[Laureen's POV]
Nag-start ang 2nd quarter. Hindi pa masyadong nagkakainitan, ng may isang lalaking naka-jersey ang dumating sa loob ng court.
Jersey number 8, may kasama syang babae na naglalakad. Naka-hawak sya sa likod ng babae. At masaya silang nagbubulungan.
Naramdaman kong uminit ang tenga ko.
Si Luigi dumating na, kasama si Kara.
Pagkatapak na pagkatapak ni Luigi sa bench area nila, na malapit lang sa amin ni Charm, pinaupo nya si Kara.
Mga limang upuan ang layo niya mula sa amin ni Charm. Nag-usap sila saglit. Nakaupo si Kara at nakayuko si Luigi sa kanya.
Nagtali si Kara ng buhok, tapos may pinahawak sya kay Luigi na bagay. Tumingin-tingin si Kara doon, tinignan nya kung ayos ang pagkakatali ng buhok nya. Salamin. Hinawakan ni Luigi ang salamin para kay Kara.
Lalong umiinit ang tenga ko.
"Bes", tinawag ako ni Charm, nakatingin pala sya a akin, kinuha nya ang kamay ko. Ngumiti sya ng bahagya sa akin.
Binalik na lang namin ang mga mata namin sa laro.
Pinasok na si Luigi.
"KYAAAAAAAA! Si Luigiiiii! Andyan na sya!"
Kumaway si Luigi at nag-smile sa group ng girls na sumigaw at tumakbo na sa gitna.
His moves, how he waved at them, and smiled at them, may kakaiba.
Natapos ang 2nd quarter. Home - 38, Visitor - 42
Half time.
Tumakbo ang mga home players sa bench side na malapit sa amin. Lumapit si Luigi kay Kara at tinulungan sya nitong magpunas ng pawis.
Biglang napunta ang atensyon ko kay Lance, na nakatingin pala sa akin. Siniko nya si Luigi. Tumingin si Luigi kay Lance saglit pero binalik nya agad ang mata nya kay Kara.
Nagulat na lang ako ng biglang may kumausap sa akin.
"Andito pala si HONEY eh!", malakas na sabi ni Ken sa akin.
"Ha-Hi Ken!", sabi ko sa kanya.
Hinatak nya ako palapit kina Luigi.
Tinignan ko si Charm at sumenyas ako sa kanya na sundan nya ako. Tumayo naman si Charms at sumunod sa amin.
"Andito si Hon o!", sabi ni Ken sa mga co-players nya, tapos tumingin sya ulit sa akin, "Dyan ka umupo Hon, para kita ka kaagad....inspiration!", he said beaming at inakay ako sa isang upuan.
Tumango na lang ako. Kinuha ko ang kamay ni Charm at pinaupo sya sa tabi ko.
"Hi Laureen..", sabi ni Billy sa akin, nag-smile sya ng tipid.
Nagsmile din ako ng bahagya sa kanya.
"Naks naman Charm!", sabi ni Billy, "Tayo ka nga!", hinawakan ni Billy si Charm patayo, "Wow naman talaga! Ang ganda-ganda naman ni Charms!", sabi nya pa.
Sumimangot na lang si Charms kay Billy.
"Haha. Seriously! You look great!", sabi ni Billy, "Diba boys?", sabi nya sa mga co-players nya.
"Naman!", sabi ni Ken.
"Absolutely", sabi ni Lance at nag-smile sya kay Charm.
Tumango-tango si Ivan.
"Wow!", sabi ni Benj.
Hindi kumibo si Aaron. Kinuha nya ang lagayan nya ng tubig at uminom.
Uminom lang din si Luigi ng tubig. Nakita ko na lang na tinabig ni Ken ang kamay ni Luigi. Kaya natapon at nabasa ng konti ang jersey ni Luigi.
"Hoy, pansinin mo naman yung Hon mo!", sabi ni Ken kay Luigi.
"What the f***! G*go ka talaga Ken!", sabi ni Luigi at pinagpag ang damit nya.
Nagulat ako kasi hindi naman sya nagmumura ng ganon.
"Here", sabi ni Kara, inabutan sya ng tissue.
"Thanks Kars", sabi ni Luigi at ngumiti sya kay Kara.
"O Friend! Bakit di mo inaasikaso si Luigi-honey mo? Bakit iba nagaasikaso sa kanya?", sabi ni Ken sa akin.
Si Ken talaga! Kung may buhok ka lang sinambunutan na kita.
"It's ok, Laureen won't mind at all, right?", nagsalita si Luigi at nag-smile sa akin.
Weird. Weird lang. May kakaiba sa smile ni Luigi.
Napatingin lang ako sa kanya. Ni hindi ako nakasagot.
"To perform for you this afternoon, please welcome our school's Cheering Squad!"
Naputol ang tinginan namin ni Luigi dahil sa nagsalita.
Tumingin ako kay Charm na hindi tumatayo sa tabi ko, "Good luck bes, you can do it", sabi ko at pinisil ko ang mga kamay nya. Tumayo ako at pinilit ko din syang tumayo at inayos ko na din ang skirt nya na nagusot.
"Thanks bes", sabi ni Charm. Ngumiti sya ng tipid.
"Go Charm, fight!", sabi ni Billy.
Tumango sya kay Billy ng mabagal. And she gave him a weak smile.
"Si Charm talaga o! Tsk!", sabi ni Billy. Lumapit sya kay Charm at inakbayan si Charm, "Kaya mo yan!"
Natuwa ako kay Billy sa ginawa nya. Napaka-supportive talaga nya.
"Kelangan ng hug ni cheerer Charm", mahinang sabi ni Billy sa akin. Kaya tumayo ako sa upuan ko at lumapit ako sa kanila.
Just like what we always do. Group hug.... pag may isa sa aming tatlo na kailangan ng support. Ako, si Charm, si Billy.
Nilagay ko ang braso ko paikot sa bewang ni Charm at nag-hug kaming tatlo.
"Ang sweet talaga nitong tatlo na 'to", sabi ni Ken.
Nag-smile na lang ako kay Ken, at binalik ang mata ko kina Billy at Charm.
Pagkatapos ay nagbitaw na kaming tatlo.
Inayos pa ni Billy ang hair pin ni Charm tapos saka nya marahang tinulak si Charm papalayo, "Sige na Charmie. Kaya mo yan", sabi ni Billy sa kanya.
Naglakad ng mabagal si Charm sa gitna.
"Good luck Kars", sabi ni Luigi kay Kara at pinisil ang mga braso ni Kara.
"Thanks Gi!", sabi nya at nag-smile sya kay Luigi.
"Galingan mo Kara", boses ni Jake.
Andito na din pala si Jake sa umpukan namin.
"Thank you Jacob!", sabi ni Kara kay Jake. Ngumiti din sya kay Jake. Tapos nag-smile sya sa iba pang players.
"Good luck cheerleader!", pahabol sa kanya ni Jake.
One more smile at tumakbo na si Kara gracefully papunta sa gitna to join the other cheerers.
Yes she's the cheerleader.
-----------------------------------------------------------------------------------------------