Chapter 27 ♣ Act Like One

483K 7.5K 611
                                    

Charisse POV

Para akong lutang. Nawawala sa concentration ang isip ko. Lumilipad. Naaalala ko kasi 'yung mga sinabi ni Luke kagabi sa condo unit niya. 

After ng pag-uusap na 'yon, nag-decide na kaming matulog. Hiwalay na kwarto. At kaninang umaga, umalis na ako nang hindi nagpapaalam sa kanya. Tulog pa siya 'nung umalis ako eh. 

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Bakit ba ganon si Luke? Bakit kakaiba ang nararamdaman ko kagabi? Bakit guilty ako na parang may something na hindi ko maintindihan. 

"Goodmorning Miss Alano. Pumasok ba ang kapatid ko?" Tanong ni Sir Lorence. 

Nakalapit siya nang hindi ko man lang naramdaman. Grabe pala sa lalim 'yung iniisip ko kanina. 

"A-ah, sir wala pa po siya. Baka po lat--"

"Yow bro!"

Speaking. Biglang dumating. Shems. Iba pakiramdam ko. Parang awkward na diko maintindihan. 

"Oh Luke. Darating na yung investor na dahilan ng pag-uwi ko dito. Ikaw ang dapat na makaharap niya sa meeting. Alam mo na naman ang dahilan. Hindi niya ako pwedeng makita dito. So dito lang ako sa loob ng office." Sabi ni Sir Lorence kay Luke. Wala akong idea sa pinag-uusapan nila. 

"Fvck. Ngayon ba? Tch. May date ako." Sabi ni Luke. 

</3

Oh ano yun. Ba't may nag-react sa bandang dibdib ko? Ano 'to?

"Tch. Uunahin mo pa ang pakikipag-date? Mamaya na pagkatapos ng meeting." Sabi ni Sir Lorence. 

Tumingin sa'ken si Luke. "Miss Alano, anong oras ang meeting?"

Nataranta naman ako. Bakit ba ang cold na naman ni Luke. Tiningnan ko ang papel kung saan nakasulat ang schedule. "Fifteen minutes more and the meeting will start." Sagot ko. 

"Pa'no brad. Dito muna ako sa loob ng private office. Umayos ka. Yung mga napag-usapan natin na gagawin mo sa meeting."

"Ge." Matipid na sagot ni Luke sa kapatid niya na pumasok na sa private office. 

So....? 

Naiwan kami ditong dalawa. Ang awkward na ng feeling ko. Hindi naman ako ganito dati eh. 

Krrrrinnng..

Okay. Nagwawala ang ringtone ni Luke. Lakas eh. 

"Hello?" Sagot ni Luke sa phone niya. 

"Oh, hi baby. I'm sorry. Let's meet later after my meeting."

Casanova's Love GameHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin