The Heartless Master (Savage...

נכתב על ידי Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you עוד

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 13

99.5K 3.8K 824
נכתב על ידי Maria_CarCat

Walang Puso





Halos mamanhid ang aking buong katawan dahil sa pagkakatitig nito sa akin. Muli ay nangusap nanaman ang kanyang mga mata, para bang pilit na sinasabi nito na magsalita ako.

Napangiwi ako ng maramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng hawak sa akin ni Piero, dahil sa sobrang higpit at diin nuon ay nararamdaman ko na ang pagbaon ng kanyang kuko sa aking balat.

"Ba...bakit ba?" Mangiyak ngiyak na tanong ko sa kanya kasabay ng bahagyang pagbawi ng braso ko mula sa maghigpit niyang pagkakahawak.

Nabigla ako ng makita kong may tumulong luha sa kanyang kanang mata. Muli akong napatitig sa kanya, nawala ang isip ko sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso, nasa kanya na ngayon ang buong atensyon ko. Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito?.

"Bumalik ka ba para sa akin Sachi?" Emosyonal na tanong niya sa akin. Kinilabutan ako dahil sa narinig, ramdam na ramdam ko sa boses ni Piero ang lungkot at sobra sobrang pangungulila sa babaeng nagngangalang Sachi. Sino ba si Sachi?.

Ni hindi man lang ito kumurap habang nakatitig sa akin. Bahagyang nakaawang ang kanyang mga labi. Mamaya ay muling tumulo ang kanyang masasaganang luha bago siya pagod na ngumisi. "Araw araw akong paunti unting namamatay, miss na miss na kita..." sabi pa niya sa akin.

Hinyaan ko siya. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatuon sa aking mukha. Nakatingin siya dito na para bang nabubuhay sa mukha ko ang babaeng kinakausap niya.

"Araw araw akong namamatay Sachi..." pumiyok pang sabi niya, ramdam na ramdam ang pagsusumamo sa kanyang mga salita. Nagmamakaawa.

"Piero...Sir?" Hindi siguradong pagtawag ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga alam kung paano ko siya tatawagin.

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay nito bago siya tuluyang mariing napapikit. "Leave" matigas na utos niya sa akin kaya naman nataranta ako.

"Piero...Sir" muling pagtawag ko sa kanya.

"I said leave!" Sigaw niya at kaagad niyang hinawi ang pagkain sa may kitchen counter. Napaiktad ako sa gulat dahil sa biglaang pagwawala nito.

"May nagawa po ba akong mali?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.

Habol habol nito ang kanyang hininga. "So...sorry po" nanginginig na sabi ko. Dala ng takot ay hindi ko na napigilan ang paggaralgal ng aking boses.

Dahan dahang bumalik ang tingin niya sa akin. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo na para bang maging siya ag naguguluhan din.

Bayolente akong napalunok para tanggalin ang kung anong malaking bagay na nakaharang sa aking lalamunan. "Sorry kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan, hindi ko na uulitin" malumanay na sabi ko sa kanya. Pilit na pinapababa ang aking pagkatao para lamang hindi niya ako paalisin dito sa kanyang Condo.

Kay Piero na ako nakadepende ngayon, simula ng lumabas kami ng aiport kanina. Hindi ko alam ang buhay dito sa Pilipinas. Nagtiwala si Papa dito kaya naman nasisigurado kong mas magigiling ligtas ako sa poder ni Piero kahit pa ganito ang pakikitungo niya sa akin.

Itinaas niya ang kanyang kamay sabay turo sa bodega. Nagiwas na din siya ng tingin habang unti unting humupa ang kanyang galit. "Pumasok ka na" utos niya pa sa akin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Gusto kong maiyak sa tuwa. Buong akala ko ay papalayasin niya na ako dito sa kanyang condo. Hindi na ako nagsalita pa, mabilis kong pinulot ang backpack na binitawan ko kanina at lakad takbo ang ginawa papasok sa kwartong sinasabi niya.

Pagkapasok duon at pagkabukas ng ilaw ay kaagad akong napasandal sa pader. Dahan dahang itinaas ang aking kamay patungo sa aking dibdib dahil sa matinding pagkabog nito. "Shh...kaya natin to" pagkausap at pagpapakalma ko sa aking sarili.

Pero masyadong traydor ang aking mga mata. Kaagad na nagtuluan ang luha sa aking mga mata. Marahas ko iyong pinahiran. "Maging matapang ka Amaryllis. Para kay Papa at para kay Akie!" Madiing pagpapaalala ko sa aking sarili.

"Magkakasama din kayo" pumiyok na sabi ko kasabay ng tuluyang pag agos ng aking emosyon. Napaiyak na lamang ako habang yakap yakap ang backpack. Iyon na lamang ang meron ako bukod sa suot kong damit.

Iginala ko ang aking paningin sa loob ng sinasabing bodega ni Piero ng kumalma na ako mula sa pagiyak. May ilang mga karton na nakapatong patong sa gilid. May ilang lumang gamit, ang sinasabi niyang bodega ay parang halos kalahati na ng tinutuluyan naming maliit na kwarto sa taas ng noodle house.

May isang electric fan at nakatayong foam sa may gilid. Maingat ko iyong inilatag. Napabuntong hininga na lamang ako, ang mahalaga ay may bubong ang aking hinihigaan ngayon. Kung mamalasin ay baka sa kalsada pa ako matulog kung nagmataon.

Gumapang ako pahiga sa foam at inayos ang backpack na dala ko para gawing unan ko. Napatitig ako sa kisame pagkahiga ko. Ramdam ko pa din ang gutom, maging ang sobrang pagod. Parang kaninang umaga lang ay nasa Hongkong ako, ngayon ay nandito na ako sa Pilipinas kasama ang isang taong pinagkakatiwalaan ko para sa aking buhay kahit hindi ko naman kilala.

Dahil sa sobrang pagod ay mabilis din akong nakatulog ng gabing iyon. Nagising na lamang ako kinaumagahan ng masilaw mula sa sikat ng araw na pumapasok mula sa maliit na bintana sa aking uluhan. Napaunat ako ng katawan dahil sa sakit ng aking likod. Sandali kong inayos anh aking sarili bago maingat na lumabas sa aking kwarto.

Tahimik kong pinakiramdaman ang buong bahay, walang kahit anong ingay kaya naman maingat akong naglakad patungo sa kusina. Kumuha ng isang baso ay nagsalin ng tubig. Nasa kalagitnaan ako ng paginom ng lumabas si Piero mula sa kanyang kwarto.

Kaagad akong napahinto sa paginom dahil sa pagdating nito. "Good morning po sir Piero" nahihiyang bati ko sa kanya.

Diretso lamang ang tingin nito, ni hindi niya ako nagawang tapunan ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam kong umiiwas talaga siya ng tingin sa akin. Bagong ligo na ito, nakabihis na din siya at mukhang aalis. Kagaya ng suot niya dati ay dark colors nanaman ang suot niyang damit. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing naglalakad ito papalapit sa akin ay ramdam na ramdam ko ang panliliit.

Tahimik ko lamang na pinanuod ang ginagawa niya. Nagsalang siya ng kape sa kanyang coffee maker pagkatapos ay binuksan ang ref para kumuha ng mansanas. Napaiwas ako ng tingin at mariing inisip kung ano ba dapat ang aking sunod na gagawin.

"Sit, magusap tayo" seryosong utos niya sa akin sabay turo sa may kitchen counter. Kaagad akong napatango at umupo duon, pilit na hinuhuli ang kanyang tingin pero iwas na iwas siya sa akin.

Paglapit niya sa akin ay may dala dala na siyang folder, hindi ko alam kung saan niya kinuha iyon, masyado kasi akong kinain ng pagiisip ko.

"Ikaw ang pansamantalang kabayaran ng Tatay mo sa malaking pagkakautang niya sa akin. Hindi ka pwedeng umalis o lumabas dito ng walang pahintulot galing sa akin. Magtratrabaho ka dito, katulong ko" paguumpisa pa niya.

Tumango tango lamang ako habang nakikinig. "Hindi ako palaging umuuwi dito kaya siguraduhin mong nakalock palagi ang pinto. Wag kang magpapapasok ng ibang tao" patuloy na instruction niya sa akin.

Maya maya ay tinuro niya ang pintuan ng kanyang kwarto. "Wag na wag kang papasok sa kwarto ko" madiing paalala niya.

"Okay po" sagot ko sa kanya.

"Tsaka ka lang makakaalis pag nakabayad na ang Tatay mo" paguulit niya.

