The Vampire's Kiss

Autorstwa supladdict

1.4M 72.4K 20.1K

Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to... Więcej

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue

Chapter 38

25.9K 1.3K 334
Autorstwa supladdict

Silver

Napaatras ako at mukhang narinig nila ang galaw ko. Sabay ang kambal na napatingin sa akin. Then their eyes widen. Namutla yata lalo ang kanilang mukha kahit maputla na sila. I tried to smile at them. Tumikhim ako at nataranta ngunit pinili ko na lang na umaktong normal. I felt my heart clenching in pain. Pero hindi naman gaano. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat na reaksyon.

"Kamahalan.." natataranta na saad ng isa.

I smiled at them. Kumuha ako ng baso para uminom ng tubig habang malakas pa rin ang kabog ng dibdib. Akma na sila ang gagawa ng aking gagawin ngunit tumanggi ako dahil kaya ko naman. Napapikit ako pag-inom ng tubig. Ang ginhawa na dala noon ay hindi naalis ang kaba at kung ano man sa aking dibdib. Hinugasan ko ang ginamit na baso at nanatili naman sila sa gilid ko, nakayuko.

"Patawad po, kamahalan.." they said on chorus.

Nginitian ko na lang sila at naglaho na sa hangin. Hindi naman ako dapat magalit sa kanila dahil wala naman silang kasalanan. They are just talking about something. Na mukhang ginawang sekreto sa palasyo na 'to.

Humiga ako sa kama at natulala. Muling pumasok sa isip ko ang pinag-uusapan nila. So Azriel loved ate Patrisha in a way that he shouldn't? Paano nangyari iyon? But then I remember him sharing to me that he grew on the mortal world. Siguro ay hindi niya alam na kapatid niya si ate..

Bigla kong naisip ang litrato na nakuha ko no'n sa libro niya. Malamang nga ay sa mundo iyon ng tao nangyari dahil parang walang camera dito. Mayroon siyang kakaibang saya sa mukha noong pinakuha noon ang litrato na 'yon.

I close my eyes tightly. I felt my heart hurting. Kinapa ko 'yon. Hindi ko naman dapat 'to maramdaman. Kung ano man 'yon at tapos na ang pangyayari na 'yon. At nangyari iyon bago pa ako dumating. Malamang ay isa 'yon pagkakamali na kinalimutan na at hindi na inungkat. Kung sakali, that was incest. Nanindig ang aking balahibo sa naisip. Napailing ako at bumuntong-hininga.

Ang daming tumatakbo sa isip ko ngunit pilit kong nilabanan. I just have to wait for my husband. I need to trust him. Ang dami niya ng ginawa para sa akin. He even waited for me for almost a decade. Ang dapat kong gawin ay tanungin siya tungkol dito at hindi magpadala sa kung anu-ano sa isip ko.

But it is killing me. Lalo na at tumagal sila ni Tatay Austin sa kung saan man iyon. It's been one month since they left. Ilang beses humingi ng paumanhin sa akin si Nanay Lauren tungkol doon. Ganoon daw kasi talaga ang tungkulin ng hari at prinsipe. Kailangan nilang tapusin kung ano man ang gulo na naroon.

Wala naman problema sa akin kung sana ay walang issue sa utak ko. Ngunit pilit ko na lang nilabanan dahil wala akong magagawa.

I am also missing him so much. Bagong kasal lamang kami ngunit heto at nagkalayo na kami sa isa't isa agad. But I understand it. Alam ko na may tungkulin na dapat gampanan ang asawa ko.

Ramdam na ramdam ko ang takot sa akin ng kambal na maid kaya nginingitian ko na lamang sila. Nalaman ko sa reyna na matagal na pala sila rito masyado at paborito pa niya. Maybe they are guilty, ngunit wala naman sa akin iyon. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil nalaman ko ang parte na 'yon. Mas gusto kong makilala si Azriel, ang lahat sa kaniya at ayoko sana na may itatago siya sa akin lalo na't mag-asawa na kami.

"Laurelia!" Ate Patrisha hugged me tightly. Niyakap ko siya pabalik at sunod ay binati si Solemn.

"Nasaan si Gabril at kuya Makheus?" takhang tanong ko at kinarga si Solemn.

"Nasa bahay, as usual. Narito lang ako para may ibalita kay Nanay at Tatay," aniya habang nakangiti.

Hinalikan ko si Solemn sa pisngi at humagikhik naman ito.

"Wala pa sila Tatay. Kasama niya si Azriel," mahinahon kong saad.

Tumango siya at nagpaalam saglit sa akin para puntahan niya si Nanay Lauren. Pero bumalik din siya at hinila ako para sumama sa kaniya. Napangiti ako at nagpahila na lang.

Gusto ko sana siya tanungin tungkol doon ngunit nakakahiya naman. Mas mabuti siguro na kay Azriel na lang talaga at tiisin ko na lang ang overthinking na nagaganap sa utak ko.

"Nanay!" Ate Patrisha giggled. Agad naman siyang niyakap ni Nanay Lauren. Binaba ko si Solemn para makalapit sa reyna.

"Mommy La, may sasabihin ako!" tumalon-talon ang munting prinsesa at nagpapakarga sa kaniyang lola. Nanay Lauren immediately obliged.

"Ano 'yon, maganda naming prinsesa?" she gently asked.

"Ako na Solemn," humagikhik si ate Patrisha.

Naupo ako sa tabi at pinanood sila. They look so happy. Bigla ay namiss ko si Mamá. It is so sad that I didn't have a chance to meet her before she died. Hindi man lang niya alam ngayon na kasal na ako kay Azriel na gustong-gusto niya para sa akin.

"I'm pregnant na pala, Nanay! Four months na pero 'di man lang agad namin nalaman!" tuwang-tuwa na saad ni ate Patrisha.

My eyes widen. Napangiti ako at tuwang-tuwa rin si Nanay Lauren. Tumili siya at niyakap si ate Patrisha. I can't help but to be happy for them too.

"Oh my gosh. Tatlo na ang apo ko," saad ni Nanay at nilingon ako. Then she smiled at me. "Sigurado ako na malapit ka na rin mabuntis. Naku, kaso busy pa ang asawa mo. Mag-anak na rin kayo!" natatawa niyang saad at sinenyasan na lumapit ako.

Nanay Lauren hugged me as she hugged ate Patrisha, too. I close my eyes tightly. This is how family feels. Kumusta na kaya si ate Julianna?

Nakisali rin si Solemn. I sighed in contentment. Gusto ko na rin mayakap si Azriel. Miss na miss ko na siya.

"Nanay.." ate Patrisha whispered. Lumayo na kami sa yakap. Ngayon ay medyo nag-aalala ang mukha niya. "Sana maging maayos ang lahat para sa kaniya.." dagdag niya at hinaplos ang impis na tiyan.

Lumamlam ang mata ni Nanay Lauren at hinaplos din ang tiyan ni ate Patrisha. Then I remember what Leo told me. Iyong tungkol sa curse child. Nalaman ko na dahil sa lahi ni kuya Makheus at ate Patrisha, pwedeng mabuo nila ang sinasabi na cursed child na ayon sa propesiya. That child will cause chaos according to the prophecy. It will cause the downfall of the good. Maghahari ang kadiliman. Kaya kapag ipanganak ito ay kailangan patayin na habang bata pa.

Nakaramdam ako ng pag-aalala. Hindi ko mapipigilan na magkaroon ng cursed child sa anak ni ate Patrisha pero..

Hinaplos ko ang tiyan ni ate Patrisha at ngumiti. Kung sakali na siya nga ang sinasabi ng propesiya, nawa'y siya ay gabayan ng liwanag ng buwan upang hindi siya maligaw sa kadiliman. May the warmth of the moon caress the child's cold heart. Ang isip niya ay sana bigyan ng liwanag ng buwan upang maging tama ang bawat desisyon niya.

"Woah!" ate Patrisha giggled and glanced at me. Ibinaba ko ang kamay at nginitian siya. "She responded on your touch, Laurelia. Anong ginawa mo? Bully nga ito kay Makheus kasi hindi nagpaparamdam!" she laughed.

Nginitian ko na lamang siya. Iyon lang ang mgagawa ko at sana ay tuparin ang bawat salita na binitawan ko.

