Jonah Complex [HSS #3, Comple...

By InsaneSoldier

241K 17.6K 3.8K

Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpa... More

Jonah Complex
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Final Chapter

Chapter 6

6.2K 550 100
By InsaneSoldier

"Pumunta ka talaga," Malumanay na sabi sa akin ni West nang makita niya ako rito sa vacant room kung saan una niya akong pinapunta no'ng malaman ko ang writer side niya. Hinawakan niya ang strap ng bag at tumingala, sunod ay ikiniling niya ang ulo pakanan. Tinaas niya ang dalawang kilay. "Good morning."

"G-good morning din." Inayos ko ang buhok at nginitian siya. Bakit gano'n, ang effortless ng ganda niya? Nakakainggit, hay. "B-bakit mo pala ako pinapunta?"

Dahil ang aga kong bumangon kahit puyat kakabasa sa Wattpad, takang-taka ang mga magulang ko sa akin. Ano raw ang nakain ko, nakulam daw ba ako, o baka may boyfriend na ako. Grabe sila sa akin, porke nagkahimala lang. Wala, e, si West nang nag-request na magkita kami.

"No reason, really." Napatitig ako sa mata niya. Ang ganda talaga ng pagka-brown no'n. Same eye color lang naman sila ng kambal niya pero ewan ko ba at ibang dating ng sa kanya. Mas mysterious tingnan. "Hindi ko rin sure kung bakit kita pinapunta."

"Hala?" Kumunot ang noo ko. Nagkibit siya ng balikat at mahinang natawa. Feeling ko kahit siya nawiwirduhan sa sarili. "Okay ka lang, West?"

"Ayos lang naman ako palagi."

"Uh, okay."

Nakatayo lang kaming dalawa. Sumandal siya sa gilid ng whiteboard at nilaru-laro ang strap ng bag. Hindi ko naman din alam ang sasabihin. Usually may tinatago akong kadaldalan sa katawan lalo na kapag kasama si Valeen. Speaking of my best friend, paano kung malaman niyang nagkikita pala kami ng crush niya? I mean sa akin siyempre masaya ako kasi idol ko si West as a writer, pero, ewan.

Ang awkward ng ganito. Kailangan ko mag-isip ng sasabihin. Feeling ko kasi malalim na tao siya, e, hindi naman ako ganoon. Hindi ko sure kung paano ko talaga siya kakausapin.

"West—"

"Naiilang ka ba sa akin?" Natigilan ako sa tanong niya. Nakatitig lang siya, naghihintay ng isasagot ko. Napatikhim ako at napayuko. "Do I look intimidating?"

"K-konti lang." Sagot ko sa kanya at sinundan iyon ng awkward na tawa. Tinaas niya ang parehas na kilay ng sabay, halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. "I mean, compare kay East, mas seryoso ka kasi. Hindi ako naiilang sa'yo, pero may aura ka na parang piling tao lang ang kakausapin mo."

"Then isa ka sa mga piling tao na iyon?"

"H-huh?" Nanlaki ang mata ko sa narinig. Bigla siyang napangiti. Hindi nagtagal ay tumawa ito. "Teka, h-huh?"

Lumapit siya at mahina akong kinurot sa pisngi. Parang naramdaman ko namang uminit ang mukha at tainga ko. Kung may napansin man siya, wala itong sinabi or reaction tungkol doon. Basta ang alam ko, ang lambot ng kamay niya sa balat ko. "Do you know the good thing about you?"

Umiling ako. Wala akong maisip na magandang bagay sa akin pero marami akong kayang sabihin tungkol sa kanya.

"Your beauty is effortless, I can see it."

Kumunot ang noo ko. "Malabo bang mata mo, West? Sa ating dalawa, ikaw itong maganda at hindi ako. Beauty is effortless ka riyan, sira ka."

Ngumisi siya at bumalik sa pagkakasandal sa whiteboard. "Maganda ka, hindi mo lang siguro nakikita sa sarili mo."

"Chubby ako."

"Matambok lang ang pisngi mo. Malaman, yes, pero you're still young to think about grooming yourself to perfection. Well, I personally think that simplicity is beauty. You're simple, you don't do what usual girls will do, so that makes you pretty."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bukod kasi kina Mama at Mimi, siya lang ang nagsabi na maganda ako, kahit binabanggit ko na ganito ako o ganyan. Lagi kong naiisip na kung kamukha ko lang ang nanay ko, pwede pang masabi na maganda talaga ako. Pero hindi, eh. Instead yung tatay ko pa, na ni hindi ko naman kilala. Sa lahat naman ng magiging kamukha, yung tao pang pinaka-ayoko sa lahat.

"Maganda ka rin naman, mas maganda ka nga, eh."

"Parehas lang kami ni East." She chuckled.

"Uy, kahit magkamukha kayo, magkaiba kayo ng charm!"

"Meaning to say?"

"U-uh," Para akong pagpapawisan ng malamig. Halatang gusto niyang i-elaborate yung sinabi ko. "Si East, bale ano, yung ganda niya yung tipong makikita ng lahat, tipong mas napapansin kasi ang friendly niya kaya k myahit sino magkaka-crush sa kanya. Ikaw, yung ganda mo parang ano, mysterious ang datingan, nakakahila. Basta!"

Tumango siya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, ni hindi siya napangiti o natawa sa sagot kong napaka-clumsy ng explanation. Ang bilis ng heartbeat ko, pakiramdam ko na-drain ako dahil lang doon. Hay!

"Hmm, sa tingin ko alam ko na kung bakit kita pinapunta rito." Inilagay niya ang bag sa harapan. Mula sa bulsa no'n ay kumuha siya ng biscuit. Combi, like yung last time. Inabot niya sa akin iyon, nawiwirduhan man ay inabot ko na lang iyon kaysa naman naka-extend lang ang kamay niya. Nahiya naman ako, 'no. "There, there."

"Bigay ulit ni East sa'yo?"

"Para sa'yo talaga 'yan." Sinara niya ang zipper ng bag at muling isinabit iyon sa likuran niya.She raised both of her eyebrows, pero walang kangiti-ngiti sa mukha.

"Bakit?"

Ako lang ba o ang weird talaga niya? May moment din naman si East na ang weird niya, like minsan kakanta na lang 'yon sa harap, hihilahin si Lucy na pulang-pula naman sa hiya, at itong mga kaklase ko naman ay sasakyan sa trip iyong isa. Weird ang kambal niya in a good way, nakaka-lift ng mood.

Itong si West, hindi ko ma-gets ang ikinikilos niya. Writer's eccentricity? May ganoon bang term? Parang sa mga scientist lang, gano'n. Ewan!

"Hmm, a thank you?"

"Para saan?"

"For keeping my secret."

"Ah, 'yon ba." Napakamot ako sa ulo ko kahit walang makati. Tumawa ako kahit wala namang funny sa sinabi niya. "Ayos lang, hindi mo naman ako kailangan bigyan ng ano, nirerespeto ko lang privacy mo. Pero pwede magtanong?"

"Hmm, nagtanong ka na, Ella." She chuckled. Ayan na naman yung sarcasm niya, although hindi naman nakakainis pakingan. Feeling ko ganoon lang talaga ang humor niya. "But, go shoot."

"Ayaw mo bang makilala ka as a writer?" Buong lakas ng loob na tanong ko. Napahigpit pa ang hawak ko sa bigay niyang Combi, buti hindi nadurog yung loob. Grabe, akala ko mahihirapan akong ilabas iyon sa bibig ko. Kakaloka! "Kasi sa totoo lang, ang galing mo magsulat. Alam mo yung parang katulad ng sa mga novel na nabibili sa book store? Ganoong level! Pwede na ngang i-publish yung sa'yo, eh."

