Casanova's Love Game

By pinkyjhewelii

30.2M 466K 74K

│PUBLISHED│ Tigers #5 Luke Palermo More

Casanova's Love Game
Chapter 1 ♣ The Cassanova
Chapter 2 ♣ Hired
Chapter 3 ♣ Chicks
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 ♣ Condo Unit
Chapter 8 ♣ Love
Chapter 9 ♣ Pervert Boss
Chapter 10 ♣ Bestfriend
Chapter 11 ♣ Picture
Chapter 12 ♣ Phone Call
Chapter 13 ♣ Caller
Chapter 14 ♣ Palermo Brothers
Chapter 15 ♣ His Girl
Chapter 16 ♣ Inlove?
Chapter 17 ♣ Crush
Chapter 18 ♣ Apologize
Chapter 19 ♣ Possessive
Chapter 20 ♣ Courting
Chapter 21 ♣ Loser
Chapter 22 ♣ Rejected
Chapter 23 ♣ Pretend Girlfriend
Chapter 24 ♣ Jealous
Chapter 25 ♣ Fall
Chapter 26 ♣ Brokenhearted
Chapter 27 ♣ Act Like One
Chapter 28 ♣ Chance
Chapter 29 ♣ Ovaries
Chapter 30 ♣ I Want You
Chapter 31 ♣ Love
Chapter 32 ♣ Dream
Chapter 33 ♣ Rude
Chapter 33 ♣ Overtime
Chapter 35 ♣ Nothing
Chapter 36 ♣ Eat
Chapter 37 ♣ Wow
Chapter 38 ♣ The Truth
Chapter 39 ♣ Explain
Chapter 40 ♣ Gamer
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Last Chapter
Epilogue
MUST READ

Chapter 41 ♣ Revelation

628K 10K 2.8K
By pinkyjhewelii

Charisse POV

May jetlag yata ako. Kakarating lang namin ni Sir Lorence dito sa Hongkong at pagod na pagod ako kahit nakaupo lang naman kami sa eroplano. Naka-check-in kami sa hotel. Sosyal nga ng kwartong kinuha ni Lorence para sa'ken. Magkatabi lang 'yung kwarto namin. 

Naupo ako sa malambot na kama at matamang pinagmasdan ang luggage ko. Grabe! First time kong mag-out-of-the-country. Tapos dahil pa sa meeting. Kumusta naman kaya ang mga dress na binili saken ni Lorence. Kase, may maiiksi at fitted. Feeling ko 'pag suot ko 'yun, hindi ako magmumukhang secretary eh. Baka mapagkamalan na akong boss. Pati ang mga heels, pamatay! Ang tataas pa. Di naman ako makatanggi dahil sabi nga ni Sir Lorence, para sa company 'yun. 

Nahiga ako sa kama. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang mukha ng lalaking payatot pero may abs, mala-tingting ang katawan pero hot, singkit ang mata pero gwapo at malandi pero sweet. Hays. Nagkasagutan na naman kami last time. Wala na talagang pag-asa, kahit hello! Ako lang naman ang umaasa eh. Kase ako, nagmamahal ng totoo unlike him, ginawa lang akong laruan. 

*phone rings*

Sino namang tatawag sa'ken eh nandito ako sa Hongkong? Overseas call? Aba mayaman sa load. 

Tiningnan ko ang phone ko at sumimangot ako. Kaya naman pala kaya akong tawagan kahit nandito ako sa Hongkong. 

"Ye--"

[WHERE THE HELL ARE YOU?!]

Masakit sa tainga ang sigaw nya ha. Psh. "Bakit mo ba ako sinisigawan? Saka nasa Hongkong ako." Sagot ko. Hindi ko siya ituturing na boss ngayon kase sinisigawan nya ako. 

[WHAT?! HONGKONG?]

Nag-poker-face ako kahit 'di naman nya makikita itsura ng mukha ko. "Hindi. Kingkong. Psh. Narinig mo naman 'diba? Hongkong. Kailangan ko pa bang i-spelling?"

[At bakit nandyan ka?! You're my secretary. Fvck! You leave my company just to go to Hongkong?]

Wala ba syang alam sa business tour? "Sir Luke." Panimula ko saka huminga ng malalim. Ang OA kase magreact nitong tingting na'to eh. "May business tour po dito sa Hongkong at kasama ko po si Sir Lorence." Mahinahon kong sabi kahit nanlalaki na ang butas ng ilong ko sa inis. 

[Si Lorence ang kasama mo?!]

"Natural. Alangan namang ikaw. As you can see, nandyan ka sa Pilipinas." Pamimilosopo ko. 

[Charisse. Fvck.]

Narinig ko ang malalim nyang pagbuntung-hininga. Ano na naman bang nagawa at nagmumura na naman sya? Charisse Alano ang pangalan ko at hindi 'Charisse Fvck' Psh!

"Kung wala na po kayong sasabihin, ibababa ko na---"

[No please. No.]

Juice colored. Pasalamat ka Palermo nakakapagtyaga pa ako. Kung hindi kanina pa kita binabaan. Di ko gustong makausap ka, kala mo ba. Ewan ko ba sa sarili ko. Galing magpanggap eh--na akala mo walang nangyari, walang problema, walang heartbreak, na okay lang kahit hindi. Pwede na akong mag-artista nito. 

"Why?"

[Text mo sa'ken kung saang hotel kayo naka-check-in.]

"B-bakit po?"

[Don't ask me why. Just do it. Okay? Goodnight.]

"Pe--"

*toot toot*

Binabaan pa ako. Problema non? Inutusan pa ako. Psh. Kinuha ko yung maliit na brochure na nasa side table. About sa hotel eh. I type the name of the hotel then send the message to Luke. 

Pagkatapos ay nahiga na ako ulit. Pagod ako. Mas gusto kong magpahinga na. 

--

Nagising ako sa malakas na tunog ng phone ko. Parang tamad na tamad pa akong imulat ang mga mata ko. Inabot ko ang phone ko na nakapatong sa side table without looking at the screen. 

"H-hello."

[Miss Alano, be ready. We'll be having our dinner. Wear your dress. I'll wait for you outside your room after fifteen minutes. Bye.]

Omo! May dinner kami. Shems. Fifteen minutes? Seryoso? Agad? 

Mabilis akong napabalikwas sa kama. Dumiretso ako sa banyo. Saka saglit na nagshower. Paglabas ko ng banyo, binuksan ko agad ang maleta ko at naghanap ng dress na isusuot. Well, puro dress naman ang dala ko. Si Sir Lorence ang may kagagawan. Psh. Isang pants lang dala ko para suot ko pauwi. 

Pinili ko ang kulay kremang dress. Turtle neck ang style at hanggang tuhod lang ang haba nito. Okay na 'to. 

Isinuot ko iyon saka isinuot ang kulay krema ko ring heels. Grabe kase si Lorence. Pati heels, kelangan ka-partner ng kulay ng mga dress kong dala na binili namin. 

Saglit akong humarap sa salamin hawak ang pouch ko ng make up. Nag-apply ako ng kaunti. Powder lang, mascara at lipstick. Hindi naman ako ganon kahilig mag-make-up. Isa pa, gabi na. Magdi-dinner lang naman kami tapos mamaya matutulog na rin. 

Tumayo na ako. Handa na ako. Napatingin ako sa phone ko. Halos saktong fifteen minutes ang ginugol kong time. Ayos na. 

Biglang tumunog ang door buzzer. Si Lorence na 'yon. Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang maliit kong pouch saka nilagay doon ang phone, wallet at key card ko. Tinungo ko na ang pinto saka binuksan 'yun. Bumungad sa'ken ang gwapong si Lorence. He's wearing his tuxedo. Ang manly ng figure. At ang perfume nya amoy na amoy ko, nakakadala lang. 

"You're beautiful." Puri nya. 

Napangiti naman ako. Kahit sinong babae, gustong nasasabihan ng maganda lalo na kung ang magsasabi ay crush mo. 'Diba? Baka nga kiligin ka pa at kulang nalang ay hampasin mo ang katabi mo sa kilig. 

"Thank you." Sabi ko. Habang tumatagal ay parang lalo kong nagugustuhan si Lorence. Not literally, what I mean is, yung siya ang nagiging ideal man ko talaga. Pero kase si Palermong gago ang minahal ko. Kabaligtaran ni Lorence. 

Ganon ba talaga? Kung ano yung ideal man mo, kadalasan mas minamahal mo ay yung kabaligtaran. 

"Let's go?"

Tumango ako. Inalok nya ang braso nya kaya humawak ako. Shems. We looked couple kahit hindi. Kase naman, sa suot kong 'to, iisipin kaya nilang secretary lang ako? 

Pagbaba namin ng lobby ay dumiretso kami sa restaurant dito sa baba. Pumasok kami, halos puno na pero mabuti nalang at may bakante pa. 

Inihatid kami ng waiter sa table namin. Si Lorence na ang nakikipag-usap. Parang languange ng hongkong ang gamit nila. Dugo ang ilong ko nito. Hindi na nakakagulat kung may alam na ibang languange si Lorence. Ganon naman ang mayayaman lalo na ang mga businessman. Hindi lang basta english at filipino ang alam nilang language. 

Pero si Luke, extraordinary. May isa syang language eh, kalandiang language. Mga salita nya 'pag lumalandi sa mga pokemons nya. Psh. Bakit ba sya na naman naiisip ko? Bwisit!

"Hey."

"A-ah, Si--"

"Lorence."

"Okay. Lorence."

"What do you want?" Tanong nya saka pinakita sa'ken ang menu. 

Malay ko ba kung anong foods dito 'di ba? Saka mako-conscious lang ako sa price. "Anything. Kahit naman ako, okay sa'ken. Ikaw nalang ang um-order para sa'ken." Sabi ko. 

"Okay." Sagot nya saka nag-scan na sa menu. 

Nakatingin lang ako sa paligid. Halatang pangmayaman. At ang mga narito ay pawang mayayaman nga. Wala nga akong nakikitang naka-pants lang. Almost mga naka-dress. Tama nga si Lorence. Kailangan ko talagang magsuot ng magandang damit dito. 

Tinawag na ni Lorence ang waiter saka sinabi ang orders namin. Pagkatapos ay tumingin sya sa'ken. 

"Charisse."

Biglang kumabog ang dibdib ko. Yung boses nya kase eh. "L-lorence?"

"I don't know how but I like you. Nasabi ko na 'yun sa'yo 'diba? And this time, I want to court you, officially."

Kru, kruu..

He wants to court me. Okay. Kase daw he likes me. Ta--OMG! Liligawan nya ako? AKO?! Ay weh? Di nga? Napalunok ako ng nanlalaki ang mata. Nakatingin lang ako kay Lorence. 

"Hey. Are you okay?"

Shemay! Hindi ako OA. Yung kilig cells ko nagwawala. Naman kase! Basta basta nalang nagco-confess 'tong si Lorence. Eh crush ko pa man din sya at ideal man, sinong hindi kikiligin?!

"W-why. Bakit ako?" Natanong ko. Shems. Isang hamak na secretary lang ako. 

"Kase iba ka. I found something interesting about you that I want to know more. I want to be part of your life, Charisse."

Napalunok na naman ako. Hindi naman ako nananaginip 'di ba? "Pero.."

"Iniisip mo ba ang kapatid ko? Niloko ka nya, Charisse. And you know that my brother is a casanova. Do you think seseryosohin ka nya? I don't think so. Sa dami ng babae nya? Masasaktan kalang, ah, nasaktan ka na pala. Pinaglaruan ka lang ng kapatid ko."

Napaisip ako. Tama naman ang mga sinabi ni Lorence eh. Pero ang gulo. Si Luke ang laman ng puso ko pero sinasabi ng isip ko na si Lorence nalang. 

