Mende and Madness [Completed]

By shiiryuslii

3.5K 253 184

Follow the journey of Section 1-A as they enter a new school, Mende University of the North. Will they be abl... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
EPILOGUE

CHAPTER 15

75 4 1
By shiiryuslii

Charles

Pumunta lang ako para makipag-kwentuhan, nautusan pa ako. Sumama si Jilliane at Thimoty sa akin para ituro kung saan ako papasok at para may resbak ako.

Agad kaming lumabas ng school para matanggal ang mga necklace namin at pumunta na sa dapat puntahan. Wala talaga akong idea kung anong gagawin ko kapag nakapasok na talaga ako sa lugar na iyon.

Pinalusot nila ako sa isang butas at dahil payat naman ako, agad akong nakapasok at agad ring nagtago sa likod ng basurahan. Sinilip ko kung may mga tao sa paligid at nakita kong may tatlong lalaki ang magkakausap at nakasuot sila ng kulay green na T-shirt at cap.

Agad kong sinuot ang earpiece ko at agad nagsalita.

: Dalhan niyo ako ng green na T-shirt at cap.

Raphael: Saan kami hahanap?

: Problema niyo na iyon.

At hinintay ko na dalhan nila ako at matapos ng ilang minuto, iniabot yun sakin ni Jilliane. Agad akong nagbihis at tumayo kaagad. Nakita kong napansin kaagad ako ng tatlong lalaki at lumapit pa sila sakin.

"Anong ginagawa mo diyan?"tanong ng isang lalaki na may hawak-hawak na bote ng tubig.

"Inaayos lang ang mga basura"sagot ko sa malalim na boses para hindi nila mahalatang bata pa ako. Lumapit ang isa sa akin at inakbayan pa ako.

"Meryenda na tayo, babalik pa tayo sa trabaho"aniya at sumama lang ako sa kanila. Pumasok kami sa loob ng building. Medyo madilim dito at medyo magulo. Para kaming nasa abandonadong lugar.

Nakakapagtaka dahil may nakikita akong mga nurse at doctor na naglalakad. Agad akong sumilip sa bawat kwartong aming madadaanan para silipin kung laman ng isa si Georgiette. Pumasok kami sa kwarto na nasa tabi ng hagdanan pataas.

May mga double deck na kama at mga locker rito. Umupo ang mga kasama ko sa mga kama at ganoon din ang ginawa ko.

"Bago ka lang ba rito?"tanong ng may bigote. Inabot niya sa akin ang isang styro cup na may laman na mainit na kape at tumango ako.

"Anong pangalan mo?"tanong ng isang lalaking nakaupo sa kama ng katabi sa akin. Nag-isip ako ng pangalan na puwedeng gamitin.

"Rodolfo"sagot ko at uminom ng kape. Isang lalaki naman ang pumasok sa kuwarto.

"Tawag na tayo ni Mr. Leigo"aniya at nagsitayuan ang lahat at nagsilabasan. Sumunod lang ako sa kanila.

Umakyat kami hanggang sa third floor at pumasok sa pangalawang kwarto mula sa hagdanan. Pagpasok ay agad kong nakita ang isang babaeng nakahiga at nakatitig sa kisame at isang lalaking nakaupo at may hawak-hawak na papel.

"Anong gagawin?"tanong ng isa samin at napatingin ang lalaki sa amin. Lumapit kami sa kaniya at halos makita ko na ang itsura ng babae.

"May dalawang bagong patay sa Room 17"sambit ng lalaki at tumango ang mga kasama ko at lumabas na.

Agad kaming pumunta sa Room 17. May dalawang kama rito at ang mga nakahiga ay nakataklob ng kumot. Agad naman naming binuhat ang mga ito papunta sa ikalimang palapag ng gusali.

Pinasok silang dalawa sa magkahiwalay na drum at agad nilagyan ng kung anong likido ang mga katawan nila. Agad itong natunaw at ang sunod na ginawa nila ay binuhos nila ang mga natunaw na katawan nila sa isang lagayan at nagsilabasan na kami. Pumasok naman ang isang lalaki na naka-lab coat at umalis na kami.

Pumunta ulit kami kay Mr. Leigo pero wala na siya sa kuwarto kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na silipin ang mukha ng babae at siya nga ang hinahanap ko.

Nakatitig lang siya sa kisame at hindi gumagalaw. Kailangan kong sabihin sa kanila ang mga nakita ko at umalis na rito.

