The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 10

117K 3.9K 1.2K
By Maria_CarCat

Breathe love, breathe with me






Ilang minuto simula ng umalis ang mag-amang iyon ay tsaka ko lamang natanggal ang nagawa nilang pagkakatali sa aking kamay mula sa likuran. Sa sobrang inis ay mabilis kong sinipa ang maliit na lamesita.

"Putang..." pagmumura ko sa sobrang inis.

Mabilis akong tumakbo pababa ng tenement ngunit wala na akong naabutan. Tangay ng mga iyon ang aking sasakyan, halos nanduon lahat ng importanteng gamit ko. Cold cash, atm card at mga importanteng documento.

Bagsak ang balikat kong bumalik sa Agrupación. Mahigpit na nakakuyom ang aking kamao dahil sa nararamdamang galit at inis.

"Tell me you have a good news" salubong sa akin ni Boss Bob pagkapasok ko sa kanyang opisina.

Unti unting nawala ang ngisi sa kanyang labi ng nagiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi nagtagal ay ipinagbabato niya halos lahat ng laman ng kanyang lamesa. Nagwala ito sa aking harapan, hindi naman ako natinag, nanatili akong nakayuko. Ilang folder ang tumama sa aking mga paa ngunit hinayaan ko na lamang.

"Mga wala kayong lahat kwenta!" Sigaw niya.

Maya maya ay may dalawang lalaki ang pumasok sa opisina ni Boss Bob at tumayo iyon sa aking likuran. Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang paglapit nila sa akin. Parehong malaki ang katawan nito.

Habol habol nito ang kanyang paghinga dahil na din sa ginawang pagwawala. Maya maya ay tinuro niya ako mula sa kanyang kinatatayuan.

"Turuan ng leksyon iyan!" Sigaw na utos niya sa mga ito.

Kaagad akong nagpumiglas ng hawakan nila ako sa magkabilang braso. "Teka anong gagawin niyo sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa kanila habang patuloy ang aking pagpupumiglas.

Hindi nila ako sinagot, bagkus ay sapilitan nila akong dinala sa isang bakanteng kwarto kung saan duon ay malaya nila akong ginulpi. Nakatali ang kamay ko paitas kaya naman wala na talaga akong laban.

"Hindi pa matigas ang buto nito pare" natatawang sabi ng isa sa kanila habang paulit ulit niya akong sinikmuraan.

Nang mahusto na sila ay kaagad nila akong pinakawalan. Awtomatikong bumagsak ang katawan ko sa sahig. "Tara na pare, magtatanda na yan" nakangising sabi pa ng isa bago sila sabay na lumabas duon.

Nang makaipon ng sapat na lakas ay tinulungan ko ang aking sarili na makaalis duon, iika ika akong naglakad palabas habang hawak ang aking sikmura, halos hindi ko maitayo na maayos ang aking sarili dahil sa sakit ng aking katawan.

Napairap ako ng matanaw mo si Zandro sa dulo ng hallway, nakangisi itong nakatingin sa akin. "Ginalit mo nanaman si Boss Bob" puna niya sa akin.

Muli ko siyang inirapan. "Ninakawan pa ako ng magamang iyion, hayop" inis na sabi ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang napangisi.

Hinawakan nito ang balikat ko kaya naman mabilis kong tinabig ang kamay niya. "Puta pare, masyado ka pang malambot. Kailangan mong tumigas, hindi uubra ang awa sa trabaho natin. Papatay kung kailangang pumatay" pagpapaalala pa niya sa akin.

Hindi ako tumigil sa paghahanap sa Doctor na iyon at sa anak niya. Hindi na lamang sa Agrupación sila may atraso kundi maging sa akin. Hindi ako titigil hangga't hindi ko sila nakikita.

Sa aking mga libreng oras ay hindi natigil ang patago kong pagpunta sa labas ng eskwelahan nila Sachi, mula sa malayo ay masaya na akong tinatanaw siya. Napapangiti sa tuwing nakikita kong masaya siyang nakikipagtawanan sa kanyang mga kaibigan. She is really my peace of mind. Gumagaan ang loob ko sa tuwing nakikita ko siya.