Hinawakan ni Lorence ang kamay kong nakapatong sa table. At tumingin sa mga mata ko. "I like you. Let me court you. And I promise, makakalimutan mo si Luke."

Napuno ng pangamba ang isipan ko. Ano ba'to. Bakit ang strange ng feeling ko for Lorence. Alam nyo 'yung ramdam mong hindi siya sincere. Arang may hidden agenda ganon. Pero ayoko naman maging nega. Di kaya seryoso talaga si Lorence? Gusto nya talaga ako?

"Lorence.."

Biglang tumayo si Lorence saka yumuko sa'ken para halikan ako sa..

Oh my god. He kissed me on my lips. Saglit lang 'yun pero ramdam na ramdam ko. Pagkatapos niyon ay hinalikan nya ako sa noo saka naupong muli. 

"I really like you, Charisse."

For the third time, napalunok ako. God! Masyado nabang mahaba ang buhok ko?! Bakit pareho pa silang na-involve sa'ken? Ang Palermo brothers. Naguguluhan ako sa kanila! Sheet. 

--

"I had a great time with you. Be ready tomorrow. Maaga ang meeting na'tin sa first client na imi-meet natin dito sa Hongkong."

Tumango ako. Nandito na kami sa labas ng rooms namin. Pagkatapos naming kumain sa baba kanina ay nagsayaw pa kami dahil may ganon talaga sa restaurant na iyon. Sweet dance lang naman at medyo nailang talaga ako kay Lorence kanina. 

"Thank you." Sabi ko. 

"Rest now."

Tumango ako saka pumasok na sa room ko. Mabilis akong tumakbo at nag-dive sa kama. 

Juice colored! Liligawan ako ni Lorence! Kikiligin ba ako? Or what? Shete naman oh!

*door buzzer*

Oh, may nakalimutan pa yata si Lorence. Shet naman. Sa kalagitnaan pa ng pagkakilig ko. Tumayo ako at pinagbuksan ang nasa labas. 

Laking gulat ko nalang ng hindi si Lorence ang bumungad saken kundi si Luke. 

"Luke.."

Bigla syang pumasok saka ini-lock ang pinto. Hawak nya ang braso ko. Hinawakan pa nya ang isa. Isinandal nya ako sa nakasarang pinto saka itinaas ang dalawa kong braso sa magkabilang gilid ng mukha ko. 

Parang nag-aapoy ang mga mata ni Luke. Anong nagawa ko?

"L-Luke.."

"Fvck! Hirap na hirap na ako, Charisse! Tangna!"

Kinabahan ako. Ano bang nangyayari sa kanya? "Luke ano--"

"Pumunta ba kayo dito sa Hongkong para hindi ko makita ang paglalandian nyo ni Lorence ha? May affair ba kayo? Tangna ang sweet nyo kanina sa baba ah. Couple na couple ang dating. At sobrang dikit ng katawan nyo nung nagsayaw kayo. Ano? Masaya ba? Fvcking hell!"

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakita niya so it mean, kanina pa sya dito? "Paanong nakarating ka agad dito.." Yun agad natanong ko. 

"Malapit lang ang Hongkong. Nasa four hours lang kapag sumakay ka ng ordinary airplane. But for me? Walang imposible sa'ken Miss Alano. I have my ways."

Ibang-iba si Luke ngayon. Galit ang makikita sa mukha nya. "Bakit.."

"Bakit ako pumunta dito? Bakit? Nagulat ka diba? Dahil 'di na kayo magkaka-solohan ng kapatid ko?! Fvck. You said you love me! Pero bakit si Lorence!" Sigaw nya. 

Tumulo ang luha ko. Ngayon ko lang nakitang ganito ka-galit si Luke. "Luke mali ka ng iniisip."

"Ano ha?! Makita kayong sweet sa restaurant? Ang halikan ka nya sa labi mo, sa noo mo? Ang sweet na pagkain nyo? Ang pagsasayaw nyo ng magkadikit at ang kakaibang ngiti mo sa kanya? What the hell! Fvck. Masakit Charisse!"

Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Tumutulo lang ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Ni hindi ako makapagsalita na. 

"I know he's your fvcking ideal man. Kaya masaya ka na makasama sya. But fvck Charisse! Nasasaktan ako! Nasasaktan ako ng sobra! Ngayon ko lang naramdaman 'to!"

"Paanong..naguguluhan ako!" Sabi ko. Bakit sya masasaktan? Eh niloko lang naman nya ako. 

"Hindi ako ideal man, pero totoo ako 'pag nagmahal." Malumanay na sabi nya. Napansin ko ang namumuong luha sa mga mata nya. God! What was that mean?

"Luke.."

"Hindi ko na kaya! Fvck. Nasasaktan ako--damn this tears!"

Natulala ako habang nakatingin kay Luke. Tumutulo ang luha nya. Shit. Lalo akong naiyak nang makita syang ganito. Bakit? Ibig sabihin ba nito, seryoso sya sa sinasabi nya ngayon? Na nasasaktan sya?

"My father blackmailed me. Nagkaroon ng problema sa kompanya ko and he wants me to fix everything. Alam nyang may sineseryoso akong babae. At ikaw 'yun. Ang iniisip nila, kung magkakaroon ako ng seryosong relasyon habang may anomalya sa kompanya, hindi ako makakapag-focus. That's why he told me na hiwalayan ka. Na tigilan ka. And he wants me to waste my time sa pag-aayos ng gulo sa company. And after that, kapag stable na ulit ang company, I can do whatever I want. That's why sinabi ko sayong niloko lang kita. Para magalit ka saken."

My god. Is this true? Yung mga sinabi nya? Lalo akong naiyak. "B-bakit di m-mo sinabi saken?"

"Dahil hindi pwede. Bantay ang bawat kilos ko. May nakasunod sa'ken para masigurong hiniwalayan na talaga kita. Dahil kapag nahuli nila akong may relasyon pa rin sayo, pati pamilya mo idadamay ni Papa. Ganon sya kasama. Fvck."

Na-blackmail si Luke. Sinabi nya lang na niloko nya ako para magkahiwalay kami. Para magalit ako sa kanya. Ibig bang sabihin..

"Mahal kita, Charisse. Mahal na mahal that I can do everything for you. I can sacrifice everything basta sa huli, mapapasaken ka."

Napahagulhol ako. He loves me. Si Luke..si Luke mahal nya ako. I can see it on his eyes. He's sincere. And he's crying now. In front of me. 

"Luke.."

"Pero bakit ko 'to sinabi sayo ngayon? Dahil give up na ako. Nakikita ko kung gaano ka kasaya kapag si Lorence ang kasama mo. Iba ang ngiti mo. I don't care if they found out na sinabi ko na sa'yo 'to. Dahil nagpaparaya na ako."

Nagulat ako sa sinabi nya. "Luke, ano bang sinasabi mo. Mahal mo'ko diba?"

"I love you that I can set you free. You're happy with my fvcking brother. And I don't want to take that happiness. Dahil mahal kita. Mahal na mahal and all I want for you is to be happy. Konting tiis nalang naman eh. Maaayos ko na ang lahat at babalik na ako sa'yo, ipaparamdam ko sa'yo kung gaano kita kamahal but it's too late. I'm late. And that fvcking hurts!"

Binitawan na nya ako. Nakatungo sya. Umiiyak pa rin ako. "Luke wag.."

Ngumiti siya pero halata namang fake lang. "I'm a casanova, and I guess I don't have the ability to make you smile like Lorence did."

"Luke.."

"You're fvcking free."

Hinila nya ako at hinalikan sa labi ko. It was gentle and sweet. Tumugon ako but then, tinapos nya agad iyon saka hinawakan ang door knob. 

"L-luke."

"I wish you happiness with my brother." He said the left me. 

He left me..