Nag-cross arms siya. "May kilala akong tao na mahusay puminta."

"Uhm, okay?" Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo. Hindi ko makuha kung bakit ang layo ng sagot niya sa sinabi ko. "Anong meron?"

"That person is very talented. Bawat artwork niya, para bang professional ang gumawa, pero hindi siya kilalang artist, wala rin sa plano niya ang maging kilala. Many have tried to pursue that person but to no avail. Para sa kanya, anyone can get the recognition, anyone can do whatever they want to do, pero siya, may sarili siyang pace. Para sa kanya, painting doesn't mean na kailangang makilala siya. Magpipinta siya kung kailan niya gusto."

"So, uh, gusto mo lang talaga magsulat?" Tanong ko sa kanya since ganoon ang gusto niyang iparating. Tumango siya at tipid na ngumiti. "Hindi mo gustong mas maraming makabasa pa ng stories mo? O kaya makapag-publish ng physical copy ng mga nagawa mo na?"

"Let's see," Huminga siya ng malalim. Mula sa bulsa niya ay naglabas siya ng panyo. Inabot niya iyon sa akin. "Pinagpapawisan ka sa init. Use mine, hindi ko pa nagagamit iyan."

"Sure ka?" Kinuha ko ang panyo kahit nahihiya ako na ewan. "Babaho 'to sa pawis."

Pabiro siyang umirap. "That's fine, may extra pa ako."

Ayoko isipin na sinadya niyang magdala ng extra para sa akin kaya tumango na lang ako at ginamit iyong panyo. As usual, ang bango no'n, parang hindi fabric conditioner na Downy or kung ano man ang gamit. Basta ang imported ng amoy. O baka mabango lang talaga silang lahat. "T-thank you. Lalabhan ko na lang."

"Sige lang."

"May tanong ako sa'yo."

"Shoot."

"Si Jamaica, napapansin ko hindi na siya halos napasok. Alam mo kung bakit?"

Napansin ko na parang nagbago ang mood niya. Akala ko pa nga magagalit siya kasi feeling ko may na-touch akong sensitive subject na hindi ko dapat inilabas. Nakahinga ako ng maluwag nang tinaas niya ang dalawang kilay at ngumiti ng tipid. "Tinatamad lang siguro pumasok."

"Pero ang tagal na niyang—"

"She'll come around if she wants to." Pagputol niya sa akin. Lumapit siya at ginulo ang buhok ko katulad no'ng unang beses na nagkita kami rito. Para naman akong bata sa ginagawa niya. She clicked her tongue. "Masyado kang concern sa kanya."

"Sayang lang yung lessons." Giit ko, hindi ko na napigilang ngumuso. "Tsaka close kayo, 'di ba? Dahil lagi siyang wala, paano ka?"

"I have my sister."

"Hindi mo naman siya laging kadikit, eh."

Tumawa siya ng mahina. Tulad ng dati, ang astig pa rin na sobrang feminine ng dating no'n. Sa akin parang hinihika lang ako tumawa, eh. "Ayos lang naman sa akin. That means I have more time to write, right?"

"Sabagay." Nasabi ko na lang. May feeling ako na any moment ay puputulin niya rin naman din ang usapan. "Pero may tanong pa ako."

"Palatanong ka masyado."

"Eh, sige na!"

"Okay, shoot."

Tumikhim ako. In-extend ko ang kamay sa kanya na nagtataka naman niyang tiningnan. "Pwede tayo maging friends?"

"Oh." Napatango siya. Umangat ang kabilang gilid ng labi niya. "Ella, hindi kita kakausapin ng ganito katagal if I don't treat you as one."

"Huh? Ibig sabihin—"

"I don't ask someone to be friends with me, I will act on it until they see me as one."

_____

Continue Reading

You'll Also Like

622K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.
539K 18.5K 56
Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa kwentong ito na hindi...
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
114K 8.6K 76
And so? An epistolary.