Hindi naging madali ang mga sumunod pang linggo para sa akin. Unti unting naubos ang perang naipon ko, malaking kawalan para sa akin ang natanggay na pera ng Doctor na iyon. Kinailangan kong ibenta ang sasakyang gamit ko at palitan ng mas luma. Malaki ang gastos sa pagsuporta ko kay Lance at sa pamilya niya, pero hindi ko kailanman pagsisisihang tulungan sila. Sa pagtulong ko kay Lance para muling mabuhay ay nagkakaroon ako ng pagasa para sa aking sarili. Napapatunayan kong kahit papaano ay hindi naman talaga ako masamang tao.

After 5 years

Naranasan ko ang lahat ng hirap sa mga taong lumipas. Umikot ang mundo ko sa mga mission, sa paggaling ni Lance at kay Sachi.

"Saan mo nanaman ba gagamit ang pera?" Tanong ni Zandro sa akin.

"Ibabalik ko naman, tatanggap ako ng mission araw araw kung kinakailangan" pagpupumilit ko pa sa kanya.

Padabog itong napakamot sa kanyang batok. "Ito, reregaluhan mo nanaman yung batang yun. Hanggang kailan mo ba gagawin mundo ang batang iyon Piero. Ni hindi mo naman nilalapitan" inis na sita pa sa akin ni Zandro habang dumudukot ng pera sa kanyang bulsa.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Kaya nga magpapakita na ako ngayon eh, tsaka uuwi din yung kapatid kong sundalo." Kwento ko pa sa kanya kaya naman napangisi siya.

"Makikipagkumpitensya ka nanaman sa kapatid mong sundalo, wala kang panama duon pare...balita ko magiging parte ng special force ang kapatid mo" sita pa niya sa akin.

Napairap na lamang ako. "Makakapasok din naman ako sa NBI" laban ko pa sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay at nginisian. "Tumanggap ka na lang ng mission" mapanuyang sabi pa niya sa akin sabay bigay ng pera. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ng hayop na to hindi ko siya lalapitan amputa, napakayabang kung makapagsalita.

Bago umuwi sa amin ay dumaan na muna ako sa bulacan para kamustahin si Lance at ang kanyang pamilya.

"Tito gwapo!" Salubong na sigaw ni Larrie sa akin.

Sa ilang taong nagdaan ay itinuring na din nila akong parte ng kanilang pamilya at ganuon din naman ako sa kanila. Kaagad kong iniabot sa kanya ang plastick ng chocolate na pasalubong ko sa kanya.

"Ang Mommy at Daddy mo?" Tanong ko dito at kaagad kaming pumasok sa bahay.

Naabutan ko si Sarah at Lance sa may dinning. Gumaling si Lance dahil sa patuloy na paggagamot sa kanya. Nalawheelchair pa ito sa ngayon dahil sa kanyang theraphy. May ilan kasing body functions ang natamaan dahil sa pagkakabaril sa kanyang ulo.

"Tamang tama ang dating mo Piero, kakain na" yaya sa akin ni Sarah.

Umiling ako. "Hindi na, pumunta lang ako para ibaba itong mga grocery. Uuwi ako sa amin" sagot ko pa sa kanya.

Kaagad na ngumisi si Lance sa akin. "Excited ka nanamang makita ang kapatid mo" pangaasar pa niya.

Pabiro ko siyang sinuntok sa braso. "Gago" sambit ko.

Mabilis na pumasok si Sarah sa may kusina, pagkabalik nito ay may dala na siyang box. "Gumawa ako ng special tikoy, baka magustuhan ni Sachi" nakangiting sabi niya sa akin.

"Salamat, magugustuhan niya ito. Peanut butter ang tawag nun dito, medyo may sapak kasi" natatawang kwento ko pa sa kanila.

Hindi din ako nagtagal sa bulacan dahil mabilis akong bumyahe paluwas ng maynila. Kakatapos lang ng school year nila Sachi kagaya ng paulit ulit niyang sinabi sa akin nuon ay nursing ang course na kinuha niya. Binilhan ko siya ng regalo dahil nabalitaan kong deans lister siya.

"Magandang tanghali po Sir Piero" bati sa akin ng aming guard pagkadating ko.

Halos na duon na silang lahat dahil nakita ko na ang gamit na sasakyan nina Kenzo at Cairo. "Nasa loob na ba si Tadeo?" Tanong ko dito bago tuluyang ipasok ang aking sasakyan.

Tumango ito. "Kararating lang po" sagot niya sa akin kaya naman tamad na lamang akong napatango.

Rinig ko na ang ingay mula sa loob ng bahay. Nasa may front door pa lamang ako ay ramdam ko nang hindi ako kawalan para sa aking pamilya. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at nagtuloy sa pagpasok. Muling sumalubong sa akin ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing papasok ako sa aming bahay i feel so much security ang peace.

"I'm here" anunsyo ko sa kanila.

Natigil sandali ang kanilang kasiyahan ng makita ako. Kaagad na napatayo si Mommy para salubungin ako. Napaiwas na lamang ng tingin si Daddy sa akin. He knows wala pang isang taon ng magkumwari akong nagpunta ng spain. Gusto sana niya akong isurprise nuon, pero siya ang nasurprise ng wala siyang Piero na naabutan duon.

Pinili ni Dad na wag ng sabihin pa kina mommy ang totoo. Hinayaan niya akong gawin ang gusto ko. Kahit pa halos mapatay niya ako sa sobrang galit nung malaman niya ang totoo na nandito lamang ako sa pilipinas. One thing is for sure, I disappoint him. I'll always gonna disppoint this family.

Matapos humalik at yumakap sa akin ni Mommy ay nakita ko ang emosyonal na si Sachi na naghihintay sa likod nito. Waiting for her turn.

"Kuya Piero..." tawag niya sa akim at tsaka ako sinalubong ng yakap.

Mahigpit ko siyang niyakap. Yakap na halos namnamin ko ang bawat segundo na hawak ko siya, na malapit siya sa akin. This is the love of my life...itong babaeng ito ang mundo ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pag nawala ito.

Gustuhin ko mang yakapin pa si Sachi ng mas matagal ay pinigilan ko na lamang ang aking sarili. Our family is watching. Hinalikan ko siya sa noo bago ko siya dahan dahang pinakawalan. Kaagad na gumaan ang loob ko ng muli kong makita ang matatamis na ngiti nito.

Her smile makes me alive. She makes me alive.

"Congratulations" bati ko sa kanya matapos kong ibigay sa kanya ang box na naglalaman ng dollshoes.

Nanalaki ang kanyang mga mata. "Thank you kuya Piero" masayang sabi pa niya sa akin. Bayolente akong napalunok ng makita kong naging masaya siya sa ibinigay ko sa kanya. I just want to make her happy.

Matapos ang araw na iyon ay hindi na nila ako hinayaan pang makaalis sa aking bahay. Mom want us there lalo na at naka bakasyon din si Tadeo mula sa kanyang trabaho.

"Piero anak, may gagawin ka ba?" Tanong ni Mommy sa akin isang umaga. Kakalabas ko lamang ng aking kwarto at naguunat pa.

"Wala naman po mom" sagot ko sa kanya na napahikab pa.

Kaagad itong napangiti. "Tamang tama, can you drive for Sachi? Mag eenrol kasi siya for 2nd year" sabi nito sa akin.

Hindi na ako tumanggi pa, kaya naman imbes na magalmusal ay kaagad na akong bumalik sa aking kwarto para magayos. Naghihintay na si Sachi sa akin pagkababa ko sa may sala.

"Good morning po Kuya Piero" excited na lapit niya sa akin.

Napangiti ako, What a beautiful morning. "Suot ko po yung doll shoes na bigay mo kuya" pagbibida pa niya.

Ramdam ko ang paginit ng aking mukha. Hindi na ako nagsalita pa dahil baka kung ano pa ang lumabas sa aking bibig. Ginulo ko na lamang ang kanyang buhok. "Let's go" yaya ko sa kanya.

Pagkarating sa school ay kaagad siyang sinalubong ng kanyang nga kaibigan. Naghintay na lamang ako sa quadrangle habang nakapila ang mga ito sa pageenrol. Matapos ang ilang oras na paghihintay ay nakita ko ang pagtakbo ni Sachi papunta sa akin. Iwinawagayway pa nito ang hawak na papel.

"Tapos na po ako kuya" sabi niya sa akin. Nagtaka ako ng hindi na nito kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Uuwi na tayo?" Tanong ko sa kanya kaya naman napanguso ito.

"Kain muna tayo sa labas kuya, tapos pasyal tayo!" Pamimilit niya sa akin.

Napangisi ako at tsaka siya tinanguan. Bayolente akong napalunok ng maalalang hindi na sapat ang hawak kong pera para itreat si Sachi sa isang mamahaling kainan, but i can spend it anyway para sa kanya. Kahit wala ng matira sa akin.

"Where do you wanna go?' Tanong ko sa kanya matapos naming kumain.

Sandali itong nagisip. "Intramuros" nakangising sagot niya sa akin kaya naman napapoker face na lamang ako.

"What's with the intramuros ba?" Tamad na tanong ko sa kanya.

Humaba ang nguso nito. "Ang romantic kaya sa intramuros, nakakagoosebumps. Imagine, ang daming secrets ng lugar na iyon..." pagdadaldal niya nanaman.

Hindi natigil ang bunganga nito kahit na makarating kami duon. "Kung mabubuhay ka ulit, gusto mo ikaw pa din si kuya Piero?" Tanong niya sa akin out of knowhere habang naglalakad kami sa loob nuon.

Nagkibit balikat ako at napatango na lang bilang pagsangayon. Nagulat ako ng kumapit ito sa aking braso. "Ako kuya, gusto mo pa rin ba akong maging kapatid sa susunod na life?" Inosenteng tanong niya sa akin.

Napatitig na lamang ako sa kanyang mga mata. I want to say no, ayoko na siyang maging kapatid kung mayroon mang susunod pang buhay. I want her to be someone else, not my sister, not Sachi herrer, but be mine.

Dahil sa tagal kong hindi nakasagot ay napanguso ito. "Syempre, ayaw mo...hay naku" parang batang pagmamaktol nito.

Kaagad siyang tumakbo palayo sa akin. Panay ang papicture nito duon. Ginawa pa akong photographer amputa.

Unti unting nabayaran ang halos limang taon na hindi namin ito nagawa. Lahat ng pangungulila ay dahan dahang napapalitan sa tuwing nakakasama ko siya. Sa tuwing kami lang ni Sachi ang magkasama, gusto kong kalimutang ako si Piero, gusto kong kalimutan na magkapatid kami.

"Wala ka pa din bang girlfriend kuya Piero?" Tanong niya sa akin habang kumakain kami ng ice cream.

Tumingin ako sa malayo at napailing. "Bakla ka po ba " tanong niya kaya naman halos mabilaukan ako sa aking sariling laway.

"Siraulong bata to..." asik ko sa kanya kaya naman napangisi siya.

Napatawa lamang siya at tsaka natahimik. "Ayoko pong magkagirlfriend ka..." sabi niya out of nowhere kaya naman nagulat ako. Dahan dahan ko siyang nilingon, pero nasa malayo lamang ang mga mata nito.

"Ba...bakit?" Nauutal na tanong ko dahil sa mabilis na pagtatambol ng aking dibdib.

Nakita ko ang bahagyang pagkagat nito sa kanyang ibabang labi. Kita ko din ang ilang beses nitong bayolenteng paglunok ng laway. Ramdam ko ang kama niya, she is hesitating to answer my question.

"Tell me Sachi, why?" Mahinahong tanong ko ulit sa kanya.

Parang may kung anong gustong kumawala sa dibdig ko. Sabihin niya lang na mahal niya din ako ngayon, hindi ako magdadalawang isip na umamin sa kanya ngayon din mismo. Matagal kong itinago ang nararamdaman ko.

Dahan dahan niya akong nilingon. Muling humaba ang nguso niya kasabay ng paglungkot ng kanyang mukha. "Pwede po ba kitang ipagdamot kuya Piero? Hindi ko din po sure kung bakit, pero ayaw po kita sa iba...pwede ba yun?" Parang inosenteng batang tanong niya sa akin.