Agad kong hinawakan ang tenga ko pero laking gulat ko ng hindi maramdaman ang earpiece ko.

Where on earth is it?

Tiningnan ko ulit si Georgiette. Kung mailalabas ko man siya rito, wala rin siyang masasabi samin dahil paralisado na ang buo niyang katawan.

Biglang pumasok si Mr. Leigo na may dala-dalang syringe at may laman ito. Agad siyang lumapit kay Georgiette.

"Makakaalis na kayo"aniya at ginawa namin ang sinabi niya. Tumingin ulit ako sa kuwarto at nakitang ininject kay Georgiette ang syringe.

Bumalik ang mga kasama ko sa kwarto habang lumabas naman ako sa building. Walang tao rito sa labas kaya agad na akong pumunta sa butas at lumabas.

Nakatayo pa rin doon si Jilliane at Thimoty.

"Kamusta? Wala kaming narinig sayo this past few minutes"sambit ni Thimoty.

"Nawawala kasi yung earpiece ko" sagot ko at tumango lang sila. Lumakad na kami pabalik sa school at kinuha ulit ang mga necklace namin.

Pumunta ulit kami sa kwarto ni Raphael kung nasaan ang ibang mga kaklase ko. Tiningnan ko ang orasan ko at alas kuwarto na pala ng hapon.

Pagpasok ng kwarto, agad napunta ang lahat ng mga mata nila sa amin.

"Anong nangyari?"tanong ni Zhyrus at umupo ako sa may kama at pinunasan ang pawis ko.

"Nakita ko si Georgiette pero pralisado na ang buong katawan niya tapos may ininject sa kaniyang kung ano"pagkukwento ko.

"Alam mo ba kung anong nangyari sa kaniya pagtapos mainjectionan?" tanong ni Lauren at umiling lang ako.

"Wala sa kahit anong morgue yung katawan ni Anton pati Arthur"ani Claris at nagulat ang lahat. Bigla kong naalala ang dalawang katawang tinunaw kanina.

"Kanina, may dalawang katawan kaming tinunaw pero hindi ko sigurado kung kay Anton at Arthur ba yun"sambit ko at nagtinginan lahat sila.

---

Matapos ang nangyari kahapon, wala ni isa samin ang nagbalak na ikwento iyon sa iba naming mga kaklase dahil baka may makarinig pa at isumbong kami. Wala pa kaming plano na matunaw tulad ng nangyari sa dalawang katawan kahapon.

Nagtest kami sa Law at nakilala na namin ang Math teacher namin na si Miss Miles Franciso at nag-break na.

Pumunta kami sa mala-food court naming canteen at bumili lang ako ng tinapay at tubig. Uupo na sana ako ng biglang nakita si Samantha kasama si Marijoy at Rizha at mukhang nakikipag-away siya sa isa pang grupo na puro babae rin.

Agad kong nilapitan sila Samantha at lumapit din ang iba kong kaklase.

"Anong nangyayari?"pabulong kong tanong kay Marijoy.

"Bigla na lang hinarang ng mga babaeng ito si Samantha"sagot ni Marijoy at tumingin ako sa mga babae. Galing sila ng Section Un, sana naman alam ni Samantha kung sinong kinakalaban niya.

Agad napaurong si Samantha nang itulak siya ng babae. Binuksan ko ang bote ng tubig ko, nang biglang kinuha iyon ni Samantha mula sa akin at binuhos iyon sa babae at may biglang pumito.

Agad lumapit ang 2 babae at 3 lalaki sa amin.

"All of you, go to the student council office."

_______________________________________

Thank you for reading my stories. I hope you enjoy reading this chapter. Please vote and comment for support. Mwuah<3

:)))))










Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 180K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
48.4K 2K 16
Book 2 of the 𝕱𝖎𝖌𝖍𝖙𝖈𝖑𝖚𝖇 series {Duology} 𖤓 𝕾𝖔𝖒𝖊 𝖒𝖊𝖒𝖔𝖗𝖎𝖊𝖘 𝖓𝖊𝖛𝖊𝖗 𝖑𝖊𝖆𝖛𝖊 𝖞𝖔𝖚𝖗 𝖇𝖔𝖓𝖊𝖘. 𝕿𝖍𝖊𝖞 𝖇𝖊𝖈𝖔𝖒𝖊 𝖕𝖆�...
55.2M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
91.8M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...