I burst out crying. Now I know! Kung bakit bigla nya akong iniwan sa ere! And that's because of his father? Kung alam ko lang! But shit, yung sinasabi nyang mas masaya ako kay Lorence, nagkakamali sya. Yes, iba ang ngiti ko kay Lorence, ngiti ng may paghanga. Genuine smile. Pero kung sa kanya ako ngingiti, iba rin. Dahil ang ngiting ibibigay ko sa kanya ay ngiting may pagmamahal. 

He gave up. Oo ideal man ko si Lorence pero pipiliin ko pa rin ang isang gagong tulad nya! 

Mabilis akong lumabas ng pinto at nakita ko pa si Luke sa hallway. Nakatayo, nakasandal sa pader at alam kong umiiyak sya. 

"Luke." Sabi ko nang makalapit sa kanya. 

Nag-angat sya ng tingin sa'ken. Hindi makapaniwalang makikita nya ako sa harap nya. He's crying and it breaks my heart. 

"Charisse. Why--"

I shut him up by kissing him. Tumingkayad ako para maabot ko sya. Nakakawit ang dalawa kong braso sa batok nya. I don't know how to start a kiss, but I did. Just for Luke. I kissed him torridly, and he responds. 

Humawak siya sa waist ko saka idinikit ang katawan ko sa kanya. He's an expert with this kaya hindi na nakakapagtakang nagagawa naming maghalikan habang naglalakad. Papasok sa kwarto ko. The door was open dahil hindi ko 'yon naisara paglabas ko. Pagpasok namin sa loob ay itinulak nya ang pinto. Automatic lock. 

Magkadikit pa rin ang mga labi namin. Umupo siya sa kama habang patuloy sa paggalaw ang mga labi namin. Iniupo nya ako sa lap nya. God! 'Di ko akalaing maghahalikan kami ng ganito katagal. 

Hanggang sa mapatigil kami at kapwa kami hingal. We need air. Shit. 

"Fvck. Charisse."

Ayan na naman yung pagmumura nya kasunod ang pangalan ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Ngayon ko naramdaman ang hiya dahil sa ginawa ko. 

"Why did you kiss me? Why did you run after me? Why? Tell me." Sunud-sunod nyang tanong. 

"I like Lorence.."

"Fvck. Kung 'yan lang ang sasabihin mo, aal--"

"But I love you."

Nanlaki ang mata nya. Nakatingin sya sa'ken. "Y-you still love me? I thought it's Lorence.."

"Hindi naman agad-agad nawawala ang love eh. At sa isang gagong tulad mo, it's impossible that I fall out of love. Na-realize ko kaseng masarap ding magmahal ng gago."

"Nakakailang gago ka na. Tch. Alam kong gago ako. But let's go back to our topic. Fvck, you still love me. And what's with you and Lorence? Nandito kayo para lang mag-enjoy. Masaya kayo."

"We looked happy but you don't know how I really feel, Luke. Magaling akong magpanggap na masaya kahit deep inside, I'm broken."

"What do you mean?"

"Pure business lang ang ipinunta namin ni Lorence dito. Niyaya lang nya akong magdinner at ayoko syang tanggihan dahil boss siya. And, yung sweet sweet na 'yun. Wala 'yun. He's sweet, yes. Kinilig ako, oo. But it doesn't mean that my love for you was gone. Damn! It's still here. And it's still hurts." Sabi ko. 

Nakita ko ang kasiyahan sa mga mata ni Luke. "Should I give up?"

Umiling ako. "Prove to me that you love me."

He sighed. "I'm sorry. But I can't prove it to you. You know now my situation. Hindi kita pwedeng lapitan na at ipakitang nililigawan ka. Unti unti nilang inuubos ang accounts ko."

"Ano?! Pero bakit ngayon.."

"Hindi nila mapapansing umalis ako. Iniwan ko ang phone ko sa condo ko. Nalaman kong nilagyan nula ng tracking device ang phone ko. Nagtataka kase ako kung paano ako laging nasusundan ng sumusunod saken na tauhan ni Papa."

"So you're safe now?" Tanong ko. 