Parang may kung anong malaking bagay ang bumara sa aking dibdib. Dahan dahang huminahon ang aking dibdib. Naguguluhanna din si Sachi, if i provoke her now baka mabigla lang siya, i don't want to rush things out. Ayokong mahirapan siya kagaya ng nararanasan ko. I want her to figure out kung ano pa talaga ang nararamdaman niya. Maghihintay ako kung kailan sigurado na siya. And if the time is right, handa akong lumaban kasama siya, ipaglalaban ko siya kung sigurado na siyang pareho ang nararamdaman namin.

Maingat ko siyang hinila papalapit sa akin. Kinabig ko ang kanyang batok para buong lambing ko siyang mahalikan sa kanyang noo. "Ofcourse, pwede mo akong ipagdamot. Ayoko din naman sa iba...hihintayin kita, figure this out Sachi. Hihintayin kita, kung sakali mang gustuhin mo yung nararamdaman mo sabihan mo ako. Ipaglalaban kita" paninigurado ko pa sa kanya.

Tahimik kaming pareho habang nasa byahe pauwi. Nakatingin lamang siya sa may bintana at malalim ang iniisip. Hinayaan ko siya. She needs time.

Nang huminto ang sasakyan sa harap ng aming bahay ay mabilis ko siyang pinigilang bumaba. Hinaplos ko ang kanyang pisngi, napapikit ito habang dinadama niya iyon. "Hey, it's going to be alright. We still have time, hindi mo kailangang magmadali, kusa mong mararamdaman iyan" paalala ko pa sa kanya.

Muling nagliwanag ang kanyang mga mata, tipid niya akong nginitian. "Thank you Kuya Piero" sabi pa niya sa akin.

Pagkatapos ng araw na iyon ay napansin ko ang bahagyang pagkailang ni Sachi sa akin, mula sa malayo ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Kahit sa dinning sa tuwing kumakain kami ay halos maglaro ang aming mga mata. Ilang beses kong gustong hulihin ang kanyang mga tingin at sikretong pasulyap sa akin, pero mabilis siyang umiiwas na para bang nahihiya.

"Chichi!" Rinig kong tawag ni Tadeo sa kanya.

Napairao na lamang ako. Chichi amputa, anong klaseng pangalan iyon?. Nasa swimming pool ang mga ito, imbes na pumunta pa duon ay dumiretso na ako palabas ng aming bahay.

"Wala ka pa ding balita kay Doctor Guevarra?" Tanong ni Zandro sa akin ng makipagkita ako sa kanya. Binayaran ko siya ng kalahati sa aking mga utang sa kanya.

"Hinahanap ko pa, magaling magtago amputa" inis na sagot ko dito.

Hindi din ako nagtagal dahil may ibinigay na misyon sa akin ng araw na iyon. Parang naging normal na lang sa akin ang pagpatay dahil sa aking trabaho. Ang iniisip ko na lamang palagi ay masamang tao ang mga iyon kaya naman wala akong dapat ikabahala.

Dumating ang pinakamalaking trahedya sa aming pamilya. Halos magdadalawang buwan ng nawawala si Tadeo dahil sa kanyang misyon. Ilang beses nagpabalik balik si Mommy sa hospital dahil sa breakdowns. Mas lalong nahati ang katawan ko dahil dito. Hindi ko sila basta basta pwedeng iwanan. Lalo na si Sachi.

Gabi gabi itong umiiyak dahil sa pagkawala ng kanyang paboritong kuya. Halos napapabayaan na rin niya ang eskwela dahil sa pagiisip. Gusto ko siyang kausapin, sabihin na nandito lang ako, pero alam kong iba pa din ang presencya ni Tadeo para sa kanya.

"Papasok ka na sa School?" Tanong ko sa kanya isang umaga ng makasalubong ko siya sa hagdanan.

Napayuko ito at tipid na tumango sa akin. "Opo" sagot pa niya.

Bayolente akong napalunok. "Ihahatid na kita" sabi ko pa sa kanya.

Hindi naman na siya nagprotesta pa. Tahimik na lamang siyang sumunod sa akin. Walang umimik sa amin hanggang sa makarating kami sa harap ng kanilang building. Bumaba ako para pagbuksan siya ng pintuan. Pero ganuon na lamang ang gulat ko ng bigla niya akong niyakap.

