Chapter 24 ♣ Jealous

475K 7.5K 639
                                    

Luke POV

Nagpapakalasing na naman ako. Pagka-alis ni Charisse, kulang nalang sugurin ko Lorence at bugbugin. 

Fvck! Sa dinami-daming magiging karibal ko, ang kapatid ko pa? Tch. 

Kanina ko pa siya pinagmamasdan sa dinner with my parents. Iba ang tingin niya kay Lorence. At hindi ako bulag. Alam ko na may ibig sabihin ang mga tingin niya sa kapatid ko. Naalala ko pa kanina nong papunta palang kami dito sa mansyon namin, nung nabanggit kong kasama si Lorence sa dinner, nauutal na siya. Kaya napaisip na ako. Nagtataka ako sa mga kilos niya. 

At kanina, nilapitan ako ni Lorence. Sinabing pauwi na si Charisse. Bakit? Dahil hindi siya makapag-enjoy? Para namang ako ang gusto nyang maka-bonding. Sigurado akong si Lorence. Kaya lumapit nalang ako sa mga babae dito. Nakipaglandian---na gawain ko. 

Tangna. Sa ilang araw na hindi ko pagpasok sa kompanya, na-develop agad siya sa kapatid ko? Samantalang ako, mas matagal niya ng nakasama kumpara kay Lorence pero mas nagustuhan pa nya yon? Damn it. 

Wala akong galit sa kapatid ko. Pero hindi ko maiwasan ma-badtrip sa kanya. 

"Luke tama na yan." Suway ni Lorence. 

"Do you like her?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong ko. Basta gusto ko lang malaman kung may nararamdaman siya kay Charisse. 

"Who?" Tila wala siyang idea sa sinasabi ko. 

"My secretary." Sagot ko saka muling tumungga ng alak. 

"Si Miss Alano? You must be kidding. You know how I hate girls. Hindi ako basta basta nagkakagusto kung kani-kanino."

Nakahinga ako ng maluwag. Kung nagkataon sigurong may nararamdaman din siya kay Charisse, hindi ko alam kung anong magagawa ko. 

I'm jealous. I'm broken. I'm..fvck!

Mas masakit dahil kapatid ko pa. Kapatid ko pa!

"Si Miss Alano ba?" Napatingin ako kay Lorence. 

Hindi ako sumagot. Bagkus ay muli akong tumungga ng alak. 

"So it's her." Patuloy niya. 

Hindi pa rin ako umimik. I don't know what to say. 

"Tell me what happen."

Umiling ako. "Nothing happened. I better sleep." Sabi ko saka tumayo na. 

Wala akong guts na sabihin kay Lorence na siya ang gusto ni Charisse. Bahala sila. 

I will act as if nothing happened. Masakit eh. Tangnang selos 'to! 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon