The Politician's Affair (gxg)

By procopiawrites00

1.4M 45.8K 31.9K

LANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH Bridgette, who is running for the position of Congresswoman met Chelsea, the daught... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Bonus Chapter
A Special Chapter for 500K Reads!

Chapter 33

23.8K 821 541
By procopiawrites00

Bridgette's POV

"Is she already asleep?"

"Yes" and I sighed.

We walked side by side along the hallway of my house.

"How about you? Are you sure okay ka lang?" naga-alalang tanong ni Lauren saakin.

"Well.. ofcourse I'm not" at hindi ko na napigilang pumiyok. Napatigil kami sa paglalakad at sumandal ako sa pader. Yung iyak ko na pinipigilan kong ipakita sa harap ng anak ko ng ilang oras ay hinayaan kong dumaloy.

Masakit. Sobrang sakit. Akala ko wala nang mas sasakit pa noong mga panahong nakasilay lang ako sakanya sa malayo tuwing nagpapa-araw siya sa garden ng hospital. Oh di kaya e kapag nagpa-practice siya sa pagla-lakad. Yung tipong kating-kati ang mga paa ko na lapitan siya.

Pero mas pinili ko nalang na hindi dahil tama ang Papa niya. Mahirap mang tanggapin e ilang beses nang hinarap ni Chelsea ang kamatayan dahil saakin. Kasalanan ko ang lahat: yung pangta-target ni Hane sakanya, yung pangga-gambala ng media dahil nadawit siya sa pangalan ko, yung pamba-batikos sakanya sa pagiging kabit na in the first place naman ay ako ang may kagagawan.

Niyakap ako ni Lauren dahil hindi parin matigil ang pag-iyak ko hanggang sa maupo na ako sa sahig.

"Sobrang sakit na nasa harapan ko siya pero hindi niya ako makilala" tuloy parin ang pag-iyak ko. "Mas lalong masakit ay yung hindi niya makilala ang anak namin.. Ni hindi ko masabi kay Jane na tama siya, na siya si Mommy Chelsea niya. Na all these time nag-sinungaling lang ako na patay na si Chelsea"

Ilang buwan din ako namalagi sa New York noon. Araw-araw ay nakiki-balita ako sa progress ng kalusugan ni Chelsea. Buti nalang ay kakilala namin ang ilan sa mga board members nito dahil kilala din nila ang hospital na pag mamay-ari ko dito sa Pilipinas. Naging okay ang pisikal na kalusugan ni Chelsea pero hindi na bumalik ang mga ala-ala niya. Ang huling memorya niya ay noong nagsi-simula palang silang mag-aral ng Master's Degree sa New York.

Napag-pasyahan kong sabihin kay Jane na wala na ang Mommy Chelsea nito. Mas mahihirapan kasi ito kung all these time alam naman niya na buhay si Chelsea pero hindi niya makausap man lang o makita. Kahit hindi pa gaanong maintindihan ni Jane ang sinasabi ko noon ay alam kong nagdamdam siya. Araw-araw, walang mintis niyang tinatanong kung anong nangyari at nasaan ang Mommy niya. Masakit para saakin ang magsinungaling sa sarili kong anak pero mas mahihirapan lang siya kapag alam niya ang totoo.

At ngayon, mukhang hindi na talaga babalik saamin si Chelsea dahil ikakasal na ito.

Napalakas ang iyak ko sa realisasyon. Magpapa-kasal na siya sa taong kaya siyang ilayo sa peligro. Sa taong paniguradong mabibigyan siya ng maayos at payapa na buhay.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang nagniningning na mga mata ni Chelsea noong pinakilala niya ang fiancé niya na si Paul. Isang matangkad at ubod na gwapong espanyol na lalaki.

Nag-tagal kami sa ganoong posisyon at maya-maya din ay pinilit na nito akong pumunta na sa kwarto at mag-pahinga.

Pagka-gising ko ay namamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kagabi. Nag-apply nalang ako ng light make-up para kahit papaano ay matakpan naman.

Late na pala ako nagising dahil pagkababa ko ay umalis na papuntang school si Jane na ngayon ay pre-elem na. Kumain lang ako ng kaunting agahan at bumyahe na papuntang Grace Memorial Hospital.

Pag-dating ko doon ay nadatnan ko si Mama na naka-upo sa sofa sa aking opisina at may naka-patong na paper bag sa lamesa.

"Hello darling"

"Hello Ma.. what brought you here?" tanong ko rito atsaka ko siya niyakap.

"I just brought you this.. your favorite" ngiti nito at inabot saakin ang isang paper bag na may lamang Sansrival.

"Thank youuuu" touched kong wika rito atsaka ko siya hinalikan sa pisngi.

"Where's dad?" tanong ko

"Nasa bahay. Nalasing kagabi dahil nag night-out sila ng mga kumpare niya"

"Tigas talaga ng ulo" sabi ko habang umiiling.

Maya-maya din ay umalis na si Mama dahil baka anytime daw ay magising ang "boss" at wala siya doon.

