Two hearts under the same roof

By DeadWeakHeart

271K 4.5K 222

Ang masungit kong step-brother, bow. More

Prologue
Chapter 1: Pagong
Chapter 2: Gwapo
Chapter 3: Kaibigan
Chapter 4: Mama Mia
Chapter 5: Brand New Sister
Chapter 6: Cheers
Chapter 7: Smile
Chapter 8: Selos
Chapter 9: Galit ka ba?
Chapter 10: Transfer Student
Chapter 11: Isusumbong kita!
Chapter 12: Mahalaga
Chapter 13: Kuya
Chapter 14: EX
Chapter 15: Punching Bag
Chapter 16: Damn!
Chapter 17: Halata ba?
Chapter 18: Tawag
Chapter 19: Lasing
Chapter 21: Plano
Chapter 22: First Move
Chapter 23: Ulan
Chapter 24: His Parents
Chapter 25: Never
Chapter 26: With You
Chapter 27: Hanggang Ngayon
Chapter 28: Truth
Chapter 29: Kiss
Chapter 30: Meeting
Chapter 31: Multo
Chapter 32: Gusto Mo Ko
Chapter 33: Cookies
Chapter 34: Busted
Chapter 35: Awkward
Chapter 36: Be My Date
Chapter 37: Una At Huli
Chapter 38: Kiss Me
Chapter 39: Pregnant
Chapter 40: Condom
Chapter 41: A Player's First Love
Chapter 42: Pinsan
Chapter 43: Popo
Chapter 44: Heights
Chapter 45: Lost
Chapter 46: Carbonara
Chapter 47: Regalo
Chapter 48: Nagbago
Chapter 49: Kapatid
Chapter 50: Hindi Alam
Chapter 51: Six Days
Chapter 52: Aalis
Chapter 53: Yakap
Chapter 54: Manliligaw
Chapter 55: Goodbye
Chapter 56: Boyfriend
Chapter 57: Sorry
Chapter 58: Type
Chapter 59: Flight
Chapter 60: Brotherhood
Chapter 61: In Between
Chapter 62: Sagot
Chapter 63: Katotohanan
Chapter 64: Dugo
Chapter 65: Get lost
Chapter 66: Nasaan ka?
Chapter 67: Just Like Her
Chapter 68: Four Years
Chapter 69: Will You Marry Me?
Epilogue

Chapter 20: Goodbye

4K 64 0
By DeadWeakHeart

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 20: Goodbye

- Jack

"Dude, didn't you heard me? I said we're here." Ulit ko pa pero hindi siya gumagalaw. Nasa tapat kami ng mansion nila at kanina pa niya ayaw bumaba.

Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan gayong pwede naman niyang sabihin na lang kay Shaine na gusto niya---Oh shit! Hindi pala pwede! Sigurado gulo lang 'to pagnagkataon! Mukhang type pa naman nila Kris si Shaine!

"Jack, I think she likes Jacob, and it seems like he likes her too. I better stop this." "Cause you know what?" "I treasure our friendship more than anything else." Wala na lang akong nasabi nang dahil sa sinabi niya.

Wow! Kailan pa siya naging Martyr, ha?

"Tss. Gago ka ba, dude?" Binatukan ko tuloy siya. "Oo, alam kong pinahahalagahan mo yung samahan natin, pero tandaan mong 'nasa huli ang pagsisisi.'" Payo ko kahit ayoko ring masira kaming magkakaibigan. 

Kaya lang, kung ako yung nasa kalagayan niya, kung ako yung may gusto at seryoso talaga 'ko kay Shaine, magkamatayan na pero hindi ko talaga siya isusuko.

Natuto na 'ko.

Simula nang nagbreak kami ni Erica.

- Manang

Kinakabahan na 'ko sa mga nangyayari. Anong oras na wala pa rin si Sir Harry tapos biglang umiyak na lang si Ms. Shaine at nagwalk out noong sagutin ni Sir Harry ang tawag niya. Hindi naman niya sinabi kung bakit.