Kinuha ni Piero ang lahat ng documento ko maging ang passport. Nang makuha niya iyon ay kaagad niyang pinapirmahan sa akin ang folder na dala dala niya. Matapos kong pirmahan iyon ay walang sabi sabi siyang lumabas at umalis.

Nang maramdaman kong hindi na siya babalik ay kaagad kong binuksan ang ref at naghanap ng pagkain. "Oh yung kape..." gulat na sabi ko ng makitang hindi man lang niya ginalaw iyon.

Kesa masayang ay kaagad ko iyong isinalin sa tasa para inumin. Maraming lamang alak ang ref ni Piero. Nagulat ako ng makitang maraming ice cream sa loob ng kanyang freezer. Mahilig din pala ito sa ice cream. Kinuha ko ang loaf bread at ang malaking jar ng peanut butter.

Sarap na sarap ako sa aking pagkain, kahapon pa kasi walang laman ang aking sikmura. Pagkatapos kumain ng agahan ay nagsimula na akong maglinis sa loob ng kanyang condo. Hindi naman mahirap iyon dahil mukhang maalaga si Piero sa kanyang mga gamit.

Halos maikot ko na ang loob ng kanyang Condo. Bored na bored na ako, kahit buksan ko buong araw ang tv ay halos mamatay ako sa lungkot sa loob nuon. Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa, sa Hongkong ay halos hatiin ko na ang katawan ko dahil sa iba't ibang klase ng trabahong pwede kong pasukan.

"Hindi ako makakapagipon dito" pamomorblema ko. Muli kong inalala ang sinabi ni Piero sa akin. Kung sa kanya lamang ako magtratrabaho at ang bawat serbisyo ko ay kabayaran sa utang namin sa kanya wala akong maiipon, hindi ko matutulungan sina Papa.

Nakatulog na ako sa may sala dahil duon. Nagising na lamang ako ng marinig ko ang mahinang pagdaing ni Piero sa may kusina. Napakisot kisot pa ako ng aking mga mata. Pero ganuon na lamang ang gulat ko ng tuluyan kong makita kung ano ang kanyang sitwasyon.

Wala itong suot na pangitaas, may dugo sa kanyang braso, ganuon din ang kanyang mukha. Magisa niya iyong ginagamot kaya naman kaagad akong napabangon at tsaka siya nilapitan.

"Anong nangyari sayo?" Gulat na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga sugat nito.

Inirapan niya ako. "The Hell you care" asik niya sa akin kaya naman napanguso na lamang ako.

"Apakasungit naman neto" bulong bulong ko.

"Pabulong bulong pa amputa" galit na sabi niya sa akin kaya naman mas lalong humaba ang nguso ko.

"Tulungan na kita?" Malumanay na tanong ko pa para hindi na magdagdagan ang init ng ulo niya sa akin.

Sinamaan niya muna ako ng tingin bago niya ibinato ang hawak na bimpo sa akin. Bayolente na lamang akong napalunok at kaagad na kinuha iyon. Ang balde na may tubig ay nagkulay pula na din dahil sa dugo nito.

Tahimik itong nakaupo habang pinapanuod ang aking ginagawa. "Bakit ka ba napadeport?" Seryosong tanong niya sa akin.

Sandali ko siyang tiningnan pero kaagad na sumalubong ang tingin nito sa akin. Sa paraan ng pagtingin ni Piero sa aking mukha ay para siyang nawawala sa sarili. Para bang sa tuwing titingin siya sa akin ay lumalambot siya. Nawawala siya sa kanyang sarili.

Nagiwas na lamang ako ng tingin at tsala ipinagpatuloy ang pag gamot sa kanyang mga sugat. "Kasi, yung amo ko pinakain ako ng tinapay na may strawberry...nagkaallergy ako, kaya nahirapan akong huminga. Natakot siya na baka nakakahawa daw yung sakit ko kaya tumawag siya ng ambulansya, tatakas na sana ako ang kaso may pulis duon sa building" kwento ko pa sa kanya.

Muli ko siyang sinulyapan pero kagaya kanina ay nakatitig lamang siya sa akin. Parang wala nanaman ito sa sarili. "Saan mo ba nakuha ang mga sugat mo?" Pagiiba ko na lamang ng topic.

Napatingin siya sa ginagawa ko bago nagtiim ang kanyang bagang. "May pinatay ako, nanlaban kaya medyo tinamaan ako" kaswal na sagot niya sa akin kaya naman napahinto ako.

Nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya pero tiningnan niya lamang ako na para bang nanghahamon siya. "Totoo ba?" Tanong ko dahil baka nagbibiro lamang ito at gusto lamang akong takutin.

Nagtaas siya ng kilay. "2 years ago, dapat papatayin ko din ang Tatay mo. Pero maswerte siya at nakaligtas siya" kaswal na sabi niya sa akin kaya naman sumama ang tingin ko sa kanya.

Dahil sa pagkainis ay hindi sinasadyang nadiinan ko ang pagkakapunas sa sugat niya.

"Aray amputa!" Inis na asik niya sa akin.

Imbes na magsorry ay sinamaan ko lang siya ng tingin. "Hindi tama na pumatay ka ng tao" pangaral ko sa kanya.

Tamad ako nitong tiningnan bago siya mapanuyang ngumisi sa akin. "So what? We are all bad anyway..." sabi pa niya sa akin.

Nanatili ang titig ko sa kanya. "Hindi ka dapat pumapatay ng tao, masama iyon" paalala ko pa sa kanya.

Muli siyang ngumisi bago niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "Sini ka naman para pangaralan ako?. Palamunin lang kita dito" mapanuyang sabi pa niya sa akin at pangiinsulto.

Ang dami kong gustong sabihin, pero napabuntong hininga na la ang ako para pakalmahin ang sarili. "Ano hindi ka makasagot" mapanuyang asar niya sa akin.

Nanatili akong tahimik. "Naniniwala pa din akong mabuti kang tao" sabi ko sa kanya.

"Anong sabi mo?" Seryosong tanong niya halatang nabigla.

Kumunot ang noo ko. Malinaw naman ang pagkakasabi ko, impossibleng hindi niya narinig iyon. "Sabi ko?" Paguulit ko pa.

Naglapat ang kanyang mga labi. "Bawiin mo yung sinabi mo" may pagbabantang utos niya sa akin.

Napaawang ang labi ko. "Bakit ko naman babawiin yun, eh yung ang opinyon ko eh" pagdadahilan ko sa kanya.

Kaagad na tumayo ito himapas ang lamesa bago niya ako hinawakan sa aking magkabilang balikat. "Bawiin mo!" Sigaw niya sa akin.

Napatitig ako sa kanya, ano ba ang nangyayari sa lalaking ito. "Eh bakit ba?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Mas lalo siyang nanggigil dahil sa pagmamatigas ko. Inalog alog pa niya ako. "Isang tao lang ang naniniwalang mabuti pa din ako sa kabila ng mga nagaw ako" galit na sabi niya sa akin.

"Hindi ka si Sachi!" Sigaw niya sa pagmumukha.

Tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa pagsigaw niya sa akin. "Bakit si Sachi lang ba ang pwedeng..." hindi ko na naituloy ang dapat sanang sasabihin ko ng muli niya akong sinigawan.

"Hindi ka si Sachi!" Sigaw niyang muli sa akin. Sigaw na para sa kanyang sarili. Para ipamukha sa kanya na mali ang inaakala at iniisip niya.

Naikuyom ko ang aking kamao. "Oo na! Masama kang tao! Napakasama mo...wala kang puso!" Sigaw na balik ko sa pagmumukha niya.

Mabilis kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa aking magkabilang braso at tsaka tumakbo pabalik sa aking kwarto. Kaagad akong dumapa sa aking higaan at duon umiyak. Bumigat ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Mabigat ang dibdib ko dahil sa naging tagpong iyon sa pagitan namin ni Piero.

Paggising ko kinaumagahan ay malinis na ang kitchen counter. Wala na ding kahit anong bakas niya. Ginawa ko ang dapat kong gawin, ang maglinis ng buong condo. Naghanda ako ng pwedeng sabihin sa kanya sa oras na bumalik siya. Pero ang paghihintay na iyon ay umabot ng halos tatlong araw. Hindi umuwi si Piero sa loob ng tatlong araw. Hindi lamang iyon, sa pangalawang araw ay naubos na din ang pwedeng makain sa loob ng kanyang ref. Maging ang mga cabinet ay wala na ding pagkaing laman.

Sinubukan kong buksan ang front door pero nakalock iyon. Nanghihina akong umupo sa may kitchen counter habang pilit na binubusog ang sarili sa kakatubig.

