Chapter 6

656K 9.3K 1.6K
                                    

Charisse POV

Be his girl?! The hell is he thinking? "Bakit yun? Ang daming pwedeng maging kondisyon!"

"Because I want to. Dumadami na ang nakakasampal sa gwapo kong mukha. Kailangan ko ng shield."

"Anong tingin mo saken, human shield?!"

Ano ba yun? Sa tuwing may sasampal sa kanya, ako ang sasalo, ganon ba yun? Damn him. 

"It's not what you think. Kapag nalaman ng mga chickababes ko na may serious girlfriend na ako, hindi na nila ako lalandiin at basta basta susugod sa condo ko."

Okay. I get it. Babaero problems. "Pero bakit ako?"

"Dahil may kasalanan ka saken ngayon. You should do me a favor. At yun nga. Be my girl. Magpapanggap kalang na girlfriend ko. Isa pa, tutal walang appeal sayo ang ka-gwapuhan ko, hindi ka naman siguro matutulad sa ibang babae na halos ayaw na akong bitawan."

Oo nga. Wala talaga syang appeal saken. Hindi sya ang type ko. Major turn off na nga agad ako sa pagiging playboy nya. "No I'm not."

"Okay. So, payag kana? Be my girl or I will fire you right away?"

Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Opportunity ko na ang makapag-trabaho sa isang malaking kompanya. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Yung gusto niyang mangyari, wala namang masama. So parang ganon na din naman, tutal secretary niya ako. 

"Okay. Pumapayag na ako." Sagot ko. 

"Great. Everytime na tatawagan kita, kelangan makapunta ka agad. Bawal tumanggi. Sa labas, we should act like a real couple. Pero, may isa akong rule."

Rule? May nalalaman pa syang ganon? "What rule?"

"Don't dare to fall in love with me. If you did, you will lose. This is only a game. I hate committments kaya wag mong seseryosohin. Ikaw ang pinili ko dahil sa tingin ko, hindi ikaw ang klase ng babae na ma-i-inlove saken kahit napaka-gwapo ko."

Kelangan talaga may kasamang pagyayabang? Psh. Hindi talaga. "Hindi ako ma-i-inlove sayo. You're not my type."

"Good. So, for now secretary ka muna. Tigilan mo na ang pakikipag-usap sa skype lalo na sa oras ng trabaho."

Tumalikod na sya at pumasok sa office niya. Wooo! Nakahinga rin ng maayos. Kinabahan talaga ako don. Di na nga ulit ako mag-skype. 

Pero seriously? I'm his girl now. 

Don't dare to fall in love with me..

As if naman?! Never akong ma-i-inlove sa tulad niya. Alam kong Luke Palermo yan, pero wala eh. Walang appeal saken. Sorry nalang sya. I hate committments too lalo na kung sa kanya 'no. 

-

Malapit na, out ko na. Makakapagpahinga na rin. Naging busy rin ako maghapon. Grabe talaga. 

Nag-aayos-ayos na ako ng gamit sa mesa ko nang biglang lumabas si Luke sa office niya. 

"Let's go."

Huh? "Po?"

"I said let's go." Ulit niya. 

"Pero hindi pa oras ng out ko, sir." Pormal na sagot ko. 

"Who's the boss?"

"Pero yung mga papeles.."

"Five minutes nalang, out mo na. For Pete's sake. Work-aholic ka ba?"

Sumusunod lang ako sa tuntunin ng kompanyang 'to. Ano 'to, school? Pwede mag-cutting ganon? Hay talaga. "Fine. Sandali lang po." Sabi ko saka tumayo na at inayos na ang shoulder bag ko. 

Casanova's Love GameWhere stories live. Discover now