Noong umuwi ako galing sa New York ay hinihintay ako ng magulang ko sa bahay ko. Nang-hingi sila ng pasensya sa lahat ng pagka-kamali at pagku-kulang nila bilang magulang saakin. Nag-hingi din sila ng dispensa sa mga panahong hindi nila ako pinaniwalaan noon.

Pero sino nga ba ako para mag-inarte pa lalo na kung ramdam ko namang bukal sa kalooban nila ang pag-hingi ng pasensya. And at the end of the day, mga magulang ko padin sila.

Hindi din naman agad-agad ay napatawad ko sila but I eventually did. Napalapit din sila sa anak ko at minsan ay doon kami sa mansion nila Dad namamalagi.

May isang araw na tinanong saakin ni Jane nasaan daw ang Daddy niya o kung mayroon daw siyang Daddy. Sinabi ko ang totoo. Ang katotohanan na wala na ang Daddy nito at kinuha na ni Papa Jesus. Naintindihan naman niya pero nalungkot siya. At tandang-tana kopa ang tanong niya na hindi ko alam ang sagot: "Bakit po kinuha ni Papa Jesus ang Mommy at Daddy ko?"

Nagulat ako noong biglang pumasok ang assistant ko sa aking opisina para ihatid ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. May mga araw na lumuluwas ako sa ibang lugar dahil nagkaroon na ito ng ibang branch sa iba't ibang siyudad sa bansa.

Lumabas ako ng opisina para maglakad-lakad sa grounds ng hospital. Iniwan ko na ang magulong mundo ng politika at hindi na ako nag-balak pang bumalik kahit na ayaw akong pababain sa pwesto ng mga sinasakupan ko. Mahirap din saakin ang naging desisyon dahil napa-mahal ako rito. Pero kahit na wala akong posisyon e tuloy padin ang pagbibigay ko ng serbisyo sa mga tao tulad ng mga non-profit organizations na binuo ko.

Napadaan ako sa floor kung saan kami nagkita ni Chelsea kahapon. Hindi na ako nagtaka kung bakit siya nandito dahil dito nagta-trabaho ang kapatid niyang bunso na si Alex.

Professional ang naging relasyon namin ni Alex sa isa't isa matapos ang naging insidente ng Ate niya. Hindi namin hinayaan na maging rason iyon para maging hadlang para makuha niya ang program na deserve niya. She's our top Medical Technician here in the hospital and sa pagkaka-alam ko ay papasok na siya sa Med School anytime.

Natapos ang office hours ay dumiretso ako kay Jane na nasa bahay nila Mama. After kasi ng school nito ay dito siya dumi-diretso dahil wala naman ako sa bahay at maiinip lang ito doon.

Both of my parents are retired now. Hindi na Senator si Dad at nagma-manage nalang sila ni Mama ng mga business ng pamilya namin.

"I heard she's back" wika ni Dad at hinawakan ako sa balikat. Kasalukuyan ko kasing nakaupo sa bar stool sa kusina habang pinapanuod mag-luto ng dinner si Mama.

I sighed. "Yes" sagot ko rito at umupo naman siya sa tabi ko.

"What are your plans?" tanong nito at taimtim na nakatingin saakin. Si Mama ay alam kong nakikinig lang din sa usapan namin.

"I don't have one" sagot ko habang nilalaro ang baso na nasa harapan ko. "She's getting married" at hindi ko napigilang pumiyok.

"Honey.." wika ni Dad at hinagod ang likod ko. Syempre naiyak ako dahil sa ginawa nito.

"It hurts but it's fine. She's better off without me"

"Tsk. Don't say that.. Wala naman nang manggugulo sainyo diba?" tanong nito

"That's not the case dad.. damage has been done e" mapait kong sagot. "Maybe we are not really meant to be together" atsaka ako ngumiti ng pilit.

"Oh paano ka?"

"I have you. I have Mom. I have Jane.. I will be fine" atsaka ko hinilig ang ulo ko sa balikat nito.

"Sometimes just because you love someone doesn't necessarily mean that you need to end up together.. sometimes just the mere fact that you are able to love is enough" dugtong ko.

"Mommy? Why are you crying?" biglang sulpot ni Jane sa likuran namin.

Agad kong pinunas ang mga luha ko at hinarap ko ito. "Mommy's not crying.. come here" atsaka ko ito pinaupo sa stool sa tabi ko.

Umupo ito, inihiga ang ulo sa lamesa at tinitigan ako. "I know why you are crying.. You miss Mommy Chelsea.." malungkot na wika nito. "I also cry at night because I miss her singing songs to me before I go to sleep.

Dahil Friday ay doon kami natulog ng anak ko. Half-day lang naman ako sa hospital bukas at ibig sabihin noon ay date-night namin ni Jane. Mamamasyal kami kahit saan pero mostly sa Mall lang naman.

Nandito kami ngayon sa isang play ground at kasalukuyan kong binabayaran ang paglalaro ni Jane doon. Ang next naming pupuntahan ay isang ice cream parlor.

Pagka-pasok namin ay agad tumakbo si Jane sa same spot na inuupuan namin kada sabado. Nakakatuwa dahil sa dalas namin dito ay parang mismong mga staff ay nire-reserve na ang table na ito saamin. Gustong gusto kasi ni Jane ang pwesto dahil nakatabi ito sa salamin at ang kaharap na store ay isang pet shop.