"Mamamatay tao talaga ang Piero na iyon" naiiyak na sabi ko sa aking sarili.

Pagsapit ng ika apat na araw ay hinanghina na talaga ako. Parang umakyat ang hangin sa tiyan ko papunta sa aking ulo. Nakakabaliw din pala talaga ang gutom. Namilipit ako sa sakit ng sikmura ko dahil dito. Maging ang mga ice cream sa freezer niya ay nakain ko na din pantawid gutom lang, bahala na kung magalit siya.

Maya maya ay tumunog ang pintuan at tsaka iyon bumukas. Iniluwa nuon si Piero. "Anong..." hindi niya na naituloy ang sasabihin niya. Kaagad siyang lumapit sa akin.

Sabi ko sa sarili ko sa oras na makita ko siya ay sisigawan ko siya. Pero sa oras na ito ay naiyak na lamang ako. Nang nakita ko siya ay kaagad kong naramdaman na parang ligtas na ako, nandiyan na si Piero kaya ligtas na ako.

Umiyak na lamang ako ng umiyak kaya naman kita ko ang bahagyang pagkataranta niya. "Anong nangyayari sayo?" Galit na tanong niya sa akin dahil sa pagiyak ko.

"Gutom na gutom na ako! Hindu ka umuwi!" Paninisi ko sa kanya.

"Fuck pati ba naman pagkain mo ako pa ang mamomorblema?" Asik niya sa akin.

Tiningala ko siya. "Gusto kong bumili ng pagkain sa labas, pero wala akong pera, nakalock ang pinto!" Paalala ko pa sa kanya.

Tinapunan niya ako ng matalim na tingin bago siya naglakad papalapit sa ref at inisaisa ding binuksa ang cabinet sa kusina. Napaiwas ito ng tingin ng napatunayan niya sa kanyang sarili na wala na talagang makakain duon.

"Bakit mo kinain yung ice cream sa freezer, hindi iyon para sayo" hindi makatinging tanong niya sa akin.

Napanguso ako. "Ibawas mo na lang sa sahod ko" sagot ko sa kanya.

Muli akong napahawak sa aking sikmura ng maramdaman ko nanaman ang sakit. "Wait here damn it" inis na sabi nito.

Sandali siyang umalis. Pagkabalik niya ay may dala dala na siyang dalawag supot ng 7/11. May lamang mga pagkain iyon. Siya na mismo ang naglagay ng mainit na cup noodles at ibinigay sa akin.

"Naging responsibilidad pa kita ngayon...amputa" mahinang sabi niya pa.

"Nagtratrabaho ako sayo, kargo mo talaga ako!" Laban ko dito kaya naman nagulat siya.

Dinuro niya ako. "Aba't nagiging matapang ka pag gutom. Kumain ka na lang diyan at manahimik" pagbabanta niya sa akin.

Pumasok ito sa kanyang kwarto kaya naman kinain ko lahat ng makakaya kong kanin. Bahala na, kakain na lang ako ng kakain. Hawak hawak ko ang tiyan ko dahil sa kabusugan ng lumabas si Piero mula sa kanyang kwarto. May hawak itong ilang folders. "Maligo ka at magbihis, aalis tayo" utos niya sa akin kaya naman napatayo ako.

"Ibabalik mo na ako kay Mr. Alejandro?" Naiiyak na tanong ko sa kanya dahil na din sa hawak nitong mga documento.

"Just fucking do what i say. Baka mapatay pa kita bago kita maibalik sa kanya dahil diyan sa kakulitan mo" seryosong sabi niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

Maling mali talaga ako ng isipin kong mabuting tao pa ang isang ito kahit papaano. Naligo ako at nagbihis, tahimik lamang akong sumunod sa kanya pababa ng parking space. "Put your seat belt" utos niya sa akin pagkasakay namin ng kanyang sasakyan.

Nawala sa aking isipan ang malalim kong inisiip ng kaagad akong maaliw sa aking mga nakikita. Iba pa din talaga ang pilipinas. Mahaba ang binyahe namin hanggang sa nabasa ko ang isang arko na nadaanan namin.

San Rafael Bulacan.

Napatingin na lamang ako kay Piero pero diretso lang ang tingin nito sa kalsada. Hanggang sa pumasok kami sa isang malaking gate. Mula sa gate ay may kalayuan ang mismong bahay. Luma na ang istilo ng bahay na iyon ngunit malaki at maganda.