Dapat na ba 'kong tumawag ng pulis??

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may narinig akong busina ng sasakyan sa labas.

Nang nalaman kong si Sir Jack pala na kasama si Sir Harry, agad kong pinabuksan ang gate.

"Manang, pagsabihan niyo yang alaga niyo. Nakakalat kung saan-saan." Sabi lang ni Sir Jack nang iniupo si Harry sa sofa na lasing na lasing. Umalis na rin siya agad pagkatapos.

Hindi ko alam kung nangyari at uminom siya, pero siguradong papagalitan na naman siya ni Ma'am Hershy.

Bakit siya uminom? Mukha namang ayos siya kanina nung umalis siya ng hospital, diba? Ang pinagtataka ko pa, bakit umiyak si Miss Shaine?

Nang dahil sa takot na maabutan siya ni Ma'am Hershy sa sala na lasing na lasing ay ipinabuhat ko na siya sa anak ko pataas ng kwarto niya.

Hanggang sa lumipas ang ilang oras, hinintay ko sila Ma'am Hershy.

Sa totoo lang, magpapaalam sana 'kong umalis ngayong gabi kasama ng anak ko (driver). Nakatanggap kasi ako ng tawag na naaksidente ang bunso ko at kailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon! Hindi naman ako mapapalagay na wala ako sa tabi niya pagginawa 'yon.

Napahinto na lang ako sa pag-iisip nang nagring ang telepono. Si Ma'am Hershy. Agad ko naman itong sinagot.

Matapos ang pagbati ni Ma'am, magpaalam na sana 'kong aalis kami ngayong gabi pero naunahan niya ko at sinabing may emergency daw sa kompanya. Kailangan nilang puntahan at ilang araw daw silang hindi makakauwi ni Sir Anthony. Bantayan ko raw ang mga bata.

"P-po?" "Pero, Ma,am, makikiusap lang po sana ako. Naaksidente po kasi ang bunso kong anak at kailangan daw po siyang operahan sa lalong madaling panahon." "Alam kong marami na 'kong utang sa inyo at sumosobra na po, pero gusto ko po sanang umalis ngayon kasama si Densio para masamahan ang anak ko sa operasyon niya." "Pakiusap po! Ilang araw lang..." Pagmamakaawa ko. Medyo matagal namang natahimik si Ma'am Hershy.

"A--ah ganon po ba, Manang? Kung ganon mas mabuti pong puntahan niyo nga po siya." Sagot ni Ma'am kaya nagpapasalamat ako sa Diyos at nagka-amo ako ng kasing bait niya!

"Maraming salamat po, Ma'am Hershy!"

"Sabihin niyo lang din po kung magkano yung operasyon. Magpapadala agad ako sa secretary ko ng---" "N-nako! 'wag na po! Lubos lubos na po yung pagpayag niyo sa pag-leave namin, Ma'am!" Nahihiyang sabi ko at biglang naaalala ang dalawang bata. Hindi ko maisip kung anong mangyayari sa kanila pag umalis ako.

"Ma'am, pero pano na po ang mga bata??" Tanong ko.

"Don't worry, Manang. I know Harry will take care of Shaine." "Basta mag-ingat po kayo sa byahe. Wag niyo pong alalahanin ang dalawang bata at wag kayong mahiya kung may kailangan ka'yo." Sagot ni Ma'am Hershy kaya medyo nakahinga ang ko malawag. Pagkatapos ay nagpaalam na rin si Ma'am Hershy.

- Harry

Naalimpungatan na lang ako nang nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Pagkatapos nagulat na lang ako nang nasa bahay na 'ko.

Shit! How did I get here?? Ang pagkakatanda ko kasama ko si Wendy sa---Argh! Bat ba 'ko nagpakalasing kagabi, ha?!