"Thank you Kuya Piero kasi nandito ka" emosyonal na sabi niya akin. Niyakap niya ako, mahigpit. Yung klase ng higpit na para bang ayaw na din niya akog bitawan.

"May problema ba?" Malambing na tanong ko sa kanya.

Tipid niya akong nginitian at inilingan. "Pwede mo ba akong sunduin mamaya kuya Piero? May importante akong sasabihin sayo..." sabi niya sa akin kaya naman muling nagtatambol ng mabilis ang dibdib ko.

"Sure...hintayin mo ako" sagot ko sa kanya.

Tumingkayad ito para maabot ang aking pisngi para halikan ako. Matapos niyang gawin iyon ay tinitigan ko ang kanyang mga mata. If she choose to love me, bibitawan ko ang lahat.

"See you later" malambing na sabi pa niya sa akin at tangkang aalis na sa aking harapan ng muli kong hinawakan ang kanyang palapulsuhan.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Mabilis ko siyang hinila pabalik sa akin at tsaka siya hinalikan sa kanyang labi. Sandali lamang iyon, pero ramdam ko ang init ng kanyang malambot na labi. Dahil sa gulat ni Sachi ay napahawak siya sa kanyang labi at patakbong pumasok sa kanilang building. Bago pa man siya tuluyang makalayo ay muli niya akong nilingon.

I was still on cloud nine ng kaagad akong makareceive ng tawag mula kay Zandro, nagkaroon sila ng lead kung nasaan nagtatago si Doctor Guevarra. Sa isang apartment sa may malabon ito namamalagi. Mabilis akong nagmeobra para dumiretso sa location na ibinigay nila sa akin.

Masikip ang daan papasok duon kaya naman kinailangan kong iwanan ang aking sasakyan sa may labasan. Nilakad ko at pinasok ang makipot ng daan papasok sa tinutuluyang apart,ent nito. Halos squatter area na ang lugar kaya naman hindi naging madali sa aking hanapin ang mismong lokasyon.

Inisa isa kong hinanap ito at nagbahay bahay. "Yan, nakita ko yan dito sa bandang dulo ata yan nakatira" turo pa sa akin ng isa.

Halos magiisang oras na akong paikot ikot sa compound na iyon. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan na lamang nila ako. Mawawalan na sana ako ng pagasa ng mula sa isang tindahan hindi kalayuan ay natanaw kong bumibili si Doctor Guevarra.

"Guevarra!" Sigaw na tawag ko sa kanya at kaagad na inilabas ang aking baril.

Dahil duon ay nagkagulo maging ang mga tao. Nakita ko ang mabilis na pagtakbo palayo ni Doctor Guevarra. Hinabol ko siya hangga't sa aking makakaya, hindi naging madali para sa akin lalo na't hindi ko naman kabisado ang lugar na iyon.

Hindi ko na alam kung saan kami nagpaikot ikot. Hanggang sa macorner ko siya sa isang dead end. "Putang...napakahirap mo talagang mahuli ha" hinihingal na puna ko sa kanya.

Kaagad niyang binitawan ang supot na may lamang itlog at tuyo. Mabilis na kumalat iyon sa lupa. "Parang awa mo na..." pakiuap niyang muli sa akin.

Napangisi ako. "Tapos na ang awa ko para sayo...hindi ba't binalaan na kitang huwag kang magpapakita sa akin" sita ko sa kanya.

Dahan dahan itong humarap sa akin, ingat na ingat sa kanyang mga galaw dahil sa nakatutok na baril sa kanya.

"Babayaran kita, unti unti kong ibabalik sayo yung kinuha namin sayo" pakiusap pa niya sa akin.

Napakamot ako sa aking batok. "Hindi na kailangan, dadalhin kita sa agrupación sila na ang bahala sayo" sabi ko pa sa kanya.

Mula sa aking likuran ay kinuha ko ang posas, nagpumiglas ito. "Parang awa mo na, ako na lang ang meron sa mga anak ko. Hindi nila kakayanin kung kukuhanin mo ako" pakiusap pa niya sa akin.

