Holding On With Someday (Hold...

By asyhiea

4.4K 159 65

HOLDING ON TRILOGY (Series 1 of 3) When her life began to collapse, Robbina decided to live her life normally... More

proem
epigraph
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
epilogue
envoi

18

54 2 0
By asyhiea

"After all, hindi naman niya sa'kin ipinaramdam na rebound ako."

It's a long, long year since the last time I ever felt this happy. Sobrang sakit na nga ng panga ko kakangiti. Grabe, nakakamiss palang maging masaya, 'yung out of nowhere may maaalala ka na mapapangiti ka na lang bigla, 'yung pakiramdam mo para ka ng baliw sa sobrang saya mo.

'Yung ganong pakiramdam.

Pwede ko pa rin pala 'yun maramdaman. Pwede pa rin pala akong sumaya.

Though, hindi nawawala 'yung naho-hold back sa'kin na maging masaya, 'yung takot. Takot na isang araw, babawiin din sa'kin ng universe 'yung saya na nararamdaman ko ngayon at papalitan ng sakit at lungkot. Ganon naman talaga ang habit ng universe. Kapag masaya ka, asahan mo na agad na one day, may kapalit na lungkot.

Even if you wanted to live in the moment so much, there's always that fear na huwag. Ang hirap maging masaya sa totoo lang. Bakit kasi parang mas mahaba pa 'yung time period ng kalungkutan kesa sa kasiyahan?

Ang unfair talaga ng buhay.

"Let me carry that for you." Inagaw ni Calli sa'kin 'yung mga dala kong props para sa photo booth ng club namin. Day three na ng foundation week at madaling araw palang, nandito na kami dahil matagal-tagal din kaming magpe-prepare para sa mini fair.

Sa ngayon, papunta kami ngayon sa AVR dahil doon naka-pwesto 'yung booth namin.

"Nasaan na 'yung iba?" tanong ko kay Calli habang naglalakad kami.

"Nag-chat na ako sa group chat, ang sabi nila kakagising lang daw nila," sagot niya.

"Mabuti na lang pala walang nag-uwi sa kanila ng props, kung nagkataon hindi rin natin masisimulan mag-set up dahil wala sila."

"Ang galing mo kasing magbigay ng orders ma'am," Calli laughed.

It's true that I was the one who gave them orders yesterday since karamihan sa amin ay busy kahapon dahil halos senior high 'yung kasamahan namin sa club. Nasa kanila kasi yung isa sa mga huge event which is the literary fair. Though, kahit madalas akong wala sa paggawa ng props namin para sa photo booth, alam ko naman 'yung mga ins and outs ng activity na gagawin namin today.

Ang ayoko kasi talaga sa lahat, 'yung may naiiwan akong responsibility.

"Nga pala, tinatanong ni Tita kung kailan ka babalik dun," sabi ni Calli nang maibaba na niya 'yung mga props sa loob ng AVR.

"Kapag pupunta ka rin dun at free ako," sagot ko. Calli told me na umuuwi lang siya doon kapag walang pasok since meron siyang condo dito na malapit sa university. "I forgot to ask you yesterday, bakit nagwo-work ka sa coffee shop? I mean, ang tagal na natin nag-uusap pero never kong naitanong sa'yo 'yun."

He scratched his nape and looked at me. "Madalas kasi kitang nakikita na dumadaan dun, noon pa."

My eyes grew wider. Noon pa?

"What?"

"Napapansin na kita noong kaka-transfer niyo pa lang ni Grace dito sa PCU, tapos lagi ko kayong nakikita ni Grace na dumadaan dun bago kayo pumasok ng university. Since then, I found you interesting but I didn't push the idea lalo na nung maging close kayo ni Timothy at nalaman ko na gusto ka ni Vaughn," aniya. "I kept my distance from you sa loob ng university pero sa labas? Hindi." Napailing siya.

"I know it may sound that I'm hitting two birds with one rock pero nagtrabaho ako sa coffee shop to see you everyday kahit nililigawan ko nun si Nancy." Napalunok siya at umiwas siya ng tingin sa'kin. "When Nancy was starting to avoid me, I started to chat with you, though you already knew that."