Nagpaalam muna ako at hinayaan sila na mag-usap. Tumungo ako sa garden at umupo upang pagmasdan ang paligid. I suddenly remember Luna. That adorable child. Sadly, hindi ko natupad ang aking pangako sa kaniya. Hindi ko siya nahanap. And I feel sad because I promised her. Malamang ay umasa siya.

Napayuko ako at malungkot na napangiti. Iba talaga ang nararamdaman ko sa kaniya at minahal ko siya nang totoo. Siguro kapag nagkaanak kami ni Azriel ay Luna ang ipapangalan ko.

Bumalik ako sa kwarto at naghanap ng papel at panulat. Nag-isip ako ng pwede ipangalan sa anak ko na ang pwede niyang nickname ay Luna. I listed many names that I can choose from. Ang daming magaganda pero kailangan kong piliin ang pinakamaganda.

Napangiti ako nang makapili na. Binilugan ko 'yon. Tapos pangalan din ng lalake ay inisipan ko. Sadly, I can't use Luna as a nickname for a boy kung sakali. Kasi feminine iyon. Kaya nag-isip na lang ako ng pwedeng malapit. Nang may mapili na ay binilugan ko rin iyon.

Tinignan ko ang papel at napangiti. Inilagay ko 'yon sa may cabinet sa kwarto ni Azriel. I suddenly feel excited to have a baby. Meron na rin akong aalagaan katulad kina ate Patrisha at kuya Makheus.

"Baby, I miss you.."

Napangiti ako nang may yumakap sa akin mula sa likod. Pumikit ako at pinakiramdaman ang yakap niya. Hinalikan niya ako sa pisngi at humigpit ang kaniyang yakap.

"Azriel.." I gently called him.

Hinarap niya ako sa kaniya saka niyakap. Sumubsob ako sa dibdib niya. He smell so good. He chuckled when he caught me sniffing on his cloth. Tiningala ko siya at nginitian.

"Kumain ka na?" I asked. He shook his head. Lumayo ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay.

"Tara. Hindi pa rin ako kumakain," sagot ko.

He nodded then we teleported on the dining table. May nakahanda na roon na pagkain. I look around to see Tatay Austin ngunit wala siya.

"He's on their room already," saad niya nang mapansin ang paglinga ko.

I smiled and nodded. Inasikaso ko ang plato niya ngunit pinigilan niya ako at siya ang gumawa. Siya rin ang naghanda ng pagkain ko.

"Naroon din si ate Patrisha," saad ko at pinagmasdan siya. He just simply nodded and put a juice on my glass. "May maganda siyang balita," nangingiti kong saad.

"Really? What is it?" he asked.

I shrugged and smiled at him.

"Mas maganda na siya magsabi sayo," saad ko at nagsimula kumain.

Sinulyapan ko siya. Humaba ang kulay ginto niyang buhok. Halos isang buwan pa lang ang lumipas ngunit heto siya, mas nagmature ang hitsura. Ano kaya ang ginagawa nila roon at may pagbabago sa pangangatawan niya? He looks manlier. Ang gwapo niya tignan.

Nag-angat siya ng tingin. He smirked when he caught me staring at him. Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Pinagnanasaan mo ba ako?" natatawa niyang tanong.

I rolled my eyes to him and focused on my food. He chuckled.

"Hmm, iniismiran mo na ako. Iyan ba ang natutunan mo habang wala ako," mapang-asar na aniya at hinaplos ang aking mukha.

Lumabi ako at umiwas nang kinurot niya ang pisngi ko.

"Azriel, ha? Kanina natutuwa ako sayo, ngayon naiirita na ako," saad ko at sinamaan siya ng tingin.

His eyes widen in disbelief.

"What the fuck? For the first time, you're irritated to me?" hindi makapaniwala niyang saad.

Lalo naman ako nairita sa pagmumura niya. Ilang beses ko na sinabi noon na ayaw ko ang pagmumura.

Akala ko namimiss ko siya, hindi pala. Biglang nakakainis ang mga ginagawa niya. Iyong amoy niya lang ang nakatutuwa.

"Baby, what's wrong?" he gently asked when he realized that I'm serious.

Hindi ko siya pinansin. Dumating bigla si Nanay at Tatay kasama si ate Patrisha. Azriel stood to kiss his mother. Tapos ay bigla siyang niyakap ni ate Patrisha at hinalikan sa pisngi. Bigla naman ako nawalan ng gana kumain. Pumikit ako nang mariin at hinawakan nang mahigpit ang kutsa't tinidor.

"Natutulog na si Solemn. Hi, Therese! Ikaw kuya, bagong kasal lang kayo iniiwan mo na ang asawa mo," sermon ni ate Patrisha.

Nagmulat na ako at pilit na ngumiti. Tatay Austin gently messed my hair.

"I'm sorry for that, Laurelia. I'm sorry to inform you again that we will leave later," saad ni Tatay Austin. He look at me apologetically. I smiled at him and shook my head.

"Wala pong problema. Ayos lang sa akin," sagot ko.

"Baby.."

Tumawa si Nanay Lauren at nang-aasar na tinignan si Azriel.

"Di ka miss ni Laurelia," Nanay teased.

Sinimangutan ako ni Azriel ngunit 'di ko siya pinansin.

Sabay-sabay kaming kumain at ang ingay ni Nanay Lauren saka ni ate Patrisha. Si Azriel naman ay nananahimik na sa tabi ko. He congratulated his twin when he heard about her pregnancy. Katagalan ay natapos na kaming dalawa. Sumulyap siya sa plato ko at marahan ako na hinila patayo.

"Magpapahinga lang po ako at isasama ko ang asawa ko," paalam ni Azriel. Sunod ay naglaho na kami at humalo sa hangin.

Bumitaw ako sa kaniya at dumiretso sa kaniyang closet. Kumuha ako ng damit pagkatapos ay hinanda ang kaniyang liliguan. Abala ako sa pagtimpla sa bathtub nang bigla niya akong niyakap sa likod.

"Baby, tell me what's wrong? Ayaw mo ba ako sumama kay Tatay? Tell me, papakiusapan ko siya," aniya at hinalikan ako sa balikat.

Bahagya ko siyang tinulak at lumabas na sa bathroom. Umupo ako sa kama at para naman siyang bata na sunod nang sunod sa akin.

"Hindi, Azriel. Ayos lang sa akin na naroon ka," mahinahon kong saad.

Kumunot ang noo niya at sumimangot sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata. Nagmamaktol siyang umupo sa tabi ko at niyakap ako. Napangiwi ako sa hawak niya kaya lumayo ako sa kaniya. Napatingin ako sa mukha niya at medyo pumangit siya sa paningin ko.

"Anong ayos lang? Come on, Laurelia. Be clingy and possessive! Ito ba ang cons ng understanding na asawa?" aniya at ngumuso.

"Ah, so gusto mo ba ng immature?" tanong ko. "Ayaw mo sa akin at nagrereklamo ka sa pagiging understanding ko!?" pinanlakihan ko siya ng mata.

His eyes widen in disbelief again. Bigla ay niyakap niya ako nang mahigpit.

"Baby!" he shouted. "Anong problema mo sa akin at nagagawa mo akong sungitan at galitan? Tell me? Please.." nagmamakaawa niyang saad.

Kinalma ko ang sarili ko. Tama siya, mukhang umiinit ang ulo ko sa kaniya at hindi naman ako ganito. Baka nga ito sa issue na narinig ko.

"Tell me, my wife. Damn. Bakit kasi hindi ko marinig ang mga iniisip mo?" palatak niya.

Natigilan ako.

"Anong marinig?" takhang tanong ko.

Umayos siya ng upo at seryoso akong tinitigan.

"Merong tinatawag na mindlink ang mga bampira kung saan maririnig nila ang mga iniisip ng kanilang beloved. Pero tayo, wala. I don't know why. Sabi ni Nanay baka dahil sa lahi mo. I don't know. I-welcome mo ako, Laurelia. I want that," aniya.

Nagkatitigan kami. May gano'n pala pero hindi ko alam kung paano iyon gawin. Kung paano ko hahayaan na marinig niya ang naiisip ko. I stared on him. Namumungay na ang mata niya habang nakatitig sa labi ko. Alam ko na 'yon kaya tinulak ko ang mukha niya.