Hindi ko siya pinakinggan. Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa pagvivibrate ng cellphone ko. Ilang beses ko iyong naramdaman pero hindi ako nagabala na tingnan iyon. Patuloy ang pakiusap ni Doctor Guevarra sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Nadala ko ito sa sasakyan ng nakaposas.

"Yung anak ko..." umiiyak ng sabi niya sa akin.

Inirapan ko na lamang siya. Wala na akong awa para sa kanya, isa siyang sakit ng ulo sa akin. Tama ng isang beses ko siyang pinagbigyan na makalaya. Aalis na sana kami ng muli kong maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Sa inis ay kinuha ko na iyon.

Nagulat ako ng makita ang madaming missed calls mula kay Sachi. Pero muli itong nagvibrate at lumabas ang pangalan ni kenzo.

"Ano iyon?" Inis na sagot ko sa kanya.

Parang biglang huminto ang pagtibok ng aking puso. Nabato ako, nanghina. Dahan dahan kong nabitawan ang hawak na cellphone at baril.


"Anong...anong" hindi matuloy tuloy na tanong ni Doctor Guevarra sa aking tabi.

"Baba..." utos ko sa kanya pero hindi kaagad siya nakinig.

"Baba sabi!" Galit na sigaw ko.

Nangtuluyang makababa ito ay kaagad kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa hospital na sinabi sa akin ni Kenzo. Sobrang bigat ng dibdib ko, halos hindi na ako makahinga, halos hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko dahil sa pamamanhid.

"Nasaan siya?" Tanong ko kay Kenzo.

Umiiyak ito. "Nasa Morgue..." pumiyok na sagot pa niya sa akin.

Kaagad na naginit ang aking magkabilang mata. "No" matigas na sagot ko sa kanya.

Mariin na lamang na napapikit si Kenzo. Iniwan ko siya duon para ipagpatuloy ang paglakad papunta kay Sachi. Ilang beses akong natumba, napaupo sa sahig dahil sa panghihina. Mula sa dulo ng hallway ay nakita ko sina Mommy at Daddy kasama si Cairo. They we're all crying.

Bago pa man ako makarating ay hindi nakinaya ni Mommy at kaagad na natumba. Mabilis siyang dinala nina Daddy sa emergency room. Inipon ko ang lahat ng lakas ko papasok sa morgue.

Hit by a car, Sachi was dead on arrivial.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha. Nang tuluyang makapasok ay nakita ko na ang katawan niya, nakabalot ng puting kumot. Wala ng buhay.

There is the Love of my life laying peacefully, lifeless.

Hindi ko na napigilang hindi mapagagulgol. Ginamit ang natitirang lakas ay tinakbo ko ang pagitan namin. Niyakap ng mahigpit ang kanyang wala ng buhay na katawan.

"Breathe love...breathe with me" pakiusap ko sa kanya. Sinadyang pinagtapat ang dibdib naming dalawa.

She did not respond. Ikinulong ko ang kanyang pisngi gamit ang aking mga palad. "Don't do this to me Sachi...you are all i have" umiiyak na pagmamakaawa ko.

Paulit ulit ko iyong sinabi sa kanya. Ibinulong ko, isinigaw ko. Ginawa ko lahat para ipamukha sa kanya na siya ang bumubuhay sa akin. Siya ang rason kung bakit gusto ko pang mabuhay, kung bakit pinipilit kong mabuhay.

"May sasabihin ka pa sa akin di ba? Sabi mo hihintayin mo ako!" Paalala ko pa sa kanya. Hindi na siya sumagot, walang reaksyon.

Umiyak ako ng umiyak. Wala na siya, wala na siya pero hindi ji kayang tanggapin. Hindi ko kaya.

Muli kong tiningnan ang mapayapa nitont mukha. No sign of life, she's gone. The love of my life, my life.

"Hindi ko pa nasasabi sayo kung gaano kita kamahal..."

"Mahal kita Sachi...hindi pa ba sapat iyon para mabuhay ka para sa akin?" Umiiyak na pakiusap at pangungunsenya ko sa kanya.

Napatingala ako. "No God please...give me back my life, She is my Life." Pakiusap ko pa at panalangin.

















(Maria_CarCat)





Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.1M 228K 65
His Punishments can kill you