I nodded at him. He's right, he already told me that part, and he made me understand well enough why he did that. After all, hindi naman niya sa'kin ipinaramdam na rebound ako, siguro 'yung ibang tao, oo. Pero kay Calli? Hindi.

"And when Nancy dumped me, I couldn't understand why I somehow felt happy. Like it was a piece of good news until the other day, I woke up thinking of you. 'Yung interest ko para sa'yo, nararamdaman ko pa rin. I mean, who wouldn't find you interesting? You don't wear put any make-up on your face, your freckles that are so attractive for me."

"Nambobola ka na yata e." Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Hindi ako nambobola, isa pa hindi lang naman ako ang nagsasabi niyan. Parang ngayon, you're so humble. There are lots of people out there appraising you things that you have but you never conceit it, I even heard you say that you couldn't see it in yourself. Hindi mo ba nakikita?" I looked at him, nakatingin din siya sa'kin. "You're just so beautiful in your own way, without even realizing in your own self that you are," he said.

"Okay, okay. Sabi mo e," I said in defeat.

"Believe everything I've said," he pleaded. "And for the record, I found the secret recipe of your favorite coffee."

"Ha?" I exclaimed.

"I'll make you one some time, actually no. Kapag naniwala ka na lang sa mga sinabi ko sa'yo," he shrugged at binatukan ko naman siya.

"Umagang-umaga, ang lalandi niyo!" Lumingon kami ni Callixto sa pinto ng AVR at nakita namin si Ryan na pailing-iling na nakatingin sa amin. "Pero mabuti naman ay may nasisimulan na kayong i-set up kahit papano."

Napangiti naman kami kay Ryan, medyo mataas kasi ang posisyon niya sa club kaysa sa amin, at minsan lang kami makarinig ng positive feedback sa kanya kaya napangiti talaga kami. Lumapit siya sa amin at tumulong na siya sa kay Calli sa pagse-set up ng props namin para sa booth habang ako isine-set up ko naman 'yung dslr ko para sa shoot mamaya.

Hindi ko maiwasan pagmasdan si Calli, napaisip tuloy ako na dapat ko na talagang pigilan ang sarili ko na i-doubt 'yung mga sinasabi niya. Hindi niya deserve 'yun kasi palagi naman siyang naniniwala sa'kin. Hindi niya sa'kin ipinaramdam na nagdududa siya sa'kin, kahit mayroon naman talaga dapat ikaduda.

After all, sa aming dalawa. Alam ko kung sino talaga ang sinungaling.

---

"Tama na muna 'yan, pagod ka na yata e," awat sa'kin ni Calli habang inaagaw sa'kin 'yung camera ko. Nang maagaw niya 'yun sa'kin inabutan niya ako ng towel pero mabilis na nagbago ang isip niya at siya na ang nagtanggal ng pawis ko sa mukha ko.

Medyo naiilang ako sa ginagawa ni Calli kaya inagaw ko 'yun sa kanya at ipinagpatuloy ko ang pagtatanggal ng pawis ko hanggang sa leeg ko pero mas nailang yata ako nang mapansin ko na nakatitig sa'kin si Calli.

"Calli, baka naman matunaw si Bobbie niyan," biro ni Sarah nang mapansin niya rin ang pagtitig sa'kin ni Calli. Sinundan pa 'yun ng iba pa naming kasama sa AVR at hiyang-hiya na ako dahil pakiramdam ko ang pula na ng mukha ko.

Napailing na lang ako at ibinato pabalik kay Calli 'yung towel na inabot niya sa'kin, napatama 'yun sa mukha niya, at nakita ko ang pagngiti niya habang umiiling siya.

Gustong-gusto niya ba akong nakikita na namumula sa kahihiyan?

Sobra na siya ah!

Lumabas muna ako saglit sa AVR, pumunta ako sa rails na nasa tapat lang ng AVR. Sumandal ako doon at nakita ko ang paglabas ni Calli sa AVR.

"Bakit ka lumabas?" tanong niya sa'kin at sumandal din siya sa tabi ko.