"Laurelia?" nagtatakha niyang tanong.

"Naiinis ako sayo," mahinahon kong saad.

"Bakit?" he frustratedly asked. "Gusto mo yata talaga ako kasama. Come on, baby. Hindi mo kailangan na pilitin intindihin ako. Tell me, I'll stay. Kakausapin ko si—"

"Hindi 'yon," I gently said.

Tatanungin ko na siya dahil baka ito talaga ang dahilan kung bakit naiirita ako sa kaniya. I sighed. Naging seryoso ang mukha niya. Hinarap ko siya.

"Huwag ka magsisinungaling sa akin," I gently said.

Seryoso siyang tumango. Nakagat ko ang labi at napayuko.

"I—I heard about.." nakaramdam ako ng kaba. But this is for the peace of my mind. "Narinig ko na m-may issue s-sayo at kay ate P-pat.." I said, almost a whisper.

He stared at me gently. Inabot niya ang kamay ko at pinisil.

"Is that the reason why are you distant and irritated to me?" he asked.

Tumango ako dahil iyon lang ang naiisip ko na dahilan.

"Kailan mo nalaman iyon?" he asked.

I bit my lips and glanced at him. Seryosong-seryoso siya.

"Ilang minuto pag-alis mo last month," mahina kong sagot.

Mariin siyang pumikit. Kapagkuwan ay hinila niya ako at niyakap. Hinaplos niya ang aking buhok.

"I'm sorry," he whispered. "Did it make you overthink? I'm sorry, Laurelia. If only I know, uuwi agad ako para linawin sayo. Alam mo, ayaw ko na mag-isip ka nang kung anu-ano. I'll take care of your mental health, too. I'm sorry," he added and kissed my head.

Lumayo ako sa kaniya at nginitian siya. His eyes are gentle while staring at me. Hinaplos niya ang aking pisngi at nawala na ang agam-agam sa akin. Bumaba ang kamay niya sa aking kamay.

"That was almost 15 years ago," he said and shook his head. "I was stupid. We met on the human world and when I saw her, I felt something on me. I grew not knowing how it feels to love and to be loved. For the first time, I had the urge to care for someone. May kung anong reaksyon dito sa puso ko," aniya at nilagay ang palad sa kaniyang dibdib. He shook his head and chuckled like he remember something funny. "And I realized that I love her. Siya ang unang babae na minahal ko at nang malaman ko na kambal kami ay galit na galit ako. Because I know I love her, for the first time I loved someone and it is not right since we are twins," dagdag niya.

May kung anong kurot sa aking puso. I just nodded at him to encourage him.

"Lumayo lalo ang loob ko kila Nanay at Tatay. Hindi ko matanggap iyon. Hindi ko matanggap na magulang ko sila dahil ibig sabihin ay kakambal ko nga talaga si Azriella. At hindi lang 'yon. May iba akong galit sa magulang ko. Alam mo na iyon," he chuckled. Halata sa mukha niya ang pagsisisi. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. He sighed and stared at me. "Lumipas ang mga araw na iniisip ko pa rin na mahal ko siya sa paraan na babae siya at lalake ako. But then slowly, I realized it is not something romantic. It is something, an urge to protect her and care for her. Gusto ko makitang masaya siya. Hindi pala sa paraan na gusto kong akin siya. I thought I loved her. And I really love her, hindi ko lang alam kung anong klaseng pagmamahal. Wala talaga akong alam. Katagalan ay napagtanto ko na rin na iba nga talaga. Matagal siyang nawala at alam ko na lang na kapatid ko nga siya. At kakambal ko siya. Mahal ko siya sa gano'n na paraan. Tapos nakilala kita. You shook my principles. At doon ko nalaman na may iba-iba ngang klase ng pagmamahal," saad niya habang nakangiti na nakatitig sa akin.

"Azriel.."

He shook his head and chuckled.

"Hindi ko na sinabi sayo 'to noon dahil nakakatawa at nakahihiya para sa akin. Kapag naiisip ko, gustong-gusto ko saktan ang batang ako. It gives me goosebump in a bad way," he said and closed his eyes tightly. Humalakhak siya at niyakap ako. "Hmm, my baby. I'm really thankful that you came into my life. You taught me the different kinds of love. Sayo ko talaga nakita ang iba't ibang klaseng pagmamahal. The way you love your friends, your cousin, your family, the people around you.. I'm the professor yet you're the one who really taught me a lot of things. At sa bawat lumilipas ay tinuturuan mo pa rin ako. Thank you so much, Laurelia," masuyo niyang saad.

Niyakap ko siya pabalik. Mas lalo tuloy akong naging determinado na mahalin at alagaan siya. Azriel gone through hell, too. And he deserves everything. Ang lungkot isipin na hindi niya alam noon ang pagmamahal. Dahil doon ay nasaktan pa niya ang magulang niya at kapatid.

I'm gonna love him more than he deserves.

"Now, we're fine. Maayos na kami ng kakambal ko at humingi na ako ng tawad 9 years ago sa katangahan kong 'yon. Kahit kila Nanay at Tatay dahil sila talaga ang nasaktan ko noon," aniya.

"That's good, Azriel. I'm happy for you. I realized something.." bulong ko.

Nagbitaw kami sa yakap. He smiled at me.

"What did you realize?" he asked. I smirked at him causing his eyes to open widely. "That's hot..come here," paos niyang bulong. Unti-unting namungay ang kaniyang mata.

Lumayo ako sa kaniya at inilingan.

"I realized na hindi dahil doon kaya naiirita ako sayo. Sadyang naiirita lang talaga ako sayo," mariin kong saad at tumayo na.

"Laurelia!" he called me and tried to touch me.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinuro ang bathroom.

"Maligo ka na roon!" saad ko.

Seryoso niya akong tinitigan. Kapagkuwan ay pilyo na ngumisi at bigla akong binuhat. Tumili ako at hinampas-hampas siya.

Pinatahimik niya ako gamit ang kaniyang labi at nagsimula na ang paglakbay ng kaniyang mga kamay. I sighed and let him kiss me.

We made love a lot of times. He's insatiable. Tumigil lang nang kumatok si Nanay Lauren para paalalahanan ang pag-alis niya.

Tinulungan ko siya sa pagbibihis. Inayos ko ang buhok niya at sinimangutan siya.

"Magpapakasal tayo sa mundo ng mga tao. Para sa mga kakilala natin doon," aniya.

My eyes widen. Nakaramdam ako ng tuwa nang maisip ang mga kaibigan ko at si ate Julianna.

"T-talaga?" I asked. He nodded and kissed me on forehead.

"Gaano kayo katagal ni Tatay?" tanong ko. He shook his head because he doesn't know when. I smiled to me. "Pwede ba pumunta ako roon para asikasuhin ang kasal natin?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya.

"No, baby. Tayo ang pupunta roon," aniya.

Sinimangutan ko siya. Andiyan na naman ang 'di makapaniwala niyang ekspresyon.

"Gusto ko rin kamustahin si ate Julianna, kung ano ang lagay niya. At sasabihan ko rin sila tungkol sa kasal natin. Isa pa, gusto kong asikasuhin iyon," saad ko.

He stared at me. Tinapatan ko rin ang titig niya.

"Hindi ko alam kung kailan kami makakauwi ni Tatay. Pero malapit na rin kami matapos sa pag-aayos doon. Ilang buwan na lang. I want to be with you as you plan for our wedding," he gently said.

Napatango na lang ako at ngumiti.

"Pero pwede ko bang bisitahin na lang si ate Julianna at Halsey? Miss ko na sila. Ilang oras lang ako roon at uuwi na rin agad. I want to know if ate Julianna is fine and if she's doing good," I gently said.

"Pag-iisipan ko," aniya at hinaplos ang aking mukha.

"Azriel naman, please, asawa ko.." malambing kong saad at yumakap sa kaniya.

Nakagat niya ang labi at ngumisi.

"Hmm, do you want to make love again?" he playfully asked.

Sinimangutan ko siya muli.

"Sige na kasi! Promise, saglit lang ako. Five hours!" saad ko.

He sighed and shook his head.

"1 hour," he said.

Natigilan ako at napaisip. But then, that's okay!

"Okay!" masaya kong saad at hinalikan siya. Lumayo ako at tinitigan siya. I crinkled my nose and slap him lightly. "Ang pangit mo na," bulong ko.

"Aba't! Sumosobra ka na!" pinanlakihan niya ako ng mata at kiniliti. Tumili ako at tumakbo palayo. Hinabol niya ako at agad nahuli. He hugged me from the back. Hinalikan niya ako sa pisngi at inamoy-amoy ang leeg ko. "Hmm, mamimiss ulit kita. Dadalaw ako nang madalas kahit ilang minuto lang. Mahal na mahal kita Laurelia," he whispered.

Napapikit ako at ngumiti. Pinakiramdaman ko ang yakap niya bago nagmulat at siya'y hinarap. Hinaplos ko ang mukha niya at tinitigan siya.

"Mamimiss din kita. Mag-ingat ka palagi, ha? Mahal na mahal kita, Azriel," I whispered. I tiptoed to kiss him on his lips. Agad niyang ipinulupot ang braso sa aking bewang. Lumayo ako sa halik at pinakatitigan siya. "Kahit pangit ka na sa paningin ko, mahal na mahal pa rin kita. Forever and ever!" I giggled.

Kinagat niya ang labi at nakangiti na tumitig sa akin.

"Hmm, I'm discovering this another version of you. Can't wait to know you more. Hintayin mo ang pag-uwi ko, asawa ko," he whispered and kissed me.

Lumalim ang halik niya kaya agad ko na siyang tinulak. I teleported on the entrance of the Palace while holding him. Nakasimangot naman siya.

"Nandito na pala siya, hubby. Sige na, mag-ingat kayo, ha?" saad ni Nanay Lauren.

Niyakap ako muli ni Azriel. Hinalikan ni Tatay Austin si Nanay Lauren. Humigpit ang yakap sa akin ng asawa ko.

"Parang ayoko umalis.." he whispered and kissed me on my cheeks a lot of times.

"Azriel..sige na. Hihintayin kita rito. Nandito lang ako palagi," saad ko. I felt him sigh.

Lumayo siya sa akin at sinapo ang aking mukha. Hinalikan niya ko sa noo.

"Isang oras ka lang do'n, ha? Tsaka bago ka umalis magpaalam ka kay Nanay," he reminded me. I immediately nodded like an obedient child. He chuckled and kissed me again.

"Anak.." I heard Tatay Austin's voice.

Lumayo na ako kay Azriel at marahan siyang tinulak papunta sa hari. Tatay Austin hugged me before they vanished. Naabutan ko pa ang matiim na titig sa akin ni Azriel bago siya naglaho.

I sighed.

"Umalis na pala kanina sila Azriella. Sinundo ni Makheus," natatawang saad ni Nanay. I nodded.

Nag-usap kami sandali. Sinabi niya na ipapakilala pa pala nila ako sa buong nasasakupan nila bilang asawa ng prinsipe. Pagpa-planuhan namin pag natapos na sila Tatay Austin at Azriel sa inaasikaso nila.

Lumipas ang mga araw, hindi nakabisita si Azriel sa akin pero naiintindihan ko naman. Ngayon, napagpasyahan ko na lang na puntahan si ate Julianna. Katulad ng napag-usapan namin ni Azriel ay one hour lang. Pero siguro kahit ilang minuto basta't makita ko siya na ayos lang siya uuwi na ako. Iyon naman ang mahalaga sa akin.

Naalala ko kasi 'yung huli kong kita sa kaniya, two months ago. She looks so devastated. Nag-aalala ako na baka matulad siya sa dati.

Hindi ako nakapagpaalam kay Nanay Lauren dahil pumunta siya kila ate Patrisha. Pero noong nakaraan ko pa naman nasabi sa kaniya na aalis ako one of these days. Nagsabi na lang ako sa mga paborito niyang maid, iyong kambal na si ate Liezel at Lezlie.

Bumukas ang portal sa aking harapan. Huminga ako nang malalim bago tumapak palabas ng realm na iyon. Agad akong naglakad-lakad. Namiss ko rin ang mga tao.

