Committed to Love You [Part 1]

By theashtone

475K 17.7K 550

Keith and Grey were the best of friends nung mga bata palang sila. But Grey suddenly left the Philippines to... More

Prologue
Stubborn as a Pimple
Keith Ivan Kun
A Glimpse of the Past
A Big NO
Insecure
Childhood Memories
Weak
Promise? Promise.
Unexpressed
Broken and Defeated
I'll Be There
Show-off
Da Moves
Effort
"I'm trying!"
Muntikan Na
Love Square?
Prejudiced
Bittersweet
Smile
Medyo Awkward
#SelosKills
Truth or Consequence
Past and Present
palusot.com
Loner Or Nagpapaka-loner?
Sorry
Keith's Three Laws of Courtship
Ninja!!!
Double-Date
Takas
Seventeen
Painkiller
Puzzle
From the Beginning
Balak
Questions
Broken Once Again
Fallen
Sampal
Systolic Heart Failure
Realization
Acceptance
Epilogue: Come Back to Me

Simbang Madaling-araw

10.1K 376 2
By theashtone

Simbang Madaling-araw

"Wala nga ako sa mood sumama!" Sabi ko naman sabay takip ulit ng kumot sa katawan ko.

"Bubuhusan kita ng tubig pag di ka sumunod," sabi sakin ni Grey.

"Eh di gawin mo," sagot ko.

"Sumama ka na nga!" Sabi niya sabay hawak sa paa ko sabay kaladkad sakin. Binitawan niya lang ako nung bumagsak na ako sa sahig.

"Gising ka na?" Tanong sakin ni Grey.

Inirapan ko lang siya sabay pulot ng tuwalya sa cabinet ko. Pagtingin ko sa relo eh alas-tres pa lang pala ng umaga.

"Four ang misa. Sasama si Mama and ang parents mo, they'll be here any moment kaya maligo ka na," sabi niya.

Hindi ako sumagot. Dumiretso na lang ako sa CR at pabalibag kong sinara yung pinto.

"And let me remind you to be nice with your parents," tawag ni Grey mula sa kabilang side ng pinto.

Pumikit ako at nagkuyom ng kamay. "PWEDE BA GREY!? KAKASIMULA PA LANG NGA NG ARAW KO SINIRA MO NA AGAD. PWEDENG WAG MO NANG DAGDAGAN ANG INIS KO SAYO?!" Sigaw ko naman.

Hindi na siya sumagot. Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng pintong isinasara.

"Bwisit," bulong ko habang nagpapalit na ako ng damit.

"Keith-"

"Di'ba sabi ko sa'yo-" Pero natigilan ako pagkaharap ko. Si Tita Jessica pala.

"Ay pasensya na po. Masama lang po gising ko. Ano po yun?" Tanong ko.

"Nakahanda na yung breakfast. Nandiyan na rin ang parents mo," sabi niya.

"Sige po. Susunod na lang po ako," sagot ko naman.

Napaluhod na lang ako sa sahig. Argh.. Magpapacheck up na ako. Ang bilis tumaas ng inis ko. Huminga ako ng malalim.

Pagkababa ko sa kitchen eh naabutan ko sina Mommy at Daddy dun. Lahat sila eh nakaupo na at kumakain ng breakfast.

"Kain na anak," sabi sakin ni Mommy.

Natigilan ako. May bakanteng upuan sa pagitan nina Mommy at Daddy. May bakante ring upuan sa pagitan nina Tita Jessica at kay Grey. At wala akong gustong tabihan ni isa kina Grey or sa parents ko.

"Upo na Keith," sabi ni Grey na di tumitingin sakin.

Medyo stiff ang boses niya kaya napatitig ako sa kanya ng ilang segundo.

Umupo na lang ako sa gitna nina Grey at Tita Jessica.

"We're planning to have a vacation, maybe out of the country. Matagal-tagal na rin nating di nabibisita si Tita Jena mo," sabi ni Dad.

Tumitig lang ako sa kanya.

"Sasama ang Mommy mo," dagdag ni Daddy.

"Ayoko sumama," sagot ko naman.

"Keith-"

"Madali ako magkasakit sa biglaang palit ng weather. Winter ngayon sa Japan," sagot ko naman.

"Keith, just please-"

"At ayokong sumama kung wala man lang akong mapapala kundi pagtatalo niyo," sagot ko sabay tayo.

"Keith-" simula ni Grey pero di ko na siya pinatapos pa.

"Lalabas lang ako," sabi ko.

Pumikit ako at nagkuyom ng palad. Halos dalawang oras pa lang na nakakasimula ang araw ko sira na agad.

"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na maging nice ka naman sa parents mo. I don't want to tell you this pero masyado ka nang bastos," matigas na sabi ni Grey.

"Ayoko makipag-away Grey," sagot ko at dumistansya ako sa kanya.

Pero pinigilan niya ako.

"Kinakausap pa kita Keith!" Sabi niya.

"Bitawan mo ko dahil ayaw kong makipag-usap sayo!" Sabi ko at tinabig ko yung kamay niya.

Pero bigla niya akong hinaklit at isinandal sa pader. Tinakpan niya ng kamay niya yung bibig ko.

"Dahil ayaw mong makinig pupwersahin na kita. Please lang Keith be nice naman sa nakakatanda sayo at sa ibang tao. Hindi yung namimili ka lang kung sino ang rerespetuhin mo," sabi niya na halos dikit na sa mukha ko.

Bumwelo ako at itinulak ko siya palayo.