Jane and I made a deal na random ice cream ang titikman namin every week para exciting. Staffs na mismo ang pipili ng kakainin namin at nakakatuwa pati design at toppings ay random din.

Sarap na sarap kami sa pagkain ng bigla itong tumili. "Mommy!!" atsaka siya kumaway ng kumaway. Nagtaka naman ako kung sino ang kinakawayan nito at laking gulat ko nang makita si Chelsea na nasa labas ng ice cream parlor at kumakaway din.

Yung nararamdaman ko ngayon ay parang ninenerbyos ako. Lalo pa akong kinabahan noong pumasok ito at nilapitan kami.

"Hello! Bridgette right?" ngiting-ngiti na bati niya saakin.

"Y-yes" namaos kong sagot.

"Hello Baby Jane" bati nito sa anak ko at kinurot pa ng bahagya ang pisngi. "Ang cute mo naman sa suot mo"

Naka-suot kasi ito ng onesie na unicorn. Buti nalang at hindi ako kinukulit nito na mag-onsie din. Hindi ko nalang talaga alam kapag naisipan akong ipag-suot ng onsie ng anak kong ito. Sa tanda ko nang to!

"Thank you mom—ate hehe" at ngumiti ito ng parang nahihiya. "Do you want some ice cream?"

"Sure! Ice cream is my favorite" ngiti nito ng pagkatamis-tamis.

Sinenyasan ko ang isang staff para mag-serve ng isa pang ice cream para sa magandang babaeng bisita namin.

Nang i-serve na ng isang staff ang ice cream ay napatitig ito, "Here you go Ma'am Chelsea"

"You know me?" laking pagtataka naman nito sa lalaki.

"Ah, hindi siya si Chelsea. I mean, her name is Chelsea but.. she's not my wife" bigla kong banggit na ipinagtaka ng lalaki pero umalis nalang ito nang mapansin na iba ang atmosphere.

"Do I really look like your wife?" tanong nito saakin na naging dahilan para mapatigil ako sa pag-subo ng ice cream.

"Not exactly. Just a little bit" tipid kong ngiti rito.

Nag-kwentuhan lang sila ng nag-kwentuhan ni Jane tungkol sa school nito. Pati yung mga friends niya ay kinukwento niya na akala mo naman ay kakilala ni Chelsea.

Tumingin ako sa malayo nang naramdaman kong maluluha na ako. Dito din kasi sa ice cream parlor na ito kaming tatlo madalas na kumain noon.

"Hey. Are you okay?" nabigla ako noong hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Agad ko namang binawi ang kamay ko sa pagka-bigla. Dahil doon ay parang nahiya ito sa ginawa niya.

"Sorry. Yes, I'm okay. Sorry nabigla lang ako"

Nagkaya-yaan na kaming lumabas dahil gusto nang pumunta ni Jane sa katapat na pet shop.

Akala ko ay magiging ligtas na ako at makakahinga ng maluwag kaso,

"Can you come with us?" tanong ng anak ko sakanya.

"No, baby. I don't think she can.. Ate Chelsea is busy" ako na ang sumagot.

"No, it's actually fine" ngiti nito.

"How about your fiancé?" bigla kong tanong. Kanina ko pa gustong itanong 'yun sakanya e.

"Oh, he went back to Spain for awhile"

Dahil doon ay kasama namin siyang nag-mall hanggang gabi. Pati dinner ay kasama din namin ito.

Pigil na pigil akong hawakan at yakapin siya. Miss na miss ko na ang baby ko.

"Thank you.. I had fun.." wika nito dahil hinatid ko siya sa kotse niya. Si Jane ay nandoon sa kotse ko tatlong kotse ang pagitan dito at kasama niya ang nurse niya pati nadin ang driver namin.

"Thank you din. Pasensya kana sa anak ko ha, she's quite persistent" nahihiya kong sabi.

"Naku, that's fine. Nakakatuwa nga siya e"

"Salamat ulit ha. Sige na, gumagabi na" pagpa-paalam ko rito.

Sumakay na ito sa sasakyan niya at tuluyan nang umalis.

Tinahak namin ang daan pabalik sa bahay ng parents ko dahil doon kami buong weekends at maga-attend kami ng holy mass bukas.

Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa nangyari.

Kahit na hindi niya kami kakilala, kahit na para sakanya ay tao lang kami na aksidenta niyang nakilala ay malaki na ang pasasalamat ko dahil nakasama namin siyang muli ng anak ko. Yun lang e malaki ng bagay para saakin...

-

Mag-ingat po ang lahat sa banta ng bagyo at COVID-19 🙏

Continue Reading

You'll Also Like

415K 5.5K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
37.2K 1K 29
"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life would be incomplete without this beautiful...
935K 40.2K 44
R18+ ✔ Juztine Claire Arden is the youngest daughter of her parents, despite being rich and surrounded by loving parents and a brother, she still gre...
27.9M 437K 43
Tigers #4 Oliver Ynarez