narinig mula sa kabilang linya.

Nagkagulo ang lahat ng umalingawngaw ang putok ng baril. Nagulat ako ng makakita ng mga pulis laban sa ilang nga sibilyan. Kaagad akong nakitakbo sa mga tao. Nagkagulo na ang lahat, kung saan saang direksyon na sila nagtatakbuhan.

Muli kong sinubukang idial ang number ni Papa pero hindi na ito sumasagot. Dahil sa pagkataranta ay kaagad na may bumangga sa akin at tsaka tumilapon sa kung saan ang cellphone na hawak ko. Sinubukan ko iyong pulutin ngunit dahil sa takbuhan ng mga tao ay nahirapan ako. Gamuntik pa akong matumba dahil sa mga ito.

"Amaryllis!" Rinig kong tawag ni Lance.

Kaagad ako nitong hinila palayo duon kaya naman hindi ko na nagawa pang makuha ang cellphone na hawak ko kanina. Mabilis niya akong isinakay sa kanyang sasakyan pabalik sa bahay ni Piero.

"Bakit ka ba nagpunta duon, masyadong delikado" pangaral niya sa akin.

Hindi ko sinabi sa kanya ang plano namin ni Papa. Nanatili akong tahimik na umiiyak.

"Wag ka ng umalis please, pabalik na si Piero" pakiusap ni Lance sa akin pagkadating namin sa bahay.

"Nasaan si Piero?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa Pier din siya kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero kakatanggap ko lang ng message na papunta na siya dito" sabi pa niya sa akin kaya naman nanghihina na lamang akong napaupo sa sofa.

Para akong tatakasan ng bait dahil sa pagiisip. Hindi ko man lang alam kung anong nangyari kina Papa at Akie. Sana man lang ay ligtas silang makasakay sa Roro kahit hindi na nila ako kasama.

Mula sa labas ay narinig ko ang pagdating ng sasakyan ni Piero. Narinig ko pang pinagsabihan siya ni Lance pero napaiktad ako ng ibinalibag nito pasara ang front door. Galit na galit siya, ang talim ng tingin niya sa akin. Nakita ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng dugo mula sa kanyang braso pababa sa kanyang kamay. Kitang kita ang mga patak ng dugo sa sahig.

"P*tangina naman Amaryllis!" Galit na singhal niya kaya naman halos tumalon ang puso ko.

Hinaklita niya ako sa braso patayo. "Hindi pa ba malinaw sayo na pinoprotektahan kita!?" Galit na bulyaw niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. Hanggang sa nakita ko ang pagtulo hg luha sa mga mat ni Piero. Ang kaninang galit niya ay unti unting humapa. Maingat niyang iginaya inilapit ang mukha ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niyang nakahawak sa akin.

"Maghintay ka lang, ginagawa ko ang lahat para malaman ang totoo tungkol sa pagkatao mo" malumanay na sabi niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. "Mapatunayan ko lang na si Sachi ka, handa akong bitawan ang lahat. Ipaglalaban kita hanggang sa maubos ako at ikaw na lang ang matira sa akin"

"Kahit mawala ang lahat, basta nasa akin ka" buong lambing na sabi pa niya.













(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 273 39
Gia lost her phone at the mall. A guy gave it back. another epistolary ccto to all pictures and videos used. most of them from pinterest.
251K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...