"You think na mababalik mo pa yung dating Keith? Aasa ka lang Grey dahil hinding-hindi na mangyayari yun!" Sagot ko naman.

"Wag kang magsasalita ng patapos Keith. Mahirap yan," sabi niya.

"Well kaya kong magsalita ng patapos. Dahil pag sinabi ko, sinabi ko. Hindi na yun magbabago!" Sagot ko naman.

"You know what. Never mo ako marerepel. Kasi the more na tinataboy mo ako, the more na nacha-challenge ako na ibalik yung dating Keith na nakilala ko. Opposite attracts," sagot niya na nakangiti.

Pumulot ako ng isang tsinelas at binato ko yun sa kanya.

"Shut up Jian Grey Iseri! Dahil para sakin opposite repels!" Sagot ko.

"Okay fine. If you say so, tara na sa kotse. Tayong tatlo ni Mama sa isang kotse. Unless na gusto mo sumama sa parents mo," sabi niya.

"Of course ayaw kong sumama sa kanila!" Sabi ko at kinwelyuhan ko siya sabay kaladkad sa kanya palabas ng bahay nila.

"Nga pala. Sabi sakin ni Mama, your parents are trying to get back their relationship. They are trying to you know, find out if magwo-work pa rin ba ang relasyon nila," sabi ni Grey.

"Wala akong pake," sagot ko.

"Kaya sana makipag-cooperate ka. Ikaw ang malaking asset para magkabalikan sila," sabi niya.

For a few seconds eh biglang nagflash sa isip ko ang image ng kumpletong pamilya namin. Magiging masaya na ulit yung family namin, yung bahay, may mag-aalaga at mag-aasikaso na rin sakin sa wakas.

"T-talaga?" Tanong ko bago ko pa napigilan ang sarili ko.

Napako ang mata sakin ni Grey. Pinadaanan niya ng tingin yung expression ng mukha ko. Pero agad ko namang binalik sa pagka-poker face ang mukha ko nung narealize kong nakatitig siya sakin.

"Uhm.. Nevermind. Bahala sila," salo ko naman agad bago ako nag-iwas ng tingin.

•••

Grey's P.O.V.

Nasa simbahan na kami at nakikinig na ng misa pero di pa rin mawala sa isip ko yung reaksyon kanina ni Keith sa sinabi ko.

Ilang taon ko rin kasing hindi nakita ang ganung expression niya. Yung akala mong bata na sinabihan mong iti-treat ng ice cream.

At kanina ko lang nakita na biglang umaliwalas ang mukha niya. Akala ko pa nga ngingiti siya.

Pero yun nga, di rin naman nagtagal at bumalik na yung sampalok-flavored niyang aura.

Alam ko na never siyang nagbago ng tuluyan. I can sense na may konting "dating Keith" pang natitira sa kanya. At dun sa konting yun ko sisimulan ang pagpapabalik sa kanya sa dati niyang aura at trato sakin.

Naramdaman ko na lang ang something na mainit sa palad ko. Paglingon ko si Keith pala, inaabutan ako ng bibingka at puto bumbong.

"Hayan. Para sa'yo," sabi niya habang iniaabot sakin yung dala niya.

"Oh? Thanks. Wala tong lason?" Gulat kong tanong.

"Bigay mo ulit sakin, lalagyan ko," sagot niya naman.

Ngumiti lang ako.

"Pera mo ba ginamit mo dito?" Tanong ko pa.

"Ninakaw ko actually yan," sagot naman niya.

Tapos na yung misa at nandito na kami sa labas para kumain ng mga kakanin. Himala nga at nag-abot sakin ng makakain si Keith.

"Thoughtful ka pa naman pala," sabi ko pa.

"Di naman ako halimaw na gaya ng inaakala mo," sabi niya.

"Di'ba nung bata pa tayo-"

"Shut up," sabi naman niya agad. Napatitig lang ako sa kanya.

"Keith."

"Ano?"

"Request ko na to sa'yo pwede?"

"Alin?" Tanong niya.

"Na kahit alam kong nahihirapan ka, please cooperate naman para mabalik sa dati ang family niyo. Just please help, kahit konti lang," sabi ko naman.

Tumitig siya sakin. Kilala ko na ang ganito niyang mga gesture. Pag tinitigan ka niya ng matagal eh tinatantiya niyan ang sincerity mo o kaya naman tinitimbang ang sinasabi mo.

"Please?"

Huminga siya ng malalim.

"Okay fine. But pag nag-away sila wala na akong magagawa," sabi niya.

"Thanks!" Sabi ko naman.

"So, sasama ka na sa kanila sa Japan?" Tanong ko pa.

"Pinag-iisipan ko pa. Hindi ako nagsisinungaling sa sinabi ko na mabilis ako magkasakit sa biglaang palit ng weather," sabi niya.

"Yeah I know. Pero yun yung first step para magka-ayos ang parents mo okay?" Sabi ko.

Tumango lang siya.

"Thanks," sabi ko naman and I smiled at him.

•••

Sorry po talaga sa ilang araw na walang updates. Masyado po kasing busy. Sorry! And ito na po muna ang last update for the year. Next year naman po ang balik ko.

Pero I'll make sure na makakalahati ko na ang story sa pagbalik ko sa January guys.

Lovelots! Merry Christmas and Happy 2015!!!

Continue Reading

You'll Also Like

644K 18.3K 40
Paano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx
129K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
12.6K 759 41
Mavey who scared to fall in love again. Pero sa hindi inaasang pagkakataon ay nahulog ang loob nya sa taong nakatakdang ipakasal sa kaybigan nya kay...