"Sayo din ito?" Hindi ko na napigilan pang magtanong sa kanya.

"Pake mo" tamad na sagot niya sa akin kaya naman napakamot na lang ako sa aking batok.

Napakabugnutin talaga ng lalaking ito wala naman akong ginagawa sa kanya. Mula sa front door ng bahay ay may lumabas na isang lalaki na kasing edad lang halos ni Piero.

"Nagpakita ka din sa wakas!" Nakangising bati nito kay Piero. Pero kaagad na dumapo ang tingin niya sa akin.

Maging ito ay nabato ng makita niya ako, parang si Piero nung una kaming magkita. Dahil sa kanyang pagkabato ay kaagad na lumapit si Piero sa kanya at tsaka ito pabirong sinuntok sa dibdib.

"I know what you're thinking. She's not my Sachi"  rinig kong sabi ni Piero dito.

Nahihiya akong ngumiti sa lalaki. "Magandang umaga po" bati ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tsaka nagalok ng pakikipagkamay.

"Hi I'm Lance and you are?"

"Amaryllis po" nakangiting sagot ko sa kanya pero kita ko pa din sa kanyang mukha ang pagkamangha.

"Hindi ka ba si Sachi?" Tanong niya pa sa akin. Kaya naman kaagad akong umiling.

"Hindi po" sagot ko sa kanya kaya naman napatango na lamang siya at iginaya ako papasok sa kanilang tahanan.

Ipinakilala din nito sa akin ang kanyang asawa na si Sarah at ang anak nilang si Larrie. Mababait ang mga ito kahit ilang beses kong nakikita ang mga tinginan nilang dalawa na para bang hindi din sila makapaniwala sa nakikita.

"Bagay sayo yung bangs mo" puri ni Sarah sa akin kaya naman nahihiya akong napangiti at bahagyang sinuklay iyon.

"Salamat" sabi ko pa.

Isinama niya ako sa may kusina habang nagluluto siya ng aming magiging pananghalian. Nasa labas sina Piero at Lance na para bang may importanteng pinaguusapan.

"Matagal niyo na bang kilala si Piero?" Panguusisa ko.

Napatango tango siya. "Mabait iyan, medyo mukhang suplado nga lang pero mabait" paninigurado pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Pakiramdam ko din naman mabait siya, pero ayaw niya na isipin kong mabait siya. Gusto niyang maging masama sa paningin ko, para siyang walang puso" nakangusong kwento ko pa kay Sarah.

Malungkot itong napangisi. "He lost his heart" sabi niya sa akin kaya naman napatigil ako.

"Isang babae lang kasi ang minahal ni Piero, hindi niya kinaya nung nawala ito" kwento pa ni Sarah sa akin.

"Si Sachi?" Tanong ko na ikinatango niya.

"Ang swerte ni Sachi, mahal na mahal siya ni Piero" sabi ko pa dahil kitang kita naman talaga kung gaano kalalim ang nararamdaman nito para sa kanya.

Hindi na sumagot pa si Sarah kaagad itong lumapit sa Ref at may inilabas na pagkain. "Ako ang gumawa niyan" sabi pa niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang special na tikoy na paborito ko.

"Wow Peanut butter!" Nakangiting tawag ko dito.

Nawala ang ngiti sa labi ni Sarah. "Peanut butter tawag mo diyan?" Gulat na tanong niya.

Napatawa ako"Ha eh, Oo weird ba?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

Hindi na nakapagsalita pa si Sarah. Sinundan ko ang tingin nito sa aking likuran at duon ay nakita ko si Piero. Napanguso ako ng makitang nakabusangot nanaman ito.

"Iwan ko muna kayo" paalam ni Sarah sa amin kaya naman nagulat ako.

Hinawakan ko ang tikoy para sana tikman ng kaagad akong hinila ni Piero patayo. "Bakit nanaman? Ano nanaman bang ginawa ko sayo?" Tanong ko sa kanya dahil sa pagkabigla.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin, sa sobrang lapit ay ramdam na ramdam ko na ang init ng hininga niya sa aking pisngi.

"Putang ina binabaliw mo ako. Binabaliw mo ako!" Sigaw niya sa pagmumukha ko.



















(Maria_CarCat)

המשך קריאה

You'll Also Like

2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
169K 4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
7.1M 228K 65
His Punishments can kill you