Tumango sya. "I think so. And ginamit ko ang private plane ko. Pag-aari ko kaya 'di nila mapapansin 'yun. Pero sa company, sa Pilipinas, I can't show you how much I love you."

"You can." Nakangiting sabi ko. Wala na eh, wala na yung galit at hinanakit sa dibdib ko nung malaman ko ang dahilan nya. Alam kong hindi dapat ako agad maniwala pero makikita mo naman kase sa kilos at sa mga mata nya kung gaano sya ka-sincere.  

Isa pa, hindi ko din talaga maintindihan kung paanong sa isang iglap ay nawala ang galit ko sa kanya. Ganon nga talaga pag mahal mo, kapag kaharap mo na, kapag kayakap mo na, kapag nag-e-explain na siya, nawawala in instant yung negative na nararamdaman natin para sa kanila. 

"I'm sorry. I can't. Sa company, ganon pa din. Hindi kita pwedeng ligaw-ligawan. Hindi ka pweden--"

"I said, you can." Putol ko sa sinasabi nya. 

Kumunot ang noo nya. "How?"

"Ayusin mo ang kompanya mo. Diba nga sabi mo, pag naayos mo ang anomalya do'n, malaya ka na?" Sabi ko. 

Bakit ba ganito ang pag-uusap namin? Parang okay na okay ako sa maaaring mangyari. Mahal ko talaga eh. Idagdag mo pa ang katotohanang mahal din pala nya ako at hindi basta niloloko lang. 

Ngumiti sya. "You can wait?"

Tumango akong nakangiti. "Why not? I think..you're worth waiting for."

"Fvck!" Sigaw nya saka niyakap ako. "Kinikilig ako, Charisse. Damn it!"

Natawa ako. Marunong palang kiligin ang isang Luke Palermo? At ako pa ang dahilan. Isn't it amazing? Isn't it surprising? 

"Masyado kang masaya." Puna ko. 

"I'm really happy. Damn! Akala ko kailangan na talaga kitang i-give-up. But you're with me. Hell! Thank you. Wait for me to fix all the problems in the company, and I'm sure as hell, I'm gonna marry you."

Nanlaki ang mata ko. "K-kasal agad?"

Tumango sya. "My father gave me that fvcking deal. But the best thing about it is the consequence. He whispered to me, 'After this, you can marry her. I'll be on your side' That's why I used that as my motivation."

Hindi ako makapaniwalang sa Papa pa nya manggagaling 'yun. So it means, gusto nila ako para sa anak nila? Pero kung iisipin ko naman ang kasal, parang..hindi ba kami nagmamadali?

"Pero.."

"May oras ka pa para pag-isipan 'yun. Remember, inaayos ko pa ang anomalya sa company."

Huminga ako ng malalim. "Pero, Luke. Wala pa nga tayong isang taon, hindi pa nga tayo tapos kasal agad ang nasa isip mo?"

"Tch. Nahalikan na nga kita eh. Muntik pa ngang may mangyari sa'ten kase handa ka na tapos pagpapakasal sa'ken, di ka pa handa? Charisse naman. Sa gwapo kong 'to, tatanggihan mo ako?"

Tingnan mo 'to. Umaatake na naman ng kayabangan ng tingting na 'to. We really look okay now. Komportable pa kami sa isa't isa. Parang walang namagitang away sa'men at parang wala kaming problema. 

"Ang yabang mo talaga!"

"Mahal mo naman."

Namula yata ang pisngi ko. Shemay 'tong Palermo na'to! "Aish. Basta. Ewan ko sayo!"

"Tch. I will do everything para matapos na ang gusot na'to. I want to be with you, baby." He said then he buried his face to my neck. Naglalambing ang gago. 

I sighed. "So kailangan natin magtiis muna."

"But wait, hindi ka na galit sa'ken baby?"

"Charisse pangalan ko, hindi baby. Ano? Nasa dream dad ba tayo?" Pagtataray ko. 

"Ayan na naman ang pagtataray mo. Kaya nate-turn-on ako sa'yo eh. Tara gawa ng baby--AWW!"

