The One That Got Away (Comple...

By missheaven_

2.8K 125 26

Rei live in Lila City and he met a guy named Ethan. Ethan visit Lila City with purpose and Rei wants to help... More

BEGINNING
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
THE FINALE
HELLO READERS!!

CHAPTER 14

41 3 0
By missheaven_


Linggo na kaya naman naghanda na kami ni mama para sa pag punta namin sa bayan mamaya upang mamalangke. Naka usap ko na din si Ethan sa text na magkikita na lang kami sa sakayan ng bus at alam na naman din niya ang pagpunta doon.

"Anak? Dalhin mo 'yung isang basket ha! Baka marami tayong bibilhin at hindi magkakasya sa isang basket." wika ni mama.

"Opo ma, si Ethan po pala maghihintay na lang sa sakayan ng bus at sabay na tayo bumyahe." sambit ko.

"Saang bayan ba nakatira si Ethan?" tanong ni mama.

"Nakalimot ko pong itanong e. Basta 'yung namalengke ako sa bayan ng Rosa ay doon ko po siya nakita." sagot ko.

"Taga Rosa pala siya kung gayon, sa bayan ng Rosa din nagtatrabaho ang Ate mo baka nga makita natin siya doon."

"Oo nga pala sa Rosa pala nag tatrabaho si Ate. I text mo kaya ma at sabihin mong pupunta tayo doon, baka sakaling puwedi siyang pumunta sa atin doon kahit saglit." sabi ko.

"Sige sige, e tetext ko Ate mo."

Pag patak ng alas diyes ng umaga ay umalis na kami ni mama at agad na nagtungo sa sakayan ng bus.

Rei :

Ethan, pa punta na kami. Hintayin mo na lang kami saglit.

Message sent.

Nang makarating na kami sa sakayan ng bus ay agad kong hinanap si Ethan. Hindi naman ako nahirapan kasi agad niya kaming nakita ni mama.

"Rei, Tita." tawag niya sa amin, "Mano po," usal niya at nagmano kay mama.

Hm, first time kong makita 'to ah. Parang boyfriend ko lang.

"Oh Ethan, magandang araw iho. Tara na, sumakay na tayo." sabi ni mama kaya sumunod na kami ni Ethan.

"Masaya ako at nakita kita ulit, mamimiss kita Rei." bulong niya sa'kin habang naglalakad kami.

"Ako din mamimiss kita, mag iingat ka doon ah. Text mo ako at tawagan minsan,"

"Ikaw din, mag iingat kayo dito. Araw araw kitang kakausapin sa text kasi mamimiss kong ka usap ka Rei." wika niya na nag pa ngiti sa akin.

Iniisip ko kung ano nga ba tayo Ethan?

Friends?

I'm confused to my feelings, I just know that I'm happy to be with you.

Do you think that I consider it that I love you?

"Ethan.. May nagugustohan ka na ba?" tanong ko nang maka sakay na kami sa bus.

Tama ba na tinanong ko? Baka isipin niya na interesado ako sa lovelife niya.

"Bakit mo naman natanong?" natatawang tanong niya sa'kin.

"Huwag ka nga tumawa d'yan. Iniisip ko kasi kung nagmahal ka na ba." sabi ko at sumulyap sa labas ng bintana.

"Oo naman dati, I have 1 ex-girlfriend."

"Talaga? Bakit naman kayo naghiwalay?"

"I don't know, long story Rei. We're still friends pa din naman kasi childhood friend ko siya then naging lovers. Puppy love lang 'yon." sagot niya at napatango ako.

"Ano ba ang feeling kapag nagmahal? Ako kasi hindi pa nakaramdam. I mean nagmahal naman ako, nagmahal ako sa magulang ko, kaibigan ko, kapatid ko, relatives ko. Mahal na mahal ko sila, ikaw din mahal na kita kasi kaibigan kita. 'Yung ganoong pagmamahal ang nararamdam ko."

"Hindi ka pa nakaramdam ng kilig? Saya at tuwa sa isang lalaki?" tanong niya at napatingin ng diretso sa mga mata ko.

Oo, nakaramdam na sayo. Pero hindi, hindi ko pweding sabihin.

"Ewan, ewan ko. Pakiramdaman ko kasi parang natural lang iyan sa kahit sino puwedi kang kiligin, matuwa at sumaya."

"Tulad ng nararamdam mo sa'kin? Naramdaman mo na ba iyan sa'kin?" bigla ang tanong niya kaya napatulala ako habang nakatitig sa kaniya.

Paano niya nalaman? Kasi sobrang obvious ko ba? Siya din naman ah!

"Oo naman kasi kaibigan kita, you're important to me na." usal ko.

"Mee to, thankyou ulit sa binigay mong kwintas. I will keep this kasi galing sayo." sabi niya habang nakatingin sa suot niyang kwintas na binigay ko.

"Dapat lang na ingatan mo 'yan." sambit ko.

"Sa pagbabalik ko may ibibigay ako sayo. Para may iingatan ka din galing sa'kin."

"Huwag na, hindi naman kailangan e."

"Kailangan kasi mahalaga ka sa'kin."

Hindi na ako nagsalita at tinatanaw ko na lang ang mga puno na dinadaanan namin.

We're just friends.

"Magsalita ka naman, malapit na tayo tapos di mo pa ako kakausapin." wika ni Ethan kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya.

"Ano pag uusapan natin?"

"Uhm, about our lives. Okay, tatanongin na lang kita. May nanligaw na ba sayo?"

Nang marinig ko ang tanong niya ay bigla akong natawa.

Stop laughing Rei Shawn.

"Meron pero hindi ko sila ini entertain," sagot ko. "Bakit mo natanong?"

"I just want to know if my friend have a admirer." he uttered.

"Okay.. Wala kang girlfriend diba Ethan? Pero may nililigawan ka na?"

"Wala, hindi pa kita nililigawan e." usal niya at biglang tumawa.

Ang sarap pakinggan ng tawa niya.

Pero mukhang nang aasar! tss

"Huwag mo nga akong asarin ng gan'yan. Hindi nakakatuwa," inis na sambit ko.

"Kasi nakakakilig na?"

Wtf he's saying?

"Manahimik ka nga!" saway ko.

"Chill, i'm just saying kung anong nakikita at nararamdaman ko." he mumbled.

"Then stop that shit."

"Rei, i'm sorry kung may nasabi akong hindi mo nagustohan. Hindi na mauulit,"

"Don't say sorry, okay lang maman."

"I'll miss you Rei,"

"Magkikita pa din naman tayo ulit kasi babalik ka naman diba?"

"Kahit na, mamimiss pa din kita. Bakit? Hindi mo ba ako mamimiss?" nakasimangot niyang tanong.

"Mamimiss," usal ko.

"Mukhang ayaw mo akong kausapin." wika niya kaya napayuko ako.

Rei Shawn, what happened to you?

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Pa idlip saglit," usal ko pero hindi siya sumagot.

I'm sorry Ethan, I don't know why i'm acting like this.

"Shawn! Shawn! Ingatan mo ang iyong puso sapagkat nalalapit na."

Bigla akong nagising nang marinig ko ang isang boses katulad ng narinig ko noong isang araw.

Inangat ko ang tingin ko kay Ethan pero nakatulala lang siya sa labas ng bintana.

Ano ang ibig sabihin no'n?

Anong nalalapit na? Ang alin?

"Ethan? Malapit na ba tayo?" tanong ko at tumingin sa labas ng bintana.

Malapit na nga.

"Oo, ilang minuto na lang makakarating na tayo." sagot niya.

"Nagtatampo ka ba sa'kin?"

"No Rei. Mukhang ikaw ang nagtatampo sa'kin,"

"I'm not, inaantok lang siguro ako kanina. Okay na ako kasi naka idlip na ako. I'm sorry Ethan,"

Hindi na siya nagsalita pa sa'kin at ginulo ang buhok ko.

Nakarating na kami sa bayan ng Rosa kaya agad na kaming bumaba sa bus. Sina mama na pala at Ethan ang namasahe nang maka idlip ako kanina.

"Iho, mag iingat ka. Tutuloy na kami sa palengke," wika ni mama kay Ethan.

"Opo Tita, kayo din po mag iingat po kayo."

"Tara na Rei, para maka uwi tayo agad." aya ni mama sa'kin.