Nang napatingin ako sa wall clock, napakunot na lang ang noo ko. Anong oras na pero hindi pa rin kumakatok si Manang. Hindi ba niya 'ko aayaing kumain?

Hanggang sa hindi na 'ko nakatiis at bumaba dahil gutom na 'ko.

"Manang, where's the food?" Tawag ko kay Manang pero napansin kong wala siya sa Kitchen. Tiningnan ko siya kung saan-saan pero wala talaga! Wala rin ang driver!

Nang bumalik ako sa living room, napakunot na lang ang noo ko nang may napansin ako sulat. Ano 'to??

"W-wala na si Manang." Nagulat na lang ako nang may nagsalita. Napatingin tuloy ako kay Pagong at napalunok na lang.

"Nasaan??" Tanong ko na hindi makatingin sa kanya (Awkward). Sinenyasan naman niya 'kong basahin ang sulat.

Dear Sir Harry at Miss Shaine,

Unang una po sa lahat, pasensya na po. Hindi na po ako nakapag-paalam ng maayos. Maaga po kasi ang byahe sa barko. Ayoko naman pong gisingin pa kayo dahil alam kong mga puyat kayo.

Magli-leave po ako ng mga ilang araw, naaksidente po kasi ang bunso kong anak at kailangang operahan. Wag po kayong mag-alala, magpapadala daw po ng pera ang Mommy at Daddy niyo.

Tungkol naman sa kanila, matagal daw po silang makakauwi dahil may biglaang business trip. Sana po talaga maging maayos kayo dyan Sir at Miss.

Nagmamahal,
Manang Belen

Hindi ko alam kung anong dapat na maging reaksyon ko. Kung matutuwa ba 'ko kasi makakasama ko siya o maiinis dahil hindi ko yata kayang kumilos ng tama sa twing kasama siya.

Shit.

- Shaine

Hindi ko kailan man inisip 'to. Oo, naimagine ko to dati---pero bakit naman biglaan?!! Hindi ko nga alam ang sasabihin ko ngayong kaharap ko siya e! Tapos iiwan pa kami na kami lang dalawa ang magkasama?!

WAAAH!!! Baka mamatay ako agad ah?!

Napatingin na lang ako sa reaksyon niyang parang walang pake sa nangyayari. Nakakainis tuloy! Buti pa siya kaya niyang kumilos ng tama! Samantalang ako hindi!

Pero sa bagay, bakit naman hindi sya makakakilos ng tama? Wala naman siyang gusto sa'kin! Si Wendy lang naman, diba?! Si Wendy lang! Kaya nga diba magkasama sila buong gabi?!

"Anong ulam??" Nagulat ako sa tanong niya. Napayuko naman ako.

Kanina pa rin kasi ako nagugutom at naghahanap ng upan. Wala kasi man lang iniwang pagkain si Manang. Ang masama pa, HINDI AKO MARUNONG MAGLUTO!

"Pssh. Wag mo sabihing hindi ka marunong magluto?!" Inis na sabi niya at napailing na lang sa'kin. Nahiya tuloy ako.

ARGH! Hindi ko naman kasi linya 'yan, okay?! Walang nagturo saking magluto! Sorry ah!

"Pssh. PAGONG talaga." Teka?!! Bakit porket hindi marunong magluto, PAGONG na?! na mailang ako sa kanya, naiinis lang ako... Napakasama talaga nito!

"Alam mo ang sama mo talaga!" "Bakit?! Marunong ka bang magluto?!" "Oh? Nagrereklamo ka diba? Edi ikaw magluto!" Inis na sabi ko at umirap. Napasigh naman siya.

"Fine." Natahimik tuloy ako. Teka! Wag mo sabihing marunong nga siyang mag-luto?!

Lumipas ang ilang minuto, nagulat na lang ako nang pumunta sa kitchen si Harry.

"Uhm. Sure ka ba talagang magluluto ka? Pwede naman tayo umorder na lang kung---" "Shut up and watch." Masungit na sabi niya kaya napaupo na lang ako sa sofa at napapout. Kumuha na lang ako ng magazine at tumingin-tingin na lang ng kung anu-ano.

Hanggang sa hindi ako nakatiis at napatingin sa kanya. Baka kasi napasubo lang siya! Baka hindi talaga siya marunong magluto at nakahiyan lang sabihin sa'kin!

"Uhm. Harry, marunong ka ba talagang magluto?" Tanong ko pero tulad ng inaasahan, inisnob lang ako.

Pssh. Nakakainis talaga siya! Imbis na mailang, naiinis lang talaga 'ko e! Argh! Bagay nga sila ni Wendy! Pareho silang mga --Wait! Kaibigan ko si Wendy, diba?! Diba dapat maging masaya ako para sa kanila?!

Masaya dahil MAGKASAMA sila buong gabi! Wow. Dapat talaga maging masaya ako!

"Uhm. Harry, pwede magtanong??" Tanong ko na lang habang nasa kalagitnaan siya ng paghihiwa don ng kung ano.

"Pssh. Nagtatanong ka na..." Bara naman niya sa'kin at umirap. Argh! Bwisit talaga siya!

"Uhm. Okay. Bakit ba kayo nagbreak dati ni Wend---" Hindi pa ko tapos magsalita, nagulat na lang ako nang nabagsak or mas magandang sabihin na binagsak niya yung kitchen knife.

"U-uhm. may problema ba?" H-hala! Grabe naman 'to! Nagtatanong lang naman! Wrong timing yata ako!

"Paano mong nalaman??" Nang tinanong niya yon, napalunok na lang ako nang tumingin siya sakin ng masama.

"W-wala naman. May nagkwento lang. hehe!" WAAH! katakot naman magtanong ng tungkol sa lovelife niya! May hawak pa naman siyang kutsilyo, b-baka mamaya saksakin na lang ako nito!

"Pssh. Why are you asking, huh? Why don't you mind your own life? Bat hindi mo na lang isipin yung BOYFRIEND mo?!" Inis na sabi niya kaya nagtaka na lang ako. Anong boyfriend ang pinasasabi niya?! Sino?!

"A-anong boyfriend ka dyan?!" "Teka! Wag mo sabihing yung tungkol samin ni Jacob---"

"Pssh. Wala akong sinasabing si Jacob! Look! Inamin mo na rin na boyfriend mo nga siya!" Inis na sagot niya na lang at napairap. Argh! Anong problema niya?!

"Hindi ko siya boyfriend, okay?!" Inis na sabi ko. Nakakainis talaga tong sungit na 'to! Nagtatanong lang naman ako tungkol sa kanila ni Wendy tapos biglang nalipat kay Jacob!

Anong problema niya, ha?! Isa pa, anong boyfriend? Kailan ko pa naging boyfriend si Jacob?! Kahapon ko pa nga lang siya nakilala nang mabuti e!

- Harry

Pssh. Ano bang pakialam niya sa past namin ni Wendy, ha?! Bat hindi si Jacob ang pagtuunan niya ng pansin??

"Ako yung nagtatanong tapos sasagutin ako ng tanong?" "Hmmp. Masungit!" Sigaw niya kaya inis lang akong napatingin. Hindi ko na lang siya pinansin.

Sa slow kasi niya, hindi rin naman niya maiintindihan kung bat naging kami ni Wendy at kung ano man ang naging meron kami.

"Sungit!" Asar pa niya kaya inisnob ko na lang ulit dahil ayokong patulan ang kabaliwan niya.

Nakakabadtrip kasi! Magsama sila ng Jacob niya! Pa-date date pa, ha?

"Masungit!"

Snob.

"Harry Masungit!"

Snob.

"MASUNGIT!!" Sigaw pa niya at nagulat na lang ako nang bigla akong dinilaan. WTF?! Ano bang gusto niya, ha?! Pasalamat sya hindi ako pumapatol sa baliw!

Makalipas ang ilang minuto, hindi pa yata nakontento sa pang-aasar sa'kin. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo sa SOFA at nagbelat sa'kin!

"HARRY MASUNGIT!! BLEEEH!! SIGURO KAYA KAYO NAGBREAK NI WENDY DAHIL MASUNGIT KA! MASUNGIT!!" Asar niya kaya napatingin ako ng masama.

Pssh. She's really pissing me off, huh?!

- Shaine

Nagtanong lang naman ako kanina ng tungkol sa kanila ni Wendy, nagsungit na siya agad! Napatahimik na lang tuloy ako at imbis na kausapin siya at magalit lang siya sa'kin, nagbasa na lang ako ng magazine.

Lumipas ang ilang minuto, okay na sana kami pero boring na boring na 'ko.

Napatingin tuloy ako kay Harry at naisip ang pinakamagandang gawin kong pampalipas ng oras! Napangisi na lang ako nang naisipan kong asarin siya! Hehe!

"Sungit!" Tawag ko.

Kaya lang inisnob lang ako.

"Masungit!" Ulit ko pa pero wala talaga, snob lang!

Siguro dapat mas malakas pa.

"MASUNGIT!!" Sigaw ko at nag-belat sa kanya. Buti naman gumana dahil napatingin siya sa'kin. Kaya lang, makalipas ang ilang segundo, bumalik rin ang atensyon niya sa ginagawa niya. Napasimangot tuloy ako.

Hmmmp. Bat ba ang seryoso niya masyado, ha?! Dinamdam ba niya ang pagtatanong ko tungkol sa past nila ni Wendy? Mainis nga ulit! Gusto ko yung talagang magagalit siya! Yung tipong mapapairap siya ng parang bakla! Haha!

"HARRY MASUNGIT!! BLEEEH!! SIGURO KAYA KAYO NAGBREAK NI WENDY DAHIL MASUNGIT KA! MASUNGIT!!" Sigaw ko at nagbelat habang nakatayo sa sofa. Sa reaksyon niya, halatang pikon na talaga siya!!Pfft.

Napahinto tuloy siya sa ginagawa niya at napatingin sakin nang masama.

"Tigilan mo nga ako PAGONG!"

"Bakit?! Totoo naman, diba?! MASUNGIT ka naman talaga, diba!?" Asar ko at pumamewang pa habang nakatayo sa sofa. Haha!

"SUNGIT HARRY! BLEEH!!" "MASUNGIT!" "Siguro kaya talaga kayo nagbreak ni Wendy dahil talagang ang sungit---" "Psh. Tigil tigilan mo nga ako! Pag-ako nainis sayo, may gagawin akong hindi maganda!" Banta na niya pero hindi ko naman pinansin.

"Ano?! Eh masungit ka naman kasi talaga, diba?! Nagtatanong lang naman ako ng maayos tapos bigla kang magsusungit---" "Argh! Pagdi ka tumahimik dyan?! Hahalikan kita!" Sigaw niya at tumingin ng masama sa'kin.

Napatulala naman ako ng dahil don.

Matagal akong di nakapagsalita.

A-ANO RAW?? H-HAHALIKAN NIYA KO?!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 54.1K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
79.1K 305 2
Si Randy at si Sharon. Isang weakling genius at isang siga. Paanong naging magbespren ang dalawang ito? And take note, hindi si Randy ang siga. :)
69.1K 1.1K 13
Makakaya mo kayang makisama habang buhay sa lalaking ubod ng sungit? Kaya mo kayang mag mahal ng babaeng sobrang slow? Read, Vote and be My Fan! Tha...
12.6K 1.6K 65
Belly bokbok santiago ang aking ngalan, Mataba man kung akoy titignan, Nilalait din ako at pinandidirihan, Pangit man ang aking panlabas na kaanyuan...