I saw some looked at me. Medyo weird siguro ako tignan ngayon dahil naka-long dress at cloak ako. Pero hindi ko na lang sila pinansin. Then a good idea entered my mind. Pumunta ako sa maraming tao. Napahagikhik ako sa naisip. Nang mapansin na marami na ang nakatingin sa akin ay unti-unti akong naglaho. Natawa ako nang makita kung paano nanlaki ang kanilang mga mata. I made sure na walang makakakuha ng video sa ginawa ko.

Dumating ako sa harap ng mansion. Dumiretso ako sa loob at nakita si Halsey na nagtitipa sa kaniyang laptop. Umangat ang kaniyang tingin sa akin at nanlaki ang mata. I smiled at her when she squealed like a child. Tumayo siya at agad akong niyakap.

"OMG! Laurese!" she giggled.

Natawa ako dahil para siyang kiti-kiti habang yakap ako.

"Mom, Laurese is here!" she shouted.

Nag-usap kami sandali. I gave her the forty minutes of my one hour. Miss na miss ko na ang bestfriend ko. I informed her about my coming wedding. Hindi siya makapaniwala at tuwang-tuwa. Ngayon ko lang din nalaman na engage na sila ni Ysmael.

"Well, Ysmael had a huge crush on you when we were senior high to college kaya nawala ang crush ko sa kaniya but then when we graduated and you're already on Spain that time pala, he ligaw-ligaw me. Ihh!" tumili siya at tuwang-tuwa.

Ako naman ay masaya. Hindi ko alam na may crush pala sa akin si Ysmael noon pero ang mahalaga ay masaya na silang dalawa ni Halsey. We congratulated each other. Meron siyang ini-recommend sa akin na pwedeng mag-asikaso ng kasal ko and I gladly accepted the card.

"Nasa kwarto ba niya si ate Julianna?" tanong ko. She nodded at me.

"Puntahan mo na, I'll follow. Save ko lang this," aniya at tumingin sa kaniyang laptop.

Tumango ako at hindi na nagsayang ng oras. Tumakbo ako patungo sa kwarto ni ate Julianna. Kumatok ako at agad naman niya akong pinagbuksan. Hindi ko inakala na ngingitian niya ako ngunit heto nga at may maliit na ngiti sa kaniyang labi.

"Ate Julianna.." marahan kong saad at niyakap siya. All my worries vanish when she hugged me back.

Naglayo kami at tinitigan ko siya. Tumatanda na ang aking ate Julianna. May iilan ng guhit sa kaniyang mukha ngunit napakaganda pa rin. Medyo namayat siya.

"Kumusta ka ate? Alam mo ba, ikinasal na ako at magpapakasal ako ulit dito para sa inyo at sa mga kaibigan ko. Gusto kong lahat kayo ay naroon," nakangiti kong saad.

She just stared at me. Nailing siya at nagtakha ako nang magsimula siyang maluha.

"Ate? Anong nangyayari sayo?"

"Iulianna, I'm sorry.." she whispered and cried.

Nag-alala naman ako at akma siyang lalapitan ngunit bigla na lang akong napaluhod nang may napakasakit na tumarak sa aking likod. Tila sinusunog noon ang laman ko na nadaraanan. Napayuko ako saka nagsuka at kitang-kita ko kung paano tumagos ang espada patungo sa aking dibdib. Espada na gawa sa pilak. Ang kahinaan ng mga bampira.

"Ako bang abuela mo, Iulianna? Imbitado rin ba ako?"

*******

Supladdict<3

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1M 28.2K 42
Completed| Published under PSICOM Publishing Inc. for Php195.00. SPG | Mature Content HANNAH VILLEGA wants to be pure and virgin until she gets...
1.2M 33.9K 53
[Fangs Series #2] You knew he was dangerous. You knew he wasn't ordinary. You knew his sharp fangs. He's pushing you but you're a hard-headed bitch w...
6.1M 198K 48
REAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked...
1.3K 218 31
Ang pagkakaroon ng hindi ordinaryong kakayahan ay biyaya para sa iba ngunit hindi para kay Alora. Ang ganitong kakayahan ay isang sumpang kan'yang ki...