"Bastos! Manyak! Aish. Magbago ka na Palermo!" Sigaw ko. Napatayo pa ako. Sya, nakaupo pa din sa kama habang hawak ang tainga nya. Piningot ko kase. 

"Charisse naman, sayang ang genes ko! Saka sayo nalang naman ako magiging manyak eh." He grins. Ang langya!

"Argh! Ewan sa'yo. Umuwi ka na nga!" Sigaw ko. 

Hinila nya ulit ako dahilan para mapaupo ako sa lap nya. Ang awkward. 

"Pero napatawad mo na ba ako? Hindi ka na galit sa'ken?"

Ano bang isasagot ko? Eh nawala na nga. Parang automatic na na-reformat ang puso ko kaya nawala yung mga sakit at hinanakit ko. Pagmamahal nalang ang nararamdaman ko. 

Tumango ako. Wala na din namang mangyayari kung ipagpapatuloy ko pa ang galit galit ko. Tutal alam ko naman na ang reasons behind, okay na para sa'ken. Saka, nahalikan na nga ako kanina pa, ngayon pa ba ako mag-iinarte? Di ako pakipot 'no. 

"Thank you baby! We're okay. Hindi ako pwedeng mag-stay dito. Kailangan ko ding bumalik sa Pilipinas. Nasa labas ng condo ko ang nagbabantay sa'ken, panigurado."

"Eh pa'no ka pala nakalabas kanina kung nakabantay don?" Tanong ko. 

"Ako pa? May lahing spiderman ako. Dati, nung nahuhuli ako ng mga babae ko, sa bintana ako dumadaan papuntang parking."

"Psh. Akyat bahay gang ang peg?"

"Saan ka nakakitang akyat bahay na gwapo? At hot? At may ABS? At gwapo ulit?"

Nagpoker face ako. "Oo na. Ikaw na. Psh."

"So we're really okay?" 

"Oo nga. Paulit-ulit?"

"Hindi lang ako makapaniwala. Yesterday, you were mad at me then today, you're looking at me with love in your eyes. And it feels so damn great!"

Napangiti naman ako. "Mahal eh." Nasabi ko lang. 

"Mahal kita, Charisse. I love you." He said then kiss my cheeks. 

Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Pagbalik ko sa Pilipinas, paano kaya ang set-up namin ni Luke? Hindi naman pwedeng mag-usap kami kahit patago dahil malalaman nung nakasunod sa kanya. Grabe naman 'yung Papa nya. 

"I love you too, Luke." Nakangiting sabi ko. "Kahit gaano kapa ka-gago."

He looked at me. Pokerfaced. "Ka-gwapo!" Alma nya. 

"Oo na."

"Kailangan ko na talagang umalis. Kahit gusto ko pang mag-stay dito, I can't."

Tumango ako. "I understand. Take care. At least, alam ko na ang lahat. Pati ang kalagayan mo."

Tumayo na kami. Niyakap nya ako ng mahigpit. Niyakap ko din sya pagkatapos ay hinalikan nya ako sa labi ko. Soft and sweet. As always. At nararamdaman kong totoo ang nararamdaman niya para sa'ken. 

"I really need to go." Sabi nya pagkatapos nya akong halikan. 

Tumango ako saka inihatid sya sa pintuan. "Mag-ingat ka."

"I will. Pero.."

"Pero?"

"Kung gusto mo ng gumawa ng baby ngayon, I can stay. An--AWW! ARAY!"

"Bastos ka talaga! Umuwi ka na nga!" Bulyaw ko pagkatapos ko syang hampasin ng suot kong tsinelas. 

Tumatawang umalis na sya. Baliw talaga 'yung lalaking 'yun. Hays. Biglang ang saya ko! Shemay. Ang bilis ng pangyayari. Pero, gusto ko ang mga nangyayari. 

Luke loves me. I love him. We're meant to be. 

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
348K 18.4K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
5K 803 43
Dracey Anise Cordova is already living her life to the fullest after she experienced her first ever heartbreak. She maybe stopped studying, but she...