"I'm... really not comfortable with everyone's attention on me, on us." I looked at him, tumingin din siya sa'kin. "Siguro naninibago lang ako."

"I'm sorry," aniya.

"It's okay, I'm just really not used to it," I sighed, napatungo ako.

"Naiintindihan ko." He caressed my face at nakatingin kami ngayon sa isa't isa. Our face was still far from each other's face but my heart is beating wildly already. How can he make me feel this much? Sobra na talaga siya!

He then tucked the strands of my hair behind my ear, hanggang sa naramdaman ko nanaman 'yung halik niya sa noo ko.

"Kain muna tayo?" he asked. Medyo gutom na rin ako kaya agad akong umoo sa kanya.

Naglalakad na kami sa hallway nang harangin kami ni Nancy, kay Calli lang siya nakatingin na para bang wala ako dito, kasama ni Calli.

"Finally!" aniya. "Callixto, favor naman oh. Nagkaroon kasi ng problem sa booth ng cheering squad and I was really looking for you kasi ikaw lang 'yung kilala ko na may alam sa electronics. Pwede ka bang pumunta dun?"

"Sige," sagot naman ni Calli.

Tumingin siya sa'kin and I just nodded at him. "Go, puntahan ko na lang muna si Grace."

And just like that, he followed Nancy.

Nang hindi ko na sila makita, bumalik na lang ako sa AVR, trying hard as I can to erase the negativeness that are running through my mind right now pero mukhang nagfe-fail ako dahil ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko, inis na inis pa rin ako sa fact na pumayag agad si Calli sa favor ni Nancy.

Though alam ko naman na he'll just help Nancy with their booth and nothing else. I couldn't erase the fact that he immediately said yes to her and followed her as if he's always ready to save her.

Shit, nagseselos ba ako?

Kinuha ko 'yung phone ko sa bag ko at tinawagan si Grace, it already rang three times at hindi pa rin siya sumasagot. I almost gave up on calling her nang sagutin niya 'yung ikaapat kong tawag.

"Hey, what's wrong?" she asked and I can clearly hear na abala siya sa pag-uutos sa mga kasamahan niya. Why did I even call her knowing that she's much busier than me?

"Nothing, sinubukan ko lang na tawagan ka," I said. I know it's a lame excuse. Sometimes, I'm really not that good at lying.

"Nothing ka diyan, sa tono pa lang ng pagsasalita mo alam ko na agad na there's something wrong and I also know na nakasimangot ka diyan. So really, what is it?" she asked.

"Calli's with Nancy," malungkot kong sinabi.

"Let me guess, you're wondering what they are doing or if Nancy's trying to get him back to her, and slash or you are damn jealous right now?"

Napailing ako, Grace really knew me well. I let out a sigh. "Am I?" I asked her.

"Well, I'm not you Bobbie. I only know some things—"

"Correction. Most things," I corrected her.

"Okay, okay. Most things that are bothering your mind in different cases but I'm not confirming it otherwise. Nasa sa'yo pa rin 'yun kung tama ba ako ng hinala o mali."

"Whether I confirm it or not, you are mostly correct in your assumptions about my mind," I stated.

"Whatever Bobbie, just... take it easy. Si Nancy lang 'yun and who owns Callixto Henderson? It's you. No one else, so I guess you don't really have to worry about her," she blurted out.

"I know." I shook my head kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Go back to work Grace, thanks for answering my call," I laughed.

"You're not a good liar, but try me next time," she giggled. "See you at home, mauna ka ng umuwi kasi gagabihin ako," dagdag niya.

"Okay, see you!" I ended the call at napasandal naman ako sa dingding habang tinititigan 'yung polaroid na nilagay ko sa likod ng phone ko.

It was my first picture with Calli when he went to the house para sabihin kay Tita Rachel na liligawan niya ako. Napangiti ako.

I really love his smile here and the way he looks at me in this photograph and then, I remembered how happy I am lately. Agad nabawi 'yung ngiti ko. Should I stop myself from being happy? Kasi natatakot na agad ako sa magiging kapalit.

Natatakot na agad ako kung ano nanamang kalungkutan ang ipapalit nito sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
606K 13.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
528K 14.3K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...