"Una na kami Ethan, ingat ka." sambit ko at niyakap siya ng mahigpit. "Mamimiss kita," bulong ko.

Humiwalay na ako sa yakap at sumunod na kay mama.

"Bye Rei, hintayin mo ako. Babalik ako at sa pagbalik ko, may sasabihin ako sayo." wika niya at agad akong napangiti.

"Hihintayin ko ang pagbabalik mo sa amin." sabi ko at kumaway na sa kaniya.

Nagsimula na kaming maglakad ni mama palayo kay Ethan. I look back at him and waved my hand for the second time.

He waved back at me and I felt sad.

"Mukhang napapalapit na ang loob ninyo sa isa't isa Shawn, may nararamdaman ka na ba kay Ethan?" tanong ni mama.

"Magkaibigan lang po kami ma. Masyado pa pong malabo 'yung nararamdaman ko." sagot ko.

"Malabo kasi hindi ka sigurado kung pareho ba kayo ng nararamdam."

"Mama, kakilala pa lang po namin sa isa't isa. Huwag kang mag isip ng ganiyan,"

"Ang pag ibig ay hindi nababase sa tagal na pagkakilala mo sa isang taong mamahalin mo sapagkat ang pag ibig ay kusa iyang nararamdaman at hindi mo mapipigilan." wika ni mama.

Napatahimik ako at hindi alam ang isasagot.

Hindi ko naman kasi alam at hindi pa ako sigurado.

"Lagi mong tatandaan Shawn na huwag mong uulitin ang isang pagkakamali. Piliin mo at sundin ang isinisigaw ng iyong puso, ipaglaban mo ang dapat mong ipaglaban." patuloy ni mama at hindi ko akalain na masasabi niya ito lahat sa akin.

"Bakit mo po 'yan sinasabi ma?"

"Pinapaalahanan lang kita at marerealize mo din ang mga sinabi ko pagdating ng panahon."

"Tungkol po ba iyan sa nangyayari sa'kin ma?" tanong ko.

"Hindi lang tungkol sa nangyayari sayo kaya ko sinasabi 'to. Kahit saan ay kailangan mo iyong tandaan para sa sarili mo."

"Okay ma, salamat po sa paalala."

"Nandito ako para paalalahanan ka. Tungkulin iyon ng isang magulang na nagmamahal sa anak," wika ni mama kaya napayakap ako sa balikat niya.

"Mahal na mahal ko po kayo mama. Hinding hindi masusuklian ng kahit ano ang pagmamahal niyo sa amin ni Ate. Kayo ni Papa ang nagbibigay ng saya sa akin, lagi akong magpapasalamat sapagkat kayo ang aking naging mga magulang."

"Wala kaming ibang hangad ng Papa mo kundi ang mabigyan kayo ng magandang buhay. Kayo ng Ate mo ang aming kayamanan kahit simple lang ang ating pamumuhay. Piliin niyo lagi ang maging mapagkumbaba at magpatawad. Magmahal at maging mapagbigay. Manalig sa Panginoon at magtiwala. Mangarap at paghirapan ito para maabot. Maging mabuti sa kabila ng hindi pantay na pagtrato sa atin ng mundo. Hindi perpekto ang lahat pero kapag marunong kang makontento ay magagawa mo itong perpekto. Piliin niyong maging masaya sa bagay na meroon kayo kasi blessings lahat 'yan na ipinagkaloob ng Diyos."

Napaiyak ako nang marinig ang lahat ng sinabi ni mama dahil ramdam ko ang kabutihan sa puso niya.

It's true that the love of a mother is genuine and everlasting.

"Palagi mo din tandaan Shawn na ang sarap mabuhay sa kabila ng hirap at ang sarap magmahal sa kabila ng sakit." patuloy niya at hinawakan ang kamay ko.

"Lahat ng bagay Shawn ay may rason kung bakit ito nangyayari sa atin at kailangan mo lang na maging matatag."

I will ma, I will.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 305K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
194M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
29.1M 921K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
Baveen By جيمي

Historical Fiction

22.9K 3.2K 18
__ ايتها الفتاة المنسيه التي لا يعلم عنها احد ، هذه البلاد تسير بالقانون لا بالاستثنائات __ مكانكَ هذا محرم عليه دخول الاناث وانا هنا ، الا يعد هذا...